Pagsasalaysay: Katangian NG Mahusay Na Pagsasalaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagsasalaysay

Ang pagsasalaysay ay isang sining na labis na kinagigiliwang gamitin sa pang-


araw-araw na pakikipagtalastasan. Ito ay binubuo ng mga pangyayari o karanasan na
nagsasabi kung ano ang nangyari, kailan nangyari o sino ang mga sangkot.
Isinasalaysay dito ang mga pangyayari na maaaring gumamit ng kronolohikal o
“flashback” na istilo sa pagsasalaysay. Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid
ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay. Ito ay
nag-uulat o nagkukuwento ng mga pangyayaring naranasan, narinig o nabalitan. Ito ay
nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkakaugnay upang makapaglinaw ng
isang ideya o kaisipan, damdamin o kaya’y impresyon.

Sa pagsasalaysay, hindi mawawala ang mga tauhang gumaganap, ang


sitwasyong kinasasangkutan ng mga tauhan, ang pook na pinangyarihan at ang
panahon ng pagkaganap ng mga pangyayaring ikinuwento. Karaniwang ikinukwento
natin ang tungkol sa isang pook na pinaggaganapan ng maraming makabuluhang
tagpo. Ginagamit natin ang mga salitang nagbibigay-buhay at nagpapadama sa mga
isinasalaysay natin na siyang gumigisang at pumukaw sa ating gun-iguni.

Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng


pagpapahayag. Ibinibilang itong pinakamatandang uri ng pagpapahayag na nagsimula
sa mga alamat, epiko at kuwentong bayan. Bilang karagdagan, ang pasalaysay ay
isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan na naganap sa nakaraan o
maging sa kasalukuyang pangyayari. Nagpapahayag ng mga magkakaugnay na
pangyayaring may tiyak na pinagmulan tungo sa isang tiyak na makabuluhang
pangwakas. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na maibahagi
ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanilang buhay at maging ng iba mabuti man o
masama upang maipabatid ito sa ibang tao.

Sa pagsasalaysay, marapat lamang na isaalang–alang ang pagkakasunod-


sunod ng mga kaisipan, kung hindi ay magdudulot ito ng pagkalito ng mambabasa o
tagapakinig. Mahalagang isaalang-alang din ang mga panimula, panggitna o
pangwakas na mga bahagi sa pagsasalaysay. Maari ring gamitin ang mga unang
panauhan o ikatlong panauhan sa pagkukuwento. Mayroong manunulat na detalyado
ang pagsulat ng sanaysay, samantalang mayroon namang di lahat ng impormasyon ay
ibinibigay upang papag-isipin ang mga mambabasa o nakikinig ng pangyayari.

Katangian ng Mahusay na Pagsasalaysay


● Maayos at makatawag-pansing pamagat
Taglay nito ang pagiging maikli, kawiliwili, kapana- panabik; may misteryo;
orihinal; hindi katawa-tawa. Kadalasan ang pamagat ng pagsasalaysay ay nakabatay
sa pangalan ng pangunahing tauhan, pook na pinangyarihan, mahahalagang
pangyayari sa salaysay, at iba pang bahagi ng pagsasalaysay.

● May kapana-panabik na paksa


Kinakailangang magkaroon ng paksa na orihinal, hindi pauit-ulit, at
kapana-panabik. Nakapupukaw rin ng interes kung ang paksa, bagaman luma
na, ay nagtataglay ng orihinalidad sa estilo at pamamaraan.

● Angkop ang mga ginagamit na salita at may sumusuportang detalye


Ang mga salitang ginamit ay hindi nakakapagpalito at angkop sa
tema/paksa ng mayroon. May bisa at aktwal na naranasan o nadama ng
bumabasa o nakikinig ang isinalaysay.

● Tamang pagkakasunod ng mga pangyayari


Ang pagsasalaysay ay may tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
upang maganahang makinig o magbasa ang awdyens. Nakakatulong ito upang
maiwasan ang pagkalito at pagkainip ng iyong awdyens.

● May kasukdulan
Ang kasukdulan ng isang mahusay na pagsasalaysay ay nakakaagaw ng
atensyon at nakakabihag ng damdamin ng awdyens.

● Magandang wakas na nakapupukaw ng damdamin


Ang isang magandang wakas ay pinag-iisip ang mambabasa, may
magandang aral na makukuha at hindi nahuhulaan sa simula pa lang.

Elemento ng Pagsasalaysay

1) Tauhan (Characters) - Ito ang mga pangunahing karakter sa kwento. Ang mga
tauhan ay nagbibigay buhay at personalidad sa kwento. Ginagamit nila upang
ipakita ang mga damdamin, kilos, at pangarap ng bawat isa.

Dalawang Pangunahing Tauhan

Sa isang kwento, maaaring mayroong dalawang pangunahing tauhan, at


tinatawag silang "protagonist" at "antagonist."
1. Protagonist (Bida)- Ito ang pangunahing tauhan na karaniwang kinakalinga
ng kwento. Siya ang sentro ng narasyon at ang karakter na naghahangad o
nakakaranas ng pangunahing pagbabago o layunin sa kwento. Ang mga
mambabasa o manonood ay madalas na sumusuporta at nakikilala sa kanyang
karakter.

2. Antagonist (Kontrabida)- Ito naman ang pangunahing tauhan na nagbibigay-


hamon o nagbibigay-kontrahin sa protagonist. Ang antagonist ay maaaring
tumayo bilang balakid sa layunin ng protagonist o syang karakter na nagdadala
ng konflikto sa kwento. Madalas, ang antagonista ay mayroong negatibong papel
o layunin, ngunit hindi laging masama.

2) Tagpuan (Setting) - Ipinapakita nito ang oras at lugar kung saan naganap ang
kwento. Ang tagpuan ay mahalaga para ma-establish ang konteksto ng kwento
at maging bahagi ng pagbuo ng atmospera.

Mga Uri ng Tagpuan

1. Pook (Locational Setting) - Ito ay tumutukoy sa konkretong lokasyon o lugar


kung saan naganap ang kwento. Halimbawa nito ay isang siyudad, nayon,
paaralan, kagubatan, o anumang lokasyon na mahalaga sa kwento.

2. Oras (Temporal Setting) - Ito ay tumutukoy sa panahon o takdang oras kung


kailan naganap ang kwento. Maaaring ito ay nakabase sa kasalukuyan,
nakaraan, o hinaharap. Ang temporal setting ay nagpapakita ng kahalagahan ng
panahon sa kwento.

3. Sosyal na Kalagayan (Social Setting) - Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang


kalagayan ng lipunan o lipunang kinabibilangan ng mga tauhan sa kwento. Ang
social setting ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga ugnayan at kultura ng
mga karakter sa kwento.

4. Klima at Panahon (Climate and Weather) - Ang klima at panahon ay


maaaring magdulot ng epekto sa kwento. Halimbawa, isang kwento na
nagaganap sa gitna ng malupit na bagyo o mainit na tag-init ay maaaring
magdulot ng iba't ibang pag-atake sa mga tauhan.

5. Panloob na Kalagayan (Psychological Setting) - Ito ay tumutukoy sa


emosyonal na kalagayan ng mga tauhan sa kwento. Ang psychological setting ay
nagpapahayag ng kanilang damdamin, iniisip, at takot.
3) Tunggalian- Ito ay tumutukoy sa pangunahing konflikto o suliranin na
kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang sentro ng tensyon at drama sa
pagsasalaysay. Ito ang pumapaksa sa pag-unlad ng kwento at nagbibigay ng
interes sa mga mambabasa o manonood.

May tatlong pangunahing uri ng pakikipagtunggali sa isang kwento o


pagsasalaysay:

1. Tao laban Sa Tao (Character vs. Character) - Ito ang uri ng tunggaliang
kinakaharap ng isa o higit pang tauhan sa kwento. Maaaring ito ay labanang
moral, pisikal, o emosyonal. Halimbawa, isang kontrabida (antagonist) at isang
bida (protagonist) ang nagtutunggalian.

2. Tao laban sa kanyang Sarili (Character vs. Self) - Ito ay tunggalian na


kinakaharap ng isang tauhan laban sa kanyang sariling mga emosyon,
konsiyensya, o personalidad. Ang karakter ay nag-aalala, nag-aatubiling
magdesisyon, o kinakailangang malunasan ang mga personal na conflict.
Halimbawa nito ay isang tauhan na naglalaban-laban sa kanyang takot o pag-
aalinlangan.

3. Tao laban sa Kalikasan o Kapaligiran (Character vs. Nature/Environment)


- Ito ay tunggalian kung saan ang karakter ay naghaharap ng mga likas na
panganib o kalamidad. Maaaring ito ay isang karakter na nagsusumikap na
mabuhay sa kabundukan, sa gitna ng malakas na bagyo, o anumang krisis na
dulot ng kalikasan.

4) Pangyayari- Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa isang


kwento o teksto. Ito ay nagbibigay anyo at estruktura sa kwento, kung saan ito ay
binubuo o sumusunod sa "Plot Diagram"

Mga Nilalaman ng "Plot Diagram":

1. Introduksyon o Eksposisyon/ Paglalahad ng Suliranin- Ito ang simula ng


kwento kung saan ipinapakilala/ ipinapakita ang mga pangunahing tauhan, ang
setting, at ang pangunahing suliranin o tema ng kwento.
2. Pag-unlad ng Kwento (Rising Action)- to ang bahagi ng kwento kung saan
unti-unti nang maging mas komplikado/ kawili-wili ang mga pangyayari. Dito
makikita ang mga hakbang o pag-usbong ng plot.

3. Kasukdulan (Climax)- Ito ang pinakamatinding bahagi ng kwento kung saan


nararating ang pinakamataas na tensyon o labanang pangunahing suliranin. Dito
malalaman ang kahihinatnan ng mga tauhan

4. Kakalasan (Falling Action)- Sa bahaging ito, dito ang pagtatapos ng


kasukdulan at nagsisimula ng magkakaroon ng resolusyon ang mga problema sa
kwento. Nagkakaroon ng kahulugan ang mga pangyayari.

5. Resolusyon- Ito ang pagtatapos ng kwento kung saan nagkakaroon ng


pagsasaayos o pagsasaayos ng mga suliranin o kuwento. Nagbibigay ito ng
kahulugan sa kabuuan ng kwento.
6. Wakas- Ang huling bahagi ng kwento kung saan inilalahad rito ang huling
pahayag o mensahe. Dito nagwawakas ang isang kwento.

5) Punto de Vista (Point of View)- Ito ay tumutukoy sa pananaw o posisyon ng


naroroon o ang mga nagsasalaysay sa kwento. Ito ay nagpapakita kung sino ang
nagsasalaysay, kung paano niya nakikita ang mga pangyayari, at kung paano
niya nauunawaan ang mga karakter at sitwasyon.

Ang Punto de Vista (Point of View) ay binubuo ng tatlong pangunahing


kategorya o mga aspeto:

1. Unang Panauhan- Ang kwentong isinasalaysay mula sa pananaw ng isa sa


mga tauhan sa kwento. Ito ay nakikita sa pamamagitan ng paggamit ng "ako" o
"kami."

2. Pangalawang Panauhan- Ito ay ang uri ng pagsasalaysay kung saan ang


kwento ay tumutukoy sa taong kausap o kinakausap. Iti ay gumagamit ng mga
salitang "ikaw" at "ka".

3. Pangatlong Panauhan- Ang kwento ay isinasalaysay mula sa pananaw ng


isang di-kaugnay na tauhan at walang kaalaman tungkol sa mga iniisip at
nadarama ng mga tauhan. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa taong pinag-
uusapan. Gumagamit ito ng mga salitang "siya" at "kanya".
Mga Paraan sa Pagsulat ng Pasalaysay

I. Hakbang sa Pagsulat ng Salaysay

1. Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.


Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at
may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:

a. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang


damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
b. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
c. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at
hilig ng manunulat.
d. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa
malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito.
kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay
at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
e. Kilalanin ang Mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya
pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga
mambabasa.

2. Pagsusuri ng Paksa –

Diwa – ang mensahe na ipahahatid ng salaysay, ang pagkakabuo ng tauhan

Pananaw o Paningin – anggulo ng pagsasalaysay

a. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng


mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na “AKO”.
b. Ikalawang Panauhan- Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na KA o
IKAW.
c. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng
isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay SIYA.

3. Pagpili ng Detalye

a. Naayon sa kaukulan, kahalagahan, layunin


b. Kaangkupan sa mambabasa

4. Pagpili ng Simula at Wakas – simulan sa paraang makakahikayat sa interes ng


mambabasa at iwasan ang masalimuot na pangwakas.

5. Kapanahunan – iangkop ang mga pangyayari sa panahon na angkop sa salaysay.

II. Mga Anyo ng Salaysay


1. Maikling Kwento - nagdudulot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulang pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng
pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas nakaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng
buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito
ay isulat upang itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay (“Talaan ng Buhay”) - pangyayaring naganap sa buhay ng isang
tao mula simula hanggang kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang
tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
Group 4

Pagsasalaysay

Andal, Jan Rasheed


Gayao, Molaiza
Guiamal, Mohaimen
Ilon, Dannisse Maleiah
Kamid, Alysia

You might also like