Professional Documents
Culture Documents
Practice Journalism Filipino
Practice Journalism Filipino
Ang pagtatanim ng mga iba't ibang uri ng halaman ay isa sa mga naging matagumpay na
proyekto ng aming paaralan Taguig National High School. Guro, magulang, estudyante,
at maski mga ibang nagtatrabaho sa paaralang ito ay nagtutulungan para ang
maalikabok na amoy na ating nalalanghap ay papalitan na muli ng sariwang hangin.
Ngunit hindi lang dito magaling ang aming paaralang,subalit may mga mahuhusay na
guro na nagtuturo dito at nagbibigay ng
dekalidad na edukasyon sa mga estudyante. Maliban sa kanilang kahusayan sa pag
tuturo mayroon pa silang tinatagong kakayahan nila na linangin ang mga kasanayan ng
mga mag-aaral, lagi silang nagiging gabay at inspirasyon sa katulad kong mag-aaral na
madaling sumuko. Ang pagiging gabay at pagmamalasakit nila ay mas nakakatulong
para mapadali ang ating pag intindi sa bawat aralin na ating tinatalakay.
Dahil sa pagiging matagumpay ng aming paaralan na Taguig National Highschool. Laging
naka-alalay ang pangunahing dahilan kung bakit matagumpay ang aming paaralan na
pinamumunuan ni principal, si Dr. Nelson Quintong. Ipinapakita niya ang isang malakas
na liderato na nagpapatakbo ng isang maayos at organisadong paaralan,dahil sa
kanyang kasipagan at kaayusan sa pag papatakbo mas naging maayos at ma disiplina
ang aming paaralan.
Sa Taguig National Highschool, makikita ninyo na may maayos at perperktong dekalidad
na Edukasyon , Malinis at maaliwalas na kalikasan. Ito ang isa sa magiging daan ng mga
estudyante patungo sa magandang kinabuksan, at pagkaroon ng matatag na pundasyon
sa kanilang sarili't kaisipan at maging mga mamamayang produktibo ng ating lipunan.