DLP Aralin 5 Teleserye Opinyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paaralan San Mateo National High School

Baitang Siyam (9)


Guro Rosemarie C. Espino
Asignatura Filipino
Abril 23, 2023 Unang
Petsa/Oras ng 9-Ruby 1:10 – 2:00 Markahan Markahan
DAILY LESSON PLAN pagtuturo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa akda na nagpapakita
ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
teleserye
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng pagsusuri ng Teleserye batay
sa mga sangkap nito

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto  Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon


(sa tingin, akala, pahayag/ko at iba pa

(TLE 3rdQ 1.1 Cookery) Identify ingredients according to the given recipe
(Sandwich)
II. NILALAMAN Panitikan: Pagsusuri ng Teleserye - Wildflower
Gramatika: Pagbibigay ng Opinyon
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Alternatibong Modyul sa Filipino 9
1. Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 26 - 28

2. Mga Pahina sa Kagamitang Alternatibong Modyul sa Filipino 9


Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pahina 26 – 28
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo DLL, Modyul, laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin Panalangin
at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin Pagtala ng liban
Kumustahan
Balik aral: (Alam mo BA-rger?)
Panuto: Hulaan kung anong sangkap ng teleserye ang tinutukoy sa
tanong. Iclick ang salita upang mabuo ang burger.
1. Tawag sa nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa teleserye.
2. Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
3. Ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa teleserye ay tinatawag
na ______.
4. Paksang-diwang binibigyan ng diin sa teleserye
5. Ito ang sangkap na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa
tao, bagay at pangyayarihan
6. Ang diyalogong ginagamit sa teleserye ay tinatawag ding _______.
7. Ito ang sining sa pagkuha ng bidyu na kinabibilangan ng liwanag,
anggulo, dimensyon at marami pang iba.
Ano-anong sangkap ang pinagsama-sama upang makabuo ng burger
sandwich? (Iugnay sa aralin)

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Pagganyak : (Ano sa tingin mo?)


Panuto: Batay sa naka-zoom na larawan, bumuo ng pangungusap
kung ano sa tingin ninyo ang nagaganap o mayroon sa kabuoan ng
larawan. Isulat sa pisara. Pagkatapos ay ipakita ang tunay na
larawan.

Ano ang ginamit ninyong mga salita upang maipahayag ang inyong
saloobin o palagay sa larawan?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa Iugnay sa pagtalakay ng input tungkol sa mga salitang ginagamit sa
sa bagong aralin Pagbibigay ng Opinyon
Talakayin ang mga salitang ginagamit sa Pagbibigay Opinyon
https://www.youtube.com/watch?v=gapVLqoHUGk
(0:41 – 4:12 lamang ang ipanood.)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Paglalahad ng Aralin
at paglalahad ng bagong 1. Pakikinig at panonood ng akda
kasanayan #1 Pakinggan at panoorin ang bahagi ng teleseryeng “The Glory”
mula sa Korea. Humanda sa Pangkatang Gawain.
https://www.youtube.com/watch?v=4qqDIISq9EE&t=222s
(hanggang 5:15 lamang ang ipanood)
2. Gabay na Tanong (Malayang Talakayan)
 Ano-anong pang-aapi at karahasan ang dinanas ng
pangunahing tauhan sa kuwento?
 Makatarungan ba ang kanyang naging karanasan?
Pangatwiranan.
 Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan,
maghihiganti ka rin ba o hindi sa taong nakagawa ng masama
sa iyo?
(Ipataas ang kamay ng mga maghihiganti at bilangin. Gayundin sa mga
hindi maghihiganti. Kunin ang percentage gamit ang formula.)
Formula:
Bilang ng nagtaas ng kamay / bilang ng mag-aaral x 100
3. Pangkatang Gawain
Ipakita ang presentasyon batay sa pagkakasunod-sunod na
mabubunot sa Name Picker.

GAWAIN 1 Ipagpalagay Mo!


Ibigay ang mga nalabag na karapatang pantao sa kuwento. Gumamit
ng mga salitang nagbibigay opinyon. Isulat sa Manila paper at iulat.

GAWAIN 2: Sa Hinuha mo…


Isadula ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento.
Gumamit ng mga salitang nagbibigay hinuha o opinyon.

GAWAIN 3: Punto por punto


Pumili ng mga pangyayari sa akda at patunayang nangyayari ito sa
tunay na buhay sa pamamagitan ng isang Debate. Gumamit ng mga
salitang nagpapahayag ng Opinyon.
GAWAIN 4: Hatulan na!
Gumaya ng Talk Show sa telebisyon at pag-usapan ang mga
suhestiyong parusa sa Bullying. Gumamit ng mga salitang nagbibigay
Opinyon.

RUBRIKS
Kawastuhan ng ulat 5
Kasiningan 5
Kaayusan 5
KABUOAN 15

4. Presentasyon ng bawat pangkat


5. Pagbibigay ng fidbak.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo
sa Formative Assessment )
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Sa iyong palagay, dapat bang tularan ang katatagan ng pangunahing tauhan
araw na buhay sa kuwento? Pangatwiranan.
H. Paglalahat ng Aralin Mahalaga ang mga salitang nagpapahayag ng opinyon upang _______________.
I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang Gawain para sa Kasunduan:
takdang- aralin at remediation Humanda sa gawaing ibibigay bukas.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga bata na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang naranasan na
nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa iba
Iwinasto ni: Bb. JOCELYN C. FLORES
Petsa:

You might also like