Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

SAS 1 Pagbibigay-Kahulugan sa Akademikong Pagsulat Mga Layuning Pampagkatuto

Panimula

Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang
makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan reaksyon at opinyon base sa
manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat. Layunin nito na mailahad nang
maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabatid o maiparating sa mga makakakita o
makababasa. Ito ay nagsisilbing paraan upang maipahayag ng isang manunulat ang kanyang mga ideya,
opinyon, at pananaliksik sa isang sistematiko at malinaw na paraan.

A. PAKSANG-ARALIN
Nilalaman at Pagbuo ng Kasanayan
AKADEMIKONG PAGSULAT
Kahulugan Mga Layunin Mga Salik
Ayon kay Gocsik (2004), ang 1. Malinang ang mga kaalaman 1. Ang manunulat at ang
akademikong pagsulat ay nakalaan sa ng mgamag-aaral. kanyang layunin
mga paksa at mga tanong na 2. Masunod ang partikular na 2. Ang mambabasa at ang paksa
kinagigiliwan ng akademikong kumbensyon.

PINAGKAIBA NG AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKONG PAGSULAT

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO

1. Organisasyon ng ideya 1. Organisasyon ng ideya:


 Planado ang ideya  Hindi malinaw ang estruktura
 May pagkakasunod-sunod ang  Hindi kailangang magkakaugnay ang
estruktura ng mga pahayag mga ideya.
 Magkakaugnay ang mga ideya
2. Pananaw 2. Pananaw
 Obhetibo  Subhetibo
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at  Sariling opinyon at kabuuang
damdamin kundi sa mga bagay, ideya pagtukoy
 Totoo  Tao at damdamin ang tinitukoy
 Nasa pangatlong panauhan ang  Nasa una at pangalawang panauhan
pagkakasulat ang pagkakasulat

komunidad at naglalahad ng mga 3. Maipakita ang result ng


a
importanteng argumento. pagsisiyasat o pananaliksik.

4.Maitaas ang anta ng mg


s a
kasanayan
SAS2 Pagpapaliwanag at Pagsasagawa ng mga Proseso sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin
MGA PROSESO NG PAGSULAT

Bago Sumulat Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na
isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat.
Pagsulat ng Burador Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang
maaaring pagkakamali.
Pagrerebisa Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at
pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri
Pag-eedit Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng
pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat
Paglalathala Ito ang panghuling hakbang na kung saan ibabahagi ang nabuong ponal na
kopya ng sulatin sa mga target na mambabasa.
SAS 3 Pagtukoy sa mga Iba’t Ibang Hulwaran ng Pagsulat ng Akademikong Sulatin

MGA HULWARAN SA PAGSULAT NG SULATING


AKADEMIKO

Ginagamit ito lalo na sa mga paksang abstrak


PAGHAHALIMBAWA Nagpapahiwatig ng ilustrasyon o pagbibigay
halimbawa

Maanyo
PAGBIBIGAY-
Pasanaysay
KAHULUGAN

PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
Ang pagbibigay-kahulugan ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita.
Ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan.

MAANYO PASANAYSAY

Ito ay isang uri ng depinisyon na


Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang
nagbibigay ng karagdagang
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng
pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-
malaking kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga
wili, makapangyarihan at
patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at
makapagpapasigla kaya higit itong
ensayklopedya.
binabasa ng mga mambabasa. Walang
tiyak na abala ito basta’t
makapagpapaliwanag lamang sa salitang
binibigyang kahulugan.
TATLONG BAHAGI

Katawagan ( form). Salitang


ipinaliliwanag o binibigyang-
kahulugan. Halimbawa:

Halimbawa: Ang Parabula Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference)


Ang kalayaan ay hindi iba kundi
Paglalarawan na ikinaiiba ng salitang
kapangyarihang sumunod o
binibigyang-depinisyon sa iba pang salita o
sumuway sa sariling kalooban.
Klase o Uri (genus). kategoryang katawagan.
kinabibilangan o pangkat na binubuo ng Ang tinatawag nating malaya ay
mga katulad na bagay Hal .Ang parabula ay isang maikling kuwento na
yaong panginoon ng kanilang
naglalayong mailarawan ang isang katotohanang
Halimbawa: Ang Parabula ay isang kalooban.
moral o espirituwal sa isang kuwento.
maikling kuwento.
Halimbawa

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang


biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan
ay nakaiilag tayo sa masama at
makagagawa ng inaakala nating
magaling.

Ang mga sumusunod ay mga iba pang uri ng hulwaran na maaaring magamit sa pagsulat ng akademikong
sualtin. Ito ay ang sanhi – bunga at proseso.

 Sanhi at Bunga. Ito ay ang pagtunton sa pinagmulan ng isang isang bagay maging ang dahilan
at epekto nito. Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katwiran sa teksto.
 Proseso. Ito ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay o kung ano ang
mabuting paraan upang matamo ang isang layunin.
SAS 4-5 Pagkilala sa mga Iba’t Ibang Sulating Akademiko Ayon sa Katangian, Layunin at
Gamit
AKADEMIKONG LAYUNIN AT /O GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng Hindi gaanong mahaba,
ABSTRAK akademikong papel para sa tesis, papel organisado ayon sa
siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin pagkakasunod-sunod ng
nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga nilalaman.
akademikong papel.
Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong Kinapapalooban ng overview ng
SINTESIS naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng akda. Organisado ayon sa
maiklling kwento. sunod-sunod na pangyayari sa
kwento.
Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, May makatotohanang
BIONOTE tulad ng kanyang academic career at iba pang paglalahad sa isang tao.
impormasyon ukol sa kanya.
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa Organisado at malinaw para
MEMORANDUM gaganaping pagpupulong o pagtitipon. maunawaan ng mabuti.
Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng
gaganaping pagpupulong.
Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang Pormal at organisado para sa
AGENDA tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para kaayusan ng daloy ng
sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong. pagpupulong.
PANUKALANG Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais Pormal, nakabatay sa uri ng
PROYEKTO ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga tagapakinig at may
mga problema o suliranin. malinaw ang
ayos ng ideya.
Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang Pormal, nakabatay sa uri ng
TALUMPATI paksang naglalayong manghikayat, tumugon, mga tagapakinig at may
mangatwiran at magbigay ng kabatiran o malinaw ang ayos ng ideya.
kaalaman.
Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng Ito ay dapat na organisado ayon
KATITIKAN NG mga mahahalagang puntong nailahad sa isang sa pagkakasunod-sunod ng mga
PULONG pagpupulong. puntong napag-usapan at
makatotohanan.
Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang Ito ay nararapat na maging
POSISYONG alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian pormal at organisado ang
PAPEL na hindi tanggap ng karamihan. pagkakasunod-sunod ng ideya
REPLEKTIBONG Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik Isang replektib na karanasang
SANAYSAY tanaw ang manunulat at nagrereplek. personal sa buhay o sa mga
Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng binasa at napanood.
manunulat.
Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato Organisado at may
PIKTORYAL NA kaysa sa mga salita. makabuluhang pagpapahayag
SANAYSAY sa litrato na may 3-5 na
pangungusap.
LAKBAY Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik Mas madami ang teksto kaysa
SANAYSAY tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. sa mga larawan.

SAS 6: Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Abstrak

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
Samakatuwid, ang sulating abstrak ay naglalayong mabigyang-diin ang
pinakamahalagang aspeto ng orihinal na teksto sa isang maikling pahayag, na
nagbibigay ng mga mahalagang impormasyon upang maakit at mabigyan ng
pangkalahatang pag-unawa ang mga mambabasa.
Kung mapapansin mo, ang mga bahagi ng abstrak ay makikita sa mga bahagi ng
pananaliksik. Sapagkat ito ay abstrak ng isang pananaliksik. Huwag mo sanang
kalimutan na maikli lang dapat ang pagsulat nito.

Mga Elemento ng Abstrak


 Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng
elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na basahin
ang gawa ng isang manunulat.
 Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng
abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para magamit ng mga mambabasa.
 Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstark. Magkaroon ng
sariling istilo o pamamaraan ng panulat.
 Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o problema
sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot u tugon para mapunan ang kabuuan ng
nasabing sulatin.
 Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na balang
araw ay magagamit ng bumasa ng akda ng isang manunulat

SAS 8 Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Sintesis

AWTPUT
INTRODUKSYON KATAWAN

Simulan sa isang paksang Organisahin ang mga


pangungusap na ideya upang masuri kung
magbubuod sa may pagkakapareho o Sintesis
pinaka- paksa ng teksto pagkakaiba ang mga
ideya.

SINTESIS
Ang salitang SINTESIS ay hango sa Griyego na syntithenai ( syn- magkasama, tithenai- ilagay
kaya ibig sabihin sama-samang ilagay). Ito ay isang anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa maikling paraan
at sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ideya. Ito ay ginagamit sa pagbububo ng tekstong naratibo tulad ng
maikiling kuwento. Ito ay nararapat na maliwanag at organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangayayari
sa kuwento.

May dalawang uri sa pagsulat nito.

1. Padayagram na Anyo. Napagsama-sama ang mga impormasyon gamit ang grapiko.

TEORYA
(Pinagmulan ng
Wika)
KAHALAGAHAN
KAHULUGAN (Para sa
komunikasyon)

WIKA

Halimbawa:
2. Patalatang Anyo. Sa paraang talata nailalahad ang impormasyon.

Halimbawa:

Ayon kay Gleason , ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na


pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon. Ang mga
teorya ng wika ay Dingdong, Bow-wow, Ta-ta, Tarara-boom-de-ay, Yo-he-ho, at iba
pa. Mahalaga ito sa komunikasyon o pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao.

SAS 9 Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Agenda


Ang agenda ay isang mahalagang elemento sa
pagpupuplong. Ito ay ang listahan ng mga bagay na 3. Layunin ng Agenda. Sa
tatalakayin o tinatalakay sa isang pormal na pagpupulong. anumang gawain kailangan
laging may layunin. Sapagkat
Ito ay ang mga plano o gustong gawin sa isang bagay.
ang layunin ang magsasabi
Maaring gamitin bilang checklist upang matiyak kung lahat kung ano ang pag- uusapan
ng impormasyon ay sakop ng talakayan. o awtput sa pulong.
Kailangan mabasa ito ng
MGA BAHAGI NG AGENDA: mga magsisidalo para
makapaghanda sa pulong.
1. Pamagat. May dalawang bagay na kailangang
maipahayag ng pamagat sa mambabasa: una, siya ay 4. Iskedyul . Ang bahaging
nagbabasa ng agenda at pangalawa, sakop nito ang paksa ito makikita kung paano
ng pulong. Hindi dapat mabulaklak ang pamagat, mainam tatakbo ang pagpupulong.
Ito ay nagdudulot ng
kung ito ay payak at maikli ang pagkakasulat, kung maaari
kaayusan ng pulong.
gumamit ng font style na Times Roman o Calibri. Tandaan
na ang layunin ng pamagat ay para makita ang kabuuang  Maglaan ng
pananaw sa agenda. sobrang oras para
sa bahaging
2. Petsa, Lokasyon at mga Dadalo. Kailangan isulat ito “Tanong-sagot”.
sa agenda para malaman ng mga hindi dumalo ng pulong Dapat ilagay ito sa
kung sinu-sino ang mga dumalo, saan nangyari ang pulong balangkas ng
at kailan ito nangyari. iskedyul sapagkat
may mga kasapi ng
pulong na
maaaring may nais
linawin o tanungin
bago matapos ang
pulong.
 Maglaan ng oras para sa pagbabalangkas o pagbubuod ng mga diskusyon. Laging
ginagawa ito bago matapos ang pulong. Ito ay nagsisilbing huling paalala sa mga
nagsidalo ng pulong.

5. Tungkulin. Nakasulat sa bahaging ito ang papel na gagampanan ng mga dadalo sa pulong.
Ito ay para malinaw sa kanila at
mapaghandaan ang sasabihin.
SAS 11 Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
GABAY SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Kailangang malinaw na nakasulat kung 3. Dapat maayos, malinis, at walang nakasulat
paano at kailan matatapos ang proyekto na mga impormasyong walang kinalaman sa proyekto
2.Kailangang ipakita ang pangangailangan ng 4. Patunayang ang proyekto ay karapat-dapat
kumunidad. na tustusan.

PANUKALANG PROYEKTO
Ito ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansiyal para maisagawa
ang isang proyekto. Ang panukala ay dapat magbigay ng dahilan kung bakit
kinakailangan ang bawat bagay sa listahan para madesisyonan ng donor kung
gusto nitong ibigay ang ilan o lahat ng nakalista.

Ito ay isang uri ng dokumento na kadalasan na ginagamit para maipaliwanag at


kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang mga pakay ng proyekto na ito ay
kadalasang solusyon para sa mga iba’t-ibang oportunidad o problema ng ating
bayan.Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang
sumusunod na mga tanong:

 Ano ang nais mong maging proyekto?


 Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
 Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
 Paano mo ito isasagawa?
 Gaano katagal mo itong gagawin?
 May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang ganitong uri ng akademikong


sulatin upang malinang ang kasanayang mag-isip, magmungkahi, masusing
magsiyasat, at magpasiya o bumuo ng desisyon.

Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung


ang panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa
proyekto ay hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan. Maaaring magdulot ito ng
maling pag-iisip para sa iba o maging sanhi pa ng pagkawala ng tiwala sa
nagpanukala. Kung ang ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting
kapakanan ng lahat, tiyak na agaran itong sasang-ayunan. Kung maaari, tiyaking
naisasaalang-alang ng panukalang proyekto ang kabutihan ng lahat, hindi lamang
pansarili o ng iilang tao.

Hindi maligoy kayat ang paglalahad ng mga detalye tulad ng kahalagahan,


katangian, at iba pang mga datos para sa panukalang proyekto ang nilalaman ng
ganitong uri ng sulatin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng direktang
pagdedetalye ng mga kinakailangang bagay sa proyekto at direkta ring paliwanag
sa proseso ng pagsasagawa ng proyekto.
Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay may mga bahagi. Hindi maligoy kayat ang
paglalahad ng mga detalye tulad ng kahalagahan, katangian, at iba pang mga datos para sa
panukalang proyekto ang nilalaman ng ganitong uri ng sulatin. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng direktang pagdedetalye ng mga kinakailangang bagay sa proyekto at direkta
ring paliwanag sa proseso ng pagsasagawa ng proyekto.

MGA BAHAGI
1. Titulo ng Proyekto (Project Title).
Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw.

2. Proponent ng Proyekto (Project Proponent).


Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto,
adres, telepono o cellphone, e-mail at lagda.

3. Pagpapahayag ng Suliranin.
Dito inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais (pananaliksik, pagsasalin,
pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pang-araling-aklat at/o malikhaing
pagsulat).

4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed).


Ilagay rito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.

5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale).


Isaad ang background at kahalagahan ng proyekto.

6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project).


Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin
isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.

7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits).


Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.

8. Planong Dapat Gawin.


Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng
panukalang proyekto.
SAS 12 Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
A. PAKSANG-ARALIN
Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga bahagi ng katitikan ng pulong.
Basahin at pag- aralan mabuti na may kaakibat na pang-unawa. Makatutulong sa iyo ito
sa pagbuo mo ng epektibong katitikan ng pulong sa mga susunod na gawain.

BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG


1. Pamagat, lugar, petsa at oras 3. Mga napag-usapan/adyenda sa pulong

2. Pangalan ng mga nagsidalo, kasama ang 4.Pangalan at lagda ng sumulat ng katitikan ng


kanilang katungkulan at hindi dumalo. pulong

KAHULUGAN NG KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of meeting sa wikang


Ingles. Ito ay mga isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga
mahahalagang piang-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at
desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag- uusap. Ito ay kadalasang
ginagamit sa mga pagpupulong na maaring isang pormal o opisyal. Ito rin ay
magiging gabay ng hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan
ng mga miyembro ng pulong. Nabubuo ito kapag isinusulat ng kalihim, sekretarya,
typist o reporter o sino mang naatasan ang mga naganap sa isang pulong o pag-
uusap.

Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong ng


organisasyon. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng
adyenda. Pormal ang wikang gamit sa pagsulat ng katitikan. May konsistensi sa
estilong gagamitin sa pormalidad ng paksa.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG:

1. Ito ay opisyal na ulat ng mga pagtalakay.


2. Ito ay nagiging basehan para sa susunod na talakayan.

NAKASAAD SA KATITIKAN NG PULONG:


 Paksa
 Petsa
 Oras
 Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong
 Oras ng pagsisimula
 Oras ng pagtatapos
 Mga napag-usapan
 Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong
MGA DAPAT TANDAAN O GAWIN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG:
1. Habang namamahagi ng ideya ang mga dumalo sa pulong, inililista ang mga
adyendang napag- usapan isa-isa.
2. Lahat ng kalahok ay dapat ipahayag ang kanilang mga kaalaman, punto at/o
opinyon.
3. Dapat pag-usapan nang maayos ang mga mabubuti at masamang naidudulot
ng mga naibigay na mungkahi.
4. Magkroon ng opisyal na ulat o talaan.
5. Dapat ang mga salita na sinabi sa pagtalakay ay nakasulat sa ulat, hindi
dapat ibahin ang mga nagamit na salita.
6. Dapat malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan sa pulong.
7. Piliin lamang ang mga importanteng bahagi ng pagtalakay sa pulong.

SAS 13 Pagpapaliwanag sa mga Gabay sa Pagsulat ng Posisyong Papel


A. PAKSANG-ARALIN
Ang konseptong aralin ay nagpapakita ng mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel.
Basahin at pag-aralan mabuti na may kaakibat na pang-unawa. Makatutulong ito sa
iyong pagsulat.

HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


1. Pagpili ng paksa batay sa interes 5. Bumuo ng balangkas
2. Gumawa ng panimulang saliksik 6. Sumulat ang posisyong papel
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa 7. Ibahagi ang posisyong papel
nihanay na mga katwiran
4. Gumawa ng malalim na saliksik

PAGLALAHAD NG
PANIMULA COUNTER PAGLALAHAD NG IYONG
ARGUMENT O MGA POSISYON O KONGKLUSYON
ARGUMENTONG PANGANGATWIRAN TUNGKOL
TUMUTUTOL O SA ISYU
KUMUKONTRA
A. Ilahad ang A. Ilahad ang mga A. Ipahayag o ilahad and unang A. Ilahad muli ang
paksa argumentong tutol sa punto ng iyong posisyon o iyong argumento o
iyong tesis. paliwanag. tesis.
B. Magbigay  Ilahad ang iyong matalinong
ng maikling B. Ilahad ang mga pananaw tungkol sa unang B. Magbigay ng
paunang kinakailangang punto. mga plano ng
paliwanag impormasyon para  Maglahad ng mga patunay gawain o plan of
tungkol sa mapasubalian ang at ebidensya na hinango sa action na
paksa at kung binanggit na counter mapagkakatiwalang makakatulongsa
bakit mahalaga argument. sanggunian. pagpapabuti ng
itong kaso o isyu.
pagusapan. C. Patunayang mali o B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang
walang punto ng iyong posisyon o
C. Ipakilala ang katotohananang mga paliwanag.
tesis ng counter arugument ng  Ilahad ang iyong matalinong
posisyong iyong inilahad. pananaw tungkol sa
papel o iyong ikalawang punto.
Stand o D. Magbigay ng mga  Maglahad ng mga patunay
posisyon patunay para at ebidensya na hinango sa
tungkol sa mapagtibay ang iyong mapagkakatiwalang
isyu. giinawang sanggunian.
panunuligsa.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong
punto ng iyong posisyon o
paliwanag.
 Ilahad ang iyong matalinong
pananaw tungkol sa
ikatlong punto.
 Maglahad ng mga patunay
at ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalang
sanggunian.

You might also like