Pananaliksik - Philippine School Doha

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Philippine School Doha

Doha, Qatar
T.P. 2019-2020

Wikang Filipino: Ngayon, Bukas, at Magpakailanman

Isang Pananaliksik

Bilang Isang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan


sa asignaturang “Pagbasa at Pagsuri Tungo sa Pananaliksik”

Nina:

Kara C. Cabangcalan

Niño Angelo L. Contreras


Sean Justin A. Corvera

Virgil Paolo G. Lopez


Marc Jayson T. Orencia

Justine Gwen O. Fernandez


Alyanna Dennise E. tamayo

Pebrero 2020
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 1 ng 21
I. PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa ebolusyon ng isa sa mga mahahalagang
bahagi ng kulturang Pilipino. Dahil sa kagustuhan na lalo pang palawakin ang kanilang
karunungan at maunawaan pa ng husto ang kulturang Pilipino ay nakaisip ang mga
mananaliksik ng paksa patungkol sa kalagayan ng wikang Filipino mula sa
kasalukuyang panahon patungo sa hinaharap. May iba't ibang kadahilanan sa pagpili
ng kanilang paksa ang mga mananaliksik. Isa na rito ay ang nais nila na magkaroon ng
sapat na kaalaman hinggil sa estado ng wikang Filipino sa kasalakuyan at sa
hinaharap. Bukod pa dito ay nais rin ng mga mananaliksik na makabuo ng solusyon
batay sa resulta ng kanilang pag-aaral na maaaring makatulong sa kanilang hangarin
na lalo pang pausbungin at pagyamanin ang wikang Filipino. Bilang mga kabataang
Pilipino, ang mga mananaliksik ay sakop rin ng sarili nilang pag-aaral sapagkat kabilang
sila sa maaring makinabang sa resulta ng pananaliksik na ito.

Ang masusing pag-aaral patungkol sa wikang Filipino ay higit na mahalaga


sapagkat sa ganitong pamamaraan ay mas lalo pa nilang mauunawaan ang gamit at
lagay ng wika sa lipunan at ang mga problemang kinakaharap nito. Kabilang rin sa mga
maidudulot ng ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagkakaroon ng kakayahan na
makilala at matuklasan ang mga hakbang na dapat gawin upang panatilihing buhay at
maunlad ang wika at ang kulturang Pilipino.

II. METODOLOHIYA
Ang kwalitatibong metodolohiya ang ginamit upang makuha ang tama at
nararapat na datos sa pag-aaral na ito. Ang disenyong penomenolohiya ng pag-aaral
ang sinunod upang mailarawan ang tunay na karanasan ng mga piniling kalahok. Ang
disenyong ito ay naangkop sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik dahil naisagot
nito ang mga katanungang bakit at paano. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ito ang
napiling pamamaraan ay dahil sa likas na katangian ng kanilang layunin na malaman
ang kalagayan ng wikang Filipino sa kasalakuyang panahon at sa hinaharap. Kinuha ng
mga mananaliksik ang mga kinailangang datos sa kanilang mga kalahok sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa mga ito. Naniwala ang mga mananaliksik na ito ang
pinakamabisang pamamaraan upang makuha nila ang

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 2 ng 21
sapat na resulta na kinailangan sa pag-aaral na ito. Ito rin ay maituturing na isa sa
pinaka-epektibong paraan na maaaring gamitin sa ganitong uri ng pananaliksik
sapagkat ang mga makukuhang impormasyon at datos ay nakabase sa personal na
karanasan ng tao.

Ang mga hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik upang maisakatuparan


ang pag-aaral na ito at makamit ang kanilang inaasahang resulta ay mga sumusunod;
una, ay ang pangagalap ng mga datos na may kaugnayan sa kanilang paksa. Ikalawa,
ay ang pagbuo at ang pagsasailalim ng mga tiyak na katanungan sa masusing
pagsisiyasat ng guro upang matiyak na ito ay wastong gamitin sa pakikipanayam.
Ikatlo, ay ang pagpili ng mga kalahok na may mga malawak na karanasan sa wika at
asignaturang Filipino. Ang mga naging batayan sa pagpili ng mga kalahok ay ang antas
ng baitang kanilang kinabibilangan at ang kanilang mga napagtagumpayan o mga
paligsahang nasalihan na may kinalaman sa Filipino. Limitado rin lamang ang bilang ng
mga kalahok sa tatlong mag-aaral na nanggaling sa ika-11 baitang ng Philippine School
Doha. Ikaapat, ay ang pakikipanayam sa mga napiling kalahok upang mangalap ng
mga kinakailangang impormasyon sa pag-aaral na ito. ikalima at huling hakbang, ay
ang pag-aanalisa sa mga nakalap na datos at pagbibigay kahulugan nito.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 3 ng 21
III. RESULTA
Sa bahaging ito, matutunghayan ang mga resulta ng isinagawang
pakikipanayam ng mga mananaliksik sa tatlong napiling kalahok sa kanilang pag-aaral.
Ang mga nakalap na datos at mga kasagutan ay masinsinang sinuri at inalisa ng mga
mananaliksik upang ito ay mabigyang kahulugan. Isinagawa ito nang sa gayon ay
maisakatuparan nila ang hangarin na tuklasin ang kalagayan ng wikang Filipino sa
kasalukuyan at sa hinaharap, pati narin ang mga hakbang na sadyang makakatulong sa
pag-unlad ng wika.

Sa kasalukuyan ay nanatiling laganap at tanyag pa rin ang wikang Filipino


sapagkat patuloy pa rin itong ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw
na pakikipagkomunikasyon. Bukod pa rito, natuklasan rin ng mga mananaliksik na hindi
basta-basta mawawala ang halaga ng wikang Filipino sa hinaharap dahil ito ay
malaking bahagi na ng kulturang Pilipino na hinding-hindi mabubura ninuman. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito, naniniwala ang mga mananaliksik na
maisasakatuparan nila ang kanilang mithiin na maipakita sa mga tao, lalo na sa mga
kabataan ngayon, ang halaga ng paggamit ng wikang Filipino.

A. Paggamit ng mga Kabataan sa Wikang Filipino sa Kasalukuyan

Ang wikang Filipino ay patuloy pa ring ginagamit ng mga kabataan ngayon sa


pakikipagkomunikasyon sapagkat para sa kanila, nagbibigay daan ito sa mas lalo pang
malalim na pang-uunawa at pag-iintindi ng mga saloobin at pangangailangan ng bawat
isa. Kadalasang ginagamit nila ito sa mga kaswal na pag-uusap sa kanilang mga
kaibigan. Kabilang sa mga pagbabagong naganap ay ang paggamit ng wika sa mga
platapormang malalawak, tulad na lamang ng "social media". "Para sa akin, karaniwan
nila itong ginagamit sa "social media" o kaswal na pag-uusap sa kanilang mga kaibigan.
Ngayon, inirerekumenda na ang paggamit ng Ingles sa trabaho at paaralan. Ginagamit
na lamang ng mga kabataan at mag-aaral ang wika sa kanilang pakikipag-usap." (K1)
"Para sa akin, ang Wikang Filipino ay nagagamit ng kabataan sa iba't ibang bagay
sapagkat ang layunin nito ay ang maipadama ang ating saloobin at magkaroon ng
pagkakaunawa ang isa't isa." (K3) Bilang karagdagan, ang wikang Filipino ay
kadalasang nagagamit ng mga kabataan sa kanilang mga sariling tahanan upang
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 4 ng 21
mapadali ang pakikipag-usap sa kanilang mga magulang. "Sa bahay namin madalas na
ginagamit yung wikang Filipino para sa pakikipagkomunikasyon kahit may iba kaming
dayalekto pero ang paraan ng paggamit namin dito sa aming tirahan ay sa mga maliliit
na bagay tulad ng pakikipag-usap sa mga magulang." (K2) Ang paaralan ay isa rin sa
mga lugar kung saan laganap ang paggamit ng wika sapagkat ito ay isang midyum sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino. " Ang Wikang Filipino dito sa Qatar ay nagagamit ko
sa paaralan sapagkat ang mga taong aking nakakasalamuha ay mga Pilipino, ginagamit
ko din ang Wikang Filipino sa aming tahanan. Minsan ay nahahaluan ko ito ng Ingles
upang mapabilis ang aking pakikipagusap sa ibang tao." (K3) Higit sa lahat, ang wika ay
parating nagagamit kapag ang kapaligiran ay napapalibot ng mga Pilipino dahil ito ay
bahagi ng pakikipagsalamuha ng mga tao sa kanilang kapwa. " Gumagamit ako ng
filipino upang mas maging makabuluhan ang pakikipag-usap ko sa aking kapwa.
Nagagamit ko rin ito upang magkaroon ng mas mahusay na kaunawaan at maiwasan
ang pagbibigay ng maling impormasyon." (K1)

Sa pamamaraan ng araw-araw na pakikipagusap at pakikipagsalamuha sa


kapwa ay nagawa paring gamitin ng mga makabagong henersyon ang wikang Filipino.
"Nagagamit ko ito sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa pamamaraan na ang
wikang Filipino yung parang medium pagdating sa pakikipag-usap." (K2) Mahalagang
bahagi ito ng kanilang kakayahang pangkomunikasyon dahil nagiging makabuluhan ang
pag-uusap, nagiging malaya ang paglalahad ng damdamin, at nagiging madali ang
proseso ng pag-uunawa sa kausap. Sa katunayan, batay sa ibang mga pag-aaral,
naobserbahan ng mga mananaliksik ang lumalawak na paggamit ng Filipino.
Matutunghayan sa artikulo na (Ang Filipino Sa Kasalukuyang Gamit, 2008), ayon kina
Pascasio at Hidalgo, sa kanilang eksperimentong naglayong tukuyin ang iba't ibang
salik sa paggamit ng wika ng mga mag-aaral sa mga prominenteng unibersidad sa
Pilipinas, napag-alaman nila na higit ang paggamit ng Filipino kaysa Ingles sa tahanan
pati na sa paaralan, at timbang naman ang paggamit ng Filipino at Ingles sa mga
pagtitipon o okasyon. Ganito rin ang napuna ni Banaag sa kanyang pananaliksik ukol
sa paggamit ng wika ng kanyang mga estudyante sa University of the Philippines. Batay
sa kanyang konklusyon, ang mga nakababata ay higit na masaklaw at malimit sa
paggamit ng Filipinong may kahalong Ingles.
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 5 ng 21
B. Wastong Paraan ng Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Wika ng
Komunikasyon

Ayon sa mga kabataan ngayon, ang pakikipag-usap sa wikang Filipino ay dapat


gamitin sa maingat at responsableng paraan para hindi mawala ang silbi at halaga ng
wikang Filipino. Ito ay nagbibigay daan upang maging mabisa ang ating pakikipag-usap
at magkaroon ng mas malalim na pagkakaunawaan. "Kapag gagamitin ko ang wika,
sisiguraduhin ko na ito ay magagamit sa responsableng paraan. Dapat ay may
kasamang itong paggalang at pagmamahal sa ating bansa upang tiyakin na
mapapanatili pa natin ang ating kultura sa pamamagitan ng pagsasalita nito. "(K1)
"Dapat gamitin ang wikang Filipino sa komunikasyon sa pamamaraan ng mabisang
paggamit nito lalo na sa mga bagay na kailangan ng matinding pag-intindi. Lalo na sa
maayos na paggamit nito para hindi mawawala yung silbi saka yung halaga at kung ano
ba talaga yung pambansang wika natin." (K2) Pinaalala ni Vitangcol III (2019) ang mga
binitawang salita ng dating pangulong Aquino, kung saan sinabi nya ang mga katagang
“Imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay
umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan. May tungkulin tayong
palaganapin ang isang kulturang may malalim na pagkakaintindihan sa isa’t isa, gamit
ang isang wikang pinagbubuklod at pinapatibay ang buong bansa”. Ibig sabihin nito ay
dapat sikapin ng lahat na mapaunlad ang wika bilang isang kulturang Pilipino upang
matamo ang mas malalim at malawak na pagkakaintindihan. Sa pamamagitan nito ay
higit pang mapapatibay ang samahan ng sambayanang Filipino.

Sa kabila ng malakas na impluwensiya ng iba pang wika tulad ng Ingles ay


magagamit parin ng ibang mga kabataan ang wikang Filipino sa responsableng
pamamaraan gaya ng pag-iwas nila sa paggamit ng salitang Taglish kung maari,
pagsalungat sa pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng "shortcut words", pagpili ng
opsyon na isalin sa Filipino ang mga teksto sa "social media", panghihikayat sa mga
kaklase na sumunod sa yapak, at paggamit ng wika sa pang-araw-araw na
pakikipagusap. " Malakas ang impluwensiya ng iba pang mga wika kaya ako'y kumikilos
sa sarili kong kaparaanan, gaya ng paggamit ko ng social media kung saan binabago
ko ang mga "setting" ng wika sa Filipino upang mas higit ko pang mapangalagaan ang

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 6 ng 21
aming wika. Hinihikayat ko rin ang aking mga kaklase na tangkilikin ang wikang Filipino.
Dapat matuto tayong magmahal ng sariling wika. Dapat rin naman natin mahalin ng
Ingles ngunit mas higit pa dapat ang pagmamahal natin sa ating wika. " (K1) Ayon kay
Gonzales (2009), dapat gamitin lamang ang Ingles kapag ito'y napapanahon, lalo na sa
larangan ng agham at teknolohiya, pero dapat ay sikapin parin ng bawat isa ang
pagpapaunlad sa Filipino sa paggamit nito sa bagong larangan ng mga asignatura.

Sa kabilang panig, hindi parin maiiwasan ng ibang kabataan ang paggamit ng


Taglish o pinaghalong Tagalog at Ingles. " Para sa akin yung ibang wika, sila pa yung
humuhugot sa sarili nating wika kase lalo na yung mga kabataan, sa simula pa lang sa
bahay ay lantad na sila sa ibang wika tulad ng Ingles. Para saakin, nahihila niya yung
sarili nating wika kase yun ang nakakasanayan ng mga bata hindi na yung tamang
paggamit ng ating wika."(K2) " Ang wikang Filipino ay naapektuhan ng ibang wika
sapagkat ito ay pangkalahatang wika ng pilipinas at lalo itong lumalago, lumalaki,
nadadagdagan at naapektuhan ng iba pang mga wika kagaya ng salitang Ingles na
maaring magamit bilang Wikang Filipino."(K3) Ayon kay Quito (2009), ang Ingles ay
hindi angkop sa kaluluwa ng bawat Pilipino ngunit hanggang ngayon, marami parin ang
hindi nakakalikha ng panitikan o pilosopiya sapagkat nakaharang ang wikang banyaga.
Nahahati ang pagkatao ng isang Pilipino dahil hindi niya naipapahayag ang kanyang
damdamin sa isang wika na akma sa kanyang kaluluwa. Para sa nakararami, ang
paggamit ng Taglish ay ang magiging kinahinatnan ng wikang Filipino.

Ang patakarang Bilingual Educational Policy o BEP ay humantong sa


pagsasabay ng pag-aaral ng Filipino at Ingles. Ang BEP ay nagbigay daan sa
kapinsalaan dulot ng paghahalo ng dalawang wika sa kanilang pagsasalita. Ang radyo
at telebisyon ay patuloy paring nagbibigay ng mga halimbawa ng mga kagalang-galang
na mga tao sa pamamagitan ng paghahalo ang Ingles at Filipino sa isang pangungusap
dahil sa kanilang hangarin na tanggapin sila ng mga karaniwang mamamayan. Kapag
hinalo ang dalawang wika, nagmimistulang katawa-tawa ito. Ang pamamaraang ito ay
isang masamang halimbawa sa mga kabataan sapagkat dahil dito ay hindi na sila
magsusumikap na matuto ng matuwid na Ingles o matuwid na Filipino. Hanggang

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 7 ng 21
ngayon, nasasadlak pa rin ang mga mamamayan sa kabulukan ng Taglish, na hindi
Ingles at hindi Filipino (Quito, 2009).

C. Kalagayan ng Wikang Filipino sa Hinaharap

Batay sa resulta ng pakikipanayam, nakikita ng mga kabataan na umuunlad pa


lamang ang wikang Filipino at marami pang mga pagbabago ang maaring maganap. Isa
na rito ay ang posibilidad na humina pa lalo ang wika dulot ng malakas na impluwensiya
ng mga wikang banyaga. Bagamat maari itong lumawak, maari ring magdulot ng mga
kahinaan ang pagdadagdag ng iba't ibang wika. Sa kabilang panig, may posibilidad rin
namang maging monolingguwal ang bansa pagdating ng panahon kapag pinatuloy ng
gobyerno ang mahigpit na pagpapatupad at pagbuo ng mga patakaran ukol sa
paggamit ng wika. "Sa kasalukuyan, ang wika natin ay umuunlad pa lamang at hindi pa
tayo sigurado sa magiging kinabukasan nito pero may posibilidad na pagdating ng
panahon ay maging monolingguwal ang ating bansa." (K1) " Sa aking palagay, ang
Wikang Filipino sa hinaharap ay magiging mas malawak, para sa akin ay may mga
"disadvantages" ito sapagkat hindi na sya purong Pilipino at ito ay nadagdagan na ng
iba't ibang mga wika." (K3)

Upang mapahalagahaan at mapanatili ang diwa ng wikang Filipino ay dapat


pagbutihin pa ang pagtuturo at pag-aaral sa wika lalo na sa mga paaralan at sa mga
sari-sariling tahanan. Sa ganitong pamamaraan ay nahahasa ang sinuman sa wastong
paggamit ng wika at nabibigyang-diin ang halaga ng wikang FIlipino. Isa pa sa mga
hakbang na maaring gawin ay ang paggamit nito araw-araw, lalo na sa mga pormal na
okasyon at sa pakikipag-transaksyon sa gobyerno upang mapalago at mapaunlad pa
lalo ang wika. "Mapapaunlad ang wikang Filipino kung ito’y atin araw-araw gagamitin.
Pag ito’y atin gagamitin sa mga pormal na okasyon tulad na lamang ng paghahanap ng
mga trabaho, pagiinterview sa mga kompanya na atin hinahanapan na trabaho ay mas
mapapaunlad pa natin ang ating wika. Kung gagamitin rin natin ang wikang Filipino sa
pamahalaan o sa opisina ng mga gobyerno ay mas mapapalago at mapapaunlad pa
natin ang sarili rating wika."(K1) Bukod pa rito ay maari ring ituro ang wika sa mga
nakababata at sa mga sumusunod na henerasyon. Sa ganitong mga simpleng paraan
ay naeenganyo ang iba na gumamit rin ng wika. Hamon para sa mga mag-aaral at
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 8 ng 21
mananaliksik ng wika ang mga sumusunod; una, maging mapagmasid ukol sa gamit ng
mga salita at pagpapahayag ng wika; ikalawa, bigyang-halaga ang ang ambag ng mga
makabagong daluyan ng "mass communication" tulad ng internet at cellphone at gawin
itong tagahulma ng mensahe at wika; ikatlo, maging bukas sa panununuri ng mga
umiiral na pamanatayang pangwika; sunod, pahalagahan ang pag-uugat ng kahulugan
ng mga salita at pahayag; huli, matuto sa pang-araw-araw na gamit ng mga salita mula
sa personal, pang-grupo at pang-madlang pagpapakahulugan at paraan ng
pagpapahayag (Fajilan & Rodriguez, 2011).

Kung sila'y masusunod, nais ng mga kabataan na mapahalagahan pa lalo ng iba


ang wikang Filipino at gamitin ito sa wasto at responsableng paraan. Ibig rin nilang
lumago pa lalo ang wika hanggang dumating ito sa punto na lahat na ng mga teksto na
makikita ay nakasulat sa wikang Filipino. Higit sa lahat, inaasam nila na mas mahalin at
tangkilikin pa ng mga susunod na henerasyon ang wikang Filipino. "Gusto ko na mas
mapahalagahan pa ito lalo na sa mga kabataan, parang hindi na siya masyadong
naseseryoso lalo na sa tamang paggamit nito pero ayon, yung gusto kong mangyari
parang mapahalagahan pa yung wika natin sa hinaharap." (K2) "Para sa akin, nais
kong mas mahalin at mas tangkilikin pa ang Wikang Filipino ng mga susunod na
henerasyon bilang isang wika." (K3) Ayon pa rin kay Gonzales (2009), ang natatanging
paraan na makapagbibigay daan sa pagyayabong at paggalang ng isang wika ay ang
paglinang nito bilang wikang pang-akademika at bilang wikang panturo. Dapat rin
sanayin ang mga mamamayan na unti-unting magsulat ng mga lathalain, mga aklat, at
mga sanaysay na pang-intelektwal sa Filipino. Para makapanghikayat ng mga
mananaliksik at makata na magsulat ng mga panitikan sa Filipino ay kailangan ng
maraming mga paghahanda at mga pampasigla.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 9 ng 21
IV. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Naging layunin ng pag-aaral na ito ang higit pang maunawaan ng bawat isa, lalo
na ng mga makabagong henerasyon, ang taglay na diwa at halaga ng wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral ng Philippine School Doha na
nasa ika labing-isang baitang at dalubhasa na sa wika, natuklasan ng mga
mananaliksik na bantog parin ang paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon ng mga kabataan ngayon subalit may mga napansin silang
mga pagbabagong naganap. Sunod, nadiskubre rin ng mga mananaliksik ang wastong
paraan sa paggamit ng wika kung saan nagbigay ang mga kalahok ng mga alituntunin
kung paano ito gamitin sa maingat at responsableng kaparaanan. Huli, nalaman ng
mga mananaliksik ang posibleng kinabukasan ng wikang Filipino kaya bumuo sila ng
mga hakbang sa rekomendasyon na maaring sundan upang mapanatiling tanyag at
napapahalagahan ang wika ng mga Pilipino.

Ang wikang Filipino ay karaniwang nagagamit sa “social media” at sa pakikipag-


usap o pakikisalamuha ng mga kabataan sa kanilang mga kaibigan. Minsan ito ay
napapalitan ng ibat ibang “short cuts”, ito rin ay ginagamit upang mas maipadama pa
nila ang kanilang saloobin at magkaroon ng pagkakaunawa ang bawat isa. Ang wikang
Filipino ay dapat gamitin ng may paggalang sapagkat sumisimbolo ito ng pagmamahal
sa bansa at nakakatulong sa pagpapanatili ng kultura. Bilang karagdagan, ang wikang
Filipino ay dapat mabisang gamitin sa pakikipagkomunikasyon upang hindi mawala ang
silbi nito at hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang wikang Filipino sa
hinaharap ay uunlad ngunit ang impluwensiya ng mga wikang banyaga ay may mga
kahinaang dala sa ating wika, gaya na lamang ng paghina nito sapagkat ang wika natin
ay hindi na purong Filipino at may kahalo nang wika. Gayunpaman, nakikita parin ng
mga kabataan na ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang mapaunlad pa lalo
ang wika at mapanatili ang malaking bahagi ng kulturang Pilipino.

Ang wikang Filipino ay palagi pa ring nagagamit ng mga kabataan sa kanilang


pakikipag-usap sa kapwa, partikular na sa kanilang mga tahanan, paaralan, at sa
"social media" subalit may mga pagbabagong naganap, gaya na lamang ng pagpapaikli
ng mga salitang Filipino.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 10 ng 21
Kabilang sa mga wastong paraan ng paggamit ng wikang Filipino ay paggamit
nito bilang wika ng komunikasyon sa responsable at maingat na pamamaraan, tulad na
lamang ng pagpapaunlad at pagpapalago pa nito. Bukod pa rito, marami pa rin sa mga
kabataan ngayon ang gumagamit ng Taglish ngunit dapat itong iwasan sapagkat ito'y
higit na nakasisira ng wika.

Maaaring humina pa lalo ang wikang Filipino sa hinaharap bilang kinahinatnan


ng paglago ng wikang banyaga ngunit may pag-asa pang lumago ito kapag mas lalo
pang pinaigting ng pamahalaan ang pagpapatupad sa mga batas o patakaran na
nagpapalakas at nagpapaunlad sa wika.

Dapat sanayin ng mga kabataan ang kanilang mga sarili na gamitin ang wikang
Filipino sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon dahil ito ang nabibigay sa kanila
ng kanilang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Bukod pa rito, dapat ay gamitin rin nila
ito sa pakikipag-transaksiyon at pakikipag-usap sa mga pampublikong organisasyon o
institusyon sa lipunan. Dapat gamitin ang wikang Filipino sa responsableng
pamamaraan tulad ng pagsalungat at pag-iwas sa paggamit ng Taglish sapagkat ito'y
nakapipinsala sa taglay na halaga ng parehong wika. Isa pang hakbang na maaaring
gawin ay ang hindi pagsang-ayon sa paggamit ng "short-cut" o pagpapaikli ng mga
salitang Filipino sa pagtetext at pakikipag-usap sa kapwa. Sunod ay ang paggamit
lamang ng Ingles kapag walang kasingkahulugan ang salita o kapag hindi na ito
maisasalin pa sa Filipino. Panghuli, dapat ay patuloy pa ring tangkilikin at paunlarin ng
bawat isa ang wika dahil ito ay isa sa mga mahahalagang tungkulin ng mga
mamamayang Pilipino. Dapat bigyan ng kahalagahan at natatanging respeto ng wikang
Filipino upang lumago at yumabong pa ito sa hinaharap. Dapat sikapin ng bawat mag-
aaral na magsulat ng kanilang mga akda at panitikan sa tekstong Filipino para
lumaganap pa ito at magagamit pa sa bagong larangan ng mga asignatura. Para sa
mga susunod pang mga mananaliksik, lalo pa dapat nilang pagtuunan ng pansin ang
mga mas malawak na problema na kinakaharap ng Wikang Filipino bukod sa mga
nabanggit sa pag-aaral na ito. Bukod pa rito, inirerekumenda rin ng mga mananaliksik
na magpokus ang mga sumusunod na mananaliksik sa mga nakaraang panahon o
pangyayari at ang mga naging dulot o epekto nito sa kasalukuyang estado ng wika.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 11 ng 21
SANGGUNIAN

"Ang Filipino Sa Kasalukuyang Gamit". (2008, September). Retrieved from AstroDeus


Galaxy: http://astrodeus.blogspot.com/2008/08/ang-filipino-sa-kasalukuyang-
gamit.html
Fajilan, W., & Rodriguez, R. J. (2011). Ang Sawikaan at ang Pagbabanyuhay ng
Wikang Filipino: Ilang Tala uko sa Ugnayan ng Wika at Kulturang Popular sa
Kasalukuyan. Dalumat E-Journal, 2(2).
Gonzales, A. (2009). Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng
Kakanyahang Pilipino. Malay, 22(1).
Quito, E. (2009). Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon. Malay, 22(1),
21-30.
Vitangcol III, A. S. (2019, August 17). Ano ang saysay ng wikang Filipino? Retrieved
from The Manila Times:
https://www.manilatimes.net/2019/08/17/opinion/columnists/ano-ang-saysay-ng-
wikang-filipino/601294/

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 12 ng 21
APENDIKS A
Mga Pinagyamang Katanungan /Sarbey Form
Pangkalahatan:

Ano ang kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon at sa


hinaharap?

Mga Tiyak:

1. Paano ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan ang Wikang Filipino?


1.1. Paano ninyo ginagamit ang Wikang Filipino sa lugar na inyong
tinitirahan?
1.2. Paano mo nagagamit ang Wikang Filipino sa pang araw-araw na
pakikisalamuha at pakikipag-usap?
2. Paano ba dapat gamitin ang Wikang Filipino bilang wika ng komunikasyon?
2.1. Paano mo nagagamit ang Wikang Filipino sa kabila ng malakas na
impluensiya ng iba’t ibang wika?

2.2. Paano nakaaapekto and ibang wika sa Wikang Filipino? Bakit mo ito
nasabi?

3. Paano mo nakikita ang magiging kalagayan ng Wikang Filipino sa


hinaharap?

3.1. Sa iyong paningin, paano napapahalagahan ng mga kabataan ngayon


ang Wikang Filipino?

3.2. Paano mo pa mapapaunlad ang wikang Filipino?

3.3. Paano mo nais makita ang kalagayan ng Wikang Filipino sa hinaharap?

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 13 ng 21
APENDIKS B
Propayl ng Kalahok

Mga Katanungan Kalahok Propayl ng Kalahok

1. Edad labing-pitong taong gulang


2. Baitang at Pangkat 11-Cobalt
3. Mga Kompetisyong 3rd place Buwan ng Wika
nasalihan/Mga natamo ukol Bulletin Board
sa Filipino Kalahok 1 Making(gr.7)
2nd place Pagsasaling
wika(gr.8)
3rd place Bugtungan(gr.9)
Champion Filipino Essay
Writing(gr.10)

labing-anim na taong
gulang
Kalahok 2 11-Rhodium

OKOR Filipino Essay


Writing Audition (gr.10-11)
Filipino Essay
Writing(mula gr.8)
labing-pitong taong gulang
11-Titanium
Mga Paligsahan sa Obra
at Sining
Kalahok 3 Filipino Quizbee (JHS)
Pagsasadula (gr. 8)
OKOR Filipino Essay
Writing Audition (gr.11)

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 14 ng 21
APENDIKS C
Transkripsyon ng mga Tugon

Mga Katanungan Kalahok Transkripsyon ng mga Tugon


Mga Tiyak na Katanungan:
1. Paano ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan ang Wikang Filipino?
1. Paano Para sa akin, karaniwan nila itong ginagamit sa "social media"
ginagamit ng mga o kaswal na pag-uusap sa kanilang mga kaibigan. Ngayon,
Kalahok 1
kabataan sa inirerekumenda na ang paggamit ng Ingles sa trabaho at
kasalukuyan ang paaralan. Ginagamit na lamang ng mga kabataan at mag-
Wikang Filipino? aaral ang wika sa kanilang pakikipag-usap.
Ginagamit ng kabataan ang wikang Filipino sa komunikasyon
Kalahok 2 dahil ito ang ating wika ngunit nagagamit ito sa ibang
pamamaraan, minsan napapalitan ito, parang nagkakaroon ng
mga "short cuts".
Para sa akin, ang Wikang Filipino ay nagagamit ng kabataan
Kalahok 3 sa iba't ibang bagay sapagkat ang layunin nito ay ang
maipadama ang ating saloobin at magkaroon ng
pagkakaunawa ang isa't isa.
1.1. Paano ninyo Noong ako'y naninirahan sa Rizal, sa Pilipinas, ginagamit ang
ginagamit ang wika sa pagbibigay anunso ng aming barangay gayundin sa
Wikang Filipino Kalahok 1 aming pamamalengke. Ginagamit rin namin ito sa mga paksa
sa lugar na tulad ng MAPEH at iba pang araling panlipunan. Ang
inyong "medium" na ginagamit sa pagtuturo ng aming mga asignatura
tinitirahan? ay Filipino.
Sa bahay namin madalas na ginagamit yung wikang Filipino
para sa pakikipagkomunikasyon kahit may iba kaming
Kalahok 2
dayalekto pero ang paraan ng paggamit namin dito sa aming
tirahan ay sa mga maliliit na bagay tulad ng pakikipag-usap sa
mga magulang.
Ang Wikang Filipino dito sa Qatar ay nagagamit ko sa
paaralan sapagkat ang mga taong aking nakakasalamuha ay
Kalahok 3
mga Pilipino, ginagamit ko din ang Wikang Filipino sa aming
tahanan. Minsan ay nahahaluan ko ito ng Ingles upang
mapabilis ang aking pakikipagusap sa ibang tao.
1.2. Paano mo Gumagamit ako ng filipino upang mas maging makabuluhan
nagagamit ang Kalahok 1 ang pakikipag-usap ko sa aking kapwa. Nagagamit ko rin ito
Wikang Filipino upang magkaroon ng mas mahusay na kaunawaan at
sa pang araw- maiwasan ang pagbibigay ng maling impormasyon.
araw na Nagagamit ko ito sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa
pakikisalamuha at Kalahok 2
pamamaraan na ang wikang Filipino yung parang medium
pakikipag-usap? pagdating sa pakikipag-usap.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 15 ng 21
Ang wikang Filipino ay nagagamit ko sapagkat ito ang aking
Mother Tongue at mahalaga ito dahil mas malaya kong
Kalahok 3
naipapahayag ang aking damdamin, mas komportable akong
gamitin ito at mas nauunawan ng kausap kong Pilipino ang
wikang ito.

2. Paano ba dapat gamitin ang Wikang Filipino bilang wika ng komunikasyon?


2. Paano ba dapat Kapag gagamitin ko ang wika, sisiguraduhin ko na ito ay
gamitin ang magagamit sa responsableng paraan. Dapat ay may
Kalahok 1
Wikang Filipino kasamang itong paggalang at pagmamahal sa ating bansa
bilang wika ng upang tiyakin na mapapanatili pa natin ang ating kultura sa
komunikasyon? pamamagitan ng pagsasalita nito.
Dapat gamitin ang wikang Filipino sa komunikasyon sa
pamamaraan ng mabisang paggamit nito lalo na sa mga
Kalahok 2 bagay na kailangan ng matinding pag-intindi. Lalo na sa
maayos na paggamit nito para hindi mawawala yung silbi saka
yung halaga at kung ano ba talaga yung pambansang wika
natin.
Para sa akin, ang Wikang Filipino ay dapat gamitin bilang wika
Kalahok 3
ng komunikasyon, ang Wikang Filipino ay dapat maingat na
sinasabi upang hindi magdulot ng hindi pagkakaunawaan.
2.1. Paano mo Malakas ang impluwensiya ng iba pang mga wika kaya ako'y
nagagamit ang kumikilos sa sarili kong kaparaanan, gaya ng paggamit ko ng
Wikang Filipino social media kung saan binabago ko ang mga "setting" ng
sa kabila ng wika sa Filipino upang mas higit ko pang mapangalagaan ang
Kalahok 1
malakas na aming wika. Hinihikayat ko rin ang aking mga kaklase na
impluensiya ng tangkilikin ang wikang Filipino. Dapat matuto tayong
iba’t ibang wika? magmahal ng sariling wika. Dapat rin naman natin mahalin ng
Ingles ngunit mas higit pa dapat ang pagmamahal natin sa
ating wika.
Nananaig parin yung wikang Filipino kahit maraming mga wika
ngayon katulad ng mga Ingles at Korean na natutunan na
Kalahok 2 natin pero siguro nagagamit ko paren yung wikang Filipino
dahil nakapaligid naman ako sa mga taong Filipino ren.
Parang hindi naman nawawala yung paggamit nito kahit
marami akong nakupkop na ibang wika.
Nagagamit ko ito sapagkat may ibang mga salita sa Wikang
Kalahok 3
Filipino na hindi pwede maisalin sa Wikang Ingles at may
sariling konotasyon ito sa iyong kausap.
2.2. Paano Sa henerasyong ito, nagagawa ng ibang wika na ibahin ang
nakaaapekto ang pag-iisip, mga moral, at mga mentalidad ng mga tao. Sa halip
ibang wika sa na tuonan ng pagmamahal ang Wikang Filipino ay mas gusto
Kalahok 1
Wikang Filipino? pa nilang matuto ng mga wikang banyaga tulad ng Korean,
Bakit mo ito Instik at Ingles. Nawawala na tuloy ang pagiging maka-bayan
nasabi? nila. Nasabi ko ito sapagkat may mga taong lantarang
sinasabi na ayaw nila ang pambansang wika.

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 16 ng 21
Para sa akin yung ibang wika, sila pa yung humuhugot sa
sarili nating wika kase lalo na yung mga kabataan, sa simula
Kalahok 2 pa lang sa bahay ay lantad na sila sa ibang wika tulad ng
Ingles. Para saakin, nahihila niya yung sarili nating wika kase
yun ang nakakasanayan ng mga bata hindi na yung tamang
paggamit ng ating wika.
Ang wikang Filipino ay naapektuhan ng ibang wika sapagkat
ito ay pangkalahatang wika ng pilipinas at lalo itong lumalago,
Kalahok 3
lumalaki, nadadagdagan at naapektuhan ng iba pang mga
wika kagaya ng salitang Ingles na maaring magamit bilang
Wikang Filipino.
3. Paano mo nakikita ang magiging kalagayan ng Wikang Filipino sa hinaharap?

3. Paano mo Sa nakikita ko, ang pamahalaan ay sumisikap na magpatupad


nakikita ang ng mga patakaran upang mas lalo pang mapanatili ang ating
magiging kultura at wika. Tulad na lang sa pagpapalawak ng
kalagayan ng impormasyon ukol dito sa mga "websites" o "social media"
Kalahok 1
Wikang Filipino upang mas mapalawak pa ang pangunawa ng mga kabataan.
sa Sa kasalukuyan, ang wika natin ay umuunlad pa lamang at
hinaharap? hindi pa tayo sigurado sa magiging kinabukasan nito pero may
posibilidad na pagdating ng panahon ay maging
monolingguwal ang ating bansa.
Gusto ko talagang mas mapalakas siya pero kung iisipin ko
yung wikang Filipino na pang karamihan, parang hihina lalo
yung wika natin lalo na na may mga bagay na
naimpluwensiyahan tayo tulad ng mga palabas galing sa
Kalahok 2
ibang bansa. Pero hindi din naman natin masasabi kung ano
talaga mangyayari sa hinaharap pero may malaking "factor"
yung ibang impluensiya ng ibang wika kaya nararamdaman ko
na sa future, parang mapapahina talaga yung halaga ng
sariling wika natin.
Sa aking palagay, ang Wikang Filipino sa hinaharap ay
Kalahok 3 magiging mas malawak, para sa akin ay may mga
"disadvantages" ito sapagkat hindi na sya purong Pilipino at
ito ay nadagdagan na ng iba't ibang mga wika.
3.1. Sa iyong Sa tingin ko, kakaunti na lamang ang nagsasalita ng Filipino
paningin, paano ngayon. Kapag may nagsalita man ng Filipino ay tila
napapahalagahan nagmumukha siyang maginoo, matanda, o katuwa-tuwa pa.
Kalahok 1
ng mga kabataan Pinakamainam na gawin ay gamitin natin ang Taglish dahil
ngayon ang mas komportable ang mga tao sa paggamit nito. Ang
Wikang Filipino? pagpapahalaga sa wika ay magmumula parin sa pagtuturo ng
mga guro, lalo na ng mga magulang.
Siguro yung isang "factor" diyan ay yung pag-aaral ng Filipino
Kalahok 2 mismo sa eskwelahan kase bilang mga Filipino, parte narin
yun ng curriculum naten kase nahahasa paren yung mga bata
kahit yung mga hindi marurunong kaya parang hindi naman
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 17 ng 21
siya agad magiging mahina ang ating wika kase andun padin
yung mga instrumento katulad ng mga gurong nagtuturo nito
at malaki din na bahagi doon yung magulang natin o yung
tinitirahaan natin kase doon talaga nagsisimula lahat.
Ang Wikang Filipino ay hindi na masyadong napapahalagan
ngayon kasi ang kabataan ngayon ay mas naitatangkilik ang
ibang wika tulad ng Ingles at mas pinipili nilang aralin ang mga
Kalahok 3
wikang Hapon at Koreano at mga bagay na uso, ang wikang
Filipino ay hindi na masyadong napapahalagahan sapagkat
mas supistikado ang dating ng isang tao kapag
nakakapagsalita ng iba pang wika.
3.2. Paano mo pa Kagaya ng sinabi ko kanina, mapapaunlad ang wikang Filipino
mapapaunlad ang kung ito’y atin araw-araw gagamitin. Pag ito’y atin gagamitin
wikang Filipino? sa mga pormal na okasyon tulad na lamang ng paghahanap
Kalahok 1 ng mga trabaho, pagiinterview sa mga kompanya na atin
hinahanapan na trabaho ay mas mapapaunlad pa natin ang
ating wika. Kung gagamitin rin natin ang wikang Filipino sa
pamahalaan o sa opisina ng mga gobyerno ay mas
mapapalago at mapapaunlad pa natin ang sarili rating wika.
Mapapaunlad ko ito sa simpleng pamamaraan katulad nang
Kalahok 2 paggamit na mismo nito kase kapag gumagamit ka,
maeengganyo din yung iba na gamitin den. Bilang respeto na
din, sasagutin ka ng Filipino kung tinanong ka ng Filipino.
Mapapaunlad ko ito sa pamamagitan ng paggamit at patuloy
Kalahok 3
na pagturo ng wikang Filipino sa aking mga anak at sa sa
susunod na mga henerasyon.
3.3. Paano mo Ang ninanais kong makitang kalagayan ng wikang Filipino sa
nais makita ang hinaharap ay lumago ito tulad ng sitwasyon sa china ngayon
kalagayan ng kung saan sila ay napakaunlad na bansa at tinatankilik nala
Wikang Filipino ang kanilang wika tulad ng kanilang produkto kung saan ang
sa hinaharap? mga intructions ay nakasulat sa wikang intsek. Pagdating ng
Kalahok 1
panahon ay ninanais ko rin na ang lahat ng bagay sa Pilipinas
ang mga teksto ay nakasulat rin sa wikang Filipino. Inaasahan
ko na lahat ng mga medium o teksto na makikita kung saan
saan ay nakasulat sa wikang Filipino upang mas mapamahal
pa ng mga nakababatang henerasyon at mas maging matatag
pa ang ting wika.
Gusto ko na mas mapahalagahan pa ito lalo na sa mga
kabataan, parang hindi na siya masyadong naseseryoso lalo
Kalahok 2
na sa tamang paggamit nito pero ayon, yung gusto kong
mangyari parang mapahalagahan pa yung wika natin sa
hinaharap.
Para sa akin, nais kong mas mahalin at mas tangkilikin pa ang
Kalahok 3 Wikang Filipino ng mga susunod na henerasyon bilang isang
wika ng mga taong talentado at masisipag at iba pang
magagandang katangian ng mga Pilipino.
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 18 ng 21
APENDIKS D
Propayl ng mga Mananaliksik

Pangalan:
Tirahan:
Telepono:
E-mail Address:
Kaarawan:

P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 19 ng 21
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 20 ng 21
P a n a n a l i k s i k ( F i l i p i n o 2 ) l P a h i n a 21 ng 21

You might also like