Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TANZA ELEMENTARY THREE-

School: SCHOOL Grade Level: JUDEA


Learning
SHERLYN F. CALICDAN AP
GRADES 1 to 12 Teacher: Area:
DAILY LESSON Teaching
LOG November 13-14, 7:30 –
Dates and 8:00AM
Quarter: QUARTER 2
2023
Time:

Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa pinagmulan ng iyong lungsod at mga


I. Layunin: karatig lungsod
II. Paksang-aralin: Pinagmulan ng Lungsod ng Navotas

A. Sanggunian: Modyul 1ARALIN 1.1. Pinagmulan ng mga Lungsod sa Kinabibilangang Rehiyon


11.1 K to 12 - AP3LAR-IIa-1
TG p. 21-22
DBOW p24
B. Kagamitan: Power point presentation
III. Pamamaraan:
A. Balik-aral Anu-ano ang mga dating pangalan ng mga sumusunod na lungsod:
Valenzuela Marikina Parañaque
Quezon City Mandaluyong Pasig
Caloocan City Muntinlupa Pasay
Makati Navotas San Juan
Maynila Taguig
Malabon Pateros
B. Pagganyak Ano ang pinagmulan ng Lungsod ng navotas?
Saang lalawigan o lugar ito dati nakapisan?
Kasaysayan ng Navotas
C. Paglalahad Ang pangheograpiyang pagbabago dito ang nagbigay ng ngalan nito bilang lugar na
"butas", "nayon ng butas",or "nabutas",at nakalikha ito ng anyong tubig na ngayon ay ang
Navotas River. Dati itong kilala bilang hacienda de Navotas na pagmamay-ari ng mga
paring Dominican at ibinenta sa pamilya Pascual na ginawang residential estate.
San Jose de Navotas naman ang pangalang ibinigay ayon sa patron nitong Saint Joseph.
Noong 1904, ang bayan na ito ay ipinisan sa Malabon. Si Bernardo Dagala, na tagarito sa
Navotas, ang inihalal na municipal president.
Ang Navotas] ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Sinasakop ng bayan ang
isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa
diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog ng
Obando, Bulacan.
Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda
ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang
ilan sa Look ng Maynila.
Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA.
Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Kalookan, Malabon, at Valenzuela.
Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat,
at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng
parehong lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang
sa mga suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan. Kilala ang Navotas sa kanyang
mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas
ang pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa
buong mundo.
Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging
lungsod noong Hulyo 24, 2006 sa bisa ng isang plebisito Republic Act 9387, na inaprubahan
noong Marso 10, 2007 sa bisa ng Artikulo 6, Sek. 27.1 ng Saligang Batas ng Pilipinas.
D.Pagtalakay: Saan hango ang ngalan ng Navotas?
Saan ito nakapisan dati?
Anu-ano ang mga negosyo o produkto dito?
Kalian ito naging Lungsod?
E. Paglalapat: Bakit mahalagang malaman natin ang kasaysayan ng sarili nating Lungsod?
F. Paglalahat: Navotas ay isang luungsod na kabilang sa CAMANAVA. Ito ay maraming industriya at
maunlad.
G. Pagtataya: Sagutin ang mga tanong.
1. Sa anong salita nagmula ang pangalan ng Navotas?
2. Sino ang nagmamay-ari dati ng lupain nito?
3. Kanino ito ibinenta?
4. Ano ang turing o katawagan sa Navotas?
5. Sino ang patron ng Navotas?
H. Takdang Aralin: Gumawa ng Graphic Organizer na nagpapakita ng kasaysayan ng Navotas.

Inihanda ni:
Iniwasto ni:
SHERLYN F. CALICDAN
Teacher III NIC P. PAPA
Master Teacher I

You might also like