G10 Week 3 Day 1 Q3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Panalangin

Aba Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng
lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, ina ng Diyos
Ipanalangin mo
Kaming makasalanan
Ngayon at kung kami mamamatay
BALIK-ARAL
Sino-sino ang mga kilalang
taong nagbigay ng kanilang
anekdota tungkol kay Nelson
Mandela?
Basahin ang isang pahayag na
sinipi ni Nelson Mandela.

“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang


kanyang naiintindihan, papupunta ito sa
kaniyang ulo,
Kapag kinausap mo siya sa wikang
ginagamit niya, mapupunta ito sa kaniyang
Mga Tanong:
o ang pananaw mo sa Bakit kaya niya
ng ito ni Mandela? nasabing sa puso
ang-ayon ka ba o mapupunta ang
alungat ka ba rito? sinabi mo kapag
anag. ginamit mo ang
katutubong wika ng
taong ito?
Apat na Komponent o
Sangkap ng
- Kasanayang
Komunikatibo -
May apat na komponent o sangkap
sa paglinang ng kasanayang
komunikatibo. Partikular na
nakatutulong ang mga ito sa mga
taong nag-aaral ng bagong wika.
Mababasa sa ibaba ang apat na
komponent ng kasanayang
komunikatibo ayon kina Michael
Apat na komponent ng kasanayang
komunikatibo
01 02
Gramatikal Sosyo-lingguwistik

03 04
Diskoral Strategic
Gramatikal
Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit
ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
Mahalagang batid ng nagsasalita ang tuntuning
panggramatika dahil magagamit ang mga ito sa
epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang
pagbigkas, pagbaybay, at maging sa pagbibigay-
kahulugan sa salita. Ang mga tanong na sinasagot ng
komponent na gramatikal ay:
Anong salita ang angkop gamitin?
Paano magagamit nang tama ang mga salita
Sosyo-lingguwistik
Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang magamit ang salitang
naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong
sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Kailangang alam at magamit ang salitang
angkop para sa hinihinging pagkakataon.

Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang


taong mahusay lang magsalita kompara sa
isang katutubong nagsasalita ng wika.
Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring
magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng
magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang
galang, mayabang, o naiiba. Ang mga tanong na sinasagot
ng komponent na sosyo-lingguwistik ay:
Anong salita o parirala ang angkop sa partikular
na lugar at sitwasyon?
Paano maipahahayag nang maayos at hindi
mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang
inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan,
paninindigan, at iba pa?
Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang
taglay ng isang tao sa pamamagitan ng mga
salitang kanyang ginagamit?
Diskorsal
Ang komponent na nagbibigay-
kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at wikang ginagamit sa
pagsulat sa makabuluhang paraan upang
maipabatid ang mensahe at maunawaan
din ang tinatanggap na mensahe.
Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang
salita, pangungusap, o pahayag upang makabuo
ng isang mas malawak at malalim na kahulugan.
Ang tanong na sinasagot ng komponent na
diskorsal ay:
Sa paanong paraan mapagsasama-
sama o mapag-uugnay-ugnay ang mga
salita, parirala, at pangungusap upang
makabuo ng maayos na usapan,
sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at
Strategic
Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit
ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang
maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan
o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga
puwang (gaps) sa komunikasyon.
Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa
bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay
makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na
hudyat tulad ng kumpas ng kamay, senyas, tindig, at
ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang
mensahe.
Maging ang mga katutubong nagsasalita
ng isang wika ay gumagamit din ng strategic
kapag minsang nakalimutan ang tawag sa
isang bagay o nása "dulo na ito ng kanilang
dila" at hindi agad maalala ang tamang salita.
Kilalá rito ang mga Pilipino na madalas
isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o
pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung
nasaan ang isang lugar
Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na
strategic ay:
Paano ko malalaman kung hindi ko palá
naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko
o kung hindi niya naunawaan ang gusto
kong iparating? Ano ang sasabihin o
gagawin ko upang maayos ito?
Paano ko ipahahayag ang aking pananaw
nang hindi mabibigyan ng maling
interpretasyon ang aking sasabihin kung
GAWAIN!
anuto: Buksan ang libro sa pahina 357-358. Tukuyin
ung alin sa mga konponent ng kasanayang
omunikatibo ang ginamit o kailangang gamitin ng mga
uhan sa sumusunod na mga sitwasyon.
ulat ang gramatika, sosyo-lingguwistik, diskorsal, o
rategic sa linya.
Panalangin
Luwalhati sa Ama,
Sa Anak,
At sa Diyos Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una,
Ngayon at magpakailanman
Sa walang hanggan.
Amen.

You might also like