Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

WEEK 1: ANG KAHALAGAHAN NG

SIKOLOHIYANG PILIPINO
“Ang kaalaman natin sa iba’t-ibang kultura ay humubog sa atin upang luminang pa ang kaisipan
at pag-unawa.”

Sa umpisa ay nahirapan kaming intindihin kung ano ang Sikolohiyang Pilipino? Kung kaya’t
bawat isa sa amin ay talagang magsunog ng kilay sa paghahanap ng mga kasagutan sa
internet tungkol sa kahulugan ng Sikolohiyang Pilipino at iba pang mga detalye ukol dito. At
napag-alaman namin na ito pala ay tumutukoy sa “Philippine Psychology”. Kaya’t nabigyang
linaw ang aming mga isipan tungkol sa araling nabanggit. Matagal din naming nabuo ang
kaisipan ukol sa aralin sapagkat nagkaroon pa ng mahabang talakayan ang bawat isa batay sa
pagkakaintindi sa mga impormasyong nakuha sa internet.

Hango sa aming nabasa at talakayan ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng


karanasan, kaisipan, at oryentasyo ng Pilipino, batay sa kabuuang paggamit ng kultura at
wikang Pilipino. Ito rin ang siyentipikong pag- aaral ng pag-iisip ng tao at kakayahan nito na
nakakaapekto sa kilos; pangkaisipan na katangian o pananaw ng isang tao o pangkat
(http://liancvivas.wordpress.com/2009/11/16/ sikolohiya-ng-wikang-filipino/). Sa kasaysayan ng
Sikolohiyang Pilipino, dumating ang mga Amerikano at ibinahagi nila ang edukasyon at
nagsagawa ng mga IQ test, personality test sa mga Pilipino, kagaya ng mga tanong na ito “Who
is Amelia Earhart?”, “Whatever happens to Amelia Earhart, who watch the stars up in the sky?”-
Someday We’ll Know, New Radicals”, “How many dimes are there in a quarter?”, na hindi
naman angkop sa mga Pilipino, sapagkat ito ay nakabatay sa kanilang kultura. At dito ibinahagi
rin nila sa mga Pilipino na dapat makuntinto kung ano man ang nakasanayan na. Halimbawa na
lamang ay yaong kantang “Bahay Kubo” na dapat makuntinto sa kubo at hindi maghangad pa
ng mas malalaking bahay.

Ibinahagi rin nila sa atin ang paggamit ng mga konsepto at panukat, na hindi naaangkop sa
ating kultura sapagkat ito’y nagpakita ng hindi tamang interpretasyon ng kilos at pag-iisip ng
isang indibidwal. Kung gayon, dapat sana ito ay naaayon sa kontekstong ginagalawan ng isang
indibidwal. Ang mga pagpapahalaga at pinahahalagahan sa isang kultura ay maaaring makita
sa wika. Halimbawa; bigas – rice, palay – rice grain, kanin – cooked rice, bahaw – cold rice,
tutong – burnt rice, suman – rice cake at lugaw – rice porridge.

Si Virgilio Enriquez ang siyang tinaguriang “Ama ng Sikolohiyang Pilipino”, nag-aral siya ng
post graduate sa ibang bansa at sa aming palagay ito ay upang maihambing niya ang kultura
ng Pilipino at ng mga dayuhan. Kaya siguro napagtanto niya na ang kulturang dayuhan ay hindi
maaaring gamitin sa kulturang Pilipino. Taong 70’s ng bumalik siya sa bansang Pilipinas upang
ibahagi ang kanyang mga natuklasan bunga sa kanyang pag-aaral at isa dito ay ang tungkol sa
Sikolohiyang Pilipino. Ipinakilala rin niya ang tatlong anyo ng Sikolohiyang Pilipino. Ito ay ang
mga sumusunod:
a. Sikolohiya ng Pilipinas

Ang Sikolohiya ng Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro (texbook), at


sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino. Halimbawa: Ang aklat na
galing sa ibang bansa at inilagay sa isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaring maging
isang bahagi na ng silid-aklatang iyon. Kaya ito ay may kinalaman sa kabuuang sikolohiya ng
ating bansa kasama na ang mag sariling sikolohiya at ang sikolohiya na nadala ng dayuhan sa
bansang Pilipinas maging ito man ay sa anong paraan at anyo.
(http://www.scribd.com/doc/98721023/Sikolohiyang- Pilipino-Virgilio-Enriquez).

b. Sikolohiya ng mga Pilipino

Ang pangalawang anyo ay ang Sikolohiya ng mgaPilipino na tumutukoy naman sa lahat ng mga
pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko kung saan may kanyan-
kanyang nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong nagkakaiba’t-ibang pangkat etniko ng
Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na Sikolohiya ng mga Pilipinio.

c. Sikolohiyang Pilipino

Samantala, ang pangatlong anyo na Sikolohiyang Pilipino ay ang nilalayong anyo ng sikolohiya
sa Pilipinas. Ito ang sikolohiyang bunga ng Karanasan, Kaisipan, at Oryentasyong Pilipino
(KKO). Halimbawa: Ang isang kulturang ipinaiiral ng isang pamilya sa kanilang tahanan ay ang
batayan sa Sikolohiyang Pilipino na nagbibigay ng matatag na katunayan sa pagkakaroon ng
sariling kultura na tinutukoy dito.

Mga Pangunahing-Aral ang Sikolohiyang Pilipino

A. Core Value o Kapwa na tumutukoy sa Kapwa, nangangahulugang 'togetherness', ang


nangunguna sa pangunahing-aral ng Sikolohiyang Pilipino. Kapwa ay tumutukoy sa
pamayanan; na hindi ka nag-iisa sa paggawa. Ang Kapwa ay mayroong dalawang uri.
Ang una ay Ibang Tao (other people), halimbawa: Pakikitungo, Pakikisalamuha,
Pakikilahok, Pakikibagay, at Pakikisama. Ang pangalawa ay Hindi Ibang Tao (not other
people), halimbawa: Pakikipagpalagayang-loob, Pakikisangkot, at Pakikipagkaisa.

B. Pivotal Interpersonal Values na tumutukoy sa Pakiramdam, bahagi ang sariling


kaisipan. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng damdam, o ang sariling kaisipan sa
damdamin ng iba, bilang pangunahing kasangkapan sa kanyang pakikitungo sa kapwa
tao.

C. Linking Socio-Personal Value na tumutukoy sa Kagandahang-Loob, ang


pagbabahagi sa sangkatauhan. Tumutukoy ito sa kakayahang tumulong sa kapwa tao
sa panahon ng kanilang pangangailan dahil sa kanilang pagkakaunawa na ang pagiging
magkasama ay bahagi na ng isang pagiging Pilipino.

D. Accomodative Surface Values ito ay tumutukoy sa mga sumusunod;

1. Hiya: kadalasan naiuugnay bilang “Kahihiyan” ng mga Kanluraning Sikologo,


katunayan ang Hiya ay “naaangkop na pag-uugali”.

2. Utang na Loob: “Norm of Reciprocity” sa Ingles. Ang mga Pilipino ay inaasaha


ng kapwa na gumanti sa pabor na natanggap — ito man ay hiningi o hindi — o
ito man ay kailangan o ginusto.

3. Pakikisama at Pakikipagkapwa: “Smooth Interpersonal Relationship (SIR)”, na


likha ni Lynch (1961 and 1973). Ang saloobin na ito una sa lahat ay
pinatnubayan na alinsunod sa nakararami. E. Confrontative surface values ito ay
ang mga sumusunod:

A. Bahala Na: Ang saloobin na ito ay kadalasang naiuugnay sa Ingles bilang


“'fatalistic passiveness”, na katunayan ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay ng mga Pilipino na siya ay determinadong gawin ang abot
ng kanyang makakaya, kaya umusbong ang salating bahala na, na
katunayang nanggaling sa salitang bathalan na, na ang kahulugan ay
“Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, at ang Diyos na ang
gagawa sa nalalabi”.

B. Lakas ng Loob: Ang saloobin na ito ay inilalarawan sa pagkakaroon ng


buo na loob sa kabila ng mga suliranin at pag-aalinlangan.

C. Pakikibaka: Ito ay nangangahulugang “concurrent clashes” sa Ingles.


Tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na magsagawa ng mga
rebolusyon at pag-aalsa laban sa palasak na katunggali. F. Societal
values ito ay ang mga sumusunod:

a. Karangalan: kadalasan nauugnay sa dignidad, na sa katunayan


ay nangangahulugan na kung ano amg palagay ng ibang tao sa
kapwa at paano nila ginagamit ang kaalamang ito sa pagkilala at
paghusga sa kanyang buong pagkatao at kahalagahan.

b. Puri: ito ay ang panlabas ng aspeto ng dangal na tumutukoy sa


kung paanon natin hinuhusgahan ang buong pagkatao at
kahalagahan ng kapwa.
c. Dangal: ito ay ang panloob na aspeto ng dangal na tumutukoy sa
kung paano niya hinuhusgahan kanyang pagkatao at
kahalagahan.

d. Katarungan: kadalasan ito ay nauugnay sa katarungan o


hustisya, na sa katunayan ay nangangahulugan na ang
pagkamakataong makapagbibigay gantimpala sa kapwa.

e. Kalayaan: Ito ay nangangahulugang “Freedom and mobility” sa


Ingles. Sa makatuwid ito ay magkakasalungat sa hindi gaanong
mahalaga na pag-uugali na pakikisama or pakikibagay.

WEEK 2: MGA BATAYAN SA


SIKOLOHIYANG FILIPINO: DIWA AT
KARANASAN
Layunin ng kasalukuyang pananaliksik na mapag-alaman ang mga batayan ng Sikolohiyang
Pilipino at matalunton ang kasaysayan ng sikolohiya sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Kaugnay
nito, kailangang talakayin ang pagkakaiba ng Sikolohiyang Pilipino sa sikolohiya sa Pilipinas.
Unang-una, higit na malaki ang pagkakaugnay ng mga sangkap na kahulugan ng dalawang
salita sa Sikolohiyang Pilipino kaysa sa mga salitang bumubuo sa pariralang Sikolohiya sa
Pilipinas. Maaaring ipaliwanag ito sa pamamagitan ng isang nahahawig na halimbawa:
Bagamat halos pareho na ang kahulugan ng mga salitang “taong bahay” at “tao sa bahay,”
mapapansing may higit na malalim na kahulugan ang mga salitang “taongbahay” kaysa sa
salitang “tao sa bahay.” Mas madalas tayong maging “tao sa bahay sapagkat ang pagiging “tao
sa bahay” ay hindi kailangang kinukusa, pinag-iisipan, o sinasadya. Puwede pa ngang
napadaan lamang ng sandaling-sandali o kaya’y hindi talagang tagaroon ang nagkataong “tao
sa bahay.” Sa kabilang dako, mayroon namang

mga talagang nakatira na sa bahay ay ayaw pang maging taumbahay. Nahahawig dito ang
pagkakaiba ng “Sikolohiyang Pilipino” sa “Sikolohiya sa Pilipinas.” Sa isang banda, ang
Sikolohiya sa Pilipinas ay may mga aspetong nakakalinya sa “tao sa bahay” na dalaw lamang
samantalang ang Sikolohiyang Pilipino ay nakakalinya ng “taumbahay” sapagkat dapat na
kusang tanggapin muna o pag-isipan upang mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal ng
nasabing sikolohiya. Pansamantalang iminumungkahi sa papel na ito na ang Sikolohiyang
Pilipino ay ang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino
samantalang ang Sikolohiya sa Pilipinas ay bunga ng pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayaring may kinalaman sa sikolohiya sa ating bayan.
Higit siguro itong lilinaw sa pamamagitan ng isang halimbawang hipotetikal. Ipagpalagay nating
isang araw ay naisipan ng isang sikolohistang Amerikano at isang paring Kastila na magtagpo
sa Maynila upang pag-usapan ang isang paksang sikolohikal, at ipagpalagay din nating ang
resulta ng pagtatagpong ito ay ikinatuwa ng mga Pilipino. Ang pagtatagpo ng pari at sikolohista
ay maituturing na bahagi ng sikolohiya sa Pilipinas, subalit isang kalabisang sabihin na ang
pagtatagpong ito o ang kanilang pinag-usapan ang siyang dapat na batayan ng sikolohiyang
Pilipino kung hindi man siyang tinutukoy ng nga sa fraseng “Sikolohiyang Pilipino.” Higit na
makatwirang isipin na ang reaksyon ng mga Pilipino (na sa ating gawa gawang halimbawa ay
pagkatuwa) ang siyang kakatawan sa sikolohiyang ito. Ikalawa, pansinin din na ang paksa ng
pananaliksik ay Sikolohiyang Pilipino at hindi Sikolohiya ng Pilipino o Sikolohiya ng mga
Pilipino. Higit na mahirap ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga ito subalit sa aking
pagkakaunawa, maituturing na isang Sikolohiya ng mga Pilipino ang bawat teorya ng sinumang
nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino kahit na nga ba siya’y isang
Amerikanong Heswita na ipinanganak at lumaki sa Amerika at ni hindi nakakaunawa ng kahit
aling wikang katutubo sa Pilipinas. Ang katapatan at pagkamakatotohanan ng nasabing teorya
ay isang naiiba at hiwalay na isyu. Ikatlo, at higit na mahalaga sa lahat ay ang patuloy na
pananaliksik sa mga konseptong sikolohikal sa Pilipino. Saksi ang wikang Filipino sa pananaw
na ang sikolohiya ng mga Pilipino ay tungkol sa kamalayan na tumutukoy sa kanyang
damdami’t kaalamang nararanasan, sa ulirat na tumutukoy sa kanyang kaalaman at
pagkaunawa, sa diwa na tumutukoy din sa kanyang mga haka at hinuha, sa bait na tumutukoy
sa kanyang ugali, kilos o asal, sa loob na tumutukoy din sa kanyang damdamin, at sa kaluluwa
na siyang daan upang tukuyin din ang kanyang budhi. Ang mga paksang ito ay kasalukuyang
pinag-aaralan ng mga iskolar na Pilipino sa iba’t ibang disiplina (Mercado 1974; Salazar (1974)

Pamamaraan

Ang pamamaraang ginamit ay ang pagtitipon ng mga materyal na sikolohikal, mga aklat,
artikulo at ulat na may kinalaman sa kasaysayan ng sikolohiya sa Pilipinas (Cf. Enriquez 1974);
at ang pamamahagi ng mga palatanungan at pagsasagawa ng mga panayam sa iba’t ibang
dako ng Pilipinas, lalo’t higit sa Hilaga at Kalagitnaan ng bansa (Cf. Lagmay at Enriquez 1974).

Kinasapitan

Ayon sa mga datos na natipon, lumilitaw na hindi kukulangin sa anim (6) ang mga batayan ng
Sikolohiyang Pilipino. Malinaw at walang pag-aalinlangan dito ang paninindigang sa mga
Pilipino lamang manggagaling ang Sikolohiyang Pilipino. Hindi inaasahang ito’y lilinangin para
sa mga Pilipino ng mga sikolohistang dalaw lamang dito. Maipapaliwanag ang mga dahilan ng
paninindigang ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino. Ang
unang batayan ay may kinalaman sa kinagisnang sikolohiyang Pilipino na kahit pamana man ng
kahapon ay malinaw na umiiral pa rin ngayon.

Mga Batayan sa Kinagisnang Sikolohiya


Ang mga kaalamang sikolohikal ng mga katutubong Pilipino tulad ng mga babaylan at
catalonan; (Bailen 1967; Quizon 1973) ay mahalagang bahagi ng kinagisnang sikolohiyang
Pilipino. Ang mga babaylan ang mga unang sikolohistang Pilipino. Bukod dito, ang mga
dalangin at bulong ng iba’t ibang etnikong grupo sa Pilipinas ay isang napakayamang daluyan
ng ating kinagisnang sikolohiya. Maaari ding tingnan ang mga aspetong sikolohikal sa
paglaganap at pagkilos ng mga Pulahanes, halimbawa (Tan 1974).Kasama na sa kinagisnang
sikolohiya ang sikolohiya sa literaturang Pilipino, maging ito ay pasalita o pasulat: ang mga
salawikain (hal., Eugenio 1966), ang mga kuwentong bayan, ang mga alamat at epiko. Ang isa
pang mahalagang batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kinagisnang sikolohiya ay ang mga
kaugaliang minana ng mga Pilipino. Kaugnay dito ang napakayamang larangan ng
etnosikolohiya. Kasama din ang mga ugali at paniniwala tungkol sa pag-aaruga sa bata
(Abasolo-Domingo 1961; Eslao 1962; Adea 1973; Aldaba-Lim 1966; Temporal 1968; Almendral
1969; Lagmay 1974; Quisumbing 1964) bagamat napakarami at napakasalimuot ng mga
kaugaliang ito upang matalakay na lahat. Maidaragdag dito ang mga paniniwala at ang mga
ugali ng mga Pilipino sa pagtutunguhan sa isa’t isa (Almario 1972; Gutierrez-Gonzales 1968;
Nuevo 1973). Kapansin-pansing ang mga kaalamang ito ay hindi sa New York, Chicago o San
Francisco natutuhan ng sikolohistang Pilipino. Mas naaangkop na manirahan ang sikolohista sa
kanyang baryong pinanggalingan kung sikolohiyang Pilipino ang nais niyang matuklasan at
mapag-aralan

Ang Batayan sa Tao at sa Kanyang Diwa

Ang ikalawang batayan ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagpapahalaga sa tao at sa kanyang


diwa. Nagtatagpo sa batayang ito ang Sikolohiyang Pilipino at ang Sikolohiya sa Pilipinas.
Dapat linawin na ang Sikolohiyang Pilipino ay bahagi at kabahagi ng sikolohiya sa daigdig.
Namumukod ang impluwensiya sa batayang ito ng sikolohiyang rasyonal na siyang nilinang at
pinaunlad sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

Hindi kataka-takang bigyan ng malaking pagpapahalaga ang Tomistikong pananaw sa


Unibersidad ng Sto. Tomas. Ito’y isang tradisyong may pilosopikal na ugat sa mga ideya ni
Descartes at mga sinulat ni Aristoteles. Binibigyang-diin ang buong tao na may materyal at
imateryal na aspeto sa ganitong tradisyon (Hernandez 1968). Higit na mahalaga at dapat
pag-aralan tungo sapag-unawa sa sikolohiyang Pilipino ang teorya ng dalawang kaluluwa na
pinaniniwalaan ng mga katutubo sa Pilipinas, na ayon kay Salazar (1974) ay binubuo ng diwa
at ng katambal nito. Mapapansing aspeto din ng Sikolohiyang Pilipino ang sikolohiya bilang
isang disiplinang akademiko sa mga unibersidad at kolehiyo dito sa Pilipinas. Ito’y sa kabila ng
katotohanang higit na naaangkop sa ating bayan ang babala ni Carl Jung: “Kung gusto mong
matuto ng sikolohiya, iwasan mo ang mga unibersidad.”

Ang pag-uugat ng sikolohiya bilang disiplinang akademiko ay may mahabang kasaysayan sa


Unibersidad ng San Carlos na kung saan ang sikolohiyang teoretikal ay binigyan ng
pagpapahalaga ni Goertz (1965) (Tingnan ang Apendise A). Layunin dito ang makabuong
isang pangkalahatang larawan ng mga kaalaman at batas pangkaisipan. Narito ang
impluwensiyang Aleman na nag-ugat sa pananaliksik ni Wundt, nagdaan sa kamay ni Kulpe, at
nanulay sa pagtuturo ni Johannes Lindwursky hanggang sa kasalukuyang mga pag-aaral ni
Goertz. Ang sistemang ito ng sikolohiya na may malaking impluwensiya sa kalagitnaang
Pilipinas ay kilala rin sa taguring sikolohiya ng “tanso at pompiyang.”

Ang Batayan sa Panahon ng Pagbabagong-Isip

Marami ring makikitang batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa panahon ng


pagbabagongisip. Halimbawa, hindi dapat mangiming hanapin ang ugat ng sikolohiya ng
wika sa leksikograpiya ni Pedro Serrano Laktaw o sa mga ginawa ng pokloristang si
Isabelo de los Reyes. Huwag sanang isiping isa itong pagkukunwaring mapag-aralan na ang
katuturang-sikolohikal ng mga ginawa ng mga taong ito. Ang totoo’y isa itong pag-amin sa
kababawan ng oryentasyong Pilipino sa mga pananaliksik at pag-aaral na sikolohikal sa
Pilipinas. Subalit hindi masama ang umasa at hindi rin dapat matakot mabigo. Kung sikolohiya
din lamang na nababatay sa sikoparmakolohiyang Pilipino, halimbawa, ang pag-uusapan,
makatwirang magbakasakali sa mga gawain ni Antonio Luna. Kung ayaw nating
magbakasakali, pagtatalunan pa kaya ang sikolohikal na kabuluhan ng “Sobre la Indolencia de
los Filipinos” (Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino) ni Rizal?

Maraming mabubuong kaalamang sikolohikal mula sa mga akda ng mga Pilipinong


tumalakay sa mga paksang makabuluhan para sa mga sikolohista, tulad ng pag-ibig sa
kalikasan (del Pilar 1888) o mga saloobin tungkol sa kamatayan (del Pilar 1907 nasa
Panganiban at Panganiban 1954:123).

Bago paggugulan ng panahon ang mga kaugalian ng mga Pilipino ayon sa mga dayuhang
sikolohista, sana’y basahin ang mga sinulat ni Antonio Luna tungkol sa paksang ito. Maaaring
suriin ang mga artikulong tulad ng kay Guthrie (1972) at ihambing ang masasalaming palagay
niya sa mga magbubukid sa saloobing madarama at kaugaliang malilinawan sa “La Tertulia
Filipino” (Ang Piging na Pilipino) ni Luna. Ang dayuhang sikolohista na nga ang ipinaghanda ng
manok ng isang magbubukid ay tila siya pa ang masama ang loob.

Tungkol sa mga kaugaliang hindi napawi ng kristiyanismo o “modernisasyon,” maaaring tingnan


ang “El Cristianismo y la Antigua Civilizacion Tagala” ni Paterno (1892). Puwede ring
basahin ang “Ninay” bilang isang nobelang panlipunan. Kung pinagdududahan man ang mga
sikolohikal na interpretasyon sa panitikan, atin namang natitiyak na ito’y may sikolohikal na
nilalaman kahit papaano. Kaugnay ng panahon ng pagbabagong-isip, mababanggit din ang
katipunan ng mga alamat ni Ponce at ang “Liwanag at Dilim” ni Jacinto.

Sa dinami-dami ng mga maaaring tukuyin ni Emilio Aguinaldo sa kanyang kauna-unahang


talumpati nang siya’y pasinayaan sa pagkapresidente ng Unang Republika ng Pilipinas, hindi
nakapagtataka ang kanyang pasasalamat sa mga “psicologos del verbo Tagalog.” Ito’y isang
patibay na hindi dala ng mga Amerikano at Kastila ang sikolohiya sa bansa natin na para bang
hungkag ang isipan at walang ginagawa ang katutubong dinatnan dito.

Batayan sa Panahon ng Pagpapahalaga sa Kilos at Kakayahan ng Tao


Bukod tangi sa mga unang pormal na nakadama sa impluwensiya ng sikolohiyang Amerikano si
Agustin Alonzo, ang kauna-unahang Pilipinong nagtapos ng Master sa Sining ng Sikolohiya sa
Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang tesis ay tungkol sa sikolohiya ng damdamin. May
malaking impluwensiya kay Alonzo ang sikolohiya ni Thorndike, halimbawa (Sarra 1973). Hindi
ito nakapagtataka sapagkat ang disertasyon sa pagkadoktorado ni Alonzo sa Unibersidad ng
Chicago ay tungkol sa paggabay ng mga kamay sa dagang nasa liku-likong daan.

Kapanahon ni Alonzo si Hartendorp, isa sa mga unang Amerikanong nagpakita ng interes sa


sikolohiya dito sa atin. Sa isang kadahilanang hindi pa lubos na malinaw, nilayon ni Hartendorp
na masukat ang talino ng mga Negrito subalit hindi niya maisakatuparan ang layuning ito
sapagkat ipinadala siya ni Bewley, isang opisyal na Amerikano, sa Isla ng Cuyo. Gayunpaman,
sa tulong ni Osias, nakakuha rin siya ng datos mula sa mga titser na nakakumperensya sa
Baguio. Ang kanyang artikulo tungkol dito ay nalathala sa Philippine Journal of Science at
binanggit ni Carreon (1923) sa kanyang aklat ang tungkol sa pagsukat ng kaisipan dito sa
Pilipinas.

Sa kabilang dako, ang panahon ng aktibismo ay saksi sa higit na maingat kung hindi man higit
na malaking pagpahalaga sa suliranin ng lipunan. Nang panahon ding ito binigyang pansin ni
Felipe (1969) ang moral na pangangailangang harapin ang mga suliraning panlipunan sa
kanyang talumpati bilang presidente ng Psychological Association of the Philippines. Naglaban
sa kanyang isipan ang mahalaga sa lipunan (socially useful) at ang saligang eksperimental
(experimental dimension).

Ang teorya ni Osias (1940) tungkol sa kaugnayan ng wika sa lipunan ay ang halimbawa ng
pag-uugnay kaalamang panglinggwistika sa kilos ng tao. Gayunpaman, ang kanyang panahon
ay panahon na rin ng mga Pilipinong kilala bilang sikolohista bago ang lahat. Sa ganitong
dahilan ang Sikolohiyang Pilipino ay tiyak na may mapanghahawakang mga tuwirang batayan.
Kabilang dito ang gawain nina Isidoro Panlasigui (1952), Sinforoso Padilla (1961, 1963) at
Alfredo Lagmay (1964) na pawang nagpapahalaga sa kilos at kakayahan ng tao. Ang mga
kalakarang ito ay makikita sa kasalukuyang panahon hindi lamang sa Kamaynilaan kundi
maging sa iba’t ibang dako ng Pilipinas tulad ng Unibersidad ng St. Louis sa Hilaga

Batayan sa Panahon sa Pagpapahalaga sa Suliranin ng Lipunan

Bukod tangi ang pagpapahalagang ibinigay ni Aldaba-Lim (1938, 1957, 1963, 1966b, 1969)
sa mga suliranin ng lipunan. Siya na marahil ang pinakamadalas humikayat sa mga
sikolohistang Pilipino na manaog mula sa kanilang Toreng Gareng at makinig sa mga
suliranin ng bayan. Ang bawat pag-aalinlangan sa kanyang katapatan sapagka’t siya’y
mariwasa ay mawawala kung titingnan ang mga paksang sikolohikal na pinaggugulan niya ng
pananaliksik at pagod.

Ang pagpapahalaga sa mga suliranin ng lipunan ay habang panahong uukilkil sa isipan ng


bawat sikolohistang nais magtago sa katahimikan ng kanyang pagsuri ng datos (data
processing) o pag-eeksperimento (laboratory control). Ang isyung ito ay malinaw na buhay na
buhay pa. Tingnan ang position paper ng U.P. Psychological Society noong Linggo ng
Sikolohiya, 1974.

“Hindi sapat ang kaalamang teoretikal. Kinakailangang subukin sa obhetibong kalagayan


ng reyalidad ang resulta ng ating eksperimento. Ang paksa ng pananaliksik ay dapat laging
matakdaan hindi lamang ng kontribusyon nito sa pangkalahatang kaalaman kundi maging sa
praktikal na kabutihang maidudulot nito sa lipunan. Ang ating kaalaman at pananaliksik ay
laging dapat na tungo sa paglilingkod sa kapwa. “Dapat nating tanggapin na higit ang
pananagutang mapaunlad ang lipunan ng sikolohistang nagtataglay ng di-pangkaraniwang
pagkasanay sa pananaliksik at dalubhasang kaalaman. Samakatwid, ang kaalamang
natuklasan sa pananaliksik tungkol sa tao ay dapat gamitin at ipamahagi upang makabuo ng
mas mabuting daigdig para sa lahat.”

Ang Batayan sa Wika, Kultura at Pananaw ng Pilipino

Ang iba’t ibang batayang nabanggit sa mga unang seksyon ng ulat na ito ay pawang
mahahalaga subalit ang pinakapundamental na saligan ng mga batayang ito ay ang
pagpapahalaga sa wika, kultura, at pananaw ng Pilipino.

Pinaninindigan ng kasalukuyang mananaliksik na isang napakahalagang batayan ng


Sikolohiyang Pilipino ang wikang Pilipino at ang mga wikang katutubo sa Pilipinas sapagkat,
tulad ng nabanggit niya sa isang isyung Diwa (1974), “ang kasaysayan ng sikolohiya sa
Pilipinas ay saksi sa napakaraming pag-aaral na isinagawa sa mga wikang dayuhan. Ito ay
mapanganib kung totoong salamin nga ng kalinangan ang wika. Maaaring kabaligtaran
ng katotohanan ang makitang resulta ng pananaliksik sa isang kultura na isinagawa ayon
sa pananaw at wika ng ibang kultura.

Kahit na ano pa man, ang lohika ng agham ay nagtatakda na dapat ay gumamit ng iba’t ibang
midyum, sistema at pamamaraan sa panananaliksik upang higit na matiyak ang kasaklawan ng
ating natuklasan. Ang wika ay isang mahalagang daluyang maaaring baguhin bilang saligan ng
pananaliksik. Marahil naman ay wala na o kakaunti na lamang ang mga Pilipinong
nag-aalinlangan sa sariling wika at kultura ng bansang Pilipino. Subalit kung malabo para sa
ilan ang tinutukoy ng salitang “pananaw” sa fraseng “pananaw na Pilipino,” maaaring talakayin
bilang halimbawa ang kwestiyon ng perspektibo bilang aspeto ng naturang pananaw. May mga
propesor at mananaliksik sa sikolohiya na nagsasabing mayroon daw “acquiescence effect”
(epekto ng pagsang-ayon) na makikita ang nagpamahagi ng iskala ng saloobin kung ang
iskalang ito ay ipasasagot sa Pilipino. Sa aking palagay ay tama ang ulat na ito mula sa
perspektibo ng mga Amerikano na kung saan higit na kakaunting pagsang-ayon ang makukuha
sa iskala ng saloobin kung ihahambing sa mga Pilipino. Kailangang bigyang-diin dito ang
posibilidad na matalakay ang penomenong ito mula sa perspektibo mismo ng isang Pilipino.
Pilipino na mismo ang tumutukoy sa paksa ay Amerikano pa rin ang pananaw na ginagamit ng
isang sikolohistang Pilipino. Hindi kaya ang sitwasyong ito ay mas naaangkop na tawaging
“epekto ng pagtutol” na maasahan kapag ang iskala ng saloobin ay ibinigay sa mga
Amerikanong kalahok? Ang sikolohiya ay isang unibersal na agham, samakatwid, ang mga
prinsipyong natuklasan sa agham na ito ay walang kinikilalang bayan. Ang pagdaloy ng dugo,
ang pagkilos ng organismo, ang mga damdamin, ang pagkatuto at ng paggunita ay maaaring
higit na maunawaan at maipaliwanag ng sikolohiya bilang agham at ang agham na ito ay
pangkalahatan. Napakahalaga ng konseptong ito para sa napakarami at hindi matatawaran ang
kahalagahang ito. Subalit kailangan pa ring ipaalala, sapagkat madalas makalimutan lalo na ng
kaisipang nalulukuban ng pananaw na Kanluraning nakabalatkayo sa taguring unibersal ang
katotohanang:

“dagdag sa literatura ng agham panlipunan ang pagbabalik-aral sa mga naisagawang


pananaliksik ng mga dayuhan sa isang lipunan. Ang layunin ng ganitong pagbabalik-aral ay
upang masuri ang katotohanan ng kanilang pag-aaral. Alalaong baga’y ang kanilang
pakahulugan kaya sa mga aspeto ng katutubong lipunan ay ayon sa diwa nito o nabahiran ng
pananaw dayuhan? Halimbawa nito ang pag-aaral ni Magannon (1969) sa relihiyon ng Kalinga
sa pananaw ng isang Kalinga, ang pagaaral nina Agoncillo at Guerrero (1970) sa kasaysayan
ng Pilipinas sa pananaw na Pilipino; at ang pag-aaral ni Constantino (1971) sa mga wika sa
Pilipinas sa pananaw na Pilipino” (Nasa Enriquez at Bennagen 1973).

WEEK 3: ANG AGHAM NG


SIKOLOHIYANG PILIPINO
PANGKULTURANG PAMPATIBAY
Ano ang Sikolohiyang Pilipino? Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong
Pilipino. Higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay
mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanag
ng pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan sa mga pananaw ng iba
pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.

Ano ang iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas? Sikolohiya sa Pilipinas – Kabuuang anyo
sapagkat bunga ito ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayaring may kinalaman sa
sikolohiya ng ating bayan. • Sikolohiya ng mga Pilipino – Tumutukoy sa bawat teorya ng
sinumang nais mag- aral tungkol sa kalikasang sikolohiyal ng mga Pilipinong naninirahan sa
Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Bakit kailangan ang SP? Dahil marami sa ating napag-aralan ukol sa sikolohiya ang hindi
angkop sa mga karanasan at kultura natin bilang Pilipino. At kadalasan, ang mga kaalamang ito
ay ang siyang ginagamit upang unawain ang mga Pilipino. Nakita ng mga tagapagtaguyod ng
SP na ang sitwasyong ito ay nakakasamasa atin. Ang pagkakaiba ng oryentasyon ay
nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan (bahala na -> fatalism)
Sa anong paraan iba ang sikolohiyang itinuturo ngayon? Napaka-kanluranin ng oryentasyon ng
pagtuturo ng sikolohiya ngayon, sa teorya at maging sa metodo. – Halimbawa, kung may
research ka, ang iisipin mo agad--experiments, questionnaires at psychological tests na
gagamitin mo.

Ano ngayon kung ganito? Walang problema, pero ang nananaig na paniniwala ay unibersal ang
mga teoryang Kanluranin. Ibig sabihin, totoo ang mga ito para sa lahat ng tao sa mundo.
Halimbawa: – May hidden desires (libog) ang mga batan gPilipino sa kanilang mga magulang. –
Mag-aaral ang isang bata kung sa bawat mataas na grado ay gagantimpalaan siya. Totoo ang
mga ito para sa mga Kanluranin. Totoo ba ito para sa atin?

Anong problema sa mga metodong kanluranin? Hindi mali ang mga metodong ito, pero dapat
ilagay sa tamang konteksto. Dapat nating piliin ang mga metodong angkop sa karanasan at
kultura natin. Halimbawa: – Huwag gagamitin ang mga psychological o intelligence tests na
may tanong tungkol sa American history-- kapag mababa ang nakuhang score, ibig sabihin ba'y
bobo ang mga Pilipino? – Rorshach test sa mga taga-baryo-- maaaring ang nakikita lamang nila
ay isang papel na may tinta. Mas marami pang matutunan sa pagtambay sa tindahan o
barberya.

Bakit isang protesta ang SP? Sumasalungat ang SP sa tatlong asampsyong nananaig sa
Kanluraning sikolohiya.

Tatlong Asampsyon ng Kanluraning Sikolohiya?

1. Ang tao ay hiwalay sa kanyang lipunan – Mas maraming sikolohista ang mas gusto
pang magkulong sa kanilang mga laboratoryo at gumawa ng mga eksperimento.
Nakakalimuta nnila na ang tao ay nabibilang sa isang mas malaking komunidad.
Anuman ang nakakaapekto sa kanya ay nakakaapekto rin sa nakararami. – Hindi
maaaring gumawa ng paglalahat batay lang sa mga eksperimento kung saan wala ang
tao sa kanyang likas na kapaligiran. – Sa SP, ang tao ay produkto ng kanyang
kapaligiran. – Umuunlad ang tao hindi lamang sa mga biological o genetic factors, kundi
dahil na rin sa impluwensya ng mga sosyal, pulitikal at ekonomikong kalagayan na
umiiral sa paligid. – Habang hinububog ng tao ang lipunan, hinuhubog din siya nito.

2. Ang mga tao ay magkakasintulad - Hindi gaanong mahalagaang bansa at panahong


pinanggalingan kaya't maaaring gamitin ang anumang teorya o eksamen sa pag-unawa
sa kanila. Sa ibang salita, ang ang sikolohiya ay unibersal. – Tendensiya tuloy ng mga
sikolohista natin na mag-angkat ng mga teoryang kanluranin at sabihing dapat ilapat ito
sa atin. – Pilit tuloy ikinukumpara ang mga Pilipino sa mga banyaga na may ibang
karanasan, kaisipan at oryentasyon kaysa sa atin.

3. Ang sikolohiya ay hindi kumikilala sa anumang sistema ng pagpapahalaga (ito ay


value-free) o sa isang partikular na uri ng lipunan (ito ay class-bias free) – Ang mga
sikolohikal na pananaliksik ay ginagamit ng mga malalaking korporasyon upang isulong
ang kanilang interes. (Halimbawa, pinag-aaralan kung saan maaaring maging mabenta
ang isang produkto.) – Ang pagpili pa lang ng paksa, may value nang pinapataw. – May
pagpapahalaga rin sa pagsala ng variable na pag- aaralan sa metodong gagamitin,
atbp.

Tatlong Uri ng Protesta ng SP

1. Bilang sikolohiyang malaya, sumasalungat ang SP sa isang sikolohiyang


nagpapalaganap ng kolonyal na isipan.

2. Bilang isang sikolohiyang mapagpalaya, ito ay tutol sa sikolohiyang nagpapalaganap ng


opresyon at eksploytasyon mula sa dominanteng uri.

3. At bilang isang sikolohiya ng pagbabagong-isip, ito ay isang hakbang tungo sa paggising


ng diwang Pilipino mula sa kanilang kolonyal nakaranasan-- ito ay laban sa sikolohiyang
lumago sa mga industrialized countries na piliti nilalapat sa isang Third World na bansa
gaya ng Pilipinas.

Ano ba talaga ang SP? Ang SP ay hindi isang reaksyunaryong disiplinang inimbentong mga
anti-Kano. Ang SP ay naka-ugat sa ating kasaysayan. Bago pa dumating ang mga Kastila ay
may sikolohiya na tayo. Nasa anyo ito ng mga alamat, salawikain, atbp. Nakikita sa mga ito ang
pandaigdigang pananaw (worldview) ng ating mga ninuno. Ang ating kinagisnang sikolohiya ay
isang batayan ng SP.

Saan-saan makikita ang SP sa pagbabago ng panahon? May SP rin sa mga akda nina Rizal,
Jacinto, Luna, atbp. Sa panahon ng pagbabagong-isip, isinulong nila ang interes ng mga
Pilipino at itinuwid ang mga maling pag-aakala. Sa mga pag-aaral na ginawa noong panahon ng
mga Amerikano. Pakikilahok ng mga sikolohista sa paglutas ng suliranin ng lipunan sa panahon
ng sigalot. Makikita rin sa wika, kultura at pananaw ng mga Pilipino.

Hindi ba bago ang SP? Sa karanasan natin, hindi. Sa pormal na akademya, masasabing
sanggol pa ang SP.

Paano na ang ibang teorya (Kanluranin)? Huwag ibasura ang mga ito, may silbi pa rin sila sa
pagpapaliwanag ng pagkilos ng tao. Maging kritikal pagdating sa pagtanggap ng mga teoryang
Kanluranin. Masusi munang suriin bago gamitin. "Critical rejection is as dangerous at uncritical
acceptance."

Ang SP ba ay isang agham? Oo, dahil ito ay kaalamang tagapagtanda, tagapaliwanag at


minsa'y tagalutas ng mga suliranin nating mga Pilipino. Scientific ang SP dahil meron din itong
sistematikong prosesong sinusunod sa pagkalap ng mga datos. Ito ay sikolohiyal na teorya,
metodo at aplikasyong pinauunlad sa pamamagitan ng kulturang Pilipino bilang batayan.
Tunguhin pa rin ng SP ang makahanap ng mga unibersal na teorya ukol sa pagkatao. Ang
pokus nga lamang ay sapagkataong Pilipino. Mula sa pagbubuklod ng mga sikolohiyang batay
sa bawat kultura, mas makatotohanan ang unibersal na sikolohiyang matatamo.

Ano ang maaari mong gawin para sa ikauunlad ng SP? Pagiging kritikal. Pakikilahok sa mga
isyung kinakaharap ng mga Pilipino – Hinihikayat ang mga sikolohistang lumabas sa kanilang
mga laboratoryo at makibahagi nang makita nila ang kalagayan ng mas nakararaming Pilipino--
pagbaba mula sa toreng garing. – Paano ka gagawa ng pag-aaral kung hindi mo naiintindihan o
nararanasan ang kanilang kalagayan? Gumawa ng pananaliksik ukol sa mga katutubong
konsepto tulad ng tampo, lambing,saling- pusa, atbp. Sa paggawa ng pananaliksik, huwag
kalimutan na ang mga taong kinukunan ng impormasyon ay dilamang subjects kundi dapat
kalahok sa inyon gpag-aaral Makibuklod sa iba pang naniniwala sa SP at sama-samangisulong
ang diwangPilipino at maka- Pilipino

Ano ang Iskala ng Mananaliksik?

● Mga metodong ginagamit ng isang mananaliksik sasikolohiya sa pagtatarok ng diwa ng


kalahok. • Ito'y mga metodong subok na ang kakayahang lumikom ngimpormasyon sa
kulturang Pilipino, at angkol sa pag-uugaliat pang araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino.
● Inayos ito ayon sa antas ng pagkamasalimuot ng mga paraan(mula sa pinakasimple
hanggang sa pinakamasalimuot) – Pagmamasid (malayo, mababaw) – Pakikiramdam –
Pagtatanung-tanong – Pagsubok – Pagdalaw-dalaw – Pagmamatyag – Pagsubaybay –
Pakikialam – Pakikilahok – Pakikisangkot (very participatory, malalim, malapit)

Mga metodong iminumungkahing dapat gamitin ngmananaliksik sa kanyang pag-aaral ng


diwang Pilipino sa pamamagitan ng kalahok

● Ang antas ng pagtutunguhan ay siya ring antas ngimpormasyong makukuha


● Sa sikolohisya, iminumungkahing ang pagtutunguhan ay paratingin sa antas ng
pakikipagpalagayang-loob, sapagkatsa ganitong paraan lamang matatarok ang tunay
nakalooban ng kalahok

Antas ng pakikipag-ugnayan/ pakikipagkapwa – Ibang tao:

1. Pakikitungo - ibang tao


2. Pakikisalamuha - madalas nang makita
3. Pakikilahok - active participation
4. Pakikibagay - adjustment with others
5. Pakikisama - natural relation – Hindi ibang tao:
6. Pakikipagpalagayang-loob - palagay ang loob
7. Pakikisangkot - may kinalaman/empathy
8. Pakikiisa - pagiisang dibdib
Iba’t-ibang Aspeto/dimensyon ng Pakikipagkapwa

1. Level of comfort
2. Shared experiences
3. Level of Disclosure
4. Concern
5. Physical Distance

Katangian ng isang maka- Pilipinong Pananaliksik?

● Mahalaga ang ugnayan ng mananaliksik at kalahok


● Pantay ang kalahok at mananaliksik (o mas una pa ang kalahok)

Ano ang mga batayan ng para masabing ang isang bagay ay maka- Pilipino?

● Nakaugat sa kaisipan at karanasang Pilipino


● May pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
● Naglalayong gisingin ang diwang Pilipino

Mga Aspeto na naisa-Pilipino ang SP

● Teyorya-metodo
● Nilalaman
● Praktis at gamit

Apat na Tradisyon ng Sikolohiya

1. Akademiko-siyentipiko
2. Akademiko-pilosopiko
3. Taal na sikolohiya
4. Sikolohiyang siko-medikal

Tatlong Uri ng Dibisyong panlipunan

1. Economic
2. Political
3. Cultural --> Great Cultural Divide o GCD

Mga Uri ng Pagtulong

1. Kawanggawa - temporaryo, nauubos (halimbawa: cannedgoods, pera)


2. Technological transfer - walang follow through (halimbawa:bahay para sa mga nasalanta
ng lahar); maaaring hindiangkop sa sitwasyon (halimbawa: pagtuturong magbasa
samga bata, ngunit hindi ng komprehensyon at hindi namanpala nila naiintindihan ang
kanilang binabasa.)
3. Empowerment - pinakamataas na uri ng pagtulong; angklasikong halimbawa: huwag
bigyan ng isda ang isang taongnagugutom, bagkus ay turuan siya kung paano mangisda

Ano ang mga problema sa paggamit ng banyagang wika?

● Marginalization - pagkukulang sa pagunawa


● Distortion - hindi angkop na pagbibigay kahulugan
● Alienation - masyadong napapalayo ang konsepto paramaunawaan
● Anu-ano ang mga karanasang Pilipino sa wika?
● Katutubong konsepto
● Pag-aandukha
● Pagbibinyag
● Pagtatakda ng kahulugan
● Banyagang konsepto
● Impluwensyang liga

Metodolohiyang maka-Pilipino: Lapit / Metodo

● Pakikipagkuwentuhan
● Panunuluyan
● Pagdadalaw-dalaw
● Pagtatanung-tanong
● Pakikiramdam
● Pakapa-kapa
● Pakikipagpalagayang-loob
● Pakikisama
● Pakikipanayam

WEEK 4: CULTURAL PSYCHOLOGY


AT MGA KATUTUBONG
PAMAMARAAN
Nagsimula ang pag-aangkat at pagpupunla ng Kanluraning sikolohiya sa Pilipinas nang
magsibalik sa bansa ang mga ipinadalang iskolar sa Estados Unidos tulad ni Agustin Alonzo.
Bagama’t nahasa sa sikolohiyang eksperimental, mas pinili ni Alonzo na magpokus sa
aplikasyon ng sikolohiya sa larangan ng edukasyon. Naging tagapangulo si Alonzo ng
Departamento ng Sikolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1926 at siyang gumabay sa
sumunod na henerasyon ng mga sikolohistang sina Alfredo Lagmay, Estefania Aldaba-Lim at
Sinforoso Padilla (Enriquez 1994). Ang mga taon mula 1920 hanggang 1960 ay panahon ng
pagtatag ng iba’t ibang mga institusyong pangsikolohiya sa iba’t ibang panig ng Pilipinas
(Hechanova, Bernardo, at Yacat 2012). Karamihan sa mga tagapagtatag ng mga institusyong
ito ay mga sikolohistang nagpakadalubhasa sa Estados Unidos at Europa

Ayon pa kay Enriquez (1985), nagsimula ang “mis-edukasyon” ng mga Pilipinong


sikolohista nang yakapin ng mga ito ang pagtuturo ng sikolohiya sa wikang Ingles sa
pangunguna ng mga iskolar na galing sa Estados Unidos. Dahil dito, natuto ang mga
sikolohistang tingalain ang mga departamento ng sikolohiya ng mga unibersidad sa Estados
Unidos. Ganito rin ang naging pananaw ni Lagmay (1984). Dagdag pa niya, ang paglaganap ng
Kanluraning kaisipan sa sikolohiya ay bunsod na rin ng popularidad ng sikolohiya bilang isang
kurso para sa mga nag-aaral ng edukasyon, pag nenegosyo at agham panlipunan. Nang
lumaon, naging sikat din ang sikolohiya bilang batayang kurso para sa mga nais mag-aral ng
medisina at abogasya.
Ingles din ang pangunahing wika ng pananaliksik sa sikolohiya. Halos lahat ng mga artikulong
nailathala sa Philippine Journal of Psychology (PJP) simula nang itatag ito noong 1968 ay
pawang nasa Ingles. Halos lahat ng mga panukat sikolohikal ay nasa Ingles rin. Kung kaya’t
kapag ginagamit ang mga ito sa mga Pilipinong hindi gamay ang Ingles, hindi lubos na
mapagkakatiwalaan ang mga resulta. Kabaha-bahala rin para kay Lagmay (1984) na mga
panukat na nasa Ingles rin ang ginagamit upang tasahin ang mga kakayahan ng Pilipino para
sa larangan ng edukasyon at trabaho. Ilang mga panganib sa labis na pag-asa sa wikang Ingles
sa “pagsisikolohiya” ay ang: pagsasawalang-bahala (marginalization) at pagbaluktot
(distortion) ng pang-unawa sa mga lokal na gawi at kaisipan, at ang patuloy na paglayo ng
damdamin (alientation) sa sikolohiya ng karamihan ng mga Pilipinong hindi Ingles ang
pangunahing wika Ang pagsasakatutubo ng sikolohiya sa Pilipinas. Hindi maikakaila na malaki
ang naging papel ni Enriquez sa pagsasakongkreto ng isang programa sa pagsasakatutubo ng
sikolohiya. Noong 1971, pagkabalik pa lamang niya mula sa Northwestern University, pinuna na
niya ang walang habas na pag-angkat ng Kanluraning kaisipan nang walang
pagsasaalang-alang sa lokal na kultura at karanasan (Enriquez 1976). Ang naging resulta ng
kalakarang ito, na tinawag ni Enriquez na lapit na “angat-patong,” ay isang sikolohiyang malayo,
hindi angkop o nararapat sa kaisipan, karanasan at oryentasyon ng lokal na populasyon.
Samakatuwid, kailangan ang pagsasakatutubo upang mapalapit sa loob ng mga katutubo o
natibo ang inangkat na sikolohiya. Ang yugto ng pagsasakatutubo, ayon kay Adair (2006), ay
binubuo ng mga sumusunod na kaganapan:

1. pagpuna sa kakulangan ng Kanluraning modelo at metodo;


2. pag-aangkop ng mga panukat at metodo sa wika at kultura;
3. pananaliksik sa mga paksang may pambansang interes; at
4. pagtitiyak ng mga makabuluhang kilos/kaisipan upang pag-aralan.

Pagkilala sa limitasyon ng Kanluraning modelo. Pinagtibay din ang pangangailangan ng


isang modelo ng pananaliksik na mas sensitibo sa kultura sapagkat natagpuan na: ang mga
paksa ng pananaliksik ay hindi makabuluhan sa mga taong pinag-aralan, ang mga metodo ay
hindi tugma sa gawi ng mga tao, ang mga pakahulugan ay malayo sa kanilang karanasan, at
may pagkiling sa datos o resulta kaysa sa mismong proseso ng pananaliksik (tingnan sa
Feliciano 1965; Espiritu 1968; Santiago at Enriquez 1976). Naalarma naman si Guanzon
(1985) sa malawak na praktis ng paggamit ng mga dayuhang panukat nang walang anumang
pagsasalin, pag-aangkop o kahit anumang paglalatag ng mga norms batay sa lokal na
populasyon.

Pag-aangkop ng mga panukat at metodo. Ilan sa mga unang inatupag ni Enriquez ay ang
simpleng pagsasalin ng mga konsepto, metodo, teoretikal na balangkas at mga panukat sa
wikang Filipino (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000). Pangunahing layunin ng gawaing ito ang
makapag-ambag ng mga materyal na maaaring magamit sa pagtuturo ng sikolohiya sa wikang
Filipino. Nakabuo si Enriquez ng isang koleksyon ng mga tinipong mga papel ng mga
estudyante sa sikolohiya at iba pang mga nakalathalang akda sa wikang Ingles at Filipino na
inilagak sa Philippine Psychology Research and Training House (PPRTH).Noong 1975,
inumpisahan ni Enriquez at ng kaniyang mga kasama ang pagbuo ng Panukat ng Ugali at
Pagkatao (PUP), na kinikilala bilang isang panukat ng pagkatao na maituturing na sensitibo sa
kulturang Pilipino mula sa nilalaman hanggang sa proseso ng pagkuha ng test. Ayon kina
Susana Cipres-Ortega at Ma. Angeles Guanzon-Lapena (1997), may halos 200 panukat na ang
naidebelop mula pa noong 1950 sa iba’t ibang larangan ng sikolohoya tulad ng sikolohiyang
pang-edukasyon (1950s); projective tests (1960s); panukat ng personalidad at pagkatao
(1970s); mga panukat para sa mga bata at kabataan (1980s); at mas malalawak na larangan ng
kilos, pag-iisip at mga katangian (1990s). Hinikayat din ni Enriquez ang kaniyang mga
estudyante at iba pang mga sikolihista na maglakas-loob na sumubok ng iba pang metodo
(bukod sa eksperimento, sarbey, at paggamit ng panukat) at tumuklas ng iba pang mga
konsepto kahit wala pang literatura ukol sa mga ito. Sa pamamagitan ng prosesong ito,
inasahan ang pagbubuo ng alternatibong sikolohikal na kaalaman sa Pilipinas.

Ipinanukala nina Carmen Santiago at Enriquez (1976) ang Modelo ng Maka-Pilipinong


Pananaliksik upang gabayan ang pagsasagawa ng katutubong pananaliksik. Binigyang-diin ng
modelo ang mga sumusunod:

1. pagbatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin;


2. pagpili ng metodo alinsunod sa ginagamit at tinatanggap ng karaniwang Pilipino;
3. pag-iwas sa bulag na pagpapahalaga sa resulta ng pananaliksik; at
4. pagpapahalaga sa sariling palagay at haka-haka.

Maaaring maihalintulad ang mga nadebelop na mga katutubong metodo sa SP sa mga


etnograpikong metodong mas madalas gamitin sa antropolohiya (Pe-Pua 2006). Ang kaibahan,
ayon kay Rogelia Pe-Pua, ay nakapagbibigay ng mas tiyak na mga hakbang ang mga nilinang
na katutubong metodo. Tatlo sa mas kilala at mas pinagtuunan ng pansin na mga metodo sa SP
ay ang: pagtatanung-tanong (Gonzales 1982; Pe-Pua 1985, 1989); pakikipagkuwentuhan
(Enriquez, 1988; Orteza 1997; Javier 2005); at ginabayang talakayan (Galvez 1988;
Aguiling-Dalisay 1995). Ginamit ang iba’t ibang mga metodong nabanggit sa pagsusuri ng iba’t
ibang larangan at paksa tulad ng mga sumusunod: pagkalalaki (Santiago 1975); konsepto ng
panahon (Nicdao-Hension 1982); pandarayuhan (Pe-Pua 1988); pakikiapid (de Vera 1976);
buhay mag-asawa (Aguiling-Dalisay et al. 1995); pagkalalake (Aguiling-Dalisay et al. 1995;
Aguiling-Dalisay et al. 2000); pang-aabuso ng mga bata (dela Cruz et al. 2001); karapatang
pambata (Balanon at Yacat 2003); pagboboluntaryo (Aguiling-Dalisay et al. 2004);
pagka-Pilipino at pagiging Pilipino (Yacat 2005); kaasalang sekswal at kaalaman ukol sa
HIV-AIDS (Javier 2008); mga batang lansangan (Martinez 2010); katawan at pagkababae
(Ong 2011); kasiyahan ng mga kabataan (Martinez 2011); kasaganahan sa buhay (Javier
2011); ginhawa ng mga ina (Perfecto-Ramos 2011); at kulturang pang-organisasyon
(Abella-Zata et al. 2012).

Nang lumaon, naglahad si Pe-Pua (2009) ng karagdagang mga prinsipyo na gumagabay sa


katutubong pananaliksik:

1. Makabuluhan ang papel ng ugnayan ng mananaliksik at kalahok sa kalidad ng mga


datos na nakakalap;
2. Mahalagang pantay ang mananaliksik at kalahok;
3. Kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kalahok;
4. Nakabatay sa kaangkupan sa kultura ang pagpili ng metodong gagamitin; at
5. Mahalaga na ang wika ng kalahok ang gagamiting wika ng pananaliksik.

May pagkilala rin na ang mga metodo sa katutubong pananaliksik ay hango sa pagpapahalaga
sa pakikipagkapwa-tao (Javier 1996). Kinilala ni Amaryllis Torres (1997) ang mahalagang papel
ng SP sa pag-unlad ng paggamit ng mga metodong panlarangan (field methods) sa sikolohiya
bukod sa nakagisnang eksperimento at sarbey. Sa pamamagitan nito, unti-unti ring nagkaroon
ng puwang sa sikolohiya ang mga lapit na penomenolohikal, peminismo, at postmodernismo.
Ayon kina Timothy Church at Marcia Katigbak (2002), makatutulong din sa SP ang mga
naturang lapit dahil tulad ng mga katutubong metodo pinapahalagahan din ng mga ito ang
kalikasang lokal at konstektwal ng nakalap na datos. Pagsaliksik sa mga paksang
makabuluhan.

Ilan sa mga temang tinutukan ng SP ay:

1. pambansang identidad at kamalayan;


2. pakikisangkot sa mga isyung panlipunan;
3. pambansa at etnikong kultura at mga wika sa Pilipinas;
4. batayan at gamit ng katutubong sikolohiya sa kalusugan, agrikultura, sining, mass
media, relihiyon at iba pa; at
5. sikolohiya ng kilos, kaisipan at kakayahan ng tao na angkop sa kontekstong Pilipino
(Enriquez 1993). Kung pagbabatayan ang mga nailathalang pag-aaral, lumilitaw na
natugunan ng mga ito ang mga tema ng mga paksang unang pinahalagahan ni Enriquez
(1993) para sa Sikolohiyang Pilipino.

Para kina Church at Katigbak (2002), tila ang pagsasakatutubo ng mga paksa (topical
indigenization) o ang pagtitiyak na makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino ang mga
paksang pinag-aaralan, ang lumilitaw na pinakamatingkad sa mga aspeko ng pagsasakatutubo
sa Sikolohiyang Pilipino. Pareho din ang naging kongklusyon ni Clemente (2010) sa kaniyang
pagsusuri ng mga nailathala sa PJP mula 1977 hanggang 2008.

Pagsusuri ng kilos at kaisipang makabuluhan sa kultura. May kaugnayan ang aspektong


ito sa pagsasakatutubo ng mga konsepto at teoretikal na balangkas (conceptual/theoretical
indigenization) nina Church at Katigbak (2006). Isang malaking kontribusyon ni Enriquez sa
aspektong ito ay ang Teorya ng Kapwa (Enriquez 1978). Sa pamamagitan ng masusing
pag-unawa sa wika, natagpuan niyang higit ang kahalagahan ng pakikipagkapwa kaysa
pakikisama, na sa mga panahong iyon ay itinuturing na nasa pinakaibuturan ng
pagka-Pilipino.Nilinaw ni Enriquez na sa umpisa hindi naman siya talaga naghanap ng iisang
konsepto. Ninais lang niya na makapagpalitaw ng mga makahulugang konsepto batay sa
wikang Filipino na makakatulong sa pag-unawa ng ating pag-uugnayan. At dahil mahalaga sa
atin ang ating pag-uugnayan, inasahan niya na masasalamin ito sa wika.

Binanggit nina Church at Katigbak (2002) na naging mabagal ang pag-usad ng pagsasateorya
at pagbubuo ng mga katutubong balangkas. Iniugat ito ni Sta. Maria (1996) sa kabiguan ng SP
na magtakda ng sistematikong paraan ng pagsisinsin ng mga kaalamang sikolohikal. Aniya,
hangga’t hindi nalilinaw kung paano naisasagawa ang isang mahusay at katanggap-tanggap na
pananaliksik sa SP, hindi maisasakatuparan ang pangunahing tunguhin ng SP na itakda ang
direksyon ng sikolohiya sa Pilipinas. Naglahad siya ng ilang mga panukala kung paano higit na
mapapagtibay ito sa SP:

1. paglalahad ng mga makakabuluhang konseptong ginagagamit ng mga Pilipino;


2. pagsusuri ng makabuluhang mga gawain kung saan naisasabuhay ang mga partikular
na sikolohikal na karanasan; at
3. pagtitiyak ng organisasyon o kaayusan ng mga kultural na mga gawain o sitwasyon at
paghahambing ng pagkakaiba sa pagtugon o karanasan sa mga ito ng iba’t ibang grupo
ng mga Pilipino (Sta. Maria 2000).

Pagbuo ng Malayang Disiplina ng Sikolohiya Ang kaganapan ng pagsasakatutubo, ayon kay


Adair (2006), ay ang autochtonization o yaong pag-abot sa punto na ang isang inangkat
na Kanluraning sikolohiya ay lubos nang “naisakatutubo” (indigenized). Sa kaniyang
paglalarawan, malaking bahagi sa mga katangian ng yugtong ito ay kahalintulad naman sa
pagsasakatutubo ng mga institusyong pangsikolohiya na tinalakay nina Church at Katigbak
(2002). Ilan sa mga ito ay:

A. pagkakaroon ng mga gradwadong programa;


B. paglalathala at paggamit ng mga lokal na mga teksbuk;
C. may pambansang samahan na nagtataguyod ng journal at mga pananaliksik;
D. may napagkasunduang pamantayan ng etika ng pananaliksik at propesyunal na praktis;
E. may sapat na pambansang pondo para sa mga pananaliksik; at
F. kritikal na bilang ng mga iskolar na nagtutuon ng pansin sa mga usaping makahulugan
sa kultura at makabuluhan para sa bayan.
Ang una sa serye ay isang pagtatasa sa kalagayan ng SP ilang taon matapos pumanaw si
Enriquez (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002) at ang mga sumunod ay nakatuon naman sa
mga metodolohiya: kros-katutubong pamamaraan ng pananaliksik (Pe-Pua 2005);
pakikipagkuwentuhan (Javier 2005) at workshop bilang metodo ng pananaliksik (Ong
2007). Ang pinakahuling lathalain ng PSSP ay ang Isip: Kaisipan sa Kultura, Lipunan at
Sikolohiyang Pilipino, isang pagtitipon ng mga papel na umiikot sa isang tema o paksa.
Ang edisyong ito ay may kinalaman sa sikolohiya ng sarap, ligaya at ginhawa (tingnan sa
Cantiller at Yacat 2012). Ang iba pang naging outlet ng mga lathalain sa SP sa wikang Filipino
ay ang mga journal ng iba’t ibang unibersidad tulad ng Philippine Social Sciences Review at
Daluyan ng Unibersidad ng Pilipinas, at ang Malay at Layag ng Pamantasang De La Salle.
Mayroon ding ilang nailathala sa Philippine Journal of Psychology (PJP), ang pangunahing
journal ng Psychological Association of the Philippines, at iba pang journal na nasa wikang
Ingles tulad ng Asia Pacific Social Sciences Review.

Samantala, pinagtibay ng Psychological Association of the Philippines (PAP) noong 2009


ang binagong Kodigo ng Etika para sa mga kasapi nito (PJP 2010). Saklaw ng pamantayan
na ito hindi lamang ang etikal na kilos ng isang Pilipinong sikolohista sa larangan ng
pananaliksik kundi maging sa propesyunal na praktis. Ang huling dalawang batayan ni
Adair ng isang matagumpay na isinakatutubong sikolohiya ay may kinalaman sa iskolarsyip.
Mahalagang salik ito sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng isang disiplina. Subalit, ayon kay
Allan Bernardo (1997), hindi pa maituturing na maunlad ang iskolarsyip sa sikolohiya sa
Pilipinas dahil sa kawalan ng isang kultura ng pananaliksik. Isa sa mga itinuturong dahilan dito
ay ang kawalan ng sapat na pondo para manaliksik. Mahalaga ang sapat na pondo upang
matiyak ang patuloy na pananaliksik ng mga sikolohista.

Subalit dahil sa kakulangan ng pondo at iba pang resources, mas pinipili ng nakararaming
sikolohista ang mga gawain na mas kapaki-pakinabang sa bulsa. Dahil dito, may mga
sikolohistang paiba-iba ng mga paksang pinagtutuunan ng pansin depende sa kung aling paksa
ang pinupondohan o kaya naman may mga paksa na pinakamadalas pag-aralan dahil ito rin
ang mga paksang pinopondohan. Idinagdag pa ni Bernardo na patunay lamang na hindi pa
programatiko ang mga pananaliksik ng karamihang sikolohista. Importante ring banggitin na
marami sa mga mananaliksik sa sikolohiya ay nagtuturo din. At dahil sa bigat ng mga teaching
load ng mga guro, kaunti lamang ang panahon na kanilang naigugugol sa pananaliksik. Isa
pang mahalagang oberbasyon ni Bernardo na posibleng dahilan kung bakit mababa ang output
ng mga sikolohista sa pananaliksik ay ang taglay na mga maling akala ng karamihan kung
paano isinasagawa ang pananaliksik. Isang magandang balita sa puntong ito ay hatid ni
Clemente (2010) batay sa kaniyang pagsusuri ng mga nailathala sa PJP mula 1978-2008.
Itinuring niyang SP ang isang akda kung nasusunod nito ang alinman sa mga sumusunod:
gumamit ng katutubong konsepto; gumamit ng katutubong metodo; at/o nagpokus sa isang
makabuluhang usapin sa kultura at lipunang Pilipino.

Nagsimula nang pormal na itinatag ang unang mga departamento ng sikolohiya sa mga
unibersdidad (sikolohiyang akademiko-siyentipiko) (tingnan sa Bautista 2001; Enriquez 1992;
Salazar 1990) Bukod sa akademiko-siyentipikong tradisyon, kinikilala rin ang mahalagang
kontribusyon ng akademiko-pilosopikal, kinagisnang sikolohiya o sikolohiyang etniko, at
siko-medikal na tradisyonSa obserbasyon ng marami, sa larangan ng metodolohiya (at ang mga
pilosopikal na batayan sa likod nito) tuluyang humiwalay ang SP sa Kanluraning sikolohiya
(Church at Katigbak 2002; San Juan 2006; Bernardo 2009).

Bagama’t hindi itinakwil sa SP ang pagka-agham, mistulang naging sadya naman ang pagkiling
nito sa mas hermeneutika at humanistikong modelo bilang paglihis mula sa mga positibistang
lapit na siyang nanaig sa Kanluraning sikolohiya. Una, upang pahalagahan ang lokal na kultura
bilang batayan ng sikolohikal na kaalaman, naging kritikal ang papel ng wikang Filipino (at iba
pang wika sa Pilipinas) sa pagsasateorya at metodolohiya ng SP. Gamit ang mga katutubong
metodo, nakasalalay sa “masusing pag-aanalisa ng paggamit ng lokal na wika” ang naging
daan sa pagtuklas ng mga katutubong kahulugan at kaisipan sa kabila nang kawalan ng
malinaw na pagtalakay sa kontekstong historikal-pulitikal ng mga diskursong nabanggit (Sta.
Maria 2000; San Juan 2006). May ilan ding pagtuligsa na nakasentro sa wikang Tagalog ang
pagdidiskurso sa Sikolohiyang Pilipino. Ikalawa, bagama’t kinilala ni Enriquez na dalawa ang
daan tungo sa pagsasakatutubo ng sikolohiya, ang pagsasakatutubo-mula-sa-labas
(indigenization from without) at pagsasakatutubo-mula-sa loob (indigenization from within),
kapuna-puna ang matingkad na pagkiling niya sa huli. Ikatlo, may pagtuligsa sa pagbabalatkayo
ng Kanluraning sikolohiya bilang diumanong disiplinang walang kinikilingan subalit sa
katotohanan nama’y nagagamit o ginagamit bilang kasangkapan ng may kapangyarihan sa
panggigipit sa iba. Sa puntong ito, litaw na litaw ang pulitikal na agenda ng SP tungo sa
dekolonisasyon. Binansagan pa ni Enriquez (1992) ang SP bilang “malaya” at “mapagpalayang”
sikolohiya na may layuning iwaksi ang pagkagapos ng kaisipang Pilipino sa mga mananakop;
putulin ang gapos ng imposisyon ng mayayamang bansa sa mga naghihikahos na bansa; at
labanan ang gamit ng sikolohiya sa patuloy na panunupil sa mga walang boses sa lipunan.

Makailang-ulit ding hinikayat ni Enriquez ang mga Pilipinong sikolohista na bumaba sa kanilang
toreng garing (ivory tower) at itaguyod ang gamit ng sikolohiya sa paglilingkod sa kapwa
Pilipino. Sa aking palagay, ang mga paninindigang ito ng SP ang nagsilbing palatandaan upang
kilalanin kung sino ang maka-SP at sino ang hindi. Nang lumaon, nakilala ang mga
sikolohistang maka-SP sa sumusunod na paninindigan:

1. pagkiling sa o ekslusibong paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, pananaliksik o


pagsusulat;
2. pagkiling at/o paggamit ng mga katutubong metodo at/o iba pang kwalitatibong metodo
(kasabay ang pagtalikod sa mga kwantitatibong mga pamamaraan);
3. paggamit ng mga katutubong konsepto o balangkas; at
4. pagkilala sa papel ng sikolohiya sa pagtugon sa mga isyung panlipunan. Sa ganang
akin, ang patuloy na pagsusulong ng ganitong makitid na pananaw sa kung ano ang
maka-SP ay lihis sa pangkalahatang layunin na makabuo ng “ganap na malayang”
(autochtonous) disiplina para sa Sikolohiyang Pilipino.

Kailangang bigyang linaw ang mga usaping ito bago pa man umusad ang SP tungo sa pagiging
ganap na malaya:
1. ang usapin ng wika;
2. ang usapin ng metodo;
3. usapin ng konsepto at teorya;
4. pulitikal na pagkilos at pakikilahok sa mga isyung panlipunan. Wika at SP.

Tunay na masalimuot ang usapin ng wika para sa SP. Kinikilala ko at pinagtitibay na malaki ang
papel ng pag-unawa ng wika sa pag-unawa sa kultura ng tao. Kaisa din ako sa anumang
pagpapayaman at pagsusulong ng paggamit ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
Kailangan ding hikayatin ang mga mananaliksik mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na
mag-ambag ng kani-kanilang kontribusyon sa umuusbong na literatura sa Sikolohiyang Pilipino
upang hindi hayaang ang mga konsepto lamang sa wikang Tagalog ang nagiging sentro ng
pag-unlad sa SP.

Kasabay nito, kailangan ding iwasan ang pananaw na walang lugar sa SP ang Ingles at iba
pang dayuhang wika. Wala naman sa wikang ginamit ang halaga o buti ng kaisipang hatid nito.
Sa aking palagay, hindi ang paggamit ng wikang Ingles ang talagang panganib para sa SP,
kundi ang “pagsisikolohiya sa Ingles” na ang ibig sabihin ay ang awtomatikong pagbatay sa
wikang Ingles bilang panimula ng anumang gawaing sikolohikal (pagtuturo, pananaliksik o
praktis ng sikolohiya). Ang paanyaya na pagtuunan ng pansin ang lokal na wika ay isang
istratehiya upang mailayo tayo sa nakagawiang gawing pamantayan ang Kanluraning
sikolohiya. “Think (in) Filipino” ika nga ng isang mainam na slogan. Ngunit aaminin ko rin na
hindi sapat ang pagsusuri ng wika upang makabuo ng isang kaalaman para sa pangkabuuang
disiplina ng SP. Komplikado at dinamiko ang kulturang Pilipino na mangangailangan ng mas
malawak na hanap ng mga metodo at lapit upang maging buo at kumpleto ang ating pag-unawa
dito. Ang metodong pang-SP. Bagama’t may katotohanan ang pagkiling ni Enriquez at iba pang
maka-SP sa kwalitatibo at mga metodong panlarangan, hindi nangangahulugang walang
puwang ang mga kwantitatibong metodo sa SP. Dahil nais tiyakin kung sapat ang ating
pag-unawa sa mga pakahulugan at karanasan ng mga Pilipino, malaki ang naging tulong ng
kwalitatibong lapit sa pananaliksik sa pagsinsin ng mga kaalamang galing sa ibaba lalo na sa
mga panahong nagsisimula pa lamang ang SP bilang disiplina.

Makikita sa mga pagkilos na ito kung papaanong maaring makatulong sa pagtugon sa mga
usapin sa lipunan ang mga pananaliksik sa sikolohiya o SP. Gayundin naman, mainam din kung
maging pokus ng mga pananaliksik ay mismong mga usaping ito. Batay sa pagsusuri ni
Clemente (2011), ito na ang nagiging pattern ng mga nailalathalang pananaliksik.
Hindi maitatatwa na malaki ang papel ng Sikolohiyang Pilipino sa mga pagbabago sa kalakaran
ng sikolohiya sa Pilipinas. Naging importante rin ang pokus sa pagsasakatutubo-mula-sa-loob
lalo na sa panahon na binubuo ng SP ang batayang pangkaisipan nito. Subalit ang patuloy na
paggiit sa eksklusibong pagtuon dito at ang pagsasawalang-bahala sa potensiyal na
kontribusyon ng pagsasakatutubo-mula-sa-labas ay nagpapatindi ng panganib na mananatiling
isang alternatibong balangkas lamang ang SP sa sikolohiya sa Pilipinas. Malaki ang nakikita
kong positibong mangyayari kung sakaling magkakaroon ng integrasyon sa SP ang mga
elementong kaugnay sa pagsasakatutubo-mula-sa-labas. Una, mas lalawak ang pagbabatayan
at pagkukunan ng kaalaman ng mga iskolar sa sikolohiya. Ikalawa, mas maraming metodo at
istratehiya ang maaaring gamitin na nangangahulugan rin na mas maraming mga paksa at
tanong na mapagtutuunan ng pansin. Ikatlo, mas nagiging makabuluhan din ang sikolohiya sa
buhay ng mga Pilipino kung sabay na isinusulong ang SP bilang disiplina at kilusan ng
pagbabago. (Ref. Jay Yacat Article Tungo sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa
Makabagong Sikolohiyang Pilipino)

WEEK 5: KATUTUBONG SIKOLOHIYA


Ang SP bilang katutubong Sikolohiya, “ay ang siyentipikong pag-aaral ng etnisidad, lipunan at
kultura ng isang lipi, at ang paglalapat ng katutubong kaalamang nakaugat sa etnikong
kamalayan sa praktis ng sikolohiya.” (Enriquez, 1994). Alalahanin din natin na gaya-gayang
Sikolohiya o pagsasakatutubo ay Sikolohiyang Pilipino na tinatawag din na Katutubong
Sikolohiya. Kinikilala na sa Pilipinas nagsimula ang kilusan ng pagsasakatutubo ng Sikolohiya.

Ano ang Pagsasakatubo?

Isinasagawa upang maging makabuluhan ang sikolohiya para sa lipunang hindi


Euro-Amerikano (Poortinga, 1999). Pagbabago ng isang imported na sikolohiya tungo sa isang
disiplinang mas angkop sa kultura (Adair, 2004) Ito rin ang proseso ng pagbubuo ng isang
katutubong sikolohiya.

Sino sino ang mga katutubo?


- Mga taong unang nanirahan sa isang lugar o teritoryo
- Katangian ng o tungkol sa mga tao na tumitira sa isang pook mula sa simula.
Ang katutubong Sikolohiya ay tinatawag din na Sikolohiya ng mga katutubong grupo. Ito rin ay
ang paghahanap ng katangiang mga walang bahid ng labas o aral na galling sa dayuhan.
Pag-aaral ng mga sinaunang tradisyon at paniniwala. Pagsusuri ng wika at kahulugan ng mga
salita.

ANO ANG KATUTUBONG SIKOLOHIYA?

BINUBUO ITO NG KAALAMANG SIKOLOHIKAL NA:


- Nalinang sa loob ng Kultura
- Sumasalamin sa lokal na kilos
- Inuunawa sa pamamagitan ng mga lokal na persektibo’t pananaw
- Nagbubunga ng mga resultang makabuluhan at makahulugan sa kultura (Sinha,1997)
- Mayroong dalawang landas sa pagsasakatutubo
Mula sa pagsasakatutubo mula sa labas (kultura) at pagsasakatutubo mula sa loob (disiplina)

Paggamit ng California Psychological Inventory


Ito ay hindi kritikal na pagtanggap at paggamit ng mga balangkas ng kanlurainin, ito ay teorya at
pamamaraan sap ag-aralan at pagpapaliwanag ng mga pag-uugaling Pilipino nang hindi
natupad ang kahit na kaunting mga teknikal na pagbabago upang gawing mas naangkop sa
kultura; madalas humantong sa mga kamalian at pagbaluktot ng larawa ng mga Pilipino

Pagsasakatutubo mula sa labas


Tumutukoy sa mga sikolohiyang galing sa labas may layuning lokalisasyon ng banyagang
konsepto, teorya at metodo. May kasanayan na kritikal na pagtanggap ng mga banyagang
balangkas.

Mapa ng loob
- Ito ay tumutukoy sa pagsasakatutubo mula sa labas.
Ayon kay Cronbach (1975) mahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina at ang mga
disiplinang ito ay alinsunod sa kung alin ang binibigyang-diin: Ang metodong eksperimental,
Ang metodong korelasyonal.
● Metodong eksperimental - Nomotetikong pananaw ay tumutukoy as pagpapahalaga sa
unibersal na katotohanan bilang layunin ng sikolohiya.
● Metodong korelasyonal - Ideograpikong pananaw, nagbibigay halaga sa pag-aaral ng
kaso. Ang indibidwal at ang partikular ang inuunawa.
Ayon kay Watson (1968) Ang nagpahayag na ang mga ito ay “preskripsyon” sa sikolohiya
ngunit ayon kay Virgilio Enriquez, ito raw ay isang isyu. May mga tapat na sikolohista na ang
sikolohiya ay isang unibersal kaya naman may mga nag-iisip na ang SP ay isang anti-unibersal.

6 na Mungkahi ng Kategorya sa pag-aaral ng SP


1. Kamalayan, tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan
2. Ulirat, tumutukoy sa pakiramdam sa paligid
3. Isip, tumutukoy sa kaalaman at pag-unawa
4. Diwa, tumutukoy sa ugali, kilos, o asal
5. Kalooban, tumutukoy sa damdamin
6. Kaluluwa, daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao

Ano bang napapansin natin sa ating kultura? Impluwensyang panlalahat: Ano ang tingin natin
sa mga Bikolano? Ilokano? Bisaya? Muslim? Kristiyano? Ang pangunahing suliraning umiiral
sa anyong palasak ng sikolohiya sa kontekstong pilipino ay ang suliraning dulot ng paggamit ng
mga TERMINONG NANLALAHAT!

Nilalayong anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas: Sikolohiyang Pilipinas Upang umunlad, huwag


kumiling sa partikular o unibersal. Halimbawa, Kahit na alam na ng isang clinician ang mga
batas ng pagkilos ay hindi nya pa rin ito maaaring magamit sa kanyang kaharap na tao

Pag-aantas ng mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino ayon sa lapit o layo nito sa karanasang
Pilipino o impluwensyang banyaga at pagkapartikular o pagkaunibersal ng pinapaksa.
Katutubong konsepto (hal. Salimpusa, Jocano 1975.) Pagtatakda ng kahulugan (hal. gunita,
Alfonso 1974) Pagaandukha (hal.pagkilatis, Adea (1975) Kultura Henetika Pagbibinyag (hal.
Hiya, Bulatao 1969) Paimbabaw na asimilasyon (hal. Reimporsment) Banyagang konsepto
(hal. Home for the aged, prejudiced Karanasang Pilipino Impluwensyang Ligaw K B (Partikular)
(Unibersal)

Katutubong Konsepto. Maraming mga konseptong Pilipino ang hindi pa talaga napag-aaralan
at ang konseptong ito ay naiiba sa kanluraning ideya. Hal. Attitude, salitang saling-pusa na
salita. “Saling-pusa” ay hindi makikita sa anumang aklat ng Amerikano. Ang salitang ito ay
nagbibigay kahulugan ukol sa pagbibigay halaga ng mga Pilipino sa damdamin ng kanilang
kapwa. “Pamasak-butas”. Ang mararamdaman ng isang Pilipino kung siya ay inaya sa isang
kasiyahan at nalaman niyang hindi siya ang unang inimbita. Totoo ba ito?

Pagkapikon. Isang natural na konsepto sa atin dahil buhay na buhay ang kultura natin. Isa
pang makabagong konseptong Pilipino sa larangan ng sikolohiyang panlipunan ang “Balik-
bayan.” Ito ay konseptong patakaran ng gobyerno na hikayatin ang mga Pilipino na umuwi at
dumalaw sa Pinas. Makabuluhan ang konsepto ng balik-bayan. Ano ang dahilan ng kanyang
pagbabalik? Ano ang kanyang inaasahan? Bakit may iba ay naging balik- yabang?

Konseptong Bunga ng Pagtatakda ng Kahulugan. Mas mabisa ang pagtatakda ng


kahulugang teknikal sa isang konseptong makahulugan na sa Pilipino. Halimbawa, hindi
kinakailangan na baguhin ang mga salitang “alaala” at “gunita.” Kung titignan, ang salitang ito
ay may kinalaman sa “memory” kung pagbabatayan ang salitang teknikal. Ano ang pagkakaiba
ng dalawa? Ang gunita ay inihahanay sa “recall” samantalang ang “alaala” ay pansamantalang
katumbas sa higit na malawak na “memory.” “Tagapagbatid” at “kalahok” na naididikit sa
“subject”

Pag-aandukha. Pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at salitang hiram Kung minsan


ang pinagmumulan ng salita ay sa banyaga kaya ito ay inaandukha. “Seizing one’s opportunity”
o “If you have a chance to take advantage of it” na sa pananaw raw ng Pilipino na tila naman
yata may “kagarapalan.” “Paniniyansing” at paano naman lumitaw ito. Dahil gaya daw ninuman
hindi pwede ang basta hawak nang hawak kung kani-kanino sa kulturang Pilipino.

Ang Pagbibinyag. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa mga ritwal sa pananampalataya kundi
maging sa paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigang konsepto ng “hiya”, “utang na
loob,” at “pakikisama.” Kailangan na maunawaan mabuti ang mga salita at kung paano ito
ginagamit. Hal. “Hindi ngayo’t napahiya ay nagiging kahiya-hiya na rin o nangangahulugang
walang hiya.” Isang paglilinaw rin sa konseptong “Impression Formation.” Ano ba ang ginagawa
ng isang Pilipino kapag kinikilala nya ang kanyang kapwa?

You might also like