Professional Documents
Culture Documents
Ap7 Q4 Final
Ap7 Q4 Final
Ap7 Q4 Final
ARALING PANLIPUNAN 7
I k a a p a t n a K w a r t e r
Pamantayang Pangnilalaman
• Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang pagtugon ng mga Asyano sa mga
hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-
Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang
ika-20 Siglo)
Pamantayan sa Pagganap
• Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang
Asya sa transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
1
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 4: Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon
Linggo Aralin/Nilalaman Mga Gawain Pahina
Unang Linggo -Panimula • Gawain 1: Anong Pahina 5
-Saklaw ng Modyul iba?
-Grapikong Pantulong sa
Aralin
-Inaasahang Kasanayan
-Panimulang Pagtataya
-Pagtuklas
-Paglinang
Ikalawang Linggo -Pagpapatuloy ng • Gawain 2: Pahina 6
paglinang Ginampanan Mo
-Mga salik at pangyayari sa
pag-usbong ng
nasyonalismo
Ikatlong Linggo -Pagpapatuloy ng • Gawain 3: Anong
paglinang Kaibahan Nito?
-Mga sigalot sa Timog at • Maikling Pagsusulit Pahina 7-8
Kanluran Asya
2
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
UNANG LINGGO
MODULE No. 4
Panimula
Ang aralin na ito ay patungkol sa mga pangyayaring naganap na transpormasyon ng mga bansa sa rehiyon
ng Silangan at Timog-Silangang Asya mula ika 16-siglo hanggang ika 20-siglo. Inihanda ito upang malaman at
maunawaan mo ang mga ginampanan ng kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng mga rehiyon sa Asya.
Gayundin, mabibigyang-halaga mo ang mga pagbabago at pag-unlad ng mga Asyano sa transisyonal at makabagong
panahon. Kaugnay din nito, mapahahalagahan mo ang mga naging kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang
Asya sa iba’t ibang aspekto ng larangang pang-ekonomiya, pangkultura, pampolitikal, panrelihiyon at
pangkabuhayan sa rehiyon ng Asya. Alam mo ba? Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagkakaisang damdaming
politikal ng mga mamamayan upang tapusin ang pamamahala at impluwensiyang dayuhan sa loob ng bansang
kanilang kinabibilangan. Ang bawat aralin ay nilakipan ng mga gawain na maglilinang sa iyong kasanayan upang
makapag-isip ng kritikal at makapaglahad ng mahahalagang pangyayari. Isa-alang alang mo rin ang tanong na
“Bakit mahalagang magsagawa ng pag-aaral ukol sa mga hamon ng pag-unlad at pagbabago sa pagtawid
ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa makabagong panahon?”
SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod;
Mga Aralin Magagawa mong…
• Kolonyalismo at Imperyalismo ✓ Maihambing ang mga karanasan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa
sa Silangan at Timog- ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin.
Silangang Asya ✓ Mataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya.
• Ang Nasyonalismo at Paglaya ✓ Maihayag ang mga ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-
ng mga bansa sa Silangan at Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo.
Timog-Silangang Asya ✓ Maipaliwanag ang mga iba’t-ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
✓ Masuri ang mga pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog-Silangang
Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa kolonyalismo.
• Ang mga Pagbabago sa ✓ Maihambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng
Silangan at Timog-Silangang Silangan at Timog-Silangang Asya ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
Asya ✓ Makapagsagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyonal at
makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawaing pampagkatuto:
1. natatalakay ang mga konsepto ng aralin
2. naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at
imperyalismong kanluranin.
3. natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
4. naipapaliwanag ang mga iba’t-ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya.
3
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
5. nasusuri ang mga pamamaraan ginamit sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagtatamo ng kalayaan
mula sa kolonyalismo.
6. naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng Silangan at Timog-
Silangang Asya ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon.
7. nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at
Timog-Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mong mabuti ang mga pahayag. Tukuyin mo kung tama o
mali ang mga pahayag. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Hindi ito
ipapasa.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at kung MALI itama ang salitang may salunguhit,
palitan ito ng tamang salita.
_________1. Sina Kang Hsi at Chien Lung ang kinilalalang dalawang magagaling na emperador na Manchu.
_________2. Si Chien Lung ang sumulat ng “Sixteen Maxim on the Art of Government”.
_________3. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang pamahaan ng Beijing ay nagdeklara ng pakikidigma
sa Germany.
_________4. Ang digmaang ito ay winakasan ng Kasunduang Portsmouth noong 1905.
_________5. Ang pinakamataas na sangay ng kapangyarihang estado ay ang Supreme People’s Procuratorate.
UNANG LINGGO
K L N Y L S O
N S Y N I O
D I M A N
Ngayon naman, ibahagi mo ang iyong kaalaman sa paksa ng aralin sa modyul na ito. Gawin mo ang
susunod na gawain.
Pagsasanay 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Panuto: Sagutin mo ang pokus na tanong. Itala mo ang iyong sagot sa ilalim ng BAGO. Hindi mo ipapasa ang
gawaing ito ngunit mahalagang maitago mo ang iyong kasagutan upang sa pagtatapos ng modyul na ito ay
maikumpara mo ang naging pagbabago sa iyong sagot. Gawin mo na lamang ito sa iyong hiwalay na sulatang
papel o notebook.
Mga Pokus ng Tanong Bago Pagkatapos
1. Paano nakaapekto sa mga Asyano ang
mga hamon na pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Silangan at Timog-
Silangang Asya hanggang sa kasalukuyan?
4
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
Sa bahaging ito ay tutulungan kitang malaman ang tungkol sa mga pangyayaring naganap sa
transpormasyon ng mga bansa sa rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang mga aralin ay
inihanda upang ikaw ay maliwanagan sa papel na ginampanan ng kolonyalismo at imperyalismo sa
kasaysayan, kaakibat nito ang naging implikasyon ng ideolohiya ng Silangan at Timog-Silangang Asya
sa paglilinang ng nasyonalismo.
Ang mga kaalaman at mahahalagang konseptong makukuha mo rito ay makatutulong upang lalo
mong maunawaan ang mahalagang kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang magsagawa ng pag-
aaral ukol sa mga hamon ng pag-unlad at pagbabago sa pagtawid ng Silangan at Timog-Silangang
Asya sa makabagong panahon?”
Panuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin, ilahad mo ang mga karanasan sa Silangan at
Timog-Silangang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismo. Kopyahin at gawin mo ito sa iyong sagutang
papel.
KOLONYALISMO IMPERYALISMO
Magaling! Natapos at nagawa mong mabuti ang unang gawain sa aralin. Ngayon, paghandaan mo
ang susunod na mga gawain.
5
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
IKALAWANG LINGGO
Ngayon naman ay dumako tayo sa mga pangyayari sa
pag-usbong ng nasyonalismo. Paghandaan mo ang
mga susunod aralin upang matupad ang hinihingi ng
mga gawain.
Handa ka na ba? Halina’t simulan natin.
Basahin mo sa iyong batayang aklat ang “Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya” Kayamanan 7, pahina 404-432.
Gawain 2: GINAMPANAN MO
Panuto: Punan mo ang tsart na nasa ibaba. Isulat mo ang mga ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. Kopyahin at gawin mo ito sa isang buong papel.
MGA GINAMPANAN
NG NASYONALISMO
SA SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG
ASYA
Mahusay! Nagawa mong ilahad ang mga ginampan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. Alam kong magagawa mo pa ang mga susunod na gawaing inihanda para sa iyo.
IKATLONG LINGGO
Ngayon sa ikatlong linggo, malilinang mo ang mga mahahalagang nangyari sa
kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Subukin mo ang iyong sarili para sa
panimulang gawain sa linggong ito.
Tara! Simulan natin.
• Para sa magiging aralin sa bahaging ito, bisitahin sa iyong batayang aklat ang “Ang mga Pagbabago sa
Silangan at Timog-Silangang Asya,” Kayamanan 7 pahina 451-474
6
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
Kung wala kang libro, pwede mong bisitahin ang link sa ibaba na may parehong pagtalakay; “Kababaihan sa
Silangan at Timog-Silangang Asya, isang slide presentation. Link: KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-
SILANGANG ASYA SA MAKABAGONG PANAHON - Bing video
Panuto: Punan at ipaghambing mo ang naging papel ng kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Kopyahin at gawin mo ito sa isang buong papel.
Kumusta? Sana ay nakuha mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pangyayaring naganap sa
transpormasyon sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang mga ito ay mahalagang pagkatutong kakailanganin mo
upang makita sa kasalukuyan ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
nasyonalismo. Ngayon naman ang isagawa mo ang maikling pagsusulit sa ibaba.
MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Kilalanin ang mga tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
A B
____1. Ito ay tumutukoy sa pagkakaisang damdaming politikal ng mga mamamayan a. Cold War
upang tapusin ang pamamahala at impluwensiyang dayuhan sa loob ng bansang
kanilang kinabibilangan.
____2. Ito ay ang tawag sa pangkat ng mga taong Tungistic o Jurchen. b. Council of the Volksraad
____3. Siya ang namuno sa bansang Japan noong 1958. c. Dr. Jose Rizal
____4. Sila ay naniniwala sa modernisasyon at nasyonalisasyon bilang kasagutan sa d. Java
pagtatagumpay ng China.
____5. Siya ang nagtatag ng Kilusang Propaganda na nasundan ng La Liga Filipina. e. kolonyalismo
____6. Ito ay isang pulo na kung saan nag-ugat ang malalim na damdaming f. kuomintang
nasyonalismo ng mga Indonesian.
_____7. Siya ay itinalaga bilang kauna-unahang punong ministro ng Republic of g. manchu
Burma.
_____8. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa Indonesian na magpahayag ng kanilang h. nasyonalismo
puna at kritisismo sa pamahalan.
_____9. Ito ay tumutukoy sa namagitang tensiyong diplomatiko sa pagitan ng United i. Tokugawa Leyaso
States at Union Soviet.
_____10. Ito ay tumutukoy sa pagtatamo ng lupain upang matugunan ang layuning j. U Aung Sar
pangkomersiyal at panrelihiyon sa isang bansa.
7
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
SELF- ASSESSMENT
Panuto: Bilang bahagi ng iyong mga gawain, ngayon ay tayain mo ang iyong pagkatuto. Isulat ang iyong sagot
sa intermediate paper.
Magagawa kong….
IKALIMANG LINGGO
Binabati kita! Dahil nagawa mong maunawaan ang mahahalagang kaisipan at mga
pangyayari sa kolonyalismo at imperyalismo at pag-usbong ng nasyonalismo sa Silangan at Tinog
Silangang Asya.
Sa bahaging ito, lalo mong makikita at maiintindihan ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga
makasaysayang kaganapan mula sa mga tunay na nakasaksi ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng mga Asyano sa rehiyon. Ang bagay na ito ay makapagbibigay sa iyo ng
pagkakataong matimbang at maunawaan ang kasalukuyang katayuan ng bansang Asyano.
Inaasahang lalo mo pang mapalalalim ang iyong pag-unawa sa mahalagang tanong na “Bakit
mahalagang magsagawa ng pag-aaral ukol sa mga hamon ng pag-unlad at pagbabago sa
pagtawid ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa makabagong panahon?”
Gawain 4: ISA-ISAHIN MO
Panuto: Sa pamamagitan ng Fish Bone, isulat mo ang mga naging epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. Gawin ito sa sagutang papel.
1. 2. 3.
6.
5.
4.
8
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
Gawain 5: IPALIWANAG MO
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang katanungan na nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Ngayong nalaman at natutunan mo ang mga naganap sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Paano mo
pagyayamanin ang mga kaalaman sa mga naganap na nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa
kasalukuyan. Isulat ang iyong paliwanag sa ibaba.
Pangangatwiran
___
IKAANIM NA LINGGO
Sa bahaging ito ay susuriin mo ang piling mga artikulo batay sa konteksto nito. Inaasahan
din na mapalalim mo pa ang iyong kasagutan sa tanong na, “Bakit mahalagang magsagawa ng
pag-aaral ukol sa mga hamon ng pag-unlad at pagbabago sa pagtawid ng Silangan at Timog-
Silangang Asya sa makabagong panahon?”. Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing
inihanda sa bahaging ito.
Teksto bilang 2: “Mga Dahilan at Paraan ng Pagpasok ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-silangang
Asya”
Dahil sa kagustuhang mapasok ang China, hindi tinigilan ng mga Briton ang pagpupunyaging mapagkaloooban ng
karapatang makipagkalakalan sa bansa. Sa simula, ang ugnayan sa himpilang pangkalakalan ay pinangasiwaan
lamang ng mga co-hong. Ang mga co-hong ay samahan ng mga mangangalakal na Tsino na siyang nagtatalaga ng
buwis sa anumang kalakal na iniluluwas at iniaangkat ng bansa. Ang transaksiyon sa pagitan ng mga dayuhan at co-
hong ay nagaganap lamang sa himpilang pangkalakalan ng Canton. Layunin ng sistemang ito na maiwasan ang
pagpasok ng sinumang dayuhan sa loob ng bansa. Dahil sa paniniwala ng mga Tsino na sapat na ang
pangangailangan, kaunti lamang ang kanilang iniaangkat na produkto mula sa Britain, samantalang milyong tonelada
naman ng tsaa ang iniluluwas ng China patungo sa bansang ito. Sa panig ng Briton, ang kalakarang ito ay hindi
makatarungan sa dahilang para sa kanila, malinaw na nakapaling lamang sa kapakinabangan ng China ang kalakalan.
Ibig sabihin, nakahihigit ang kinikita ng China sa mga produktong iniluluwas kaysa mga produktong iniaangkat nito.
Teksto bilang 3: “Kahalagahan ng Ugnayan sa pagitan ng China at Britain”
Ang kolonyalismo ay nag-iwan ng magkakahalong bunga sa Timog-Silangang Asya. Pinaunlad ng mga cash
crop o produktong pang-eksport na naipagbibili sa pamilihang pandaigdigan ang ekonomiya ng mga bansa sa
rehiyon. Sila rin ay nakinabang sa mga nalinang at higit pang pinaunlad ang mga daan, daungan, daanang bakal na
higit na nagpabuti sa sistemang komunikasyon at transportasyon, napabuti at nalinang din nila ang edukasyon,
kalusugan at kalinisan ng relihiyon. Ang rehiyon ay nagmistulang “melting pot” ng mga Hindu, Muslim, Kristiyano
at Buddhist. Milyong tao mula sa ibang bahagi ng Asya at daigdig ang dumayo sa rehiyon upang manilbihan sa mga
taniman at minahan, ang ibinungang pagbabago ring ito ay malaki ang naging ambag sa kultura sa nasabing rehiyon
subalit di kalauna’y nauwi sa ilang salungatan ng mga lahi at relihiyon na nagaganap pa hanggang sa kasalukuyan.
9
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
Sa kabuuan, ang kolonyalismo o imperyalismo ay nagbunga ng makabagong pamumuhay sa mga tao sa rehiyon.
Ngunit ang dala nitong pagbabago sa ekonomiya ay nagpayaman lamang sa mga dayuhanng negosyante at hindi sa
mga lokal na mamamayan.
Panuto: Upang mabuo ang guided generalization table, basahin at unawain mo ang mga sumusunod na teksto na
nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin mo ang mga katanungan. Gawin mo ito sa isang papel.
Mahalagang Teksto bilang 1 Teksto bilang 2 Teksto bilang 3
Tanong
“Epekto ng Kolonyalismo sa “Mga Dahilan at Paraan ng “Kahalagahan ng Ugnayan
Timog-silangang Asya” Pagpasok ng mga Kanluranin sa pagitan ng China at
sa Silangan at Timog- Britain”
silangang Asya”
Paano mo nasabing ito ang Paano mo nasabing ito ang Paano mo nasabing ito ang
magpapatunay sa iyong magpapatunay sa iyong sagot? magpapatunay sa iyong
sagot? sagot?
Pagkakaparehong ng tatlong teksto na nasa katuwiran:
Mahalagang pag-unawa:
Naunawaan ko na ang mga pagbabago at pag-unlad sa makabagong panahon ay:
Panuto: Suriin ang mga pamamaraan ng pagkamit ng kalayaan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.
Digmaang Ruso-Hapones Pananakop ng Japan sa China
PARAAN NG PAGKAMIT NG
KALAYAAN
10
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022
Mga Pokus ng Tanong Bago Pagkatapos
1. Paano nakaapekto sa mga Asyano ang
mga hamon na pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Silangan at Timog-
Silangang Asya hanggang sa kasalukuyan?
IKAPITONG LINGGO
Sa bahaging ito ay magagawa mo nang mailapat sa totoong buhay ang lahat ng kaalaman at
pag-unawa na nakuha mo sa tulong ng mga aralin at gawain. Inaasahang lalo mo ngayong
mapahahalagahan ang mga pagbabago sa Silangan at Timog-Silangang Asya tungo sa transisyonal
at makabagong panahon upang maipakita ang makabuluhang epekto nito sa pandaigdig hanggang sa
kasalukuyan. Patuloy mong paunlarin ang iyong kaalaman at kasanayan sa mga araling ito tungo sa
mas malaking gampanin mo.
Sa mga nagdaang panahon, mababatid natin ang mga pangyayari na naganap sa kasaysayan. Ang mga
pangyayari noon ay nagdulot ng masalimuot na karanasan sa pamumuhay ng bansang Asyano. Kaya naman ang
hamon na ito ay nagsilbing-daan upang makamit at mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya ngayong
darating na buwan ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ikaw ay hinahamon ko na gumawa ng isang kritikal
na pagsusuri sa mga pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Silangan at Timog-Silangang Asya tungo sa
makabagong panahon. Ito’y upang maipakita ang kahalagahan na mga naganap hanggang sa kasalukuyang
panahon na magtutugon sa mga pangangailangan sa iba’t ibang aspekto sa araw-araw na pamumuhay. Tatangkilin
ang iyong critique paper ng mga kilalang kritikong manunulat, komposer, editor, historyador at kapwa eksperto
sa larangan. Para sa mabisang pagtatalakay tataglayin ang iyong sulatin ng kahalagahan ng mensahe, paglalahad,
kaangkupan ng estilo at kawastuhan ng interpretasyon.
Binabati kita! Dahil natapos mo ang modyul na ito. Napatunayan mo ngayon na ang mga
pagbabagong naganap sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyonal at makabagong
panahon na maaaring maging daan upang lubos na maunawaan at mapahalagahan ang mga
pangyayari hanggang sa kasalukuyang panahon. Malaki rin ang impluwensya ng mga kaisipang ito
sa ating pamumuhay. Naniniwala akong madali mong nasagot ang mga gawain. Tingnan natin kung
ilan ang nakuha mong tamang sagot.
SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
1. Tama Pagsasanay 1: Hulaan Mo!
2. Kang Hsi 1. Kolonyalismo
3. Tama 2. Nasyonalismo
4. Tama 3. Digmaan
5. National People’s Congress
12
AP 7/ANG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA SA TRANSIYONAL AT MAKABAGONG PANAHON/
S.Y. 2021-2022