Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JUDGE EDMUNDO PINGA NATIONAL HIGH SCHOOL-MARAYA EXTENSION

Maraya, Vincenzo Sagun, Zamboanga del sur


LAGUMANG PAGSUSULIT FILIPINO-9
UNANG MARKAHAN
NAME:__________________________________________________________ SCORE:_______________
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sa maikling kuwentong ‘’Ang Ama’’.Anong ugali ang ipinapakita ng kanilang ama sa kaniyang mga anak pagkatapos mamatay
si Mui-Mui?
A. mapagmahal B. lasenggero C. iresponsableng ama D. walang pakialam sa mga anak
2. Anong pangyayari sa maikling kuwento ‘’Ang Ama’’ sa kanilang pamilya ang nakapagpabago sa ugali ng kanilang ama?
A. Ang pag-iyak ng kAnilang ina B. Ang pagkamatay ni Mui-Mui
C. Ang pagkaalis niya sa pinagtatrabahoan D. Ang pagmamakaawa ng kanilang mga kapatid
3. Paano maihahalintulad ang punongkahoy sa buhay ng tao?
A. Ang puno at ang tao ay parehong nalalagas.
B. Gaya ng puno. Ang buhay ng tao ay marupok.
C. Ang puno ay tanim, samantalang ang tao ay nilalang.
D. Magkapareha ang puno sa taong dumaranas ng kaginhawahan sa buhay.
4.. Sa alin maiuugnay ang kandila sa sariling buhay?
A. isang nakadipang krus B. pugad ng mga ibon C. sariling libingan D. tubig sa batis
5. Saan sumisimbolo ang guryon?
A. pamumuhay B. pangarap C. pag-asa D. buhay
6. Ano ang sinisimbolo ng hangin sa tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos?
A. magkakaroon ng tibay ang loob B. maabot ang mga pangarap
C. mga pagsubok sa buhay D. sagabal sa buhay
Para sa aytem 7-9

PAG-ASA

Mula kamusmusan ako’y namulat,


Sa mundong kaligayaha’y salat,
Pakiwari ko’y mahirap mabuhay,
Lumaban nang di masadlak sa hukay.
Mga problema’y sadyang mapanghamon,
Pagsisikap ko’y sa pamilya nakatuon,
Walang humpay ang panalangin ko sa Poon,
Sigaw ko ngayon, buhay ay maiahon!

7. Ano ang isinisigaw ng persona sa tula?


A. Mahirap ang buhay. B. Lumaban at matuto sa buhay.
C. Maiahon sa kahirapan ang pamilya. D. May pag-asa anumang hamon sa buhay.
8. Anong kahalagahan sa buhay ang nais ituro ng akda?
A. Maging matatag sa buhay B. Maging kontento sa buhay
C. Manalangin upang mabuhay D. Lumaban at matuto sa buhay
9.. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda tungkol sa buhay?
A. itaguyod B. makulay C. ilaban D. di-tiyak
10. Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat na may layuning magbahagi
ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, o manghikayat ng ibang tao.
A. nobela B. alamat C. sanaysay D. maikling kuwento
11. Hanggang ngayon, sinusunod pa rin ng nakararami ang mga lumang TRADISYON.
Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. tanikala B. pamahiin C. kaugalian D. panuntunan
12. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at dalawang sugnay?
A. pang-abay B. pang-angkop C. pangatnig D. pang-ukol
13. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema _______hindi na niya alintana ang mga darating pa. Alin ang angkop
na gamiting pangatnig?
A. kaya B. subalit C. sapagkat D. samantala
14. “Kung wala kang magandang sasabihin, mainam na itikom mo na lang ang iyong bibig upang hindi makasakit.” Ano ang ibig
ipakahulugan ng pahayag?
A. Huwag magsalita kung walang sasabihing maganda. B. Mahalagang kontrolin ang damdamin.
C. Matuto tayong maging mahinahon. D. Maging tapat sa sinabi.
15. Kailangang IKAHON ang mga lumalabag sa batas upang hindi pamarisan.
Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. itali B. ipasok C. ipaloob D. ikulong
16. “Bata pa si Red subalit siya ay responsable na.” Alin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap?
A. bata B. siya ay C. subalit D. responsable
17. Isa sa mga pagnanais ng isang babaeng Javanese noon na mabago ang kaugaliang nakasanayan para sa kababaihan. Ito ang
pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan sa kalalakihan. Bilang isang batang Asyano na naghahangad ng
pagkakapantay-pantay, paano mo ipapaalam sa mga kababaihan ang kanilang karapatan?
A. ibahagi ang RA 9262 o Violence against women and their Children
B. magbigay alam sa DSWD sa mga problemang pangkababaihan
C. tutulungan ang mga kababaihan sa kanilang karapatan
D. makipagtulungan sa mga kapwa kababaihan sa lugar
18. Si Mario ay isang matalino at responsableng bata sa KLASE. Ano ang nais ipakahulugan sa salitang nakasalungguhit?
A. grupo B. pangkat C. paaralan D. edukasyon
19. Samantala, nauuri sa dalawang KLASE ang lipunan, may mayaman at mahirap.
Ano ang ibig ipahiwatig ng sinalungguhitang salita?
A. uri B. pangkat C. paaralan D. kapisanan
20. Ano ang tawag sa isang dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
A. Trahedya B. Komedya C. Melodrama D. Trikomedya
21. Ano ang mararamdaman mo kung ang kapamilya ay magbalik-loob sa Panginoon?
A. Masaya B. malungkot C. naghihinagpis D. nanghihinayang
22. Anong uri ng panitikan ang naglalarawan ng buhay at itinatanghal?
A. Dula B. Nobela C. Sanaysay D. Maikling Kuwento
23. Tunay na dakila ang pag-ibig ng ina para sa anak. Anong ekspresyon ang isinasaad ng pangungusap?
A. Opinyon B. Katotohanan C. Nag-aalinlangan D. Walang katotohanan
24. Sa salitang doktor, kung dagdagan ng ponemang “a” ang salita na mabubuo ay kasingkahulugan ng
A. babaeng pulis B. babaeng piloto C. babaeng doktor D. babaeng enhinyero
25. Ang bata ay _______ ng halaman. Alin sa sumusunod na salita ang gamitin kapag ang kilos ay tapos na?
A. nagdilig B. magdilig C. nagdidilig D. magdidilig
26. Ang mga pangatnig na transitional devices ay nakatutulong sa
A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos.
27. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ______
A. pangkayarian B. pananda C. pantukoy D. pangawing
28. Isang uri ng dulangnagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang ______
A. Komedya B. Melodrama C. Tragikomedya D. Trahedya
29. Sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga ______
A. Pantukoy B. Pangatnig C. Pandiwa D. Pang-abay
30. _____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang na wawalasa pangungusap ay_____.
A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula
31. Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa dulang “Tiyo Simon”?
A. Ang pananampalataya, pagsamba, at pananalig ng tao sa Dios
B. Ang pagsama ni Tiyo Simon sa simbahan
C. Ang pagpapaalala ng ina sa anak

D. Ang pagpapahalaga sa tunog ng batingaw ng simbahan


32. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
A. Ang melodrama ay nagtataglay ng hamon sa buhay.
B. Ang melodrama ay nagtataglay ng malungkot na pangyayari, nakakaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya.
C. Ang melodrama ay nagpapaiyak sa mambabasa.
D. Ang melodrama ay nagbibigay ng buhay at pag-asa.
33.. Kung ang sanaysayna di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang
sanaysay na impersonal naman ay ____.
A. Naglalarawan B. Pormal C. Nangungutya D. Nang-aaliw Ito ang tunggali ang naganap sa isipan ng tao
34. Ito ang tunggali ang naganap sa isipan ng tao
A. Tao vs kalikasan B. Tao vs kalamidad C. Tao vs kapwa D. Tao vs sarili
35. Itoy isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba.
A. Katotohanan B. Opinyon C. Patunay D. Pahayag

You might also like