Fil8-Q3w3 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 8

Paaralan DALAMA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 8


Guro RAQUEL D. PEREZ Asignatura Filipino 8
Petsa/Oras February 13, 2024 Markahan Ikatlong Markahan
IKATLONG LINGGO
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at
PANGNILALAMAN pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang
uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang
kulturang Pilipino.
B. PAMANTAYAN SA Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, gamit ang teknolohiya
PAGGANAP at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki
ang kulturang Pilipino.
C. PAMANTAYN SA Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik.
PAGKATUTO F8PS lIla-c-30
I - LAYUNIN 1. Nakasusuri at nakakikilala ng mga pamamaraan ng paglikom ng mga datos
sa pagsasagawa ng isang pananaliksik;
2. Naipaliwanang ang mga paraan sa paglalahad ng mga datos
3. Nakabubuo ng sariling pagtitimbang-timbang sa kahalagahan ng paglikom
ng mga datos bilang bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik..

II - NILALAMAN ” PAG-UULAT NG MGA DATOS”


A. Paksa
B. Sanggunian FILIPINO 8
C. Mga kagamitan Laptop, Television

III - PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat para sa ating Jade: Iyuko ang mga ulo at sabay nating bigkasin, Ama
panalangin na pangungunahan ni Jade. namin. . . AMEN.

2. Pagtawag ng Pangalan Mag-aaral: Wala po, Maam.


Sino ang liban sa klase?

3. Kasunduan
Bago po natin simulan ang ating talakayan ngayong
umaga nais ko munang linawin sa inyo ang ating mga
kasunduan
Sino ang makapagbibigay? (tumaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Jude Rey. Jude Rey: itaas ang kamay kung abuti magtanong at sumagot

(tumaas ng kamay si Jashmine)


Magaling, ano pa? Jashmine: Makilahok sa bawat atas
Jashmine.
(tumaas ng kamay si kim)
Tumpak, mayroon pa bang maidagdag? Kim: Makinig ng mabuti.
Kim.
Mag-aaral: wala na po, ma’am.
Tama, mayroon pa ba?
Mabuti!

A. SIKAP :(read aloud)


- The story about “The Donkey who is really
Sorry”

B. Balik-aral
Tanong:
1.Ano ang Kahalagahan ng Multimedia? Jake: Ang multimedia ay nilalaman na gumagamit ng isang
Yes, Jake? kumbinasyon ng ibat-ibang form ng nilalaman tulad ng teksto,
Tumpak! audio, mga larawan.
2.Ano nga ba ang Kahalagahan ng multimedia?
Yes, Jane?
Jane: Ang kahalagahan nito ay makapagpadala ng
impormasyon sa mga tao.
Magaling!

C. Pagganyak
Gawain 1: Nakikilala mo Ba?
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay
ang hinihinging kasagutan batay sa mga gabay na
tanong.

1.SOTAD (Babasahin ng mag-aaral)


Ito ay batayan at sanggunian sa pananaliksik.

Yes, Mike?
Magaling!
Mike :DATOS

2. EPI APHGR
Ang kabuoang hinati-hati ay maaaring katawanin ng
isang simpleng bilog o di kaya ng multidimensyonal
na bilog na kahawig ng isang pie.
Yes, Mae?
Tumpak!
Mae: PIE GRAPH

3. ULARTAB
inaayos nang sistematiko, bawat numerikal na datos
ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng
isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon
sa isang tiyak, at nauunawang anyo.
Yes, Mitch? Mitch: TABULAR
Tama!
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin:

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng Datos ? Leah: Ang datos ay batayan at sanggunian sa isang
Yes, Leah? pananaliksik na isang makaagham at sistematikong paraan
ng pangangalap ng datos.
Magaling!
Kier: mahalaga ang pananaliksik dahil ito ang dahilan kung
2. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik? bakit mayroon tayong mga bagay-bagay na nagpapaginhawa
Yes, Kier? sa ating buhay ngayon. Ang mga simpleng imbensyon katulad
ng ating ilaw, telebisyon, at mga sasakyan, ay produkto ng
Magaling! pananaliksik.

Bigyan natin sila ng barangay clap!

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng kasanayan #1

( Malayang Talakayan)

 PAG-UULAT NG MGA DATOS


 Sa pag-uulat ng mga datos, kinakailangan ang
paggawa ng isang presentasyon. Sa pananaliksik,
ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng
pagoorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensyal,
at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa
isinasagawang pag-aaral at interpretasyon.
Narito ang ang mga paraan sa paglalahad ng mga datos
batay kay Balauan (2021):

1. Tekstuwal na Presentasyon
 Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan
ang mga datos. Layunin nitong maipokus ang (BABASAHIN NG MAG-AARAL)
antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang
magsilbing suplement ng presentasyong tabular at
grapikal. Kailangan nitong taglayin ang mga sumusunod na
katangian:
a. Kaisahan o pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng
talata
b. Kohirens o pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa
loob ng talataan
c. Empasis o pagbibigay ng angkop at sapat na diin
sa datos.
Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga
sumusunod na katangian:
a. Malinaw
b. Tuwiran
c. Maikli
d. Wasto ang balarila at gramatika
e. Lohikal

2. Tabular na Presentasyon
 Ginagamit ang isang istatistikal na talahanayan. Ang
mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang
sistematiko, bawat numerikal na datos ay itinatala sa
ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay
upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang
tiyak, at nauunawang anyo.

3. Bilog na grap (circle o pie graph)


 Upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o
dibisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o praksyon
ng isang kabuuan. Ang kabuoang hinati-hati ay
maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di
kaya ng multidimensyonal na bilog na kahawig ng
isang pie.

Huling Tagubilin:
• Kailangang sikaping maging malinaw at
akyureyt ang presentasyon ng mga datos na
nakalap.
• Kailangang maging konsistent ang mga datos
na inilalahad sa teksto at sa talahanayan o grap.
• Kailangang gamitin ang kumbinasyon ng
presentasyon sa pangangalap ng datos.
F. Paglinang sa kabihasaan

Pangkatang Gawin: Gawin MO!


Possibleng Sagot:
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang datos na inilahad
sa ibaba at sagutin ang mga gabay na tanong.

(Answers may vary)

G. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay

Gawain: Ipaliwanag Mo!


Mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang datos na nakalap? Mike : Bagyong Lucas
Yes, Mike?
Magaling!

2. Paano inilahad ang datos na nakalap? Kar: Tekstuwal na Presentasyon


Yes, Kar?
Tumpak!

3. Bakit kailangang malinaw at maayos ang Dan: Para lumabas at mailahad ang tunay na impormasyong
pagkakalahad ng datos? nakalap sa paghahanap ng datos.
Yes, Dan?
Magaling!

4. Para sa iyo, ano ang pinakamadaling paraan ng


paglalahad ng datos na nakalap? James: Para po sa akin Tabular na Presentasyon
Yes, James? Ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang
Magaling! sistematiko, bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng
isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang
ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, at nauunawang anyo

H. Paglalahat ng Aralin
1. Para sa iyo, gaano kahalaga ang paglikom ng datos
bilang bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik?
Yes, Kar? Kar: Sobrang mahalaga dahil may mapapatunayan ka tungkol
Tumpak! sa iyong ginagawa at mas lalo itong magiging maganda dahil
sa datos na meron ka.

2. Sa palagay mo, bakit kailangang maingat na


maitala ang lahat ng datos na nakalap?
Yes, Mike? Mike: Mahalaga na ilagay ang lahat na nakalap na
Magaling! datos upang maintindihan ng lahat ang iyong impormasyon at
dapat rin na ito ay tama upang hindi ito nakakasira sa iba
I. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Basahin at isulat ang tamang sagot.
1. Paano isagawa ang pangangalap ng opinyon
at katwiran ng ibang tao?
A. pagtatanong B. brainstorming
C. pagsulat ng dyornal D. emersiyon
2. Kailan maituturing ang impormasyong nakalap
bilang nakasulat na datos?
A. kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan
ito sa pinagaaralang paksa.
B. kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito.
C. kung parehong may A at B

3. Ang tawag sa mismong pagtungo sa pook ng


pinag-aaralang paksa ay ___.
A. pananaliksik sa larangan
B. pananaliksik sa laboratoryo
C. pangangalap ng datos

4. Ang tawag sa makaagham at sistematikong paraan


ng pangangalap ng datos ay ___.
A. interbyu B. datos Sagot:
C. pananaliksik D. proseso
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa 1. B
ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa 2. B
larangan ng agham pangkalikasan? 3. A
A. pananaliksik sa larangan 4. C
B. pananaliksik sa laboratory 5. B
C. pananaliksik sa aklatan

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Inihanda ni:

RAQUEL D. PEREZ
Teacher

Iniwasto Ni:
ELI G. BAJAO
Filipino Coordinator

Binigyang pansin:
HAIJIN S. SADDAE
School Head

You might also like