Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

IKAAPAT NA MARKAHAN
SY 2021-2022

I – LAYUNIN:
1. Naibibigay ang kahulugan at katangian ng pagiging produktibong mamamayan
2. Naisasabuhay ang pagiging isang produktibong mamamayan

II – PAKSANG-ARALIN
MGA KATANGIAN NG PRODUKTIBONG MAMAMAYAN
Yunit 4 Aralin 9
Learner’s Material ,pp.382-389/K to 12 – AP4KPB
Integration sa ESP :
Pagiging maka Diyos, mapagmahal, masipag, may pakikipagkapwa ,may magandang
saloobin sa paggawa, malakas at malusog na mamamayan

III – PANIMULA
A. Panalangin
B. Balitaan
C. Balik-aral
D. Pagganyak
1. Ipaskil isa-isa ang mga salita sa pisara
Pagkamasipag Pagka maka- Diyos
Mapagmahal Malakas at malusog na mamamayan
May pakikipagkapuwa Magandang saloobin sa paggawa
Pumapasok sa takdang-oras
2. Papagbigayin ang mga mag-aaral sa mga gawaing naglalarawan sa bawat salita
3. Iugnay sa arali ang mga kasagutan ng mga mag-aaral
E. Paglinang sa Aralin
1. Ilahad ang aralin na nasa slides ng powerpoint. Ipakita ang mga larawan at pag-usapan ang mga ito.
2. Pabuksan ang aklat sa pahina 383...
3. Pagtalakay sa Aralin
F. Pagbuo ng suliranin
1. Sino ang tinatawag na produktibong mamamayan?
2. Anu-ano ang katangian ng produktibong mamamayan?
G. Pagsasanay
1. Ipasagot ang mga gawain sa SAGUTIN at GAWIN MO
H. Paglalahat
Ano ang iyong mga natutunan ngayon?
Ang produktibong mamamamayan ay nakatutulong at kapaki-pakinabang sa kanyang tahanan,
pamayanan at sa bansa.
Ang pagiging produktibong mamamayan ay paraan ng pagtulong at pakikiisa sa pag-unlad
ng bansa.
IV- PAGLALAPAT
Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot

1. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong ka sa pag-unlad ng bansa?
a. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot
b. Kumain ng masusustansyang pagkain
c. Mag ehersisyo kung kalian lang nais gawin
d. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may saloobin sa paggawa?
a. Palaging nagrereklamo sa mga gawain
b. Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho
c. Laging ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay
d. Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika
3. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag-unlad?
a. Laging huli kung pumasok si Juan sa paaralan
b. Palaging tinutuos ni Pepe ang bilang ng oras ng kanyang pagtatrabaho
c. Pinagbubuti ni Helen ang kanyang pagtatrabaho sa opisina kahit walang nakakakita
d. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na trabaho ay di nya agad ito ginagawa
4 . Binigyan kayo ng proyekto ng inyonh guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung paano ito gagawin.
Ano ang iyong gagawin?
a. Ipapagawa ang proyekto sa kapatid
b. Hindi na lang gagawin ang proyekto
c. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang
d. Ipapaulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito
5 Sino sa kanila ang may tamang saloobin sa paggawa?
a. Si Jose na madalas hindi tinatapos ang gawain
b. Si Manuel na maagang pumapasok ngunit maaga ring umuuwi
c. Si Pedro na gumagawa lanag kapag anjan ang manedyer
d. Si Celia na pinago. aaralang mabuti ang gawain upang mapagbuti ito.

V- TAKDANG-ARALIN
Alin sa mga natutunan mo ngayon ang iyong isinasagawa. Magbigay ng limang gawain na ngapapakita na ikaw
ay isang produktibong bata.
1
2
3
4
5
Inihanda ni:
CYNTHIA T. RONAS
Teacher III
Isinumite kina:
JENET A. NOVILLA
Master Teacher 1

JONELL E. ENTILA
Master Teacher

You might also like