Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

Pangalan: PAJARILLON, SANDY L. Petsa: JANUARY 31 2024


Oras/Araw ng klase 10:00-11:00 A.M. M/W/F Seksyon: PANITIKAN-C

I. Panuto: Bumuo ng sariling “ALAMAT” o sariling kwentong “PABULA” na maihahalintulad ang aral sa sariling
karanasan. Pumili lamang ng isa at bigyan ng sariling pamagat.

ANG ALAMAT NI AMIHAN


Sa -di kalayuang nayon ay may isang dalagang mag isang naninirahan, at gaya ng kanyang ngalan, ay
tunay ngang kay amo ng kanyang mukha. Siya si Ami, maagang naulila sa kanyang mga magulang. Bata pa
lamang siya ng hagupitin ng isang malakas na bagyo ang kanilang nayon, animong galit na galit ang kalikasan,
kung kaya ay hindi na maipaliwanag ang kanilang sinapit mula sa nasabing sakuna, at sa kasamaang palad ay isa
ang kanyang mga magulang sa mga nasawi. Walang gabing hindi tumatangis ang dalaga, paulit ulit sinasambit na
sana ay siya na laang ang nawala at hindi ang kanyang ama't ina.

Sa paglipas ng panahon, ay unti-unti na ding natatanggap ni Ami ang kanyang kapalaran. Bumabalik na
ang sigla sa kanyang mga mata, at dumadalas na uli ang kaniyang paglabas, kagaya ng kaniyang nakasanayan
noon. Isa din siyang dalaga na mapagmahal sa kalikasan, ang mga puno na nagsisilbi niyang pahingahan sa
tuwing napapagod sa kaniyang paglalakbay, ang mga rosas na siyang ikinagagalak niya sa tuwing masisilayang
bumubulaklak, ang mga ibon at iba pang mga hayop, na nagsilbi niyang mga kaibigan, at higit sa lahat ang hangin,
hindi niya maipaliwanag kung paano gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa tuwing makakalanghap ng sariwang
hangin,kung kaya ay nakagawian niya na talagang lumabas araw-araw.

Habang si Ami ay namimitas sa kaniyang hardin para sa kanyang tanghalian, ay may biglang sumulpot na
binatang matipuno, ngunit hindi nagpakita ng takot si Ami, at agaran niya itong tinanong, "Sino ka, anong pakay mo
dito" Ngunit hindi naman makaimik agad ang binata, sapagkat hindi nito maipaliwanag ang naramdaman ng
masilayan ang dalaga, tila ay may nagsara ng kaniyang labi upang hindi na makapagsalita at napatitig na lamang
kay Ami, kung kaya ay inulit muli ng dalaga ang kaniyang sinambit, at doon na lamang sumagot ang binata.
"Pasensya na binibini, ako lamang ay nabighani sa iyong angking kagandahan, ako nga pala si Hagi", hindi na
naitago ng dalaga ang kaniyang naging reaksyon, tuluyan na ngang namula si Ami, "ako ay napadpad dito
sapagkat ayoko na sa aming lugar, linisan ko ang aking lugar upang humanap ng bagong matitirahan, masiyado
ng masalamoot ang kaganapan doon, kay raming dumi at hindi ko na maamoy ang sariwang hangin na aking
hinahanap-hanap sapagka't napalitan na ng maiitim na usok mula sa iba't ibang pabrika at transportasyon, hindi ko
na yata kayang balikan ang lugar na iyon, maaaring yumaman yon ngunit kay lungkot na, hindi ko na makita ang
aking kinalakihan, buti na lamang at umayon ang aking mga paa sa aking ninanais" Walang masabi ang dalaga sa
mga tinuran ng binata, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay magaan ang kaniyang pakiramdam sa lalaki, kung
kaya ay hindi na nag alinlangan si Ami na patuluyin ito.

Lumipas ang araw at naging magaan ang pakikitungo nila sa isa't isa, doon na pinatira ni Ami ang binata
sa kaniyang tahanan, sapagka't hindi naman niya ito nakitaan ng masamang intensyon. Sa paglipas ng oras, ay di
namamalayan ng dalaga na siya ay tila nahuhulog na kay Hagi, at lingid sa kaniyang kaalaman na ganon din ang
naramdaman sa kaniya ng binata. Naramdaman ng dalaga na siya ay nagkaroon muli ng pamilya at kasangga.
Natikman muli ni Ami ang tunay na saya, at kalinga, na matagal na niyang inaasam at hinahanap. Laking
pasasalamat niya sa Poong Maykapal na binigay sa kaniya si Hagi, sapagkat kung hindi dahil sa binata ay hindi
niya muli mararanasan ang mga ganoong kaligayahan, tila ay nahigitan pa nga ang kaniyang kasiyahan noong
mga nagdaang panahon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay balais ang dalaga ng araw na iyon. Sakto namang
nagpaalam si Hagi na nangangahoy, kaya't hindi alam ng dalaga kung ito'y papayagan. "Babalik din ako kaagad,
sapagka't lulutuan kita ng masarap na hapunan" ani pa ng binata, hindi naman magawang pigilan ng dalaga
sapagkat ito'y kanilang nakasanayan na, kung kaya ay wala din itong nagawa bagama't labag ay pumayag na din
si Ami. Habang nagsasampay ang dalaga ng mga nilabhan ay biglang lumakas ang hangin, kung kaya ay nilipad
nito ang ilang mga baro, at nang ito'y kanyang pupulutin ay biglang humagupit naman ang ipo ipo at nagsayawan
na ang mga puno dala ng malakas na hangin, kung kaya ay dali daling tinakbo nito ang kaniyang bahay, upang
hindi mabagsakan ng puno. Hindi na tumigil ang malakas na hangin at sinabayan pa ng ulan, maalinsangan na
ang paligid, dumidilim na din kung kaya ay lalo na siyang nag alala gayong wala pa si Hagi.

Sa kabilang banda naman, hindi pinansin ng binata ang malalakas na hangin sapagka't, sanay naman ito
at natutuwa ding kay lalaki ng kaniyang mga nakukuhang kahoy, sa loob loob pa nito ay tunay na matutuwa si Ami
kapag ito'y bumalik na dala dala ang mga napangahoy. Habang pababa na mula sa kataasan ay siya namang
pagsipol ng hangin, kasunod ay ang paghagupit ng malaking puno mula sa kaniyang likuran na siyang ikinabagok
ni Hagi at pag gulong sa bangin.

Lumipas ang dalawang araw na animoy gabi sa sobrang dilim at lakas ng hangin, hindi na alam ni Ami
kung ano ang gagawin, dala na ng halo halong emosyon at pag aalala. Wala siyang natanggap na paramdam mula
kay Hagi, na ikinadobleng takot nito. Tila biglang bumalik sa kaniya ang nakaraan. Nang umamo ang kapalagiran
ay doon na nagsimulang hanapin at lakbayin ni Ami ang kanluran. Hindi na alam ng dalaga kung anong lugar at
ilang araw na niya itong binabagtas, dala na ng kapaguran at kagutuman ay unti unti na ding nanghihina ang
dalaga at kasabay nga din ng malakas na hangin ay siya ding pagbigay ng katawan ni Ami,.
Simula nga noon ay wala na ding naging balita mula sa dalaga, ngunit may isang matandang binata doon
na nag ngangalang Mang Agi ang paulit ulit sinasambit ang " ibalik niyo ang dating hangin, aking ami bumalik ka
na" na animo'y baliw. Kung kaya ay sa tuwing sisipol ang hangin ay tila prediktido na ito'y may kasunod na isang
malakas na hangin na tinawag na Amihan, na sinasabing sumisimbolo kay Ami na dalagang kay rikit ngunit kay
lungkot ng sinapit.

You might also like