Sjnaihsbasketball

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SJNAIHS naghari sa court kontra CMNHS, 4-0

Nangibabaw ang kagalingan ng SJNAIHS sa larangan ng basketball kontra sa Caminawit National


Highschool sa ginanap na 2024 Sports Area Meet noong ika-isa ng Pebrero na idinaos sa paaralan ng
Divine World College of San Jose.

Matapos na hindi hinayaang makaporma ang CMNHS mula unang kwarter hanggang huling kwarter
sa unang laban.

Sa pangunguna ng kanilang team captain na si Aljero Bargo sa tulong Nina Arangale, Laquihon, Perez,
at Bargo ay matagumpay nilang nasungkit ang unang pagkapanalo mula sa line up ng CMNHS na sina
Rafael, Agbayon, Bolo, Sombra, at Tanusay.

Mainit na sinimulan ng dalawang koponan ang unang kwarter ng laban. Walang itulak kabigin sa
galing ang ipinapakita ng SJNAIHS matapos na maselyuhan ni Laquihon ng 3 points shot ang unang mga
minuto ng laban.

Ang koponan ng CMNHS ay hindi naman nagpahuli sa pangunguna ni Agbayon, Nguni hindi ito
naging sapat upang mapigilan ang SJNAIHS sa pag-angkin sa unang kwarter sa iskor na 15-12.

Matapos na bigong maangkin ang unang kwarter laban sa SJNAIHS, tila isang mataas na pader ang
kagustuhan ng CMNHS na masikwat ang ikalawang kwarter kaya naman kapit-tuko ang pagdepensa nila
sa muling pangunguna ni Agbayon.

Hindi naman ito naging hadlang sa SJNAIHS upang patuloy na angkinin ang ikalawang kwarter sa
iskor na 32-22.

Dumako ang duwelo sa ikatlong kwarter, tuloy-tuloy at hindi na nagpapigil pa ang SJNAIHS at muli
namang umarangkada upang muling angkinin ang kwarter mula sa CMNHS sa iskor na 42-29.
Sa kabila ng lahat, hindi naman nagpatinag ang CMNHS at patuloy pa ring inilaban ang huling kwarter
upang tuldukan ang paghahari ng SJNAIHS mula sa 3-0 run, ngunit tila hindi sang-ayon ang gulong ng
kapalaran sa kanilang panig matapos na hindi na muli pang nakaporma sa iskor na 50-40.

Tuluyan na ngang tinuldukan ng SJNAIHS ang laban sa 4-0 strike kontra sa CMNHS.

You might also like