Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

2 Filipino

Ikalawang Markahan-Modyul 6

Pagpapahayag ang Sariling


Ideya/Damdamin o Reaksyon

Panimula
Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa
batang katulad mo na nasa ikalawang baiting upang
maipapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon
tungkol sa napakinggan/ nabasang kwento, alamat,
tugma o tula. Ang mga gawaing matatagpuan dito ay
inaasahang makatulong sa iyo upang lubos na
maunawaan ang aralin.

Ang modyul ay naglalaman ng:

1.Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o


reaksyon sa napakinggan/nabasang
F2-PS-lg 6.1

a. kuwento
b. alamat
c. tugma
d. tekstong pang-impormasyon

2.Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng damdamin o


reaksyon
(Hal. Pagkatuwa, pagkagalit,

pagkalungkot) Nakikilala ang mga salitang

magkakasintunog

1
Paunang Pagtataya
Panuto: Ibigay ang damdaming ipinahahayag sa bawat
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A.nagalit D. natakot
B. nagulat E. natuwa
C.nalungkot

____1. Itay, may ahas sa kusina!

____ 2. Kailan ko kaya ulit makikita si Inay!

____ 3. Ay! Hindi ka man lang kumatok.

____ 4. Yehey! Bukas ay pupunta kami sa Zoo.

____ 5. Jimmy! Puro ka laro.Mag-aral ka ng iyong


mga leksyon.

2
Pag-aralan
Ang mga pangungusap ay maaaring nagpapahayag ng
iba’t-ibang damdamin tulad ng lungkot, tuwa, inis, takot,
galit, panghihinayang at iba pa.

Halimbawa:

1. Nalungkot si Ana sa pagkamatay ng kanyang aso.

2. Ang mga mag-aaral ay natuwa dahil nanalo sila


sa paligsahan.

3. Nagalit ang guro nang nabasag ni Mario ang


kanyang plorera.

B. Matutukoy ang mga salitang mag- kakasintunog


kung mag kapareho ang huling tunog.
Hal. lola – bola suso – paso
atis – batis talangka - palaka

3
Mga Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang
mga tanong kaugnay dito. Isulat ang titk ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Ang Magkaibigan
Sina Ben at Lino ay magkaibigan. Isang araw
nagkita sila sa palaruan. Dala-dala ni Lino ang laruang
padala ng kanyang ama. Pakinggan natin ang kanilang
usapan.

Ben: Wow! Ang ganda naman ng laruan


mo! Lino: Padala ito sa akin ni Tatay.
Ben: Bakit parang hindi ka masaya? Sabihin mo sa
akin at ako’y makikinig.
Lino: Gusto ko kasing makita si Tatay. Sa isang taon
makauuwi. Palagi naming siyang niisip at
ipinagdarasal.
Ben: Malungkot ka pala. Halika at paglaruan nalang
natin ang mga maliliit na kotseng iyan. Tingnan
natin kung alin kotseng iyan ang pinaka mabilis.
Lino: Sige, iyo na ang kotseng pula at akin ang
kotseng asul.
Nag kaunahan sa pagkarera ng kotse ang mga
bata.
Ben: Hayan, masaya ka na.
Lino: Oo, mag-unahan tayo sa pagkarera ng
kotse. Ben: Yehey! Tiyak na mananalo ako.
4
1. Sino ang magkakaibigan?
A.Ben at Lino
B. Beng at Luke
C. Mark at Rey

2. Ano ang nagging damdamin ni Ben ng sabihin


niyang, Wow! ang ganda naman ng laruan mo.
A.nainis
B. nalungkot
C.nagsaya

3. Bakit kaya parang hindi masaya si Lino sa padala


ng kanyang Tatay?
A.Galit siya dahil umalis ang kayang Tatay. B.
Masaya siya dahil nasa malayo ang kayang
Tatay.
C.Nalungkot siya dahil hindi pa umuuwi ang
kanyang Tatay.
4. Kung ikaw si Lino, ano kaya ang iyong
mararamdaman kung nasa malayo ang iyong
Tatay?
A.magugulat
B. malulungkot
C.magsasaya

5. Sa palagay mo ba, masaya ang pamilya kung


nasa malayo ang Tatay?
A.hindi
B. maaari
C.Oo
5

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A. Piliin ang
salitang kasing tunog sa Hanay B. Isulat ang titk ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. bata (baso, beke, tuta) 2. abogado (abaka,
abokado, doktor) 3. palaka (talangka, kalapati,
aso) 4. nanay (nars, tinapay, tubero) 5. laso (baso,
lata, baro)

Gawain 3
Panuto: Bilugan ang letrang nagsasaad ng tamang
damdamin ayon sa salitang may salunguhit. Isulat ang
titk ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas. “Ay,


kabayo!”
a. lungkot
b.pagkabigla
c. panghihinayang

2. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may


ibang gumamit ng kanyang damit.
a. nainis
b. nagalit
c. natuwa

6
3. “Naku, kinikilabutan at naninindig ang aking
balahibo!” Anong lugar kaya ito?
a.pagkagulat
b.pagkabigla
c. pagkatakot

4. “Aha! Diyan ka lang pala nagtatago”. Ikaw na ang


bagong taya.
a.pagkainis
b.pagkagulat
c. pagkatuwa

5. Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga ang


nanay sa paligsahan.
a.pagkalungkot
b.pagkabigla
c. pagkatuwa

7
Repleksyon
Panuto: Punan ang tsart 3-2-1 ng iyong mga natutunan
sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…

bagay aking interes…


3 na natutunan
1. ___________________________

2. ___________________________

____

bagay na 2
Bagay na nakapagpalito… 3.
nakapukaw ng interes ___________________________
Kailangan ko pang
matutunan ang……

nakapalito
bagay na 1
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________

Mga bagay nakapukaw ng


____________ 1.
____________________________

Pagtatapos na Pagtataya
Panuto: Ibigay ang damdaming ipinahahayag sa bawat
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A.nagalit D. natakot
B. nagulat E. natuwa
C.nalungkot

____1. Ay! Hindi ka man lang kumatok.

____ 2. Kailan ko kaya ulit makikita si Inay!

____ 3. Jimmy! Puro ka laro.Mag-aral ka ng iyong


mga leksyon.

____ 4. Yehey! Bukas ay pupunta kami sa Zoo.

____ 5. Itay, may ahas sa kusina!


9

Susi ng Pagwawasto

D 5.
E 4.
A 3.
C 2.
B 1.
Pagtatapos na Pagtataya

C 5.
B 4.
C 3.
B 2.
B 1.

Gawain 3:

Baso 5.
Tinapay 4.
Baka 3.
Abukado 2.
Tuta 1.
Gawain 2:

A 5.
B 4.
C 3.
C 2.
A 1.
Gawain 1:
Gawaing Pagkatuto:

A 5.
E 4.
B 3.
C 2.
D 1.
Pasiunang Pagtataya:

10
Mga Sanggunian
Aklat:

Garcia, N., Aligante,J.,Ola,M., Cruz,A.,PadallaM.,Alburo,G. & Cruz,E., 2013. Ang Bagong


Pinoy Filipino 2: Kagamitan ng mag aaral. Pasig City, Philippines: DepEd-Instructional
Materials Council Secretariat.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Analyn Beberino Borja
Editor : Elena S. Boquilon
Tagasuri : Filipina F. Meehleib, Lalaine F. Macalolot,
Ellen B. Espuerta, Sharon A. Maca
Tagalapat : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Filipina F. Meehleib

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod


Surigao Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931 E-mail Address


: surigao.city@deped.gov.ph

11

You might also like