Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of San Francisco
Camotes National High School

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


S.Y. 2023-2024
Pangalan:___________________________________________seksyon:__________________________Iskur:________
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik lamang ng tamang sagot.
1. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa walang kamatayang pag-ibig
na humantong sa isang trahedya.
A. Samson at Delilah B. Romeo at Juliet C. Florante at Laura D. Thor at Loki
2. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
A. dula B. talumpati C. tula. D. epiko
3. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng_____________.
A. Marubdob na pag-ibig para sa isat-isa C. Pagtataksil ni Juliet kay Paris
B. Pagsaway sa utos ng kanilang angkan D. Lahat nang nabanggit
4. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
A. magkaaway ang kanilang mga angkan
B. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
C. pakakasal na si Juliet kay Paris
D. wala sa nabanggit
5. Ang may akda ng dulang Romeo at Juliet.
A. Gregorio C. Borlaza B. William Shakespeare. C. Geoffrey Chaucer D. Julius Caesar
6. Anong uri ng panitikan nabibilang ang akdang Romeo at Juliet? A. dula B. nobela C. tula D. epiko
7. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang Romeo at Juliet?
A. Ang pag ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang tawag ng pag ibig.
C. Kapag mahal mo ang isang tao ipaglaban mo.
D. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag ibig.
8. Ito ay isang dulang ang bida ay hahantong sa isang malungkot na wakas o kabiguan.
A. Nobela B. tulang dula C. trahedya D. epiko
9. Anong elemento ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela?
A. banghay B. tagpuan C. tema D. tauhan
10. Ang elementong ito ng nobela ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayari. A. tagpuan B. simbolismo C. tema D. tauhan
11. Akdang pampanitikan na binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng
buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng
mga mambabasa. A. Dula B. tula C. nobela D. maikling kwento
12. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. simbolismo
13. Sa elemento ng nobela, ito ang estilo ng manunulat o awtor?
A. pamamaraan B. simbolismo C. pananalita D. pananaw
14. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Editorial B. talumpati C. sanaysay D. talambuhay
15. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan
ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at mga paglalarawan lamang.
A. Kuwentong bayan B. Maikling Kwento C. Dagli D. Komiks
16. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na____________.
A. Tagaganap B. layon C. pinaglalaanan D. Sanhi
17. Sa pangungusap na, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,” anong pukos ng pandiwa ang may
salungguhit?
A. Ganapan B. pinaglalaanan C. layon D. direksyon
18. Talagang palabasa ang kanyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang _________ na ginamit upang
mapalawak ang pangungusap.
A. Ingklitik B. komplemento C. pang-uri D. pang-abay
19. Si Eric ay nagtatalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang may salungguhit ay______.
A. Tagaganap B. layon C. tagatanggap D. sanhi
20. Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning marunong
umingos sa mga papuri. Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
A. Pagwawangis B. pagtutulad C. pagtatao D. pagmamalabis
21. Si Dilma Rousseff ay ang pinakaunang babaeng pangulo ng bansang ______________.
A. Europe B. Espanya C. Kenya D. Brazil
22. Ano ang tawag sa sanaysay na binibigkas? A. Editorial B. lathalain C. tula D. talumpati
23. Ang mabisang talumpati ay tumutugon sa sumusunod na layunin MALIBAN sa isa.
A. Umunawa B. magturo C. manghikayat D. pumuri
24. Alin sa sumusunod ang panlahat na bahagi ng pangungusap?
A. Ingklitik at paksa B. panaguri at paksa C. panaguri at pang-abay D. pandiwa at paksa
25. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap ng kilos ng pandiwa.
A. Inklitik B. paksa C. komplemento D. pandiwa
26. Saang bansa nagmula ang dagling pinamagatang “Ako Po’y Pitong Taong Gulang”?
A. Carribean B. Europe C. Italy D. Spain
27. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay o walang buhay.
A. simile B. pagtatao C. pagwawangis D. pagmamalabis
28. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag.
A. simile B. pagtutulad C. pagwawangis D. pagmamalabis
29. Uri ng sabayang pagbigkas kung saan nagtataglay ng koryograpi ang pagtatanghal at inaasahang makakagalaw
ang mga tauhang nagsisiganap nang buong laya. A. payak B. walang kilos C. madula D. walang laya
30. Isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at
madamdamin. A. talumpati B. extemporaneous C. sabayang pagbigkas D. tula
Tukuyin kung ano ang paraan na ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap
31. Masayang kumakanta si Marissa habang naghuhugas ng pinggan.
A. pang-abay B. pang-uri C. komplemento D. ingklitik
32. Napakahusay gumuhit ng magandang babaeng iyon.
A. pang-abay B. atribusyon C. komplemento D. ingklitik
33. Marami rin ang nasa Burnham Park upang magpalamig
A. Pariralang lokatibo B. komplementong ganapan C. pang-abay D. paksa
34. Umuwi si Ella at kinuha niya ang kanyang bag na nasa kanilang tahanan.
A. Paksa B. ingklitik C. pandiwa D. layon
35. Maaga pala ang alis ni nanay bukas. A. Paksa B. ingklitik C. pandiwa D. layon
II. Tukuyin kung ano ang tayutay na ginamit sa sumusunod na paglalarawan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
36. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.
37. O buhay! Kay hirap mong unawain.
38. Rosas sa kagandahan si Juharra Marie.
39. Pag-ibig ko sa iyo’y kasing tayog ng mga bituin sa langit.
40. Pasan ko ang daigdig ngayong iniwan kami ni nanay at ni tatay.
III. Para sa bilang 41-50, Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang HINDI TOTOO, kung ang pahayag ay
nagsasaad ng walang katotohanan at isulat naman ang TOTOO, kung ito ay nagsasaad ng katotohanan.
__________41. Ang paksa ng talumpati ay hindi napapanahon kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.
__________42. Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak.
__________43. Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan
ng
pagpapalawak nito.
__________44. Napapalawak ang pangungusap sa mga maliliit na bahagi ng panaguri at paksa.
__________45. Lumaganap ang dagli noong panahon ng himagsikan.
__________46. Sa maikling kwento, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa nobela, iisang pangyayari
lamang ang inilalahad.
__________47. Katangian ng nobela ang maliwanag at maayos na pagsulat nga mga tagpo at kaisipan.
__________48. Ang pagsusuri o rebyu ay walang kinalaman sa nilalaman at estilo ng awtor o may-akda.
__________49. Ang tayutay ay hindi lumalayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kung kaya’t hindi magiging
malalim ang hindi piling-pili ang mga salita rito.
__________50. Isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag.
“ Ang taong may karunungan, di basta-basta malalamangan.”
Inihanda ni:

RESIANE G. NUDALO Iniwasto ni:


Teacher 1
Gng. MELIA E. CUYACOT
Master Teacher I

Susi ng pagwawasto:
1. b
2. a
3. a
4. a
5. b
6. a
7. b
8. c
9. d
10. b
11. c
12. c
13. a
14. c
15. c
16. b
17. a
18. d
19. a
20. b
21. d
22. d
23. a
24. b
25. c
26. a
27. b
28. d
29. c
30. c
31. a
32. b
33. a
34. d
35. b
36. D
37. D
38. B
39. A
40. C
41. HINDI TOTOO
42. TOTOO
43. TOTOO
44. TOTOO
45. TOTOO
46. HINDI TOTOO
47. TOTOO
48. HINDI TOTOO
49. HINDI TOTOO
50. TOTOO

You might also like