Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Ikaw Ang Aking Bayani

ba n an
ala la
a a no m a a ng
p a ba t
g
ng m 19!
O V I D-
C
Ang Pagbubuo ng “Ikaw ang Aking Bayani!”

Ang kwentong pambata na ito ay proyekto ng Inter-Agency Standing Committee Reference Group on Mental
Health and Psychosocial Support in Emergency Settings (IASC MHPSS RG). Ang proyektong ito ay sinuportahan ng
mga ahensya sa ilalim ng IASC MHPSS RG kasama ang mga kasaping eksperto nito mula sa pandaigdigan, rehiyunal
at nasyunal na antas. Pinaunlad din ang kwentong ito ng mga magulang, tagapag-alaga, guro at bata mula sa 104
na bansa. Isang survey ang ipinamahagi sa lenggwaheng Arabic, Italian, French at Spanish upang masuri ang kalusu-
gang mental at pangangailangang sikolohikal ng mga bata sa gitna ng COVID-19. Mula sa survey na ito, nabuo ang
balangkas ng mga paksa na gumabay sa buong kwento. Nauna nang naibahagi ang kwentong ito sa mga batang
nagmula sa mga bansang apektado ng COVID-19. Mula sa mga pagbabahaging ito nakakalap ng mga komento/
puna/karagdagan na higit pa ditong nagpaunlad.

Mahigit 1,700 na mga bata, magulang, tagapag-alaga at guro mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang naglaan ng
panahon at nagbahagi ng kanilang mga karanasan ng pag-angkop sa Covid-19. Lubos kaming nagpapasalamat sa
mga bata, magulang, tagapag-alaga at guro sa pagsagot sa nabanggit na survey at sa pagtulong na mabuo ang
kwentong pambatang ito. Ang kwentong ito ay binuo ng mga bata para sa mga bata.

Kinikilala ng AISC MHPSS RG ang naging ambag ni Helen Patuck para sa pagsusulat ng script at ilustrasyon.
Pasasalamat din sa Center for Disaster Preparedness sa pagsasaling-wika sa Filipino.

©IASC Reference Group MHPSS, 2020. Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Para sa pag-imprenta at pahintulot sa pagsasalin, makipag-ugnayan sa: mhpss.refgroup@gmail.com

Makipag-ugnayan sa IASC MHPSS Reference Group (mhpss.refgroup@gmail.com) para sa mga naisaling bersyon o
paghingi ng pahintulot para isalin ito.
Pambungad
Ang “Ikaw ang Aking Bayani” ay isang kwentong pambata na isinulat para sa mga bata sa buong mundo na apektado ng
pandemyang COVID-19.

Ang kwentong ito ay dapat na basahin ng mga magulang, tagapag-alaga o guro kasama ang bata o grupo ng mga bata.
Hindi iminumungkahi na basahin ng bata ang kwentong ito nang walang kasamang magulang, tagapag-alaga o guro. Sa
mga darating na panahon, may isa pang ililimbag na kwento na may pamagat na “Gawain ng mga Bayani” bilang karagda-
gang gabay sa pagharap sa COVID-19. Layunin nitong makatulong sa pag-proseso ng mga emosyong nararamdaman ng
mga bata at kasama din dito ang mga karagdagang aktibidad na maaaring nilang gawin.
Itinuturing ni Sara na bayani ang kaniyang ina. Isa itong
mapag-arugang magulang at mahusay na ‘scientist’.
Subalit, kahit ang kaniyang ina ay hindi makahanap ng
lunas para sa COVID-19.

“Ano ang itsura ng COVID-19?” Tanong ni Sara sa ina?

“Napakaliit ng COVID-19 o coronavirus, hindi natin ito


makikita. Kumakalat ito sa pag-ubo at paghatsing ng
mga taong maysakit at kapag nahawakan nila ang mga
bagay sa kanilang paligid. Nakakaramdam ng lagnat,
ubo at
nahihirapang huminga ang mga taong nagkakasakit
nito.” Paliwanag ng kaniyang ina.

“Ibig sabihin hindi natin ito malalabanan dahil hindi ito


nakikita?” Tanong ulit ni Sara.

“Kaya natin itong labanan. Nakakaapekto sa maraming


tao ang COVID-19 ngunit maaaring magtulungan ang
lahat upang malabanan ito. Espesyal ang mga bata at
sa pagiging espesyal nila ay maaari silang makatulong.
Kaya kailangan mong maging ligtas para sa ating lahat,
dahil kailangan kita bilang aking bayani.” Tugon ng
kaniyang ina.
Binalot ng lungkot si Sara ng gabing iyon. Hindi nya maram-
daman sa puso niya na siya ay isang bayani. Marami siyang
nais gawin sa mga araw na darating. Nais niyang pumasok sa
paaralan subalit pansamantala munang hindi pinapapasok ang
mga mag-aaral dahil sa COVID-19. Nais niyang makita ang
kaniyang mga kaibigan subalit hindi pa ligtas. Lubhang ninais ni
Sara na mahinto na ang pananakot ng COVID-19 sa mundong
kaniyang ginagalawan.

Pilit na inaapuhap ni Sara sa kaniyang murang isipan ang sinabi


ng kaniyang ina na kailangan siya nito bilang isang bayani. Alam
niyang may kakaibang kakayahan ang mga bayani. Di tuloy niya
maiwasang itanong sa kaniyang sarili… “ano bang meron ako?”
Ito ang tanong ni Sara sa sarili hanggang sa siya ay makatulog.

Nang walang anu-ano’y biglang may malumanay na tinig na


narinig si Sara. Tinatawag siya sa kaniyang pangalan…Sara,
Sara...”

“Sino yan?” ang nagugulumihanang tanong ni Sara.

“Ano ang kailangan mo para maging bayani ka Sara?” tanong


ng mahiwagang tinig.

Lubos man siyang nagtataka kung bakit alam ng kausap niya


ang tanong na gumugulo sa kaniyang isipan ay daglian siyang
tumugon ng… “Kailangan kong makahanap ng paraan para
maipaalam sa mga bata sa buong mundo kung paano nila ma-
papangalagaan ang kanilang sarili sa COVID-19,” ani Sara.
“Anong uring nilalang ang kailangan mo na sa tingin mo ay
makakatulong sayo?” tanong muli ng tinig.

“Kailangan ko ng isang nilalang na nakakalipad… na may-


roong malaking tinig… nilalang na tunay na makakatulong sa
akin at sa iba pang mga bata.”

Sa isang kisapmata biglang nagliwanag ang silid ni Sara at


nagpakita sa kaniya ang hiniling niyang nilalang.

“Sino ka?” tuwang-tuwang tanong ni Sara.

“Ako si Ario…” ang mabilis na tugon nito.

“Hindi pa ako nakakita ng nilalang na katulad mo Ario?”


Nagtataka ngunit nakangiting sambit ni Sara.

“Sara nandito lang ako nang buong panahon, nagmula ako


sa iyong puso….” ang maagap na sagot ni Ario.

“Ngayong kasama kita, masasabi ko na sa buong mundo


na mag-ingat laban sa coronavirus at sa ganoong paraan,
pwede na akong maging bayani...” tuwang-tuwang sambit ni
Sara. “Pero, ligtas kaya tayong maglakbay kung may
coronavirus sa paligid?”

“Sara…kung kasama mo ako maaari tayong maglakbay,


lilipad tayo sa himpapawid at sisiguruhin ko ang
iyong kaligtasan.”
Masiglang tumalon si Sara sa likod ni Ario at nagsimula silang lumipad… mula sa bintana ng
kaniyang silid, tungo sa malabulak na kaulapan. Naglakbay sila patungo sa mga bituin at
kinumusta nila ang buwan sa kalangitan.
Kinabukasan, lumapag sila sa isang napakalawak na
disyerto. Tinungo nila ang ‘pyramid’ kung saan nakita
nilang naglalaro ang mga bata. Masayang kumaway
ang mga bata kina Ario at Sara pagkakita sa kanila.

“Maligayang pagdating! Ako si Salem.” Pagpapaki-


lala ng isang batang lalaki. “Anong ginagawa ninyo
dito? Paumanhin, hindi ako pwedeng lumapit sa
inyo… kailangan nating panatilihin ang isang metrong
distansya.”

“Dahil ba sa coronavirus? Iyan ang dahilan kaya nga


kami naririto.” Tugon ni Sara. “Ako nga pala si Sara
at siya naman si Ario. Alam n’yo ba na maaaring
makatulong ang mga bata sa pagpapanatiling ligtas
ng kanilang mga kapitbahay, kaibigan, magulang,
kapatid, lolo, lola at iba pang mahal nila sa buhay
mula sa coronavirus? Simple lang…kailangan lang
natin na...”

“Maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na


tubig.” Pagpapatuloy sa sinimulang sasabihin sana
ni Sara at sagot ni Salem. “Alam namin Sara. Kapag
kami ay umuubo, tinatakpan namin ng aming braso
ang aming ilong at bibig. Kumakaway na lang kami
sa mga tao imbes na yumakap o makipag-kamay.
Sinisikap naming manatili sa loob ng bahay. Gayun-
paman, naninirahan kami sa isang napakasikip na
syudad at hindi lahat ay nananatili sa loob ng bahay.”

“Hmmm…maaari akong makatulong dyan. Sambit ni


Ario. Hindi nila nakikita ang coronavirus pero nakikita
nila ako. Tara! Sumakay na kayo sa magkabila kong
balikat.” Sila ay may isang metrong distansya mula sa
isa’t-isa.
Lumipad si Ario kasama si Salem
at Sara sa magkabila niyang
balikat. Binaybay nila ang syudad
habang umaawit. Sa malakas na
tinig ni Ario ay pinaalalahanan niya
ang mga batang nasa kalye.
“Sabihin ninyo sainyong mga
pamilya na mas ligtas tayo kung
mananatili tayo sa loob ng
ating mga tahanan. Sa ganitong
paraan, maaari din nating
mapangalagaan ang ating mga
kapamilya.”

Namangha ang mga bata sa


kanilang nakita at narinig kaya
daglian silang tumalima at umuwi
na sila sa kanilang mga tahanan.
Lumipad pa ng mas mataas
si Ario at nakasabay ang
isang eroplano. Nakita sila
ng mga pasahero kaya’t
di nila inaksaya ang pag-
kakataon na sila man ay
paalalahanan.

“Kinakailangang ihinto muna


ang paglalakbay sa mga
darating na araw. Pansam-
antalang isasara ang mga
hangganan ng mga bansa
at teritoryo. Kaya iwasan na
munang maglakbay at sig-
uruhing kapiling ninyo ang
mga mahal sa buhay.”

“Marami nang nabago simula ng


maminsala ang coronavirus. Minsan
natatakot ako.”
banggit ni Sara.

“Nakakatakot at nakakalito talaga ang mga pagbabago Sara.


Alam mo kapag ako ay natatakot, bumubuga ako ng apoy.”

At ipinakita ni Ario ang pagbuga niya ng malaking bolang apoy.

“Paano kayo napapayapa kapag nakakaramdam


kayo ng takot?” tanong ni Ario.
“Iniisip ko ang mg taong nagpaparamdam sa akin na ako
ay ligtas”, mariing tugon ni Sara.

“Pareho pala tayo ako rin, inaalala ko ang mga


nagpaparamdam sa akin na ako ay ligtas, katulad ng
aking mga lolo at lola,” susog ni Salem. “Nami-miss ko
na sila. Hindi ko sila mayakap dahil baka mahawa ko sila
ng coronavirus. Dati, pumupunta kami sa kanila tuwing
araw ng Sabado at Linggo, subalit hindi muna ngayon
para masiguro namin ang kanilang kaligtasan.”

“Nagkakausap ba kayo?” ang seryosong tanong ni Sara.

“Oo naman”, tugon ni Salem. “Araw-araw nila akong


tinatawagan at kinukumusta kaming lahat sa bahay.
Gumagaan ang aking pakiramdam kapag tumatawag sila
at alam kong gayundin ang kanilang nararamdaman. “

“Normal lamang na mangulila tayo sa mga taong hindi


na muna natin makikita sa ngayon”, ani Ario. “Nagpa-
pakita ito ng ating pag-aalala at pagmamahal sa kanila.
Nais niyo bang makita rin ang iba pang mga bayani.”

“Oo”, magkasabay na tugon ni Sara at Salem.

“Tara!... ang kaibigan kong si Sasha ay meron ding


espesyal na kapangyarihan.” Sambit ni Ario.
Muli silang lumipad patungo sa isang maliit na
pamayanan. Nakita sila Ario ng isang babaeng namimitas
ng bulaklak at humalakhak nang makitang may sakay na
mga bata si Ario sa kaniyang mga
balikat.

“Ario”, tawag ng batang babae. “Hindi kita malalapitan


kaya yayakapin na lang kita sa hangin! Kumusta, ano ang
inyong ginagawa dito.”

“Naramdaman ko ang yakap mo sa hangin Sasha.”


Tuwang-tuwang nasambit ni Ario. Gusto kong marinig ang
mga salitang naglalarawan ng pagmamahal at
pagkalinga. Narito kami para maipakita sa aking mga
kaibigan ang iyong kapangyarihan.”

“Kapangyarihan?... ano ang aking kapangyarihan?”


Tanong ni Sasha.

“Di ba simula ng magkaroon ng sakit ang iyong kapamilya,


minabuti mo nang manatili sa bahay upang hindi
makahawa ng iba?” tugon ni Ario.

“Tama ka, simula ng magkasakit ang aking ama


hanggang ngayon na kasalukuyang siya ay nagpapagaling,
namamalagi lamang siya sa kaniyang silid. Ako naman ay
nananatili sa loob ng aming bahay,” tugon ni Sasha.
“Pero masaya pa rin kami! Naglalaro kami, nagluluto,
namamasyal sa hardin at sabay-sabay na kumakain.
Sumasayaw din ako kasama ang aking mga kapatid.
Minsan nagbabasa ako ng mga aklat dahil nami-miss ko
na ang pagpasok sa paaralan. Totoong nanibago ako
noong mga unang araw ng pananatili namin sa bahay.
Pero kinalaunan ay nasanay na rin ako” … pagkukwento
ni Sasha.

“Alam kong hindi iyon ganun kadali Sasha,” ani Ario.


“Ngunit naghahanap kayo ng mga pamamaraan para
maglibang at magkaroon ng masayang samahan sa loob
ng inyong tahanan. Dahil dito, ikaw ang aking bayani
Sasha!”

“Nag-aaway din ba kayo sainyong pamilya?” seryosong


tanong ni Salem.

“Meron ding mga hindi pagkakaunawaan”, matapat na


tugon ni Sasha. “Kailangan naming magkaroon ng mas
mahabang pasensya, mas malalim na pag-uunawaan at
mabilis na paghingi ng paumanhin o pagso-sorry. Ang
mga ito ay kapangyarihan din, dahil nakakapagdulot ito
ng magandang pakiramdam sa ating sarili at sa ibang
tao. Minsan, gusto ko rin mapag-isa. Sumasayaw ako at
umaawit mag-isa! Minsan naman, tinatawagan ko ang
aking mga kaibigan.”

“Pero Ario, paano ang mga taong malayo sa kanilang


mga tahanan o walang mga bahay?” … tanong ni
Sara.

“Magandang katanungan yan Sara,” ani Ario.


“Halina at alamin natin.”
Nagpaalam sila kay Sasha at muling naglakbay. Naramdaman nila
ang mainit na simoy ng hangin habang papalapit sa isang isla.
Dito nakita nila ang pansamantalang tirahan ng ilang mga pamilya.
Nakita sila ng isang batang babae na kumaway kay Ario.

“Kumusta Ario? Masaya akong makita kang muli! Tu-


wang-tuwang sambit nito. “Pinapanatili namin ang
isang metrong distansya habang nag-uusap kaya dito
lang muna ako. Pero nais kong makilala ang kasama
mong mga kaibigan. Ako nga pala si Leila.”

“Hi Leila, ako si Sara, at siya naman si Salem,” buong


lugod na tugon ni Sara. Parang pinagsisikapan ninyong
mapangalagaan ang inyong pamayanan mula sa coro-
navirus. Ano pa ang mga ginagawa ninyo para malaba-
nan ang sakit na ito?”

“Naghuhugas kami ng kamay gamit ang sabon at malin-


is na tubig.” Tugon ni Leila.

“Umuubo rin ba kayo habang nakatakip ang inyong


braso?” Tanong ni Salem.

“Bago sa amin ang sinabi mo…pwede mo bang ipakita


sa amin kung paano iyon,” hiling ni Leila. At ipinakita
naman ni Salem kung paano ang kaniyang sinabi kina
Leila.

“Nagsisikap tayong lahat na maging matatag, subalit


nag-aalala ako,” sabi ni Leila. “Maaari ba akong mag-
bahagi sainyo? Nabalitaan ko kasi na may nagkasakit at
namatay na dahil sa COVID-19 at dahil dito lubos akong
natatakot. Totoo ba na may mga taong namamatay
dahil sa coronavirus?”
Bumuntong-hininga si Ario at naupo.

“Oo, maliliit na bayani” …tugon ni Ario. “May mga


nahahawa ng coronavirus subalit hindi nakakaramdam ng
sintomas ng sakit o hindi nagkakasakit. Subalit, meron
namang malala ang pagkakasakit at maaaring maging
sanhi ng kamatayan. Higit nating kailangang pag-ingatan
ang mga matatanda at ang mga taong may karamdaman
na, dahil sila ang mas madaling kapitan ng coronavirus. Sa
mga panahong natatakot tayo, makakatulong na mag-isip
tayo ng isang ligtas na lugar. Samahan ninyo akong
mag-isip ng ganitong klaseng lugar.

Dahil lahat sila ay nagsabi ng “oo” kaya’t sinabihan ni Ario


ang mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at mag-isip
ng lugar na mararamdaman nilang sila ay ligtas. “Mag-isip
kayo ng ala-ala, pangyayari o panahon kung saan
naramdaman ninyong ligtas kayo,” dagdag pa ni Ario.

Maya-maya pa tinanong ni Ario ang mga bata kung ano


ang nakikita nila, kung ano ang nararamdaman nila at kung
ano ang naaamoy nila habang sila ay nakapikit. Tinanong
rin niya kung may espesyal na tao ba na gusto nilang isama
sa nasabing ligtas na lugar at ano ang nais nilang mga
mapag-usapan habang sila ay naroroon.

“Maaari kayong pumunta sa ligtas na lugar na ito tuwing


kayo ay nakakaramdam ng takot”,…paalaala ni Ario. “Ito
ang inyong kapangyarihan na maaari ninyong ibahagi sa
inyong mga kaibigan at kapamilya. Lubos na
makakatulong din sa inyo kung parati ninyong tatandaan
na mahal ko kayo at marami pang tao na nagmamahal
sainyo.”
“Alam niyo bang maaari din nating pangalagaan ang isa’t-isa,” dagdag pa ni Leila.

“Tama ka Leila”, tugon ni Ario. “Maaari nating pangalagaan ang isa’t-isa kahit nasaan pa man tayo. Nais mo bang sumama sa aming huling
paglalakbay Leila?”

Masayang sumama si Leila kay Ario at sa mga bago niyang kaibigan. Natuwa si Sara sa pagsama ni Leila dahil nakita niyang lubhang kailangan
ang pagtutulungan ng bawat-isa. Naglakbay silang walang imikan subalit batid ni Leila na mahalaga siya sa kaniyang bagong mga kaibigan.
Mga bundok na nababalot sa ‘snow’ ang kanilang
mga binaybay hanggang matunton nila ang isang
maliit na bayan. Nakita nilang may mga batang
masayang naglalaro sa may ilog.

“Ario!” Tawag ng isang bata habang


kumakaway.

“Hello Kim! Sara, Leila at Salem nais kong ipakilala


sainyo ang aking mga kaibigan na nagkasakit na ng
COVID-19, at gumaling.

“Paano ba magkasakit? Ano ang naramdaman


ninyo?” Tanong ni Salem.

“Inubo ako noon at napakainit ng aking


pakiramdam. Para akong parating pagod at hindi ako
nakapaglaro ng ilang araw,” pagkukwento ni Kim.

“Madalas akong tulog at inalagaan ako ng aking


pamilya. Ang ilan sa aming mga magulang, mga lolo
at lola na kinapitan din ng coronavirus ay
kinailangang pumunta at manatili sa ospital.
Mababait ang mga doktor at ‘nurse’ na nag-alaga sa
kanila. Ang mga taong naiwan sa aming pamayanan
ang tumulong sa amin habang kami ay walang
kasama. Pagkaraan ng ilang linggo, matapos naming
sundin ang lahat ng dapat gawin para labanan ang
coronavirus bumuti na ang aming pakiramdam.”
“Kaibigan ako ni Kim,” sabi ng isa pang bata. “Hindi dahil nagkaroon ng
coronavirus si Kim ay hindi na namin sya kaibigan. Kahit hindi ko sya nakikita noon,
hindi ako huminto sa pag-aalala sa kaniya. Ngayon, masaya na kami dahil
nakakapaglaro na ulit kami.”

“Minsan ang pinakamahalagang bagay na pwede nating magawa bilang magkakai-


bigan ay ang pangalagaan ang isa’t-isa,” sabi ni Ario. “Kahit nangangahulugan ito na
kailangan nating pansamantalang maghiwa-hiwalay.”
“Tama! Pwede natin itong gawin sa isa’t-isa,” sambit ni Leila.

“At isang araw makakapaglaro ulit tayo at makakabalik sa ating mga paaralan katulad ng dati,” dagdag naman ni Salem.

Dahil kailangan ng umuwi ni Sara, agad na siyang nagpaalam sa kaniyang mga bagong kaibigan. Nangako sila sa isa’t isa na hindi nila makakali-
mutan ang paglalakbay na kanilang ginawa.

Nalungkot si Sara dahil hindi muna sila maaaring magkita-kita ng kaniyang mga bagong kaibigan. Pero naalala niya ang
sinabi ng kaibigan ni Kim. Hindi dahilan ang hindi pagkikita para humintong mahalin ang ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
Isa-isang ihinatid ni Ario ang mga bata
sa kani-kanilang mga tahanan. Bago
siya umalis sa bahay nina Sara ay
hinintay muna niyang makatulog ito.

Ngunit bago ipikit ni Sara ang kanyang


mga mata nagsabi siya kay Ario ng…
“Maaari ba natin itong ulitin bukas,”
tanong ni Sara.

“Hindi Sara dahil ngayon ay pana-


hon upang makapiling mo naman ang
iyong pamilya,” tugon ni Ario. At lagi
mong tatandan ang ating kuwento. Sa
paglaban sa coronavirus, higit mong
mapapangalagaan ang mga mahal mo
sa buhay sa pamamagitan ng tamang
paghuhugas ng kamay at pananatili sa
bahay. Hindi ako lalayo. Maaari tayong
magkasama tuwing pupunta ka sa iyong
ligtas na lugar.”

“Ikaw ang aking bayani Ario”


…bulong ni Sara.

“Ikaw ang aking bayani Sara. Ikaw ay


bayani sa lahat ng mga taong nag-
mamahal sayo,” tugon naman ni Ario.
Nakatulog si Sara nang mahimbing ng may
kapayapaan na sa kaniyang puso. Nang
magising sya kinabukasan ay wala na si
Ario. Kaya’t pumunta siya sa kaniyang ligtas
na lugar upang makausap ito. Iginuhit nya
rin lahat ng kaniyang nakita at natutunan
sa kanilang paglalakbay. Tumakbo siya sa
kaniyang ina upang ipakita ang kaniyang
mga iginuhit at ibinahagi niya ang kaniyang
naging paglalakbay kasama si Ario at ang
mga bago niyang kaibigan.

“Ina… maaari tayong magtulungan upang


mapanatiling ligtas ang mga tao,” sabi
ni Sara. “Marami akong nakilalang mga
bayani sa aking paglalakbay!”

“Tama ka Sara! Maraming mga bayaning


nangangalaga sa mga tao upang malaba-
nan ang COVID-19, katulad ng mga ma-
bubuting doktor at ‘nurse’. Ipinaalala mo
sa akin na tayo man ay maaari ring maging
bayani sa ating kapwa sa araw-araw. At
sa aking puso, ang aking pinaka-bayani ay
ikaw...Sara aking mahal na anak!”

You might also like