Values Catch Up Friday

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GAGAWA NG POP -UP CARD “ BIRTUD NG PASASALAMAT”

ANG BIRTUD

Ang birtud o virtue sa wikang Ingles ay mula sa salitang


Latin na virtus. Binibigyang kahulugan ito ng mga sumusunod
na salita: pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas.
Hindi taglay ng isang tao ang birtud kapag siya sa ay
ipinanganak. Ang pagkakaroon ng birtud ay nalilinang ng
isang tao habang siya nagiging adulto mula sa kaniyang mga
natutunan at karanasan. Malaki ang naitutulong ng birtud sa
isang tao upang laging gumawa ng tamang desisyon.
uri ng birtud:

 intelektuwal na birtud
 moral na birtud

Mga Halimbawa ng Birtud

Moral na Birtud

Mapagmahal Matulungin

Mabait Masipag

Matiisin Matipid

Kagalakan Masayahin

Pananampalataya Maunawain

Kahinahunan Maaalalahanin

Pagpipigil sa sarili Matatag

Mapagbigay Matapat

Kabutihan Maaasahan

Magalang Maawain

Mapagpakumbaba Responsable

Palakaibigan Mapagkatiwalaan

Intelektuwal na Birtud

Katalinuhan Pagiging organisado Mahusay Magbasa

Pag-unawa Makatarungang pag-iisip Mag-analisa ng mga datos

Agham Katapangan Makatarungan

Karunungan Pangangatuwiran Matalas na memorya

Maingat na Paghuhusga Pagtitiyaga Makadiyos

Sining Pagsisikap Kababang loob


Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang sagot ay,
“kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang po ang
wala.”Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang
kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang,
alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino.“Halika anak, at may
ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay
malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento ang ina.Dalawa na lamang araw at
ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na
pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa
kanilang mga guro at kamag-aaral.Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng
kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa
papawirin.Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang lahat
niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala. Paanong di
gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa
kagustuhan ng kanyang bunsong anak.“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang
alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa
kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.”“Nestor,” ang butihing ina
ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo’y dukha. Siya’y di naghihintay ng
alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa
sa ating kalagayan.”Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog.
Siya’y nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili
ng kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip.
May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol.
Ito kaya ay kasiya-siya? Magustuhan kaya ng kanyang guro?Siya’y bumangon. Tinungo ang
munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang
papasko. Pinagbuti niya ang kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at
ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na
siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing.Kinaumagahan siya’y pinukaw
ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa pagpasok.”Si Nestor ay nagmamadaling
nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya nalimutang dalhin ang kanyang papasko
sa kanyang guro.Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang
papasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa kanyang
puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batang nanonood sa Christmas
tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko sa guro.Nakinig siya sa lahat ng
bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya
ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni
Santa Claus ng mga papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa
ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan ang mga
titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.

Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam kay Bb.
Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro. “Nestor, pumarito ka. Ako’y may
sasabihin sa iyo.”“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa
pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala
ay di pangkaraniwan. Iya’y nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.”Namangha si Nestor, di
yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro.
“Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.
Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.“Minamahal kong
Guro:Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga utos.
Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay maging pangunahing mag-aaral
sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo.Nagmamahal, Nestor”

“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang dapat kong
iregalo kay Bb. Padilla.”Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng
anak. Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat
siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.

You might also like