Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo Finalized Script COMPLETED
El Filibusterismo Finalized Script COMPLETED
El Filibusterismo Finalized Script COMPLETED
● Don Custodio
● Simuon
● Padre Salvi
● Padre Sibyla
● Padre Camorra
b) Extras
● Kapitan ng Bapor
● Kapitan Basilio
● Elias
II. SCRIPT
(Gun fires)
(Switches shirts)
(Continue running)
Guwardiya Sibil 1: Nasaan nag-suot ang mga yun! Bilisan niyo, ang babagal!
Guwardiya Sibil 1: Mga tanga! Huwag niyo silang hayaan maka takas!
(tinawag ng guwardiya sibil ang pangalan ni Ibarra sa pag-aakalang siya ang binaril)
*End of flashback*
Kenth:
Ituring ang iyong sariling tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Mars:
Kampanang yayanig sa bawat nilalang
Magigising ang lupang kulang sa dilig
Ikaw ang magsasabing,
Boys:
Isigaw mo sa hangin, tumindig at magsilbing
Girls:
Liwanag, Liwanag sa Dilim
(Music fades)
Narration: Isang umaga noong Disyembre, tumulak sa lalawigan ng Laguna ang malaki at bilog
na hugis na bangkang Bapor Tabo. Dahil sa laki nito, para itong naghahari sa mga tubig na
dinaanan nito ngunit nagresulta din ito sa napakabagal na ugsad ng Bapor.
Donya Victorina: ¡Dios mío, qué calor hace hoy! Ang babagal at ang kukupad! Parang ilang
siglo na tayong naglalayag sa sobrang bagal. Wala na bang ikabibilis itong Bapor? ‘Ramdam ko
na ang pawis na namumuo sa noo ko!
Donya Victorina: Oh Jusko! Mga walang silbing mga Indio! Ang tatamad! Usad pagong! Kung
sana’y mawala sila rito sa Pilipinas, oh kung kaya’t sa buong daigdig, marahil ay mas bibilis ang
paglayag ng Bapor na’to! Malas!
(Don Custodio, Simuon, Padre Sibyla, Padre Salvi, and Padre Camorra enter)
Don Custodio: Oh por favor, Donya Victorina. Huminahon ka at baka matunaw ang mga
makukulay na koloretes sainyong mukha, hindi na kataka-taka na nagtatago na naman ang iyong
asawa.
Simuon: Donya Victorina, huwag mo masyadong pakuluin ang inyong dugo sapagkat ang
solusyon sa suliraning ito ay napaka dali lamang. Sa katunayan, hindi ko alam kung bakit wala
pang nagmungkahi sa ideyang ito.
Simuon: Simple lamang ang aking mungkahi. Gumawa sana ng isang kanal na papasukan ng ilog
hanggang sa paglabas at pararaanin sa Maynila. Lilikha ito ng bagong ilog sa pamamagitan ng
paggawa ng kanal at sarhan na ang dating Ilog Pasig. Sa ganitong paraan, ay mas iikli ang oras ng
ating paglalakbay at hindi masayang ang mga karatig na lupa.
Padre Sibyla: Oo nga ano? Tiyak na mas mabilis tayong makapaglalakbay sa mga karatig na
bayan.
Don Custodio: Simple? Paumanhin kung ako’y tututol sainyong mungkahi, ngunit saan ba natin
pupulutin ang salaping pambayad sa mga manggagawa?
Simuon: Sino namang nagsabing pasasahurin ang mga manggagawa? Isa pa’y sapilitang
pagtatrabahuhin ang mga bilanggo, bihag, matatanda at mga binata at batang lalaki.
Don Custodio: Oh Simuon, huwag ka’ng magbigay ng kahit isang katiting na tiwala diyan sa
mga walang kwentang mga Indio, sapagkat ay makikita nila ito bilang isang hudyat para
maghimagsik.
Simuon: Hudyat para maghimagsik? Paumanhin sa rin iyo, Don Custodio, ngunit naghimagsik
ba ang mga taga – Ehipto nang buuin nila ang piramide? Eh ang mga bilanggong Hudyo laban
kay Tito, sila ba ay nag – alsa? Hindi ko inakalang ang isang edukadong tao na katulad ninyo ay
ganito pala kahina pagdating sa kasaysayan.
Don Custodio: Hindi naman iyan ang tinutukoy ko, Simuon, Baga man ay nagawa ng mga
Ehipto ang mga piramide, hindi naman sila ang makakaharap mo. Sapagkat ang mga
maduduming Indio na may masamang balak ang pinagkakatiwalaan mo.
Simuon: Don Custodio, malayo na ang panahong iyong tinutukoy. Ang Pilipinas ngayon ay iba
na sa Pilipinas noon. Paniguradong hindi na sila maghihimagsik kahit pa bigyan sila ng maraming
trabaho o patawan ng malaking buwis.
Simuon: Wala ng kung anu – ano pa. Ang nasabi ay nasabi na! At kayo Padre Sibyla, huwag na
ninyong subukang magsalita ng mga kabalbalan. Ano naman ang kabuluhan ninyong mga prayle
kung ang bayan ay maghihimagsik?
(umalis)
Don Custodio: Tsk! Sigurado ako na ang kanyang mungkahi ay magdudulot lamang sa atin ng
higit na pinsala kaysa sa mabuti. Sino ba’ng nasa tamang pag-iisip ang magtitiwala sa mga Indio?
Ben Zayb: Kung sabagay, ikaw naman Don Custodio, ano naman ang iyong panukala?
Don Custodio: Ako? Kung sa tutuusin ay mas mainam pa ang aking mungkahi. Nais kong pag –
alagain ng pato ang mga taong nananahan malapit sa ilog. Ang mga itik ay kakain ng suso
kasama ang mga buhangin sa ilalim ng lawa na kung makukuha ay mas mapapalalim pa ang tubig
at mas mapabubuti ang takbo ng bapor.
Donya Victorina: Asquerosa! Kung maraming mag – aalaga ng pato ay tiyak na dadami na rin
ang balot! Pwe! Nakapandidiri!
*Next chapter*
(Engine noises)
(Intensified chatter)
Basilio: Ang init-init naman dito! Sobrang sikip at hindi ako makagalaw.
Isagani: Oo nga, sa sobrang lapit natin ay naghahalu- halo ang mga amoy
Kapitan Basilio: Ikaw ba yan, Basilio? Oh, ikaw nga! Kamusta kana, iho? Ano na ang balita kay
Kapitan Tiyago?
Basilio: Oh Kapitan, magandang araw ho sainyo! Mabuti naman ang kalagayan ko, ito at
pinagpapatuloy ko ang pag-aaral ko ng medisina.
Basilio: Mabuti rin ang kalagayan ni Kapitan Tiyago, ngunit ayaw niyang pumayag na siya’y
alaagan pa! Sa katunayan nga ho eh, pinatungo ako sa San Diego sa udyok ng ilang araw upang
dalawin ang bahay roon. Pero ang totoo, gusto lamang niyang humithit ng opyo!
Kapitan Basilio: Napaka perwesyo talaga ng opyo na yan! Noong araw, ang mga nuno ay
gumagamit ng opyo ngunit hindi kailanman inabuso ito, para lamang sa mga layuning
panggamot. Maiba naman tayo iho, kamusta na ang inyong balak na ipatayo ang Akademya sa
Wikang Kastila? Sa aking palagay ay hindi niyo ito maisasakatuparan.
Kapitan Basilio: Eh yung ibang mga prayle? Si Padre Sibyla? Alam mo naman ang pang-uugali
niya
Isagani: Ano naman ho kung siya ay sasalungat? Nakasalalay pa rin sa Kapitan Heneral ng Los
Baños ang huling desisyon. Walang magagawa si Padre Sibyla kung sasang-ayon ang Kapitan
Heneral.
Kapitan Basilio: At kung sakaling pinahintulutan ng Kapitan Heneral ang pagpapatayo ng
Akademya, saan naman kayo kukuha ng salaping gugulin?
Kapitan Basilio: Kung sa bagay, hindi man natin napag – aaralan ang Latin ay mapag – aaralan
naman ang wikang Kastila. Sa pamamagitan nito, malalaman ng buong mundo na tayo’y
lumalakad ng paurong
(aalis)
Isagani: Hays! Kapitan Basilio nga naman, puro pamimintas at negatibo ang lumalabas sa
kanyang bibig!
Basilio: Pagbigyan mo na, medyo may kaedaran na rin… Uhm.. Oo nga pala. Ano ang opinyon
ng iyong amain sa namamagitan sainyo ni Paulita?
Basilio: Oh! Bakit naman napaka-pula ng iyong mga pisnge? Iba talaga ang nagagawa ng pag-
ibig
Isagani: Gaya ng sabi ko, siya ay perpekto at ginawa ng mga diyos para sakin… Ngunit..
Isagani: Yung tiyahin niyang ubod ng sungit at poot! Akala mo naman aping api siya!
Palibhasa’y matanda na. Kung anong ikinakulay ng mukha, ay siyang ikinaitim ng ugali!
Isagani: At alam mo ba? Ipinapahanap niya pa sa akin ang tumakas niyang asawa? Kung hindi
lang dahil sa iniirog ko ay hindi ko na sana pinatulan! Basta para kay Paulita kahit sino pa yan,
titiisin ko para lang sakanya.
Simuon: At bakit naman lubhang masaya ang mga binatang ito? (enters)
Simuon: Mabuti naman Basilio. Mabuting – mabuti. Teka sino ba itong makisig na kaibigan mo
at ngayon ko lamang siya nakita?
Basilio: Ah, Senor, ito pala ang kaibigan ko’ng si Isagani, isa po siyang magaling na makata at
nag-aaral ngayon sa Ateneo. Hindi ka po ba nakadalo sa kanilang bayan?
Simuon: Bata ka pa talaga, Basilio. Bawat segundo ay mahalaga. Ayoko lamang sayangin ang
bawat segundo ng aking buhay sa isang bayang ang mga tao ay walang kakayahang bumili ng
mga alahas.
Isagani: Mawalang-galang na ho Semor, ngunit bawat segundo nga ay mahalaga subalit bawat
sentimo rin ay lubhang kapaki-pakinabang. Bakit ho naming sasayangin ang aming mga salapi sa
mga alahas na hindi naman naming kailangan? Hindi naman kami mapapakain niyan.
Simoun: Bakit naman hindi? Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom raw ng maraming tubig ay
sanhi ng kahinaan ng mga tao sa Pilipinas.
Basilio: Sabihin niyo ho kay Padre Camorra na huwag puro alak ang kanyang inumin upang
hindi siya maging sanhi ng mga alimuom.
Isagani: Sabihin niyo rin sa kaniya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay ng apoy.
Ito’y nag-aalab kapag umiinit at kapag ito’y namuhi at nagiging karagatang minsan ng lumunod
at nagpayanig sa daigdig.
Simoun: Kamangha – mangha! Hindi nga nagkamali si Basilio na ikaw ay magaling na makata
(umalis)
Basilio: Sa katunayan Isagani, ang taong nakausap at nakipagdebate sa atin ay tinatawag nilang
Kardinal Moreno!
Basilio: Kardinal Moreno o ang kamahal – mahalang itim. Ito ang taguri sa kanya sapagkat siya
ang tagapayo ng Kapitan-Heneral kung kaya’t huwag mo’ng ipahalata ang inis mo sakaniya!
Kapitan: Padre Florentino! Kayo pala! Halina sa itaas! Naroon ang ibang mga prayle!
Kapitan: Sige na Padre Florentino, minsan lamang ito. Baka po isipin ng mga prayle sa itaas na
ayaw ninyo silang makasama.
Padre Florentino: Sige Kapitan papanhik na lamang ako. May sasabihin lamang ako sa aking
pamangkin.
Padre Florentino: Isang huling bilin, Isagani, huwag mo’ng banggitin kay Donya Victorina na
ang kaniyang asawa ang nagtatago sa tahanan ng mga prayle.
*Next chapter*
Padre Florentino: Hindi naman sa ganoon Padre. Marami lang akong inaasikaso sa ibaba at
kinamusta ko ang aking pamangkin.
(Papasok si Simoun)
Don Custodio: Señor Simoun, saan ba kayo nanggaling? Sayang at hindi ninyo nakita ang mga
magagandang tanawin habang tayo’y naglalayag.
Simoun: Marami na akong nasilayang mga magagandang tanawin mula sa aking paglalakbay.
Subalit, para sa akin ay mas gusto kong makinig sa mga alamat.
Kapitan: Alamat pala ang iyong nais matuklasan eto at mayaman ang ilog sa mga alamat
Donya Victorina: Sige na at ikuwento mo na, para gumaan-gaan naman ang aking pakiramdam.
Kapitan: Nakikita ba ninyo ang malaking batong iyan? Ayon sa mga sabi sabi, ang malaking
batong iyan ay sinasabing bahay ng mga espiritu,
Kapitan: Ngunit ang Alamat ng Malapad na Bahay Bato, ay tungkol sa isang binatang
nangakong magpakasal sa isang dalagang nagngangalang Donya Geronima. Subalit, isang araw
ay nabalitaan niya na lamang na naging Arsobispo ng Maynila ang kaniyang nobyo. Nang siya’y
dumako sa Arsobispo upang hilingin ang katuparan ng kaniyang pangako, ipinagawa na lamang
siya ng Arsobispo ng yungib na napapalamutian ng baging.
Donyo Victorina: Nakakapangilabot! Ano kaya ang nangyari kay Donya Victorina sa loob ng
yungib?
Padre Florentino: Doon na siya nanihrahan, namatay at inilibing. May mga nagsasabing siya
raw ang diwata ng yungib dahil siya’y nakikita ng mga tao na naghahagis ng mga pilak na
ginagamit sa piging sa ilog.
Padre Salvi: Ikukwento ko naman ang alamat ng Buwayang Bato. Minsan may isang Intsik na di
bininyagan ang dumaan sa tapat ng isang simbahan. Walang anu – ano, isang demonyo na nag –
anyong buwaya ang nagpalubog sa kaniyang bangka upang siya’y hilain sa impyerno. Humingi
siya ng tulong kay San Nicolas. Sa isang iglap, naging bato ang buwaya.
Don Custodio: Kumalma ka nga Donya Victorina sapagkat ito ay isang alamat lamang.
Ben Zayb: Maalala ko lang, batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nagngangalang
Guevarra, Navarra, o Ibarra?
(Pointing at Simuon)
(Music intensifies)
Padre Sibyla: Ay kasama ng bangkay ng kanyang ama. Hindi ba isa siyang pilibustero?
Padre Camorra: Kapag pilibustero talaga, sadyang hindi nagbabayad ng maringal na libing.
Ben Zayb: Señor Simoun, anong nangyari sa inyo? Bakit tila’y natigilan kayo?
*Change set*
*Next chapter*
Tano: Ano ang tinitingin tingin mo diyan Juli at wala ka sainyong diwa?
Juli: Alam mo kuya? Nais ko ring magkapag-aral sa Maynila katulad mo ngunit alam kong hindi
sapat ang kinikita ni ama para itaguyod tayong dalawa.
(Alapaap by Eraserheads)
Tano: Ang dahilan mo ba sa kagustuhan mo ay para mapantayan ang nobyo mo’ng nag-aaral ng
medisina?
Juli: Hindi lamang iyon ang aking hangarin! Nais ko ring makatulong sa iyo, kay ama, at kay
lolo.
Kabesang Tales: Magandang araw mga anak! Ako’y nakauwi na at tapos nang mag-ani
Tandang Selo: Oh, anak, andito kana pala at mukhang marami kang ani
Kabesang Tales: Oo nga ho, ama, masagana at marami nga akong inaani ngunit.
Kabesang Tales: Marami nga aking ani ngunit napakalaking buwis naman ang sinisingil ng mga
prayle sa akin.
Tandang Selo: Ipagpalagay mo na lamang na lumalaki na ang buwaya at dumating ang mga
kamag – nak nito upang lamunin ang iyong salaping pinaghirapan.
Kabesang Tales: Pero ama, silay’y sumosobra na. Kailangan ko ring pangalagaan kung ano ang
pinaghirapan ko!
Tandang Selo: Anak, magtimpi ka! Walang mapapala kung lalabanan mo sila!
Kabesang Tales: Paano ako magtitimpi kung ako’y dinadaya sa aking paghihirap? Lalaban ako
para sa anong karapatdapat sa akin!
Basilio: Ang Pasko ay nagpapaalala sa akin sa iyo, Ina. Wala kang ginawa kundi gumawa ng
mabuti pero pinuna ka ng mga tao.
SCENE 6: SI BASILIO
SETTING: FOREST
Basilio: Inay…
Sisa: Oh jusko! Maawa kayo sa mga anak ko! Ang babata palang nila at walang kaalam alam sa
takbo ng mundo! Crispin? Basilio? Ibalik ninyo ang mga anak ko!
Sisa: Isa kang sinungaling! Hindi ikaw ang anak ko, hindi ikaw si Basilio!
*Sisa throughs a stone at Basilio making his head bleed and starts running*
*Basilio nods*
Basilio: Inay, halika na. Inay, gumising ka na! Andito na po ako, si Basilio ang anak ninyo.
Huwag mo naman akong iwan, Inay!
*End of flashback*
Basilio: Inay, alam mo ba? Ibang-iba ako sa batang Basilio na kinilala mo noon. Alam ko na ho
kung paano alagaan ang sarili ko ngunit mas gugustuhin ko’ng ikaw sana’y nag-aalaga saakin.
Hindi na po ako dungisin, hindi na rin po ako hunghang.
Kaklase 1: Nakita mo ba ang suot na damit ni Basilio kanina? Akala ko’y basahan sa sobrang
luma at dumi!
Kaklase 2: Sinabi mo pa, paano ba yan naka pasa dito? Halata namang wala ‘yon mararating sa
buhay
*End of flashback*
Basilio: Labing tatlong taon na ho, inay pero bakit parang dinadaga pa din dibdib ko sa sakit?
Ipinapangako ko sainyo ni Crispin na ako’y magiging isang taong kaya niyong ipagmayabang sa
itaas balang araw.
*Transition to SCENE 7*
SCENE 7: SI SIMUON
SETTING: FOREST
(https://youtu.be/-zvQoPyY2XE?si=ksNdlDypozqRNj7E plays)
*Simuon yelps*
Simuon: Jusko!
Basilio: May labintatlong taon na po ang nakararaan nang ako ay inyong tulungan
sa paglilibing ng aking ina.
*Simuon pulls out his revolver and points it directly to Basilio’s head*
Simuon: Dahan dahan lang, Basilio at maari kitang ipatay sa isang kurap ng mata. May hawak
kang isang lihim na napakahalaga na kung ito ay kumalat ay masisira ang lahat ng bagay na
itinaya ko sa aking buhay
Basilio: Senor, hindi po kita maintindihan
( https://youtu.be/MS6dhZc6uac?si=BRkxU3bKTv-oD-h1 plays)
Simuon: Malapit ko nang maabot ang plano kung hindi dahil sainyong kabataan! Hinayaan ng
kabataan na lasonin at manipulahin ng mga Kastila ang kanilang isipan!
Simuon: Ano ang gagawin ninyo? Para kayong mga asong habol ng habol sa isang pirasong buto
na ayaw naman ipagkaloob sa inyo! Ano ang inyong hangad sa pagtuturo ng Wikang Kastila?
Huh? Magtulungan tayo, Basilio. Pareho tayong inapi at inalipusta sa sariling bayan. Pareho
tayong may nais na pagbayarin. Maghiganti tayo!
Basilio: Tama na, Senor Simuon. Hindi maibabangon sa libangan ang aking ina at kapatid kung
ako’y maghihiganti pa!
Simuon: Ito ang tatandaan mo, Basilio. Walang taong mag-aapi kung walang magpapa-api.
Itatapon ka nila sa oras na wala ka ng silbi sakanila, tulad ng ginawa nila sa akin.
*Next chapter*
Juli: Oh, Panginoon! Ano ba ang aking kasalan at pinaparusahan mo ako ng ganito? Pakiusap,
ang kailangan ko ay kaunting pera lamang para makaraos kami ng pamilya ko. Parang awa mo na
aking Panginoon, ako’y humihingi sainyo ng isang himala!
Juli: Perwesyong buhay ‘to! Isinusumpa ko, ako’y babangon at makikita niyong papantay ako
sainyo!
Narration: Pagsapit ng Pasko, si Tandang Selo ay binisita at binati ng kaniyang mga kamaganak.
Noong bumati ang mga batang nagkakantahan, ay laking gulat nila at ni isang salita ang lumabas
sa bibig ni Tandang Selo
*Next chapter*
SCENE 9: SI PILATO
SETTING: BAHAY NI HERMANA PENCHANG
Hermana Penchang: En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo.
Amén.
Juli: En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén. (nauutal)
Hermana Penchang: Paumanhin? Hindi ito maari! Ulitin mo ng mabilis ang sasabihin ko!
En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén
Juli: En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén. (nauutal)
Juli: Pasensya na po Hermana. Hindi po kasi naituro sa amin ito ni Ama noong mga
bata pa kami.
Hermana Penchang: Ayan! Kaya puro kamalasan ang dumarating sa inyong buhay
ay dahil hindi kayo tinuruang magdasal! Makasalanan ang inyong pamilya! Mga
walang pananalig sa Diyos. Mabuti na lamang at kinuha ng mga tulisan si Tales nang sa gayo’y
matuto kayo sa inyong kasalanan.
Kabesang Tales: Ama, masaya akong makita kayo muli. Ikaw la ho ba mag-isa dito? Nasaan si
Juli?
Tandang Selo: Naglingkod siya kay Hermana Penchang upang mabayaran ang
pantubos sa iyo
Kabesang Tales: Pero Bakit? Bakit s’ya pa? Bakit s’ya pa ang kailangang
magbayad ng aking mga nagawa? Oh aking Juli
*Next chapter*
Kabesang Tales: Kayo po pala Señor Simoun! Ano po ang malilingkod ko sainyo?
Simoun: Maaari bang dito muna ako manuluyan ng isang gabi at dalawang araw?
Tutal, ang iyong tahanan naman ang pinakamalaki sa nayon.
Kabesang Tales: Maaari po Señor Simoun! Subalit paano kung may mga tulisang
nagmamanman? Maaari kayong mapahamak
Kapitan Basilio: Oh, ikaw pala yan Senor Simuon. Magandang araw sa’yo
Hermana Penchang: Ang gaganda at ang kikintab ng mga alahas! Gusto ko pa namang
bumili ng singsing para sa Birhen ng Antipolo.
Kapitan Basilio: Senor Simuon, ano ba ang mga alahas mo’ng andyan?
Simuon: Ang mga ito ay hindi lamang anumang alahas, ang mga ito ay itinuturing na
prestihiyoso sa buong mundo. Narito ang kolyar ni Cleopatra at singsing ng mga senador
at maginoong taga-Roma!
Hermana Penchang: ¡Hermosa! Napakaganda!
Kapitan Basilio: Tales, Bakit hindi niyo ibenta ang agnos ni Juli? Kailangan niyo yung salapi,
hindi ba?
Narration: Noong gabi ng araw na iyon, binisita ni Kabesang Tales ang kanyang anak na si Juli
upang magtanong tungkol sa mga alahas bago ito ibenta.
(Kinaumagahan)
Simuon: Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, na kayo’y aking pagnakawan sa sarili kong
tahanan. Kailangan ko ang sandata sapagkat sasama ako sa mga tulisan. Kapalit ng baril mo ay
ang agnos na iyong iniibig.
● Bapor Tabo
● Riffles (5)
● Revolver (1)
● Tarpapel
● Fake Jewelry: Bracelets, Necklaces, rings
● Grave Stone
● Parols (2)
● Trees
● Rock
KABANATA 11-20
1. KARAKTER
a) Pangunahing Karakter
● Kapitan Heneral
● Padre Camorra
● Padre Sibyla
● Padre Irene
● Simuon
● Ben Zayb
● Padre Fernandez
● Placido Penitente
● Juanito Palaez
● Padre Million
● Macaraig
● Sandoval
● Isagani
● Pecson
● Quiroga
● Simoun
● Paulita Gomez
● Donya Victorina
Extra:
● Mga estudyante
● Indio
II. SCRIPT
Narration: Malapit nang matapos ang Disyembre nang magpasya ang Kapitan Heneral na mangaso sa
Boso-Boso kasama ang banda ng mga musikero, mga prayle, at kawani ng pamahalaan. Hindi mabaril ng
Kapitan Heneral ang anumang hayop habang sila’y nangangaso, nagdulot ito ng matinding pangamba sa
lahat na baka ay sila ay masipa sa serbisyo o posisyon.
KAPITAN HENERAL: ¡Dios mío! Napakaingay naman ng batang tumutogtog! Hindi ba iyan naturuan
nang maayos? Hindi tuloy ako makahuli ng mga ibon.
INDIO 1: Kanina pa tayo rito. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nahuhuli!
INDIO 2: Huwag kang maingay! Baka tayo ang ipalit ng Kapitan sa mga hayop sa kagubatan.
KAPITAN HENERAL: Vamos! Bumalik na tayo sa Los Banos upang makapag-pahinga. S’ya nga pala,
alam niyo ba napakarami ko nang na huli na hayop dahil sa aking kakayahang mangaso nung ako’y nasa
Espanya pa.
(change scene)
PADRE CAMORRA: Puñales! Panalo na ipintalo pa! Napakawalang kwenta talaga kalaro sina Irene at
Sibyla!
BEN ZAYB: Pabayaan mo na Padre Camorra! Baka nais lang nilang magpalakas sa Kapitan-Heneral
kaya nagpapatalo.
(Makikipaglaro si Simoun)
BEN ZAYB: Tutal, kalahating oras pa bago mananghalian, pag-usapan muna natin ang mga bagay na
kailangan pagdesisyunan.
PADRE SIBYLA: Ang pagbubukas ng Akademiya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ng mga
kabataan ay mapangahas at naghahangad na saklawan ang kapangyarihan ng mga prayle.
SIMOUN: Sang-ayon ako sa iyo Padre Sibyla. Maging ako ay tututol din sa pagpapatayo ng ganyang
paaralan.
PADRE CAMORRA: Walang karapatang matuto ng Wikang Kastila ang mga Indiyo! Kapag natutunan
na nila ang ating wika, mangangatwiran na sila at magiging kalaban ng Diyos at Pamahalaan!
PADRE SIBYLA: (mahinahon) Maaaring mapahiya ang mga prayle. At sa aming pagbagsak, maaaring
pamahalaan naman ang sumunod.
PADRE FERNANDEZ: Kailangan nating mamulitika. Ibigay natin ang lahat ng kanilang kailangan.
Tingnan ninyo, mas marami sila kaysa sa atin. Kailangan natin sila pero hindi nila tayo kailangan. Sa
pamamagitan niyo, mas tatatag ang ating pamamahala.
PADRE CAMORRA: Nag-iisip ka ba ha? Hindi dapat ipatayo ang paaralang iyan!
Narration: Nagbalik-paaralan muli ang mga estudyante maging ang ayaw nang mag-aral na si Placido
Penitente. Habang naglalakad si Placido Penitente sa Eskolta patungong Unibersidad ng Santo Tomas,
may tumapik sa kaniyang balikat.
JUANITO: Oy! Nakabusangot ka na naman diyan! Yung nguso mo sumasayad na sa lupa hahaha!
JUANITO: Eto naman nagbibiro lang! Ano nga palang itinuro kahapon?
PLACIDO: Wala! Nagturo lang tungkol sa salamin. At kailan ka pa nagkaroon ng interes ng sa pag-aaral
ha?
JUANITO: Ano namang akala mo sa akin? Bulastog? Pero totoo nga, bulastog ako hahaha! Siya nga
pala, naanyayahan ako ni Padre Camorra na magbakasyon sa kanilang bayan. Sumama ako sa kanila,
sapagka’t maraming magagagandang dalaga ang naroon, na aming hinarana. Napakasaya, walang bahay
na hindi namin pinanhik! Mangmang katipan yata ni Basilio.
JUANITO: Napakaulol ni Basilio! Aanhin kaya niya ang isang dalagang hindi marunong ng wikang
Kastila, walang yaman at nagging alila pa.
(halakhak ni Palaez)
(change set)
Narration: Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang
bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong
natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng
letra ng kanilang mga apelyido.
PADRE MILLION: Antukin! Ano ka! Tamad, alam mo ba ang iyong leksiyon? (galit na titingin sa
isang estudyante)
PADRE MILLION: Sige Juanito, sagutin mo ang tanong ko... Ang nasa likuran ba’y nakapagpapabago
sa nasa harapan o hindi?
PADRE MILLION: Sino iyong bastos na sisigaw sa aking klase? Ikaw, ano ang iyong pangalan?
PLACIDO: Placido.
PADRE MILLON: Aha! Placido Penitente! Placidong Bulong! Labinlimang ulit na di pagpasok sa
klase!
PLACIDO: Teka Padre, apat na beses lamang akong lumiliban sa klase. Ba’t naman naging ganoon
karami?
PADRE MILLION: Diyata’t hindi mo nauunawaan? At hindi mo naisip, pilosopo na hindi pa marunong
ng leksiyon.
PLACIDO: Tama na, Padre. Maaaring markahan ninyo ako nang ano mang marka ngunit wala kayong
karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang iyong klase!
MAKARAIG: Mayroon akong mabuting balita! Ayon kay Padre Irene, nasa kamay na raw ni Don
Custodio ang usapin!
ISAGANI: Si Ginoong Pasta. Susubukan kong lumapit sa kaniya. Kamag-aral siya dati ng aking amain at
siya ang tagapayo ni Don Custodio. Maaaring sa ganitong paraan, ay mapapapayag natin siya.
(music fades)
(Pagtapos magsulat)
GINOONG PASTA: Ikaw pala Isagani! Paumanhin at marami lang akong kailangang tapusin. Kamusta?
Kamusta ang lagay ni Padre Florentino?
ISAGANI: Mabuti naman Ginoong Pasta. Patuloy pa ring naglilingkod sa simbahan ang aking amain.
GINOONG PASTA: Mabuti naman kung ganoon. Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?
ISAGANI: Nais ko lamang pong makiusap na kayo’y mamagitan sa aming mag-aaral at kay Don
Custodio upang siya’y pumayag na itayo ang Akademiya ng Wikang Kastila. Nasa kaniyang mga kamay
na ang usapin at nais namin siyang mapapapayag.
GINOONG PASTA: Isa ako sa mga umiibig sa sariling bayan at hinahangad ko ang kaniyang pagsulong
ngunit hindi gayon kadali ang sumuong sa mga usapin. Kailangan kong mag-ingat sapagkat marami
akong ari-ariang dapat ingatan.
ISAGANI: Wala po kaming hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Sa mga nabasa ko, iisa lamang ang
adhikain namin ng pamahalaan subalit, sa paraan lamang kami nagkakaiba.
GINOONG PASTA: Kahanga-hanga ang tumulong sa pamahalaan kung ang iyong pagtulong ay sa
pamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang pagsalungat sa mga panukala nito ay maaaring makasira sa
kaniyang katatagan.
ISAGANI: Matibay Ginoo ang batayang katarungan at katuwiran, hindi ang lakas ng pamahalaan sa
nasasakupan.
GINOONG PASTA: Ang maipapayo ko lamang ay pabayaan niyo na lamang ang pamahalaan.
ISAGANI: Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng mamamayan. Alam ng mga mamamayan
ang makabubuti sa kanila kaya dapat lamang na ang pamahalaan ang siyang umayon.
ISAGANI: May kasabihan sa Kastila na ang hindi umiiyak ay walang gatas, ang hindi humihingi ay
hindi pagkakalooban.
GINOONG PASTA: Kahit hindi naman natin hinihingi ay kanilang ibinibigay. Ang paghingi sa
pamahalaan ay paraan ng pagpapamukha sa kanila na sila’y nagkukulang sa tungkulin.
ISAGANI: Ipagpatawad ninyo. Subalit ang bayang galit sa pamahalaan ay walang ibang hihilingin kundi
magbitiw sa tungkulin ang namamahala.
GINOONG PASTA: Mapanganib ang sinasabi mo binata. Hayaan na ninyo sa pamahalaan ang ganiyang
mga bagay. Marunong kayo ng wikang Kastila, gayong kayo’y hindi Kastila. Tandaan mo na sino man
ang anais matuto ay matututo.
(tatayo si Ginoong Pasta at aakbayan si Isagani)
GINOONG PASTA: Nag-aaral kayo ng medisina hindi ba? Magtapos kayo, mag-asawa ng isang
mayaman at madasaling dalaga. Atupagin ninyo na lamang ang panggagamot at hindi ang pakikialam sa
mga bagay na may kinalaman sa bayan. (bubunot ng uban) Makikita ninyo, pag kayo’y nagkaroon ng
ubang tulad nito, ay pasasalamatan ninyo ako.
ISAGANI: Kapag ako’y nagkaroon ng ubang tulad niyan, at aalalahanin ang aking nakaraan at wala man
lang akong nakitang nagawang mabuti para sa iba at sa bayan, bawat uban ay magsisilbing tinik sa akin.
Hindi ko ito ikapupuri, bagkus akin itong ikakahiya. Paumanhin Ginoong Pasta, ako’y aalis na (aalis si
Isagani)
GINOONG PASTA: Kung lahat sana’y mag-iisip at kikilos tulad niya, hindi ko masasabing...hindi ko
masasabing...haaay. Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!
(Dadating si Simoun)
(Papasok sa kwarto)
SIMOUN: Ano itong sinasabi mong problema? May bumagabag ba sa iyo?
QUIROGA: Yung tatlong brilyanteng inutang ko mula sa ‘yo, hanggang ngayon hindi ba nababayaran
ng taong pinautangan ko rin.
QUIROGA: Dapat ay isang brilyante lamang ang kukunin ko para sa isang babaeng gagamitin kong
pansuhol sa isang ginoo na kailangan ko sa kalakalan. Nang tatlo ang kaniyang kunin, wala na akong
nagawa. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nababayaran.
SIMOUN: Naloko kayo! (hahalakhak) Bale, siyam na libo ang inyong pagkakautang. Sige, gagawin ko
na lamang itong pitong libo.
SIMOUN: Itatago ko lamang ang ilang mga baril sa inyong tindahan upang maipasok ko ito sa adwana.
QUIROGA: Iyon lang naman pal...ANO? Mga baril? Subalit Don Simoun, ako po’y natatakot, baka ako
ay mahuli. Isa pa, takot ako sa mga baril.
SIMOUN: Hindi ka naman mananagot dito. Itatago ko nang unti-unti sa iba’t-ibang tahanan ang mga
armas. Pagkatapos, magkakaroon ng pagsisiyasat at maraming mabibilanggo. Siguradong kikita ako sa
paglakad na pawalan ang mga bilanggo.
SIMOUN: Kung hindi kayo papayag edi marapat lamang na bayaran ninyo ang siyam na libong inyong
pagkakautang.
QUIROGA: Ano eh... Uhm... Sige na nga po, payag na ako, tutal wala naman akong ibabayad.
SIMOUN: Isa itong kasunduan Quiroga, sana’y hindi mo talikuran ang ating pinagusapan.
(Lalabas sa sala)
PADRE CAMORRA: Isa siyang Amerikanong magaling sa salamangka. Sinasabing mayroon siyang
ulong nagsasalita.
PADRE CAMORRA: Totoo ito. Nasa loob ng isang kahon ang ulo at ipinatong sa mesa.
BEN ZAYB: Sige, patutunayan kong hindi totoo ang mahika. Magpunta tayo sa Quiapo!
(aalis)
PAULITA: Isagani, tingnan mo oh! Ang daming magagandang ilaw. Ang daming magagandang tanawin
dito sa perya.
ISAGANI: Yung mga tao rito sa perya. Pambihira kung makatitig sa iyo. Parang gusto ka nilang agawin
sa akin.
PAULITA: (tatawa ng mahinhin) Iyon naman pala. Huwag kang mag-alala dito lang ako sa tabi mo.
Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.
ISAGANI: Talaga?
PAULITA: Oo naman.
DONYA VICTORINA: At ako rin, hindi ko kayo iiwan! Dito lang ako sa tabi ninyo! Mga kabataan
talaga!
PAULITA: Tiya naman. Maginoo po itong si Isagani. Siguradong ligtas ako palagi kapag siya’y aking
katabi.
ISAGANI: Oo nga po Donya Victorina. Huwag po kayong mag-alala. Baka kumulubot ang iyong
magagandang kutis sa mukha. Masasayang ang inyong kagandahan.
(music fades)
(intense music)
PADRE CAMORRA: (papaluin nang malakas si Ben Zayb) Isang diwata! Isang diwata!
PADRE CAMORRA: Pagmasdan mo. Kakaiba ang kaniyang kagandahan. Tila isa isang engkantada!
BEN ZAYB: Iyan si Paulita Gomez. Tunay ngang hinahangaan siya ng mga kalalakihan dahil sa angking
alindog at kagandahan.
PADRE CAMORRA: Kaniya palang nobyo ang aking estudyante! Lagot siya sa akin! Dito ka nalang at
susundan ko sila.
BEN ZAYB: (pipigilan si Padre Camorra) Pumirmi ka nga lang Padre Camorra!Dito ka lang!
BEN ZAYB: Tingnan mo nga naman! Kamukha ni Simoun iyong nagtitinda ng laruang gawa sa kahoy.
PADRE CAMORRA: Aba oo nga! Matanong ko lang, nasaan nga pala si Simoun?
PADRE CAMORRA: Napakakuripot! Akala niya’y siya ang pagbabayarin natin sa pagpasok sa palabas
ni Mr. Leeds!
BEN ZAYB: Baka natatakot lamang na mapatunayan kong may daya ang kaniyang palabas, na
gumagamit lamang siya ng salamin. Makikita ninyo mamaya na tama ang aking sinasabi!
Narration: Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang Amerikano na
magaling magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa Timog-Amerika. Bago naman magsimula
ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap ang salamin na maaring ginagamit ni Mr. Leeds
sa pandaraya. Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit walang natagpuang salamin si Ben
Zayb.
Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at paglabas ay may dala na siyang kahong
kahoy. Aniya, natagpuan daw niya iyon sa libingang nasa piramid ni Khufu, isang Paraon ng
Ehipto .Kapag binigkas ang unang salita, ang abo sa kahon ay nabubuhay at lumilitaw ang ulo na
nagpakilala bilang Imuthis.
Sa pangalawang salita, bumabalik na ang ulo sa kahon. Pinakawalan ni Imuthis ang kanyang mga
kuwento tungkol sa kanyang buhay, mga lihim, at mga labanan. Titig na titig ang ulo kay Padre Salvi
habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot ay hinimatay ang pari. Kinabukasan ay naglabas ng utos ang
Gobernador na nagbabawal sa palabas ni Mr. Leeds ngunit huli na dahil wala na ang Amerikano at
nagpunta na sa Hongkong dala ang kanyang lihim.
KABESANG ANDANG: Oh? Bakit andito ka na? Hindi ba't may klase ka pa?
PLACIDO: Hindi na ko papasok pa. Masyado na sila. Masyado nila akong minamaliit. Pinahiya ako sa
buong klase.
KABESANG ANDANG: Ngunit ipinangako ko sa iyong ama na ikaw ay aalagaan ko, papag-aralin at
gagawing abugado. Katakot-takot ang hirap at pagtitiis ko mapag-aral ka lamang. Ano na lamang ang
mukhang ihaharap ko kung mabigo ko siya? Kung sakaling magkita na kami sa kabilang buhay?
PLACIDO: Nanaisin ko pang tumalon sa tuloy o kaya'y manulisan kaysa bumalik sa pamantasan. Ibig
kong mabuhay ng Malaya!
(music fades)
KASTILYERO: Subalit hindi pa handa ang distriro. Akala ko'y hihintayin hanggang kwarensya.
SIMOUN: (iiling) Hindi na kailangan. Kapag ipinagpaliban po ay marahil patay na si Maria Clara.
Narration: Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kilala sa tawag na “Buena Tinta”
ay tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng mayaman at sa pamamagitan nito ay
nakapag-negosyo. Siya ay pinupuri kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan
dahil si Don Custodio ay masipag.
PEPAY: Bakit parang malalim ang iniisip mo? May problema ba? (Uupo sa lamesa)
DON CUSTODIO: Sumangguni ako kay Ginoong Pasta para sa pagpapatayo ng Akademiya, pero mas
lalong gumulo! Di ko alam kung anong desisyon ang bibitiwan ko.
PEPAY: Huwag mo na ngang isipin yan. Magsaya tayo! (Bubulong) Tutal tayong dalawa lang naman
dito eh. (hahawakan ang kamay ni Don Custodio)
DON CUSTODIO: (tatanggalin ang kamay ni Pepay) Pepay huwag dito, baka may makakita sa atin.
PEPAY: Sige na mahal ko. (tatayo at hihimasin ang balikat ni Don Custodio) Kahit ngayon lang (iikutan
at sasayawan si Don Custodio) Alam kong marami kang problema. Hayaan mong paligayahin kita.
DON CUSTODIO: Sige na nga. Pero ngayon lang ito ha? (lalapit si Don Custodio kay Pepay)
PEPAY: Mahal... alam mo....yung tiyahin ko namatay siya kahapon kailangan namin ng pera
pampalibing.
DON CUSTODIO: Ano? Kamamatay lang ng tiyahin mo noong nakaraang linggo ha?
PEPAY: Ay ano kasi Mahal ko. Yung anak pala ng tiyahin ko.
DON CUSTODIO: Pero tatlong taon ng patay ang anak ng tiyahin mo?
PEPAY: Yung ano pala Mahal ko, yung pinsan ng bayaw ng anak ng tiyahin ko pala. Sige na mahal ko.
Kahit 25 piso lang. Kapalit nito, paliligayahin kita. (kakagatin yung labi)
DON CUSTODIO: Pepay! Hoy! Tingnan mo to, binitin ako! Pera lang ata habol sa akin eh. Paano na
ko?
(makikita ang mga kwaderno sa upuan. lalapitan ito at kukunin ang isang kwaderno. Sa kwaderno
kukunin ang isang piraso ng papel at babasahin ito) Artes y Oficios. Narito lamang pala ang aking
hinahanap! Ngayo’y buo na ang pasya! Eureka! Eureka! Eureka! Hahahaha (itataas ang hawak na
papel.)
● Chair
● Book
● Paper
● tarpape
I. KARAKTER
● Isagani
● Macaraig
● Pecson
● Sandoval
● Donya Victorina
● Paulita Gomez
● Juanito Palaez
● Padre Irene
● Don Custodio
● Tadeo
● Pepay
● Mga mag aaral
II. SCRIPT
Makaraig: (hihilahin papalayo si Pepay) Pepay, ano na ang nangyari? Sumang-ayon ba siya?
Pepay: Sino?
Pepay: Ay! Hala! Nakalimutan ko! Kailangan ko kasi ng pera sa kaniya. Pasensya na. Gusto mo sayawan
nalang kita bilang kapalit?
MAKARAIG: Naku! Isang Magdalena! Wala ka talagang silbi! Diyan ka na nga! (iiwan si Pepay)
PEPAY: Sandali lamang. Heto, may sulat siyang ibinigay sa akin kaninang umaga. (huhugutin ang sulat
sa bra) Sabi niya ay huwag ko raw babasahin at ibigay agad sa iyo.
TADEO: Nakita niyo ba iyon? Nakangiti si Pepay. Siguradong napapayag niya si Don Custodio.
PECSON: Isagani! Bakit hindi ka man lamang natutuwa? Ano bang iniisip mo?
ISAGANI: Tampalasan talaga si Juanito! Tingnan niyo. Siya ang kasama ni Paulita imbis na ako. Ako
ang kasintahan kaya ako lamang ang may karapatan sa kaniya!
ISAGANI: Oo nga. Mas mabuti pang titigan iyong babaing pranses. Kabighabighani, maputi, at
napakagandan ng hubog ng katawan..
ISAGANI: ...kaysa naman tingnan ko ang aking kasintahang may kasamang ibang lalaki.
PAULITA: Ah ganon? Anong tingin mo sa akin?Taksil? Puwes, magsama kayo ng babaeng Pranses na
iyon at kailanman ay huwag ng magpapakita sa akin! Mahalay! Tamaan ka sana ng kidlat!
MAKARAIG: Nakausap ko si Pepay. Eh wala naman pala siyang silbi. Hindi naman niya tayo
tinulungan upang mapapayag si Don Custodio.
MAKARAIG: Naharap na raw ni Don Custodio ang kaniyang pasya at sinang-ayunan na ng mga prayle.
Subalit, ang akademiya raw ay pamamahalaan ng isang samahan ng pananampalataya kung hindi papayag
ang mga Dominiko na ikatnig ito sa Unibersidad.
SANDOVAL: Ano ba? Huwag nga kayong malungkot, halina at ipagdiwang natin ang ating kabiguan!
PECSON: Oo nga! Bukas ng gabi pumunta tayo sa pansiterya at doo’y magdaos ng piging!
BASILIO: Parang awa niyo na naman, kumain po kayo ng hapunan kahit kaunting higop lamang ng
sabaw. (kinakausap si Kapitan Tiyago)
SIMOUN: (dadating)
BASILIO: Señor Simoun, kayo po pala.
BASILIO: Mahina na ang pintig ng puso at puso. Ayaw na ring kumain ni Kapitan Tiyago. Kaawa-awa.
BASILIO: Nakalatan na ng lason ang kaniyang buong katawan. Maaari siyang mamatay ano mang oras.
BASILIO: Ilang gabi nang nagigising siyang walang ilaw. Umiiyak at ako’y minumura. Inaakala niyang
siya’y aking binulag.
SIMOUN: Wala ngang pinagkaiba sa pamahalaan! (hahawakan ang ilang mga libro) Basilio. Makinig ka.
Walang sandali ang dapat na masayang. Hindi mo binubuklat ang mga aklat na ibinigay ko sa iyo. Wala
kang malasakit sa iyong bayan!
SIMOUN: Wala ng pero pero. Sa loob ng isang oras, sisiklab na ang higmasikang hindi nila malilimutan!
Naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan o kinabukasan.
SIMOUN: Magpasiya ka! Narito ako upang ika’y iligtas alang-alang sa nakaraang nag-uugnay sa atin.
SIMOUN: Makinig ka. Ako ang mamumuno sa himagsikang ito. Pamumunuan mo ang pangkat na
lulusob sa Sta. Clara upang kunin ang isang taong malapit sa puso sa atin nina Kapitan Tiyago – si Maria
Clara. Ibig ko siyang iligtas at isang paghihimagsik lamang ang naiisip kong paraan!
SIMOUN: Kasinungalingan! Kasinungalingan! Isa kang duwag! Walang makapipigil sa akin! Ililigtas ko
siya ngayong gabi o bukas ay patay ka!
BASILIO: Ilang araw ng may sakit si Maria Clara. Ako’y dumadalaw sa kumbento upang makibalita.
Heto ang sulat na ibinigay ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago! (iaabot ang sulat) Magdamag na hinagkan
ni Kapitan Tiyago ang larawan ni Maria Clara at humihingi ng tawad. Tinugtog na kanina ang kaniyang
agunyas.
SIMOUN: PATAY NA! ANG AKING MAHAL AY PATAY NA! Namatay na hindi ko man lamang
nakikita o nayayakap. Namatay na hindi man lamang alam na ako’y buhay para lamang sa kaniya. Maria!
Maria!
(babagsak at iiyak)
Isagani: Palubog na ang araw at gumagabi na, paano na ako makakahingi ng paumanhin nito?
Donya Victorina: Isagani, alam mo ba kung saan nagtatago ang magaling ko’ng asawa?
Isagani: Paumanhin, Donyo Victorina. Wala ho akong balita sa nawawalang ninyong asawa
Donya Victorina: Pwes, kung makita mo man ang Hudas na ‘yon ay sabihin mo humanda siya sa’kin!
Ipapadampot ko siya sa mga Guwardiya Sibil, buhay man o patay!
Donya Victorina: Isagani, anong masasabi mo kay Juanito Palaez? Alam mo ba? Pinagaagawan siya ng
mga propesor!
Isagani: Paulita!
Bumalik ka na sa akin
Paulita: Seryoso ka ba? Eh ano yung mga sinabi mo? Ano yung tungkol dun sa babaeng Pranses ha?
Isagani: Ikaw pa talaga ang galit? Hindi naman ako may kasamang ibang lalake kagabi!
Isagani: Hindi, mahal. Bakit ba kasama mo si Juanito? Akala ko ba ko yung gusto mo’ng makasama, ako
yung mahal mo diba? Kasi ako, Paulita, ikaw lang mahal ko, ikaw lang ang gusto ko. Kaya pakiusap,
magbati na tayo.
Paulita: Hindi ko naman kagustuhan na isama si Juanito sa dulaan. Tanging si Tiya lamang ang may
gusto kay Juanito
Isagani: Pero Paulita, seryoso ako sayo. Ikaw lang ang nais ko’ng ibigin sa buhay na’to. Ikaw ang
inspirasyon sa mga tulang aking sinusulat at mukha mo ang laman ng aking mga panaginip. Kapag
dumating na ang panahon ng paglaya ng Pilipinas, hahawakan ko ang kamay mo at hinding hindi ko na
ito muling papakawalan. Pangako, Mahal.
Makaraig: Ating lasapin ang sandaling ito! Luwalhati kay Don Custodio dahil sa kaniyang katusuhan at
pancit sa lupa para sa mga binatang may mabubuting kalooban!
(maghihiyawan)
Sandoval: Eh bakit naman kasi tinutulan ni Don Custodio ang ating kahilingan?
Tadeo: Tama na yan!Tama na yan! Wag na nating intindihan yan. Tapos na iyan! Ang mabuti pa ay
magdiwang lang tayo.
Sandoval: Nasaan nga pala si Juanito? Lampas na siya sa oras ng ating pagkikita.
Tadeo: Dapat si Basilio na lamang ang ating inimbitahan imbis na si Juanito. Kapag nalasing natin si
Basilio, mapagsasalita natin siya tungkol sa isang batang nawawala at sa isang mongha.
Makaraig: Tana! Lalamig ang pagkain! Ito. Ang pansit langlang ay isang sopas na mayroong mga
espesyal na halo. Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto. Sa karangalan ni Don Custodio, ay
binibiyagan ko ang panukalang sopas!
(nagtawanan)
Sandoval: Ito naman ang lumpiyang intsik na makintab ang labas at baboy ang loob. Ito ay handog natin
kay Padre Irene.
Pecson: Ito naman ay ang tortang alimango na iaalay sa mga prayle dahil sa kanilang pagkaalimango. Ito
ay tatawagin nating tortang prayle.
(natahimik)
Tadeo: Ito naman ang pansit gisado na pagkaing Pilipino nga subalit mga intsik naman ang nagluluto at
kumakain. Lahat ay nakikinabang sa bayan at pamahalaan. Subalit walang bayang pa ang sasama pa sa
Pilipinas!
Sandoval: Huwag kayong masyadong maingay. Maraming mata ang nagmamanman sa atin.
Pecson: (titingin sa bintana) Tingnan niyo! Tingnan niyo! Tinitiktikan tayo ng paborito ni Padre Sibyla.
Sandoval: Oo nga. Pero bakit siya sumakay sa sasakyan ng mag-aalahas na si Don Simoun?
Narration: Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin angkanyang
lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman niya
ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin saUnibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may
kagagawan nito. Natakot siBasilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita
siSandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig.
Tadeo: Wala na tayong pasok! Haha! Tayong mga kasapi sa Akademya ay ikukulong lahat!
Tadeo: Oo naman! Walang pasok kapag nasa kulungan ka! Walang pasok! Walang pasok!
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman sa Akademya ! Hindi ako nakikilahok sa samahan! Wala akong
kinalaman! (aalis)
(lumabas si Makaraig)
Basilio: Teka, anong ginagawa niyo? Hindi ninyo ako pwedeng dakpin! Huwag!
Basilio: (magpupumiglas)
Padre Fernandez: Ano ba nag nasa sainyong mag aaral na mga Pilipino?
Isagani: Nais naming magsitupad ang mga prayle sa kanilang mga kautangan, dahil nga tungkulin ng
mga prayle na pabutihin ang mga bata at mabigyan ang mga ito ng maayos na bayan
Isagani: Tanong ko lang Padre, tinutupad ba ng mga prayle ang Gayong tungkulin?
Isagani: Maaaring tinutupad mo nga Padre ang iyong tungkulin, ngunit ang kalipunang Prayle ay hindi
Isagani: Nagkakaisa ang mga Prayle at ang Pamahalaan na panatilihing mangmang ang mga Pilipino.
Kung ano ang mga Pilipino ay dahil iyon sa kagagawan ng mga Prayle
Padre Fernandez: Ang pamahalaan ang taga utos at kami’y tagasunod lamang
(Upang maiba ang usapan ay agad na tinanog ng Padre si Isagani)
Padre Fernandez: Ano ba ang ibig ninyong mag aaral na gawin ng mga prayle para sa inyo?
Isagani: Ito ay ang tumulong at wag tumutol sa kalayaan naming mga mag aaral
Padre Fernandez: O sya, ako’y aalis na, pangako ko na sasabihin ko rin sa ibang mga kaparian ang
iyong mga binanggit
Narrator: Nagtungo si Quiroga sa bahay ni Simoun sa pag aakalang iyon na ang oras upang gamitin ang
mga armas na nasa kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipag kita ni Simoun kaninuman. Sunod itong
pumunta ka Don Custodio upang itanong kung dapat ba itong balutihan ang kaniyang tindahan. Katulad
ni Simoun, ay ayaw din nitong makipagkita kaninuman. Kaya pinili nitong tumuloy sa bahay ni Ben Zayb
upang doon makibalita. Dinatnan niya itong naka baluti mula ulo hanggang paa at ang ginagamit na
pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber
(Habang binibigkas ito ng narrator ay inaact ng mga tauhan ang nangyayari sa sinasabi ng narrator)
Padre Irene: Kapitan Tiyago, alam mo na ba ang balitang magtutulong tulong ang mga mag aaral at ang
mga tulisan?
Padre Irene: Nabalitaan ko rin na may iilang nag uudyok sa Heneral na barilin ang ilan upang mabigyan
ng aral ang mga binata. Hinuli din nila ang ilang mag aaral at kasama dito si Basilio
Padre Sibyla: Ay napaka ruming tao nitong si Kapitan Tiago, tiyak akong hindi ito papapasukin sa
langit. Ni hindi manlang nakapag kumpisal bago ito mamatay
Narrator: Si Padre Irene ang naatasan na maging tagapamahala ng huling habiling ni Kapitan Tiago.
Ipinamana sa Sta Clara, Sa Papa, sa Arsobispo, sa korporasyon ng mga Pari, at ang dalawampung piso
para sa mga dukhang magaaral. Ang dalawampu’t limang piso na sanay pamana kay Basilio ay napunta
sa bulsa ni Padre Irene.
(Habang ito’y sinasabi ng narrator ay patuloy na naguusap usap ang mga Pari)
Narrator: Labis na nalungkot si Juli nung nalaman niyang wala na si Kapitan Tiyago, ngunit lalo itong
nalungkot nung napag alaman niyang nakulong si Basilio at siya na lamang ang hindi pa nakalaya.
Ginawa niya ang Lahat upang si Basilio’y makalabas ng bilangguan. Hindi siya makatulog dahil sa mga
masasamang panaginip, pangungutya at paninisi ng kaniyang mga kamag anak sa kaniya na hindi
nakakabatid ng mga nangyari sa kanila ni Padre Camorra. Dahil sa mga pangyayaring ito siya’y nabalisa
at tila nawala sa tino ng pag iisip.
Huli: Oh Diyos ko! Ano ba ang ginawa ko para parusahan mo ako ng ganito? Pinag-aralan ko naman
mag dasal ah? Bakit pinapahirapan mo pa din ako, Panginoon? Pagod na pagod na akong gumising araw
araw na puro sakit at poot ang nararamdaman. Ano ba ang ginawa ko sayo! Lahat na lahat ginawa ko
bakit ako pa rin ang nagdudusa ngayon?
Narration: Nakalaya na si Macaraig at Isagani matapos itong mahuli, ngunit si Basilio lamang ang hindi
nakalaya. Ngunit ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio dahil alam niyang inosente ang batang
ito.
Basilio: (Napakunot noo si Basilio) Teka!? bat sila lamang ang pinalaya?
Kawal 1: Hindi ka pa raw maaaring makalaya dahil ikaw ay napatunayang nagkasala dahil sa
pagkakaroon ng ipinagbabawal na libro.
Mataas na Kawani: Ngunit si Basilio ang pinaka inosente sa lahat ng akusado, siya ang pinaka mabait
na batang nakilala ko at alam kong nakikita niyo rin naman ito.
Kapitan Heneral: (Huminga ng malalim) Estupido! Paano mo masasabi na inosente?!, kung siya’y
napatunayan na nag mamay ari siya ng mga librong ipinagbabawal.
Mataas na Kawani: Mabuti pang mawala na lahat sa Espanya huwag lamang ang karangalan nito.
Mataas na Kawani: Ikaw Kapitan! Kung ilalagay mo lamang ang iyong sarili sa sitwasyon ng mga
pilipino ay tiyak na sasang ayon ka na ang tanging lunas lamang sa pagsasamantala ay ang
maghimagsik!!
Narration: Sa pagkakahuli ng mga mag aaral, maraming magulang ang nagpatigil sa pag aaral ng
kanilang mga anak upang harapin na lamang ang pagsasaka.
(Nag kukumpulang mga mag aaral ang nag uusap usap tungkol sa naging resulta ng kanilang
pagsusulit)
Mag aaral 1: Oo, hihinto na lang ako sa pag aaral at magsasaka sa aming mga bukirin
Mag aaral 3: Ako rin, pinahihinto na rin ako ng aking mga magulang dahil sa mga napapabalitang
paghuli sa mga mag aaral.
Narration: Kumalat ang balita na ikakasal sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez. napabalita rin na si
Simoun ay mag sasabog ng mga alahas kung kaya’t marami ang nais makipagkaibigan kay Simoun upang
sila’y maanyayahan.
(Nag uusap-usap ang tatlong babae sa pasilyo at biglang mapaparaan si Isagani at maririnig ang pag
uusap-usap nila)
Babae 1: Huy, alam mo ba na ikakasal daw sila Juanito Pelaez at Paulita Gomez?
Babae 3: Ay naku hindi, hindi mo pa ba alam ang balita na matagal na raw hiwalay sina Paulita at Isagani
Babae 1: Oo, mas pinili ni Paulita si Juanito dahil ito raw ay mas matalino, mayaman at dugong Kastila.
Subalit si Isagani nama’y probinsiyano, walang pangarap kundi mga gubat na puno ng Linta, at mula sa di
kilalang angkan.
(Pagkatapos dumaan at marinig ni Isagani ang pag uusap ay lilingon siya sa mga kababaihang nag
uusap)
(May isang lalaki at babae na nais makipag kaibigan kay Simoun ang lumapit kay Simoun)
Lalaki 1: Uy Simoun, balita ko magsasabog ka raw ng tipak-tipak na brilyante at dakot dakot na perlas sa
kasal ng Anak ng kumpare mong si Don Timoteo
Babae 4 (lalapit kay Simoun) : Oo nga Simoun, baka naman imbitahan mo kami sa kasal (pabiro at
patawang sabi ng babae)
Basilio: (malungkot at pagalit na pagkasabi ni Basilio) Ginoong Simoun, naging masama akong anak at
kapatid. Ako’y pinarurusahan ng Dios! Ngayon, nais kong gantihan ang sama ng sama, ng lakas ang
lakas! Bigyan ninyo ako ng armas! Handa na akong sumama sa iyo at sa mga kulang palad!
(TATSULOK BY BAMBOO)
(Sabay talikod ni Simoun at tumingin sa taas ng dingding na tila bang may pinagmamasdan at
sinabing)
Simoun: Ang himagsikan ay nabigo dahil sa aking pag aatubili sapagka’t ako’y umiibig pa noon. Sayang
at nagtagal ang pagkamulat ng iyong mga mata.
(Napabuntong hininga)
Kung nung una pa man, nagkatulungan na tayo naging maayos sana ang pagsasagawa ng
himagsikan.
Simoun: Kapag lumipas ang 20 minuto, unti unting mawawala ang ilaw ng lamparang ito. Sa oras na
ito’y mawalan ng liwanag itoy mag papakawala ng napakalakas na pagsabog na walang sinumang
nilalang sa paligid nito ang makakatakas ng hindi nasaktan
Basilio: (malungkot na sinabi) Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganiyang kakila-kilabot na pagpatay? Ah
ano nga ba ang mapapala ko kung ang daigdig ay hindi nababahala at walang pakundangan sa mga api?
(Nasa daan si Basilio at di mapigilang mag isip at mag alala tungkol sa malagim na plano ni Simoun.)
Basilio: Hindi ako mapakali, tiyak na maraming tao ang mawawalan ng buhay.
(Pumunta si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kuning ang ilan niyang Gamit at nakitang
malaki ang nabago sa ayos ng bahay at di Niya napigilang magtanong sa isang utusan)
Basilio: Manang! Bat tila ba sobrang ayos at linis na ng bahay? Anong pagdiriwang ba ang magaganap?
Utusan: Ah magkakaroon ho dito ng isang piging dahil kasal nila Juanito Pelaez at Paulita Gomez
Narration: Kinabukasan ay kasal na nila Juanito Pelaez at Paulita Gomez at si Isagani ay nasa labas ng
simbahan pinagmamasdan ang babaeng kaniyang minsang minahal na ikinakasal na sa iba.
(Papalabas na ng simbahan ang bagong kasal at saktong naroroon si Isagani sa labas ng simbahan)
(Nakatayo si Isagani habang nakatingin kina Juanito Pelaez at Paulita Gomez na masaya)
(LEONORA BY SUGARCANE)
Narration: Habang nasa daan si Basilio ay nakita niya si Simoun na sakay ng karwahe dala ang kahon ng
ilawan. Pumasok si Simoun sa bahay at nag pumilit si Basilio na makapasok siya, ngunit hinahadlangan
siya ng nga tanod sa pintuan ng bahay.
Basilio: Papasukin niyo ako! Nanganganib ang lahat ng tao sa loob ng silid
(Nakita ni Basilio na umilaw na ang lampara na nangangahulugang ito’y maari nang sumabog, kung
kayat agad Siyang lumayo sa lugar)
(Nakita niya ang kaibigang si Isagani na nakatanaw sa bahay na naroroon ang bagong kasal at doon
ay sinabi niya na may sasabog doon at maraming mamamatay)
Basilio: Isagani! Halika’t lumayo tayo sa lugar, sapagka’t sasabog ang bahay na iyan at maraming
mamamatay.
Basilio: Ang pasabog ay nasa anyong lampara na nasa dako ng hapag kainan!
(Pilit na hinihila ni Basilio si Isagani ngunit ito’y walang kibo na nangangahulugang ayaw niyang
sumama)
(Napagtanto ni Isagani na maaaring totoo ang sinasabi ni Basilio dahil sa kilala niya naman ito at
hindi mapagaalinlanganan ang sinabi ng kaibigan)
Isagani: Teka maaaring totoo nga ang binanggit ni Basilio, sa tagal tagal na naming pagsasama kilala ko
na ito kung nagsasabi ito ng totoo o hindi
(Biglang pumasok na tila ba parang kidlat si Isagani doon sa bahay ni Kapitan Tyago, sinunggaban
ang ilawan at inihagis iyon sa ilog)
Mamamayan 1: Narinig niyo ba ang balita na nilusob daw ang baybaying ng Ilog pasig?
Mamamayan 3: Balita ko rin na nagkasagutan daw sila Ben Zayb at ang Padre Probinsiyal tungkol sa
totoong nangyari.
(Naglalakad si Isagani at nakita niyang magkasama sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez)
(Masayang magkasama sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez silay patawa tawang magkasama at
naglalambingan)
Mamayan 2: Ah oo, marami daw siyang nakitang mga pulbura sa lahat ng sulok ng silid ng simbahan,
habang kinakasal sina Juanito at Paulita
Mamamayan 3: Napakamot din sila ng kani-kanilang mga ulo kung sino kaya ang naglagay ng mga
pulburang iyon.
Mamamayan 4: Oo nga, Balita ko rin na kalaunay inamin ni Chichoy na si Simoun daw ang nagalagay
ng mga pulburang iyon
(Naglalakad ang mga bilanggo across the stage kasaba sina Matanglawin)
(Nasa likod sina Tano at Kabesang tales at hihinto na sa gitna ng stage kapag maka exit na yung mga
bilanggo)
(Namatay na si Tandang Selo, ngunit may itinuturo parin ito sa likod ng talampas)
Padre Florentino: Anong nangyari sayo Simoun? Bakit ba tila napakarami ng iyong sugat at ika’y
duguan nung dumating ka rito?
Simoun: Wala ito padre, dala lamang ito ng kawalan ng pag iingat
(Bago paman makasagot si Padre Florentino ay dumating ang isang utusan (babae) dala dala ang
isang liham na nakasaad na may huhulihin sa bahay ni Padre Florentino)
Utusan (babae): Padre may ipinadalang liham ho ang mga guardia sibil sa labas
(Habang binabasa ni Padre Florentino ang liham ay pumasok si Don Tiburcio kung kayat narinig at
nalaman niya ang nilalaman ng lihim)
Padre Florentino: Sinasabi dito na may huhuli daw sila rito sa pamamahay ko.
Padre Florentino: Tiyak akong hindi ikaw ang pinatutukungkulan sa liham na ito kundi si Simoun
(Habang magkausap sina Don Tiburcio at Padre Florentino ay may ininom [na lason] si Simoun)
Don Tiburcio: Estas equivocado Padre! (Mahina at nag aalalang sabi ni Don Tiburcio) Kilala ko ang
aking asawa at akoy nakatitiyak na siya ang nagpadala ng mga kawal na iyon. Ako’y mag eempake na at
baka maabutan pa ako ng mga guardia sibil
(Humarap si Padre Florentino kay Simoun at tinanong niya ito kung bakit hindi man lang ito nag
Aalala o naghahandang umalis)
Padre Florentino: Batid kong alam mo na ikaw ang tinutukoy sa liham na ito. Bakit ba tila hindi ka man
lang natatakot na mahuli ng mga guwardiya sibil?
Simoun: (patawang sinabi ni Simoun) Hindi na kailangan Padre, sapagkat sa konting Panahon na lamang
ay matatapos na ang paghihirap ko
Padre Florentino: Bakit tila namumutla at nanghihina ka Simoun? Anong nangyayari sayo?
Simoun: Wala nang lunas sa lasong aking ininom Padre. Hinding hindi ako magpapadakip ng buhay
Padre Florentino: Hindi maaari ito Ginoong Simoun, teka lang at akoy maghahanap ng lunas (naghanap)
Simoun: Wag na Padre ni kahit kasinlaki ng isang butil ng bigas ay wala kang mahahanap na lunas sa
lason na ito. Mag aaksaya ka lamang ng Panahon. Mamamatay akong dala dala ang aking lihim
Simoun: Ako si Crisostomo Ibarra. Labintatlong taon na ang nakararaan magmula noong ako’y bumalik
mula sa pag-aaral sa Europa upang gumawa ng mabuti para sa bayan at pakasalan ang aking irog na si
Maria Clara. Subalit, lahat ng ito ay nawala nang idawit nila ako sa kaguluhang wala akong kinalaman.
Tumakas ako dala ang kayamanan ng aking mga magulang, nagpayaman at bumalik upang maghiganti sa
mga nang-api sa akin at sa aking mahal sa buhay.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay
nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi nagtagumpay ang
iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang
kapasyahan.
Simoun: Ang ibig ninyong sabihin, gusto ng Kaniyang kalooban na mangyari ang mga ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: (medyo paiyak) Maraming salamat padre! Ngayon ay payapa na ang aking kalooban
(Pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino pero unti unti na itong mawawala sa
pagkakahawak)
Padre Florentino: (kukunin ang maleta na ang laman ay ang mga kayamanan ni Simoun) Nawa’y
makasama mo na ang iyong mga mahal sa buhay na namayapa sa paraiso kung saan hindi ka na
maghihirap.
(ihahagis sa dagat ang maleta) Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat, ngunit kung kakailanganin ka
ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng
alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman
WAKAS