Professional Documents
Culture Documents
PANITIKAN
PANITIKAN
PAGTUTURO NG PANITIKAN
2. ANG PANITIKAN…. Ano ito?
3. Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na pasemantika ng salitang panitikan. Ang salitang
panitikan, anya, ay binubuo ng pang-na unlapi, ng salitang ugat at ng –an na hulapi. Nagiging pan- ang pang-
kung inuunlapi sa salitang nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s,t. Karaniwan ding kinakaltas ang titik na t kung
saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya’t sa halip na pangtitikan ay nagiging panitikan na katumbas sa Ingles ay
literature at literature sa Kastila. Ang salitang titik ay litera sa Latin, letra sa Kastila at letter sa Ingles na mga
salitang ugat ng kanilang panumbas na salita sa panitikan.
4. Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan ay pagpapahayag sa makasining na paraan sa pamamagitan ng mga
piling salita ng mga kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan ng isang lahi. Ito ay bungang-isip na isinatitik.
5. Ayon kay Ponciano B. P. Pineda, ang panitikan ay katipunan ng magaganda, marangal, masisining at
madamdaming kaisipang magpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.
6. Ang panitikan ay salamin ng lahi. Nasisinag sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa ang mga
kaugalian, mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at lunggatiin ng isang lahi.
7. Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng kasaysayan, nagtataglay ng mga
ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.
8. Ang mahalaga sa panitikan ay ang pagbasa ngunit pagbasang kakaiba. Dalawa ang karaniwang banggit kung
bakit nagbabasa ang tao. Una, nagbabasa siya upang makapagtamo ng mahalagang impormasyon. Para
makapagluto ng isang espesyal na pagkain, kailangan ang pagbabasa ng isang resipe. Kung kailangang
kumpunihin ang isang makina o telebisyon set, manwal sa pagkukumpuni ang binabasa.
9. Upang matutunan ang isang aralin, aklat tungkol dito ang babasahin. Ang lahat ng ito’y pagbabasa…ngunit
pagbabasa na udyok ng pangangailangan.
10. May iba pang nagagawa ang pagbabasa. Lalo’t higit ang pagbabasa ng panitikan. Napapatawa ka
nito…..napapakislot….ka-kaligkigin ka rito at kung minsa’y papawisan ka ng malapot. Kung nagbabasa ng
panitikan, nagagawa mong maihatid ang sarili sa isip at diwa ng mga tampok na nilalang. Nabibigyan ka nito ng
mga bagong tainga at mata…bagong kaisipan…bagong damdamin. Ito ang karanasang matatamo mo sa
pagbabasa ng panitikan.
11. Tandaan….ang panitikan ay hindi hanguan ng impormasyon. Ikaw ang panitikan….nanatiling nakalimbag
lamang ang mga salita sa isang babasahing panitikan hanggang hindi ito binubuhay. Ikaw ang bubuhay…
magbibihis…magbibigay ng bagong anyo sa akda.
32. Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap, pasalita o pasulat man
ang tungkol sa kanilang binasa. Sa pagtatangi, napag-uuri ng mga mag-aaral ang mga seksyong binasa,
halimbawa, pagkilala sa genre, pag-alam sa may akda, at pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda. Sa
pag- uugnay, nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit sa isang akda. Hal. Bakit may
bilang ang mga talatang bumubuo sa kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit
palaging sinasambit ang salitang “mabuti” sa Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute?
33. Sa interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang
temang nais ibahagi ng may akda sa kanyang mga mambabasa. Halimbawa: Ano ang ibig sabihin ng pamagat
ng dulang, “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat at “Walang Panginoon” ni Deogracias A. Rosario? Ang pagsusuri
ng pamagat na ginamit sa isang akda ay makatutulong sa pagtukoy sa tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa dayalogo ng mga tauhan, sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa
pagsapo sa tunggalian.
34. Sa ikalimang proseso, ang paglalahat, magagawang mailapat ng mag-aaral ang kanyang natutunan buhat sa
akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat ng mga kasanayang natutunan sa panitikang
Filipino sa pag- aaral ng panitkang Ingles, maging ito’y tula, dula, maikling kwento, sanaysay o nobela.
35. Sa ikaanim na proseso ay ang pagpapahalaga na karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang isang akda.
Ngunit hindi tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat hitik na hitik sa pagpapahalaga ang
panitikan.
36. Upang magkaroon ng direksyon ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa panitikan, binanggit ni Alcantara ang
mga sumusunod na tagubilin o patnubay.
37. 1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya dapat naghuhusga na
ginagamit ang pamamaraang galing sa sarili.
38. 2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t ibang sagot sapagkat batid niyang walang lubos na tama o
maling sagot sa tanong na pagpapahalaga.
39. 3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o hindi sa talakayan.
40. 4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag- aaral. 5. Ginaganyak niya ang bawat mag-aaral na
sumagot nang may katapatan.
41. 6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga mag-aaral.
42. 7. Iniiwasan niya ang mga tanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-aaral. 8. Nagtatanong siya
nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mag-aaral.
43. Ang paglikha ang pinakatampok sa proseso ng pagbabasa o pag-aaral ng panitikan dahil mahalaga dito ang
masigasig na pamamatnubay ng guro upang makalikha ang mga mag-aaral ng sariling kwento, sanaysay, tula o
dula.
44. PAGTUTURO NG PANITIKAN….I LANG PANIMULANG PALAGAY
45. Katotohanang hindi mapag-aalinlangan na wala sa pagbabasa ng tunay na panitikan ang hilig ng mga mag-
aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa
sa kanila ng guro.
46. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan.
Naging maluwag tayo sa pagsasabi ng “magaling” sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay
Sino, Ano, Alin, Kailan atbp tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.
47. Ang paraan ng pagtuturo ay may kaugnayan din sa pagkawala ng hilig mag-aral sa pag-aaral ng panitikan.
Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-aaral nito.
48. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit na sinasabi na ng guro kung ano ang makikita at
madarama sa akda. Ang tungkulin niya na iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda’y tuluyan nang
kinalilimutan.
49. MGA MUNGKAHING HAKBANG SA ARALING PAGPAPAHALAGA SA TULA
50. 1. Paghahanda (Preparation) 1.1 Pagganyak – upang gisingin ang kawilihan ng mga mag-aaral 1.2
Paghahawan ng Sagabal – ito ay pag-aaral sa mga mahihirap na salita na nasa tula 1.3 Pagtalakay sa Buhay ng
May-akda – ang kaalaman sa buhay ng may-akda ay nakatutulong hindi lamang sa pag-unawa sa tula kundi
nakatutulong din sa pagpapatingkad ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa tula.
51. 2. Unang Pagbasa o Unang Pagbigkas • Bibigkasin o babasahin ng guro ang tula nang buong husay at may
damdamin. Samantalang malinaw na binibigkas ng guro ang tula, nakikinig ang mga mag- aaral. • Maaari ring
sa halip na guro ang bumigkas o bumasa, ang pabigkasin o pabasahin ay isang mag-aaral na may kakayahan sa
ganitong gawain.
52. 3. Pagtalakay Pangkaisipan (Intellectual Discussion) • Pag-uusapan sa bahaging ito ang nilalaman ng tula;
sasagot ang mga mag- aaral sa mga tanong-pantiyak upang matalakay ang tula ayon sa pakahulugan ng may-
akda. Magkakaroon din ng talakayan sa mahihirap na bahagi ng tula at tungkol sa magagandang pahayag sa
loob ng tula.
53. 4. Pagtalakay Pangkagandahan (Aesthetic Discussion) • Sa unang pagtalakay ay pinag-uusapan ang
nilalaman ng tula, sa ikalawang pagtalakay ay pinag-uusapan ang kagandahan ng tula, ang kayarian ng mga
taludtud, ang pagkakatugma-tugma ng mga dulong salita ng mga taludtod, ang talinghaga at iba pa. • May mga
pagkakataon na maaaring mauna ang pagtalakay na pangkagandahan sa pagtalakay na pangkaisipan ayon sa
gaan o dali ng tula at talasalitaan nito at ayon pa rin sa nilalayon ng guro sa mag-aaral.
54. 5. Ikalawang Pagbasa o Ikalawang Pagbigkas • Bibigkasing muli ng guro ang tula. Inaasahang higit na
mapahalagahan ng mag-aaral ang tula sa ikalawang pagbigkas na ito sapagkat nauunawaan na nila ang tula. •
Isang layunin ng guro sa muling pagbigkas o pagbasa ng tula ay upang magbigay ng huwaran o modelo sa
pagbigkas, kaya nararapat na bigkasin ng guro ang tula nang buong husay at nang may damdamin.
55. 6. Ikatlong Pagbasa o Pagbigkas • Babasahin ng mag-aaral ang tula. Hangga’t maaari ay bigyan ng
pagkakataon ang lahat ng mag-aaral na makabigkas ng tula o makabasa ng tula subalit gawin ito sa paraang
hindi mababagot ang mga bata. • Hindi kailangang ipabasa sa lahat ng mag-aaral ang buong tula. Maaaring
sundin ang mga sumusunod na mga paraan ng ginaganyak na pagbasa.
56. Mga Mungkahing Gawain: a. May mga larawan sa pisara. Bawat larawan ay kaugnay ng isa sa mga
saknong ng tula. Papiliin ang batang larawang naiibigan niya at ipabasa ang kaugnay na saknong. B. Ipabasa
ang mga tanong na nakasulat sa pisara. Ipasagot ang tanong sa pamamagitan ng pagbasa sa saknong na
sumasagot sa katanungan. C. Magbigay ng isang kaisipan o isang mensahe. Ipabasa ang saknong na tumutugon
sa binanggit na kaisipan.
57. d. Itanong ang alin ang naibigan niyang saknong at ito ang ipabasa sa kanya. e. Maaaring ipabasa ang buong
tula sa buong klase sa paraang sabayang pagbasa. May bahaging babasahin ang bawat hanay, may buong klase
ang babasa, at may bahagi namang babasahin ng isa lamang mag-aaral.
58. 7. Paglalapat ng Himig • Sa mababang paraan lalo na sa mababang baiting, higit na napahahalagahan ng
mga mag-aaral ang tula pagkatapos na ito ay malapatan nila ng himig. (himig ng mga awiting bayan na
kilalang-kilala nila)
59. 8. Pagsasaulo sa Tula • Hindi lahat ng tula ay ipinasasaulo ng guro. Kung magpapasaulo ng tula, gawin ito
sa kawili-wiling paraan upang hindi mabagot ang mga mag-aaral.