Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sanayan sa Filipino 5

Ikatlong Kwarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagaganap
Nakagagawa ng isang ulat o panayam
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos( Pang-abay na Pamaraan) F5WG-
IIIa-c-6
II. NILALAMAN
Paggamit ng Pang-abay na Pamaraan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: Alab Fil. Manwal ng Guro pp. 114-115
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: Alab Fil. Batayang Akkat pp.124-125
Yunit IIl Aralin 1 Mga Taong Matulungin, Tulong-tulong sa Hangarin
3. Matulungin, Tulong-tulong sa Hangarin
4. Mga pahina sa Teksbuk
5. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
larawan,activity sheet

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Mag bigay ng halimbawa ng pangalan ?
B.Paghahabi sa layunin ng aralin

Bilugan ang Pang-abay na Pamaraan na makikita sa pangungusap.


Dahan-dahang pinupunasan ni Jerico ang
banga.

Tuwang-tuwang iniabot ni Maxine ang


kanyang regalo kay Krystal.

Maayos na inilagay ni Ate ang aking


damit sa lalagyan.
Sabik na isinuot ni Earl ang kanyang
bagong sapatos.

Masayang tinulungan ni Stephen na


tumawid ang kanyang lola.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento . Pagkatapos piliin ang mga pang-abay
na pamaraan na ginamit sa kwento at isulat ito sa inyong sagutang papel.

Ang Gawain ni Rainheart


Si Rainheart ay nakatira sa isang maliit na kubo sa isang nayon. Araw-araw ay
ginagawa niya ang mga gawaing bahay nang masinop. Tahimik niyang nilalabhan ang
mga damit,maayos na niluluto ang mga pagkain,at mabilis niyang nilinis ang kanilang
bahay.

Tanong:
1. Saan nakatira si Rainheart?
2. Ano ang ginagawa niya ara-araw?
3. Paano niya ginagawa ang gawaing bahay?
4. Paano niya labhan ang damit?
5. Paano niya niluluto ang pagkain?
6. Paano niya nililinis ang kanilang bahay?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Sa inyong binasang kwento ay mayroong makikitang mga pang-abay na pamaraan. Ano
ang mga ito?

1. Masinop
2. Tahimik
3. Maayos
4. Mabilis

Itanong:
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang pang-abay na pamaraan ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi ng paraan
kung paano ginagawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na paano.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Pangkatang gawain
Bumuo ng 2 grupo.
Unang pangkat
Isaayos ang mga letra upang makabuo ng salita.
Ikalawang pangkat
Gamitin ang mga salitang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
1. Mabilis
2. Malakas
3. Masipag
4. Dahan-dahan
5. Mabagal

F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)


Paglalapat
Kahunan ang ginamit na pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.
1. Sumigaw nang malakas ang bata.
2. Masarap magluto si Nanay.
3. Magaling gumuhit si Joel.
4. Dahan-dahang inilipat ni Tiya Dory ang plorera sa hardin.
5. Itinali nang mahigpit ni Mika ang sintas ng kanyang sapatos.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bakit mahalagang matutunan kung ano ang gamit ng pang-abay na pamaraan? Ano ang
kahalagahan nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?
H. Paglalahat ng Arallin
Paglalahat
Ano ang Pang-abay na Pamaraan?
Ang pang-abay na pamaraan na tinatawag ding adverb of manner sa wikang Ingles ay
isang uri ng pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong
na paano.
Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o -ng.
Ito ay isa sa tatlong uri ng Pang-abay.

I. Pagtataya ng Aralin
Pagtataya
Kopyahin ang mga pangungusap na nasa ibaba at salungguhitan ang mga pang-abay
na pamaraan.
1. Lumakad nang marahan si Boyet papuntang silid.
2. Sumigaw ako nang malakas sa bundok.
3. Kumain kami nang mabilis upang di maiwan ng school bus.
4. Niyakap ni Nanay ang aming bunso nang mahigpit.
5. Umalis tayo nang maaga para di tayo mahuli sa klase.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Takdang Aralin
Gumupit ng larawan ng lugar na nais mong marating. Sumulat ng 3 pangungusap kung
sa anong pamamaraan mo ito mararating. Salungguhitan ang Pang-abay na Pamaraan
na iyong ginamit.

V.Mga Tala
VI.Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Ma. Rochelle P. Porras Beed 4-A

You might also like