Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sanayan sa Filipino 5

Ikatlong Kwarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagaganap
Nakagagawa ng isang ulat o panayam
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
Paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos( Pang-abay na
Panlunan) F5WG-IIIa-c-6
II. NILALAMAN
Nagagamit ang Pang-abay na Panlunan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: Alab Fil. Manwal ng Guro pp. 114-115
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: Alab Fil. Batayang Akkat pp.126-127
Yunit IIl Aralin 1 Mga Taong Matulungin, Tulong-tulong sa Hangarin
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
larawan, activity sheet

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang Pang-abay na Pamaraan?
B.Paghahabi sa layunin ng aralin

Tanong:
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa unang larawan?
2. Saan naglalaro ang mga bata?
3. Ano ang ginagawa ng bata sa ikalawang larawan?
4. Saan naka upo ang bata sa ikalawang larawan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento . Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong.
Masayang nagkukuwentuhan ang magkakaibigan na sina Rosa, Lucia at
Bianca sa ilalim ng malaking puno ng mangga dahil bakanteng oras p anila.
Halos hidi sila mapaghiwalay dahil palagi silang magkasama. Tuwing rises,
magkasama silang pumupunta sa kantina. Kapag may nakatakdang pagsusulit ,
magkasama rin silang pumupunta sa silid -aklatan . Silang tatlo ay pawang honor
pupils dahil gabi-gabi nag-aaral talaga sila ng kanilang mga leksiyon at matataas
din ang kanilang mga iskor .
Mga Tanong
1. Sino- sino ang magkakaibigan?
2. Saan sila nagkukuwentuhan?
3. Saan sila nag-aaral nang magkasama?
4. Saan sila pumupunta tuwing rises?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Suriun ang mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang TAMA kung ang
salitang may salungguhit ay Pang-abay na Panlunan at MALI naman kung ang
may salungguhit na mga salita ay hindi pang-abay na panlunan.
1. Lumangoy sila sa malaking lawa.
2. Sa Malacañang nakatira ang pangulo ng Pilipinas.
3. Binili ni Ate Rica ang blusang ito sa Divisoria.
4. Isinampay sa bakuran ang mga damit na bagong laba.
5. Sa harap ng simbahan tayo magkita sa Linggo.

Itanong:
Paano mo nalaman na ang may salungguhit ay isang halimbawa nga
Pang-abay na Panlunan?
Ang Pang-abay na Panlunan ay naglalarawan kung saan isinagawa ang
kilos . Sumasagot sa tawag na saan naganap, nagaganap o magaganap ang
pandiwa sa pangungusap.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Ano ang Pang-abay na Panlunan ang ginamit sa pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Nagpunta ang mag-anak sa Boracay upang mag bakasyon.
a. nagpunta
b. mag-anak
c. Boracay
2. Araw-araw na naglalakad papunta sa paaralan si Johanna.
a. paaralan
b. araw-araw
c. naglalakad
3. Ang pamilya Reyes ay tahimik na namumuhay sa probinsya.
a. pamilya Reyes
b. tahimik
c. probinsya
4. Masaya nilang binalik ang libro sa silid-aklatan.
a. silid-aklatan
b. masaya
c. libro
5. Bumaba si Mica nang mabilis sa bus.
a. sa bus
b. si Mica
c. Bumaba
F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)
Bumuo ng apat na grupo.
Una at panglawang pangkat bunuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod.
Sa ilog sa plaza sa Misi sa tindahan sa bahay
Pangatlo at pang abat na grupo salungguhitan ang pang -abay na panlunan sa
mga sumusunod na pangungusap.
1. Palaging naliligo si Kevin sa ilog.
2. Masarap ang tindang suman sa plaza.
3. Malawak ang lupain nina Jose sa Gines.
4. Sariwa at kulay berde ang mga tindang gulay sa tindahan.
5. Mabait ang alaga naming aso sa bahay.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Bakit mahalagang matutunan kung ano ang gamit ng pang-abay na
panlunan? Ano ang kahalagahan nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?
H. Paglalahat ng Aralin
Paglalahat
Ano ang Pang-abay na Panlunan na Panlunan?
Ang Pang-abay na Panlunan ay naglalarawan kung saan isinagawa ang kilos.
Sumasagot sa tawag na saannaganap,nagaganap o magaganap ang pandiwa sa
pangungusap.
I. Pagtataya ng Aralin
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod.
1. Sa bayan
2. Sa Manila
3. Sa bahay
4. Sa labas
5. Sa plaza
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Takdang Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng pang-abay na panlunan.
V.Mga Tala
VI.Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Ma. Rochelle P. Porras Beed 4-A

You might also like