Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Lako"

Ang buhay ay talaga namang napakahirap, mayroong manga taong nakagisnan na ang
kahirapan at may mga taong gipit at hirap sa buhay.
Ang kwentong ito ay Galing sa aking kaibigan na aming tinutulungan, siya ay nag
ngangalan na Angelyn , siya ay nakatira sa Sta. Catalina Bata , San Ildefonso,
Bulacan sa gawi ng GK .
Si Angelyn ay maagang gumigising sa umaga upang mag handa ng kanyang mga gamit
pamasok at kanyang kakainin sa tanghalian, siya ay nag lalakad lamang papasok kahit
na umuulan ay hindi ito napipigilang pumasok dahil gusto nya at mahal nya ang pag
aaral.
Siya ay nag lalako ng mga kakanin o mga gamit sa bahay gaya ng door mats at poth
holders , tuwing sabado at linggo siya ay nag bebenta ng mga kakanin. Dahil sa
hindi sapat ang pera ng kanyang magulang upang makabili ng mga gagamitin nila
sapang araw araw. Kaya si angelyn ay nag tatrabaho na kahit bata palang.

Si angelyn ay 11 taong gulang palamang, tanging kanyang tsinelas lamang ang kanyang
panlaban sa araw araw na gawain. Kahit mainit o maulan ang panahon siya ay nag
lalakad upang makapag tinda. Minsan siya ay nakikita sa patubig at siya ay
nangingisda kasama ang kanyang pinsan na lalaki, gano man kalayo ang kanyang
nilalakad ay ayos lang sakanya at ang sabi nya ay "Nasasanay nalang ako kuya
mahirap man pero kakayanin sa hirap ng buhay ngayon kuya ultimo pagkain nalang ang
hirap hirap humanap" talaga namang bakas sa mga mata nya ang pagod at hirap.

Tanging pag lalako lamang ang kaniyang nagiging daan upang siya ay makaipon ng pera
pambaon nya minsan naman daw ay nakakapag tago siya ng pera para sa pansarili
niyang gusto.

Si angelyn ay malakas at malusog na bata , siya din ay mabait, masunurin at


matulungin. Nakakaabot siya sa palengke ng nag lalakad lang tinanong ko siya kung
hindi ba siya nahihirapan o sumasakit ang kanyang paa? Ang tanging sagot nyalang ay
" Kaya to kuya sanay na ako sa ganito".

Nag lako na siya sa palengke at kahit tirik ang araw paulit ulit niyang isinisigaw
" Turon! Turon kayo diyan! ".
Umabot na ang 6 ng hapon at naubos na ang tinda ni angelyn isinabay namin siya
sakay ng trycicle at hinatid namin ito sa kanilang tahanan.
Pagka hatid namin dito ay agad na siyang pinakain at pinatulog maaga paraw kasing
gigising su Angelyn dahil ang kanyang mga magulang ay mag tatrabaho, siya daw ang
nag luluto ng kanilang kakainin.

Talaga namang napakahirap ng buhay kakailanganin natin ng tiyaga at lakas, tanging


tibay ng loob ang ating kasama upang tayo ay makaligtas sa kahirapan.
Ito ang kwento ni Angelyn ang batang mag lalako.

You might also like