Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DLP No.

: 26 Asignatura: FILIPINO Baitang: 6 Markahan: 3 Oras: 50 Minuto


Mga Kasanayan:  Nakasususlat ng liham Code: F6PU-IIIi-2.3
 Nakasusunod sa nakasulat na panuto F6PB-IIIi-2

Susi ng Pag-unawa Pagsulat ng liham


na Lilinangin: Pagsunod sa panuto
1. Mga Layunin:
Kaalaman: Naipapahayag ang damdamin sa pagsusulat ng liham
Kasanayan: Nailalapat ang wastong pagsunod sa pagsusulat ng liham
Kaasalan: Natutugonan ang wastong kaasalan sa pagsusulat ng liham
Kahalagahan: Nakasusunod sa payo ng mga magulang at nakatatanda
2. Nilalaman: Bahagi ng liham
Pagsunod sa panuto
3. Mga
Kagamitang Metacards, envelope, laptop, projector
Pampagtuturo:
4. Pamamaraan:
4.1 Panimulang Pagwawasto sa takdang aralin.
Gawain
(2 minuto) Pagbabalik-aral sa nagdaang leksyon.

4.2 Mga Gawain/ Gamit ang projector, magpakita ng liham.Hayaan silang basahin ito.
Estratehiya
(8 minuto) Poblacion, Brgy.Sabang
Danao City, Cebu
Abril 1, 2017

Mahal kong Maria,

Inaanyayahan kop o kayong pumunta sa aking graduation na magaganap


sa Abril 5, 2017 alas 8 ng umaga. Aman ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil
magtatapos ako ng elemnetarya na may sertipiko at diplomang matatanggap. Inaasa-
hank o po ang inyong pagdating.

Nagmamahal,
Tomasa

4.3 Pagsusuri Magtanong tungkol sa ipinakita at binasang teksto.


(5 minuto) 1. Ano ang inyong nakikita at binabasa?
2. Alam nyo ba kong ano ang liham?
4.4 Pagtatalakay Sabihin:
(13 minuto) Pagsasaayos ng mga bahagi ng liham.
Ang liham pangkaibigan ay may limang bahagi:

Pamuhatan
Dito isinasaad ang tirahan ng sumulat. Dito rin makikita ang petsa kung kalian isinulat ang liham.
Matatagpuan ito sa gawaing itaas sa kanang bahagi ng sulatang papel.

Bating panimula
Pambungad na pagbati sa taong sinusulatan. Ginagamitan ito ng kuwit sa hulihan nito.
Matatagpuan ito sa kaliwang bahagi ng sulatang papel matapos ang pamuhatan.

Katawan ng liham
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham. Dito sinasabi ang dahilan kung bakit lumiham ang
nagpadala.

Bating pangwakas
Ito ang magalang na pamamaalam ng sumulat. Nasa kanang bahagi ito katapat ng pamuhatan.
Ginagamitan din ito ng kuwit sa hulihan.

Lagda
Ito ang pangalan ng sumulat. Makikita ito sa ilalaim ng bating pangwakas.

4.5 Paglalapat Narito ang isang halimbawa ng mga bahagi ng liham pangkaibigan. Ayusin mo ito.
(5 minuto) 1. Ang iyong kaibigan,
2. Nais kong ibalita sa iyo na isang karangalan na naman para sa ating bansa ang
pagkakapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Oscar dela Hoya. Sana’y makapagbakasyon
kang muli dito sa atin upang makita mo si Manny nang personal.
3. Mahal kong Rose Ann,
4. Donesia
5. Sto. Nino Sabang, Danao City Cebu
Enero 29, 2009

5. Pagtataya: Panuto: Basahin ang liham at sundin ang panuto.


(3 minuto)
1. Sa unang pagbasa, tahimik itong basahin.
2. Sa ikalawang pagbasa, basahin ito ng malakas at sabay-sabay.
3. Hintayin muna ang hudyat ng guro bago magbasa ng malakas.
4. Matapos basahin, sagutin ang mga tanong ukol sa liham.

337, A. Bonifacio Ave, San


Jose Quezon City, Manila
Enero 17, 2010

Kaibigan kong Teresa,

Kumusta ka na? Tagal na natin di nagkita. Minsan pumarito ka sa amin at


magsaya tayo gaya ng dating kulitan, kwentuhan, tambay ditto tambay doon. May balita ako
para sayo ako ay nakapasa sa board exam at magiging doctor na ako. Sana ikaw rin ay
maabot mo rin ang iyong pangarap.

Iyong Kaibigan,
Terry

1. Sino ang nagpapadala sulat?


2. Bakit siya sumulat?
3. Saan niya ito ipapadala?
6. Takdang-Aralin: Panuto: Sumulat ka nang isang liham pangkaibigan na humingi ng paumanhin sa iyong naging
(2 minuto) pagliban sa klase. Tandaan ang wastong bahagi ng liham.
7. Paglalagom/ Basahin ang salawikain:
Panapos na
Gawain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
(2 minuto)

Prepared by:

Name: Aileen T. Hermosilla School: Sabang Elementary School


Position/Designation: Teacher I Division: Danao City
Contact Number: 09326731461 Email Address: aileen.hermosilla@yahoo.com

You might also like