HEALTH 4 LP (AutoRecovered)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lesson plan

Name of Teacher Quarter 4


Learning Area HEALTH Section
Grade Level 4 Time

I. LAYUNIN
(OBJECTIVES)
A. Content Standard Mga Uri ng Kalamidad
B. Performance Standard
C. Learning Competency/ recognizes disasters or emergency situations. (H4IS-IVa-28)
Objectives 1. Maipapaliwanag ang iba't ibang kalamidad
2. Malalaman ang kaibahan ng iba't -ibang kalamidad.
3. Maisasapuso ang pagmamahal sa inang kalikasan.

II. CONTENT Sakuna at Kalamidad,Ating Paghandaan,Buhay ay Mahalaga,Ating Pag-


ingatan.
LEARNING RESOURCES
A. Reference Self-learning Module 4
B. Other Learning
Resources
C. Value Focus Makakalikasan
III. PROCEDURES
A. Preparatory  Prayer
Activity  Greetings
 Attendance
 Reviewing of previous lesson
B. Introductory Pangkatang Gawain: Buuin ang jumbled letter ng bawat grupo. Basahin
Activity ang mga kahulugan nito at hulaan ang salitang nais ipahiwatig.Gupitin
ang bawat jumbled letter at idikit ito sa larawan na ibibigay. Maaring
ipakita o idikit sa pisara ang nabuong salita.

Kahulugan:
Ito ay isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa
kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga
tinatamaan nito. Ilan sa mga halimbawa nito ang bagyo at lindol.

DAIDMALAK (Kalamidad)

C. Activity Tignan ang mga larawan sa pisara. Ang gagawin nyo lang ay ihambing
ang mga larawan sa tamang pangalan o tawag nito. Ano -ano kaya ang
mga kalamidad ang makikita sa pisara?

LINDOL BAHA
BAGYO TSUNAMI

LANDSLIDE PAGPUTOK NG BULKAN

D. Analysis Ano-ano ang nakikita ninyu sa mga larawan?

E. Abstraction Kahulugan ng sakuna at kalamidad

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad.


Ito ay aksidente o mga hindi sinasadyang pangyayari tulad ng pagbaha,
pagguho at pagbitak ng mga lupa, malakas na bagyo, paglindol,
pagkasunog ng mga kabahayan at kagubatan, pagsabog ng bulkan, at
iba pa.
Ang kalamidad ay isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga
proseso sa kalikasan. Ang bagyo, baha, tsunami, tidal wave,lindol,
pagsabog ng bulkan, at pagguho ng lupa ay ilan lang sa mga kalamidad
na nakakatakot at nagdudulot ito ng malaking kapinsalaanan sa buhay
ng tao.
Ang bagyo ay isang uri ng kalamidad, mayroon itong isang pabilog o
spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang
mabigat na ulan na may kasamang kulog at pagkidlat karaniwan daan-
daang kilometro o milya sa diameter ang laki.
Ang landslide o pagguho ay ang pagbaba ng lupa, bato, burak at iba
pang mga bagay mula sa mataas na lugar na sanhi ng laganap na
pagputol ng mga puno sa kagubatan at quarrying.
Ang pagputok ng bulkan ay ang paglabas ng lava sa bukana ng bulkan
na kung saan ay nakakadulot ng pinsala sa kalusugan ng mga tao at
hayop, pinsala sa pananim at mga ari-arian.
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nang-
gagaling sa ilalim ng lupa.
Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na
natatakpan ang lupa, at isang delubyo. Sanhi nito ang ulang rumaragasa
o bumubugso. Flashflood naman ang ibig sabihin ng biglaang pagbaha
na nararanasan sa ating bansa.
Tsunami ay serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa ilalim
ng tubig tulad ng lindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o maliit
na bulalakaw.
F. Generalization Ano-ano ang kahulugan ng kalamidad? Anu -ano ang mga uri ng mga
kalamidad?
Ang pag-abuso ng tao sa kalikasan ang maaarin ring dahilan kung bakit
may kalamidad. Kaya habang maaga pa, sagipin natin at magtulungan
para maibangon muli ang nasirang kalikasan.
G. Application
Tignan ang isang maiksing video clip at hulaan kung anong kalamidad
ang ipinakikita. At pagkatapos sagutan ang mga tanong.

IV. EVALUATION Pagpupuno: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan.


Buuin ang salita sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga
nawawalang titik.
1. May dalang malakas na hangin at ulan __ A__ __O
2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa L__N__O__
5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __ B__ __K__ N

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


V. ASSIGNMENT 1. Ano ang kalamidad na iyong naranasan?
2. Ano ang mga nakakatakot na karanasan mo tungkol sa mga
kalamidad?
3. May kinalaman ba ang tao sa pagkakaroon ng kalamidad?

You might also like