Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Markahan: Oras: 50


DLP Blg. 13 Baitang:6
FILIPINO 3rd MINUTO
Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong
napakinggan. Code: F6PN-
Mga Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang IIIe19
Kasanayan: suliraning naobserbahan. F6PS-IIIe-9
Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang F6PB-IIIe-23
teksto.
Susi ng Pag-
Ang buod ay isang pananalitang napakinggan o nabasang
unawa na
kwento na tama ang pagkasunod-sunod ng pangyayari.
Lilinangin:
1. Mga Layunin
Lagumin ang tekstong napakinggan at sa suliraning
Kaalaman
naobserbahan
Pagdedebatehan ang mga argumento sa binasang teksto o
Kasanayan
sa suliraning naobserbahan
Positibong pananaw ng sariling solusyon sa isang suliraning
Kaasalan
naobserbahan
Isagaw ang positibong pananaw sa sariling solusyon sa
Kahalagahan
isang suliraning naobserbahan.
2. Nilalaman
3. Mga
Kagamitang Larawan, aklat
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
Pagbabalik-aral:
1. Ano-anu ang tatlong uri ng pang-abay?
2. Anong uri ng pang-abay na nagsasaad kung saan
4.1 Pagganyak
naganap ang kilos?
(2 minuto)
3. Anong uri ng pang-abay na nagsasaad kung kalian
naganap ang kilos?

4.2 Mga Making sa babasahin ng guro at ihanda ang mga sarili sa


Gawain/ pagbubuod ng kwentong napakinggan.
Estratehiya
(5 minuto) Ang tupa at ang lobo

Malapit ng dumilim kung kayat ang mga tupa ay naglalakad


nang pabalik sa kanilang kulungan ngunit isang tupa ang
humiwalay habang ang kaniyang mga kasama ay nagpatuloy
na nanginain.
Nang bigla na lamang isang lobo ang dumating at agad na
inatake ang tupa. Nasa aktong sasakmalin na ng lobo ang
tupa nang magsalita ito. “ lobo huwag mo akong kainin!”
ang sigaw ng tupa. “ at bakit?” tanong ng lobo. “kasi hindi
pa natunaw ang mga kinain kung sariwang damo. Kung
hihintayin mong matunaw ang mga kinain ko, lalo akong
magiging malinamnam,” ang paliwanag ng tupa. Lalong
naglalaway ang lobo sa narinig. “ sige! Pero paano
matutunaw agad ang mga kinain mo?” tanong ng lobo.
Masasayaw lang ako ng husto at siguradong matutunaw
agad ang mga damong kinain ko!” wika ng tupa.
At hinayaan nga ng lobo na magsayaw ang tupa. Buong likot
na nagsayaw ang tupa. Habang patuloy ang pagtunog ng
kuliling na nakasabit sa kaniyang leeg. Walang kamalay-
malay ang lobo na naririnig ng pastol ang kuliling buhat sa
malayo. Nakatingin lamang ang lobo at patuloy na
naglalaway sa gutom.
Sa pagod, huminto na ang tupa sa pagsasayaw at akmang
kakainin na ito ng lobo nang dumating ang pastol na
sinundan ang pinagmumulan ng tunog ng kuliling. Agad na
nagtatakbo ang lobo at nanghihinayang sa pinalipas na
pagkakataon. Naisip ng lobo na kung anuman ang gagawin
ay hindi na dapat pang ipagpaliban.
Natuwa naman ang tupa dahil naisip niyang mabuti talaga
ang maging handa bago ka pumasok sa anumang sitwasyon.

Itanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa pabulang napakinggan?
2. Ano ang ginawa ng tupa upang malinlang ang lobo?
3. Bakit hindi nagtagumpay ang lobo sa kaniyang
binabalak?
4.3 Pagsusuri
4. Ano ang aral ng kwento?
(5 minuto)
5. Sino ang makapagbuod sa kwentong ang tupa at ang
lobo?
6. Kung kayo ang may-ari ng pastulan, ano ang ibang
solusyon para maiwasan na may maiwan na tupa?

4.4 Ang buod ay isang pananalitang napakinggan o


Pagtatalakay nabasang kwento na tama ang pagkasunod-sunod ng
(15 minuto) pangyayari.
Ang buong klase ay hahatiin sa dalawang grupo at
pagdedebatehan ang isang teksto.
4.5 Paglalahat
“dapat bang isaalang-alang ang pagsuot ng school uniform o
(10 minuto)
hindi?”

5. Pagtataya
Making sa kwentong babasahin ng guro at ihanda ang sarili para sa
paglagom o pagbuod at sumulat ng isang talata para sa solusyon sa
isang suliranin.

“Ang pusang tagabukid at ang pusang tagasiyudad”

Isang araw nagtungo ang pusang tagasiyudad sa kanyang kaibigang pusa na


naninirahan sa isang liblib na baryo para dalawin ito. Bihis na bihis ang
pusang tagasiyudad. Masyado itong nadismaya sa nakitang lugar. Maputik
ang daan at walang pag-unland. Bihira ang sasakyan na nagyayaot parito.
Tuwang-tuwa naman ang pusang tagabukid sa pagdating ng kayang kaibigan.
“mabuti naman kaibigan at nadalaw mo ako. Ililibot kita sa lugar namin,”
wika nito ng buong pagmamalaki.
Ipinasyal nga niya ito sa parang at malawak na taniman ng ibat ibang
bulaklak. Ipinakita rin niya rito ang iba pang magagandang tanawin sa
kabukiran. Subalit parang balewala iyon sa pusang tagasiyudad. Hindi ito
nagandahan sa lugar.
Nang mapagod sila sa kapapasyal ay ipinaghanda ng pusang tagabukid ang
kanyang kaibigan ng pananghalian. Nilagang kamote, mais at kung anu-ano
pang halamang –ugat ang inihain niya.
“alam mo ba, masarap ang pagkain doon. Ibat ibang masarap na karne at
isda ang aking pagkain. Marami kang bagay na mkikita at magagandahang
lugar na pwedeng puntahan. Hindi ka maiinip!”
“talaga ba?” nasilaw ang pusang taga bukid sa paanyaya ng kanyang
kaibigan.
“oo kaya kung gusto mo, ako naman ang dalawin mo roon. O kaya doon ka na
lamang tumira kasama ko.”
Matapos kumain ay nagmamadaling nagpaalam ang pusang tagasiyudad.
Hindi niya matagalan ang nakikitang kahirapan sa buhay ng kanyang
kaibigan. Marumi pa ang loob ng bahay.
Nang mapag-isa ang pusang tagabukid ay labis siyang nalungkot. Ngayon
niya nalamn ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang buhay na ayon rin sa
kanyang kaibigang tagasiyudad.
Nang sumunod na linggo ay ipinasiya niyang lumuwas ng siyudad para
dalawin naman ang kanyang kaibigan.
Nalula siya sa dami ng sasakyan at taong naglalakad sa kalye. Muntik pa
siyang masagasaan ng isang sasakyan kung hindi siya nakalundag kaagad.
Takot na takot siya, halos panginigan siya ng katawan habang kumakatok sa
bahay ng kanyang kaibigan. Isang malaking bahay ang tinitirhan ng kanyang
kaibigan.
Inaanyayahan siya sa loob. Labis na humanga ang pusang tagabukid sa
kanyang nakita.
Marami siyang bagay nakita roon na wala sa bukid. At tulad ng sinabi ng
pusang tagasiyudad ay napakasarap nga ng mga inihaing pagkain sa kanya.
“ano ang masasabi mo?” tanong ng pusang tagasiyudad “nagustuhan mo ba
ang lugar ko?”
“oo tama ka masarap nga yatang tumira sa siyudad. Narito lahat
magagandang tanawin at saka masasarap na pagkain,” sabi nito bagamat
nasa isip pa rin ang takot dahilan sa pagkamuntik-muntikan siyang
masagasaan kanina.
Buo na sa loob ng pusang taga bukid na doon na maninirahan sa siyudad.
Habang sila ay nagkakasayahan sa pagkukuwentuhan ay biglang lumitaw
ang isang malaking aso.
Inangilan sila at lumitaw ang malaki nitong pangil. Sinabayan pa ng malakas
na pagtahol.
Nang tumigil ang aso sa katatahol ay saka lang napagtanto ng pusang
tagabukid ang isang katotohanan.
“hindi ko pala kailangan ang buhay na puno ng sarap, kung ang kapalit
naman nito ay ang panganib sa buhay ko.”
“sanay na ako sa ganitong sitwasyon,’ wika naman ng pusang tagasiyudad.
Umiling ang pusang tagabukid. “hindi ko kayang mabuhay nang tahimik at
masaya kung wala akong kapanatagan.
Iyon lang at nagpaalam na ang pusang tagabukid sa kanyang kaibigan.

6. Takdang-aralin (3minuto)

Sumulat ng isang talata para masolusyonan ang kahirapan sa ating


bansa.

Name:GLACE ANNE T. WENCESLAO School: DANASAN ELEMENTARY


SCHOOL

Position/Designation: TEACHER I Division:DANAO CITY DIVISION


Contact Number: 09234589195 E-mail Address/Facebook Account:
DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Markahan: Oras: 50


DLP Blg. 14 Baitang:6 rd
FILIPINO 3 MINUTO
 Nagagamit ang ibat-ibang salita bilang Code: F6WG-
Mga pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag IIId-f-9
Kasanayan: ng sariling ideya F6PU-IIIe-2.2
 Nakasusulat ng isang saknong na tula
Ang tula ay isang uri ng akdang pampanitikan na
nasa anyong berso at mga linya. Ang paksa at aral
ng tula ay buhat sa karanasan, obserbasyon o
imahinasyon ng makata.
Binubuo ang tula ng ibat-ibang element tulad ng
sukat, tugma, taludtud at saknong.
Ang taludtud ay isang linya o hanay ng mga salita
ng tula.
Ang saknong naman ay binubuo ng
magkakasamang taludtud.
Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtud.
Susi ng Pag- Ang tugma ay ang magkatunog na salita sa dulo ng
unawa na taludturan.
Lilinangin: May dalawang anyo ng tula
Ang tradisyonal na tula ay karaniwang may tiyak
na bilang ng pantig sa bawat linya o taludtud.
Ang malayang taludturan ay walang sinusunod na
sukat at tugma.
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na
naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Nagsasaad ito ng mga katangian na bagay na
inilarawan.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay.
1. Mga Layunin
Tukuyin ang ibat-ibang salita bilang pang-uri at pang-abay
Kaalaman
sa pagpapahayag ng sariling ideya.
Kilalanin ang ibat-ibang salita bilang pang-uri at pang-abay
Kasanayan
sa pagpapahayag ng sariling ideya.
Gamitin ang ibat-ibang salita bilang pang-uri at pang-abay
Kaasalan
sa pagpapahayag ng sariling ideya.
Kahalagahan Ilahad ang nasusulat na tula
2. Nilalaman Pang-uri at pang-abay
3. Mga
Kagamitang Larawan, aklat
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
Pagwawasto ng takdang aralin:

Pagbabalik-aral:
4.1 Pagganyak
Ano ang pang-uri?
(2 minuto)
Ano ang pang-abay?
Magbigay ng mga uri ng pang-abay.

4.2 Mga
Gawain/ Ang guro ay maglalahad ng isang tula na
Estratehiya pinamagatang Ako’y Pilipino ni Teodoro E. Gener at
(5 minuto) ihanda ang sarili sa mga katanungan.

Ako’y Pilipino

Hindi ako iba, akoy Pilipino


Sumilang sa lupang mayama’t matao—

Pulu-pulong lupang lumutang sa dagat,


Tabi-tabing pulong may bundok at gubat,
Alaga ng araw sa ganda’t liwanag
Mutya ng silangan, ngalay Pilipinas

Nabuhay, lumaki, nag-aral, natuto


Aking natutuhang nabubuhay tayo
Sa sariling lakas, sikap at talino…

Tayoy may layunin at diwang maganda


Na likas sa lahing may pagkakaisa,
Marunong magtiis, marunong magbata,
Pagkat Pilipino sa diwat kaluluwa.

Ako’y Pilipino at hindi dayuhan


Sa silangan tubo’t di taga-kanluran…..

May isang watawat at sariling wika,


Anak-bansang sakdal tapang at Malaya,
Tiwasay ang buhay at puso’y payapa,
Kalahi ni Rizal, karugtong sa diwa….

Ako’y kayumanggi kapatid sa kulay


Banat itong buto at salab sa araw,
Dakila ang mithi at banal ang pakay….

Tapang at marangal sa kaisang palad


Pagka’t Pilipinong tag-Pilipinas;
At di magtataksil sa kaniyang watawat,
Lalong di susuko kahit mawakawak…

At sa nagtatanong na kung ako’y sino,


Ang sagot ko’y tiyak, walang pagtatalo:

Akoy anak-lahing may isang Bathala


May isang watawat at sariling wika;
Tumubo sa isang baying masagana
Sa dugong bayaning nagsipanalasa…

Nabuhay sa hirap, sa hirap dudulang


Ng pagsasarilit tanging kalayaan.
Na kung tutuusin yaong kahuluga’y

Kusang nabubuo sa pagsasalaysay


Ng isang katagang tunay na totoo;
Hinding-hindi iba yaring pagkatao,
Pilipinong likas, ako’y Pilipino.

Itanong:
1. Ipinagmamalaki mo ba na ikaw ay isang Pilipino?
Baki?
4.3 Pagsusuri 2. Ano-anu ang ipinagmamalaki mo bilang Pilipino?
(5 minuto) 3. Kilalanin kung anong uri ng pang-uri ang may
salungguhit.
4. Salungguhitan ang mga pang-abay na napaloob sa
isang tula.

4.4
Pagtatalakay Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na
(15 minuto) naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Nagsasaad ito ng mga katangian na bagay na
inilarawan.
Ito rin ay may apat na kayarian
Payak- binubuo lamang ng salitang-ugat.
Maylapi- kayarian ng pang-uri kung ito ay
nilalapian. Binubuo ito ng salitang ugat at panlapi.
Inuulit- ang kayarian ng pang-uri kng inuulit ang
buong salitang-ugat o kaya ay ang panlapi nito.
Tambalan- ang kayarian ng pang-uri kung
pinagsama ang dalawang magkaibang salita at
nakabuo ng bagong kahulugan upang gamitin sa
paglalarawan.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay.
May ibat-ibang uri ng pang-abay
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung
kalian naganap ang kilos. Maaari din itong nagsaad
kung gaano kadalas ginagawa ang kilos.
Ang pang-abay na panlunan ay kumakatawan sa
lugar kung saan ginaganap ang kilos.
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasabi kung
paano ginagawa ang kilos.
Ang pang-abay na pang-agam ay naghahayag ng di
katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng
pagsang-ayon. Halimbawa ng mga pang-abay na
naghahayag ng pagsang-ayon o pagpapatunay ay
oo,tunay,sadya, tiyak, talaga at iba pa.
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng
pagtanggi, pagtutol, o negatibong pahayag. Ilang
karaniwang halimbawa ay hindi, wala, ayaw, at iba
pa.
Ang pang-abay na panggaano o panukat ay
nagsasaad ng timbang o sukat karaniwang
sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Ang pang-abay na pamitagan ay mga salitang
nagsasaad ng paggalang. Halimbawa nito ang po at
opo.
Ang tula ay isang uri ng akdang pampanitikan na
nasa anyong berso at mga linya. Ang paksa at aral
ng tula ay buhat sa karanasan, obserbasyon o
imahinasyon ng makata.
Binubuo ang tula ng ibat-ibang element tulad ng
sukat, tugma, taludtud at saknong.
Ang taludtud ay isang linya o hanay ng mga salita
ng tula.
Ang saknong naman ay binubuo ng
magkakasamang taludtud.
Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtud.
Ang tugma ay ang magkatunog na salita sa dulo ng
taludturan.
May dalawang anyo ng tula
Ang tradisyonal na tula ay karaniwang may tiyak
na bilang ng pantig sa bawat linya o taludtud.
Ang malayang taludturan ay walang sinusunod na
sukat at tugma.

4.5 Paglalapat Sumulat ng isang saknong na tula na may apat na taludtud


(10 minuto) at tugmang nagtatapos sa tunog na “a”.
5. Pagtataya (10 minuto)

Tukuyin ang lahat ng gamit ng pang-abay. Isulat sa patlang


kung pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam,panang-
ayon,pananggi,panggaano at pamitagan.
__________1. Dumating sa kaarawan ni kuya Ernie ang sampu
sa pinakamalalapit niyang kaibigan.
__________2. Pagpasensyahan niyo nap o ang regalo kosa
inyo, ito lang po ang nakayanan ko.
__________3. Dinagdagan ng tindera ng talong guhit ang
biniling sibuyas ni Inay.
__________4. Nadagdagan ng tatlong kilo ang timbang ko
mula noong isang taon.
__________5. Nagalit ang mga pasahero dahil inabot ng
dalawang oras bago dumating ang tren.
__________6. Baka sa oras na ito ay pauwi na si tatay galling
sa trabaho.
__________7. Sadyang pinilit ni Dina na makapasok sa tren
kahit pasara na ang pinto nito.
__________8. Ang lalaking ayaw mag-upo ng matatanda at
kababaihan ay kinainisan ng ibang pasahero.
__________9. Oo, tutulong kami sa pagsasabit ng mga
banderitas para sa piyesta.
__________10. Tila nawalan nan g pag-asa ang mga nasalanta
ng bagyo dahil sa mabagal na aksiyon ng pamahalaan.

6. Takdang-aralin (3minuto)

Gumawa ng dalawang saknong na tula na may tatlong talutud at tugmang


nagtatapo ng “o”.

Name:GLACE ANNE T. WENCESLAO School: DANASAN ELEMENTARY


SCHOOL

Position/Designation: TEACHER I Division:DANAO CITY DIVISION

Contact Number: 09234589195 E-mail Address/Facebook Account:


DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Markahan: Oras: 50


DLP Blg. 15 Baitang:6
FILIPINO 3rd MINUTO
 Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at
di pamilyar na salita sa pamamagitan ng Code: F6PT-
Mga
sitwasyong pinaggamitan IIIe-1.8
Kasanayan:
 Nagagamit ang ibat-ibang bahagi ng F6EP-IIIe-7.1
pahayagan ayon sa pangngailangan
Ang pahayagan ay napagkukunan ng maraming
mahahalagang impormasyon.

Pangulong balita o headlines - ang mahahalagang balita ay


nasa unang pahina ng pahayagan.

Pangulong tudling o editoryal – ang opinyon ng editor tungkol


Susi ng Pag-
sa mga mahahalagang balita at pangyayari ay nasa editoryal.
unawa na
Ito’y matatagpuan sag awing loob ng pahayagan, sa bahaging
Lilinangin:
kaliwa ng pahina.

Pitak – ang layunin ng pitak na ito ay maghatid ng


impormasyon at magbigay ng kuru-kuro at palagay tungkol sa
mahahalagang isyu at pangyayaring nagaganap.

1. Mga Layunin
Tukuyin ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan ayon sa
Kaalaman
pangngangailangan
Kilalanin ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan ayon sa
Kasanayan
pangngangailangan
Ipaliwanag ang pamilyar at di pamilyar na salita sa
Kaasalan
pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan
Iulat ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan ayon sa
Kahalagahan
pangangailangan
2. Nilalaman
3. Mga
Kagamitang Larawan, aklat
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Pagganyak
(2 minuto) Pagwawasto ng takdang aralin:
Pagbabalik-aral:
Itanong
1. Ano-anu ang mga uri ng pang-abay?
2. Ano-anu ang mga element ng tula?
3. Ito ay isang elemento ng tula na binuo ng isang linya.
4. Kabuuan ng talutud.
5. Ano ang ibig sabihin ng sukat?

Makinig sa babasahin ng guro at iahanda ang sarili sa mga


katanungan.
Ang biodiesel ni Dr. Rico Cruz
Hindi maitatangging Malaki ang pangangailangan n gating
bansa sa gas. Ang pagtaas o pagbaba ng halaga nito sa
pandaigdigang merkado o pamilihan ay nakaaapekto sa mga
opereytor at drayber ng mga pampublikong sasakyan, maging
sa mga pasahero at mga pribadong motorista.
Kaya naman naisipan ni Dr. Rico Cruz na gumawa ng
biodiesel. Si Dr. cruz ay iang Pilipinong imbentor na nakabase
sa Estados Unidos bilang consultant sa Bio-Energy ng United
Nations. Isinilang siya sa Maasin, Bohol. Mayroon siyang
doktorado sa pagkainhinyero na natamo niya sa Idaho
University, Estados Unidos.
4.2 Mga Sa paggawa ng biodiesel, pinaghahalo niya ang langis ng
Gawain/ niyog, gamit na mantikang panluto at catalyst na ethanol.
Estratehiya Ang tatlong pangunahing sangkap na ito ay hinahalo nang
(5 minuto) mabuti at hindi iniinit. Ito ay dumadaan sa prosessong “
cruzestification” na tulad ng pagtitimpla ng kape. Mas kaunti
ang inilalabas na carbon dioxide ng biodiesel kaya hindi ito
nakapipinsala sa kapaligiran. Bukod dito malaki ang
kamurahan nito sa karaniwang gas.
Sa kasalukuyan ay iilan pa lamang ang nakagagamit ng
biodiesel dahil wala pa ito sa komersyal na pamilihan. Ngunit
sinimulan itong ipakilala ni Dr. Cruz sa lalawigan ng Bohol at
may ilan nang kasapi ng Couples for Christ ang gumagamit
nito tulad ni G. Rudy Sacnahon, humusay ang takbo ng
kanyang sasakyan nang gumamit siya ng biodiesel.
Kung maisususlong ang imbensyong ito, tiyak na sa susunod
na mga taon ay hindi na tayo gaanong magkakakaproblema
pa sa pagtaas ng halaga ng gas.

4.3 Pagsusuri Piliin ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang.


Isulat sa patlang ang tamang sagot.
a. Komersyal b. pasahero c. imbensyon
d. motorist e. pagsusuri
________1. Mg taong sumasakay at nagbayad ng
pamasahe.
________2. Nailabas na sa pamilihan upang mabili ng
madla
(5 minuto) ________3. Anumang bagay na nilikha ng sariling
malikhaing pamamaraan
________4. Nagmamaneho nag sasakyan
________5. Masusing pag-aaral
Itanong:
Saan natin makikita ang mga ganitong
impormasyon? (pahayagan)

4.4
Pagtatalakay Ang pahayagan ay napagkukunan ng maraming
(15 minuto) mahahalagang impormasyon.

Pangulong balita o headlines - ang mahahalagang balita ay


nasa unang pahina ng pahayagan.

Pangulong tudling o editoryal – ang opinyon ng editor tungkol


sa mga mahahalagang balita at pangyayari ay nasa editoryal.
Ito’y matatagpuan sag awing loob ng pahayagan, sa bahaging
kaliwa ng pahina.

Pitak – ang layunin ng pitak na ito ay maghatid ng


impormasyon at magbigay ng kuru-kuro at palagay tungkol sa
mahahalagang isyu at pangyayaring nagaganap.

Iba’t –ibang bahagi ng pahayagan

1. Pamukhang pahina – mababasa rito ang mga


pangunahing balita
2. Editoryal – opinyon ng editor o patnugot tungkol sa
isang isyu.
3. Balitang Pambansa – mga pangyayari sa iba’t –ibang
dako ng bansa.
4. Balitang Pandaigdig – mga kaganapan sa labas ng
bansa.
5. Balitang Pangkalakalan – narito ang mga kaganapan sa
negosyo, palitan ng pananalapi, at iba pang kaugnay sa
kalakalan.
6. Pahinang Pang-isports – balitang pampalakasan
7. Pang-aliwan – balitang artista, pelikula, libangan. Pitak-
aliwan o mga palaisipan, krosword, horoscope, komiks,
at seksyon sa penpal.
8. Anunsyo o Klasipikado – impormasyon ukol sa
hanapbuhay, mga serbisyo, mga bagay o produktong
ipinagbibili, at mga pinauupahan.
9. Obitwaryo – anunsyo ukol sa kamatayan ng isang tao
na ibig ipagbigay-alam ng kanyang kamag-anak o
kaibigan. Pitak-panlipunan o mga balita sa mga
pagdiriwang ng kaarawan, kasalan, anibersaryo at
pabalita sa namatay o obitwaryo
10. Ulat sa panahon- impormasyon ukol sa panahon.

Sagutin ang mga sumusunod na bahagi ng pahayagan.


___________1. Gusto ni tatay maghanap ng bagong
trabaho.
4.5 Paglalapat
___________2. Mahilig si tatay magbabasa ng opinion
(10 minuto)
tungkol sa druga.
___________3. Gusto malaman ni nanay ukol sa
kamatayan ng Arsobispo dito sa Cebu.

5. Pagtataya (10 minuto)

Punan ng wastong bahagi ng pahayagan ng mga sumusunod.


_______________1. Anunsyo ukol sa kamatayan ng isang tao na
ibig ipagbigay-alam ng kanyang kamag-anak o kaibigan.
Pitak-panlipunan o mga balita sa mga pagdiriwang ng
kaarawan, kasalan, anibersaryo at pabalita sa namatay o
obitwary.
_________________2. Impormasyon ukol sa hanapbuhay, mga
serbisyo, mga bagay o produktong ipinagbibili, at mga
pinauupahan.
_________________3. Balitang artista, pelikula, libangan. Pitak-
aliwan o mga palaisipan, krosword, horoscope, komiks, at
seksyon sa penpal.
_________________4. Narito ang mga kaganapan sa negosyo,
palitan ng pananalapi, at iba pang kaugnay sa kalakalan.
_________________5. Mga kaganapan sa labas ng bansa.
_________________6. Mga pangyayari sa iba’t –ibang dako ng
bansa.
_________________7. Opinyon ng editor o patnugot tungkol sa
isang isyu.
_________________8. Mababasa rito ang mga pangunahing balita.

6. Takdang-aralin (3minuto)

Ibigay ang seksyn o bahagi ng pahayagang babasahin kung nais malaman ang
tungkol sa mga sumusunod:

1. Malaking sakuna o bahagi na naganap ng nakaraang araw.


2. Ibig mong malaman kung ano ang ipinalalabas na pelikula sa paborito
mong sinehan.
3. Nais mong malaman ang palagay ng editor sa mahalagang isyu.
4. Mahilig kang sumagot sa krosword.
5. Ibig mong malaman ang horoscope mo para sa araw na ito.

Name:GLACE ANNE T. WENCESLAO School: DANASAN ELEMENTARY


SCHOOL

Position/Designation: TEACHER I Division:DANAO CITY DIVISION

Contact Number: 09234589195 E-mail Address/Facebook Account:

You might also like