Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Catch-up
Filipino Grade Level: Baitang Anim
Subject:
Date: March 15, 2024
Duration: 2 hours and 30 mins (time allotment as per DM 001, s. 2024)

Time: (schedule as per existing Class Program)

Session Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.


Objectives:

References:
pinoyperyodiko.com,Manila Times

Materials: laptop

Components Duration Activities


Pre Reading 20 mins Panimulang Gawain:
Basahin ang maiiksing teksto.

Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Pacific Ocean.


Ito ay nasa hilagang bahagi ng ekwador. Dahil sa
lokasyon nito isa ito sa pinaka naapektuhan ng El
Niño. Ang El Niño ay tumutukoy sa abnormal na pag
init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot
ng kaunting pag ulan.

Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat


pangungusap. Isulat ang tamang sagot kung ang
pahayag ay mali.

________1. Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Atlantic


Ocean.
_______ 2. Matatagpuan ang lokasyon ng Pilipinas sa
hilagang bahagi ng ekwador.
3. Ang El Niño ay nakakapagdulot ng

Page 1 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

matinding pagbaha.
_______ 4. Nagkakaroon ng pag init sa temperatura sa
panahon ng El Niño.
_______ 5. Ang lokasyon ng Pilipinas ay nakakaapekto
sa pagkakaroon ng El Niño sa ating bansa.

While Reading 90 mins


Unang Gawain; Pagbasa ng Balita

Matinding El Niño ngayong taon pinaghahandaan


Ni Sheryll Alhambra

Manila Times, Enero 23,2024

Pinaghahanda ng pamahalaan ang lahat sa inaasahang


pagtindi pa ng nararanasang El Niño sa bansa kung saan
magkakaroon ng matinding tagtuyot at ang temperatura sa
darating na tag-araw ay mas mainit kaysa sa normal.

Ayon sa pahayag ng kalihim ng Department of Science and


Technology (DoST) na si Renato Solidum, naghanda ang
pamahalaan ng National Action Plan (NAP) kung saan
nakaplano ang mga kinakailangang gawin upang matiyak
ang supply ng tubig, pagkain, enerhiya at kaligtasan ng
publiko sa gitna ng kinakaharap ng naturang weather
phenomenon.

Aniya, may 65 lalawigan ang makararanas ng matinding


tagtuyot mula Pebrero hanggang Mayo dahil sa matinding El
Niño.Anim na lalawigan o pitong porsyento ng lahat ng
lalawigan ang makararanas ng dry spell.

Kapag sinabing dry spell o matinding tagtuyot, ito ay tatlong


magkakasunod na buwan na mas mababa kaysa normal
ang patak ng ulan samantalang ang sinasabing “dry
condition” naman ay may dalawang magkasunod na buwan
na mas mababa sa normal ang patak ng ulan.Makararanas
ang mga lugar na tatamaan ng tagtuyot na ito ng 60

Page 2 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

porsiyentong kabawasan kaysa sa normal na pag-ulan.

Nagbabala si Solidum na ang El Niño ngayong taon ay


maaaring kasing lala ng naranasan ng bansa noong
1997 at 1998.Kung kaya, aniya, titiyakin ng kagawaran
na makagawa ng isang komprehensibo at tulong-tulong
na pagresponde ang mga kaukulang kagawaran sa mga
banta ng El Niño.

Ikalawang Gawain:
Ano ang nadarama mo sa nabasang balita?Bigyang
katwiran ang iyong nararamdaman.

Ikatlong Gawain:
Sagutin ang mga tanong sa inyong sagutang papel.

Mga Tanong Sagot


1. Ito ay isang weather El Niño
phenomenon kung
saan nagkakaroon
ng matinding
tagtuyot at pagtaas
ng temperatura.
2. Ilang lalawigan ang 65 na lalawigan
makakaranas ng
matinding tagtuyot
mula Enero
hanggang Mayo?
3. Ano ang Ang dry spell ay
ipinagkaiba ng dry kondisyon kung saan
spell at ng dry nakakaranas ng
condition? matinding tagtuyot at 3
magkakasunod na buwan
na mas mababa kaysa
normal ang patak ng
ulan.Samantalang ang
dry condition naman ay
pagkakaroon ng 2 buwan
lamang na mas mababa
kaysa normal ang patak
ng lan.

4. Ilang porsyento ng 7 porsyento

Page 3 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

lahat ng lalawigan
ang makakaranas
ng Dryspell?
5. Sino ang Kalihim Renato Solidum
ng Department of
Science and
Technology?

Ikaapat na Gawain
Sa isang bond paper, Gumuhit ng posibleng epekto ng
pagkakaroonng El Niño.

Pagsagot sa mga tanong mula sa balita


1. Tungkol saan ang balita?
2. Bakit kaya pinag-hahanda ng pamahalaan ang lahat
Post Reading 20 mins sa paparating na matinding tagtuyot?
3. Ano namang paghahanda ang ginawa ng ating
pamahalaan sa parating na El Niño?

Isulat ang inyong sagot sa inyong Journal.

Bilang isang bata, paano ka makakatulong sa


Reflective
20mins pamahalaan, anong paghahanda ang maaring mong
Journaling
gawin sa paparating na El Niño?

Inihanda ni:

Gracilda R. Talandato
Teacher I

Recommending Approval:

JEANNE C. REJUSO

Principal III

Contents Noted:

Page 4 of 5
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

ROWELA R. CADAYONA
Education Program Supervisor

Page 5 of 5

You might also like