Quiz Week 12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

QUIZ: (WEEK 1)

A. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat naman ang Mali kung hindi.

____1. Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam, mangatuwiran at umunawa.

____2. Ang panlabas na pandamdam ay kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang amoy at


panlasa.

____3. Ayon kay San Tomas de Aquino, ang kilos loob ay makatuwirang pagkagusto na naaakit
sa mabuti at lumalayo sa masama.

____4. Ang kilos loob ay kapangyarihan ng tao na pumili at magpasiya.

____5. Ang kabutihan ay katangian ng pagiging mabuti at kahusayang moral.

____6. Panloob na pandamdam at panlabas na pandamdam ang dalawang uri ng pandamdam ng


tao.

____7. Ang tao ay bukod tangi dahil sa kakayahan niyang mag-isip at magpasiya ng mabuti.

____8. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos loob.

____9. Ang halaman, hayop at tao ang nilikha na may buhay.

____10. Tinatawag na obra maestra ang tao dahil nilikha ang tao sa wangis ng Diyos.

B. Panuto: Sumulat ng isang karanasan kung paano ka nagpasiya gamit ang isip at kilos
loob.

QUIZ 2: (WEEK 2)

A. Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang, Isulat ang titik ng pinakaangkop na
sagot sa kuwaderno.
1.Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili?
A. Isip
C. Kalayaan
B. Kilos-Loob
D. Dignidad
2.Patuloy walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ano ang kahulugan ng
pangungusap?
A. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
B. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
C. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
3. Ang tao ay may tungkuling ______________________, ang isip at kilos loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit
4. Nahuli ng gising si Julle sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan.
Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising
nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Julie?
A. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng
kaniyang ina kung siya ay napuyat.
B. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
C. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang
paggising sa kaniya.
D. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa
paggising ng huli.
5. “It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay niya. Ito ang
dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng kodigo. Ayaw niyang umulit ng
taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ano
ang dapat niyang isipin?
A. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan minsan lang dapat ito
ginagawa.

B. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang kung makakatapos siya
ng pag- aaral.
C. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.

D. Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay nakakapasa sa pagsusulit.

B. Panuto: Ngayong ganap mo nang naunawaan ang gamit ng isip at kilos-loob at ang mga
tunguhin ng mga ito, mahalagang suriin kung tugma ba ang iyong ikinikilos o ginagawa gamit
ang mga ito. Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung alam
mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek (/) o ekis (x) sa tapat nito.
Suriin din kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng parehong simbolo. Gabay
mo ang halimbawang ibinigay.

Tungkulin Alam Ginagawa


ko ko
Halimbawa: / x
Pumili ng
musikang
pakikinggan.
Gamitin nang
wasto ang
computer,
internet, at iba
pang gadgets.
Mag-aral nang
mabuti; kahit
walang
pagsusulit
kailangang
magbalik-aral.
Pumasok nang
maaga o sa
takdang oras sa
paaralan.
Gawin at ipasa
sa takdang oras
ang takdang-
aralin at
proyekto ayon sa
iskedyul.
Makiisa sa
paglilinis ng
aming silid
aralan.

ANSWER KEY:

QUIZ 1:

TEST A - TAMA LAHAT ANG SAGOT

TEST B – 5 PUNTOS SA SINULAT NA KARANASAN.

QUIZ 2:

TEST A –

1. B

2. B

3. A

4. A

5. D

TEST B – PERFECT 5 PUNTOS LAHAT

You might also like