PAGGAMIT-NG-ORAS Abbie

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Paaralan San Policarpo National High School Baitang 9


Guro Abigail P. Jao Asignatura ESP
Petsa at Araw Kwarter 3
March 6-7 Miyerkules

I. Layunin
A. Pamantayang Nakikilala ang kahalagahan sa pagtukoy ng sariling paraan ng
Pangnilalaman pamamahala sa paggamit ng oras.
B. Pamantayan sa Nasusuri ang tunay na kahalagahan ng pagmamahal sa paggamt ng
Pagganap oras.
C. Mga Kasanayan sa MELCS: Nasusuri ang tunay na kahalagahan ng pagmamahal sa
Pagkatuto (Isulat ang paggamit ng oras.
code sa bawat
kasanayan) Tiyak na Layunin:
I. Nakakapagpaliwanag ang mag-aaral ng tunay na pamamahala
sa oras.
II. Nakakagawa ang mga mag-aaral ng angkop na kilos upang
maipamalas ang tamang pamamahala sa oras.
III. Naisasapuso ng mga mag-aaral ang mga ankop na kilos sa
pamamahala sa oras
Pagpapahalaga sa Oras

II. Nilalaman MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS


III. KagamitangPanturo
A. Sanggunian Esp 10 Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
 Mga pahina sa Gabay
School Learning Materials – Ikatlong Markahan (SLM) /ADM
ng Guro
 Mga pahina sa
Kagamitang Pang mag- Teksbuk sa Edukasyon sa Pagpapakatao LM p.178-179.
aaral
 Mga pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pp. 162 - 177
 Karagdagang PowerPoint Presentation, mga larawan at panulat.
kagamitan
B. Iba pang kagamitan
panturo

III.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


I. Pagdarasal

Tumayo ang lahat at sabay-sabay tayong manalangin. (Nagdasal ang mga mag-aaral)

II. Pagbati:
“Magandang Umaga sa inyong lahat.” “Magandang Umaga din po Ma’am.”

III. Pagtsek ng Attendance


“Isaad ang katagang binibini kung kayo ay andito.”
IV. Alituntunin
“Naalala n’yo pa ba ang mga alituntunin natin dito sa ating  Bawal mag-ingay
silid-aralan? Anon ga ulit yun?”  Bawal gumamit ng cellphone sa
oras ng klase
 Itaas ang kamay kapag gusting
sumagot o may nais sabihin
 Magbigay respeto sa guro at
kapwa mag-aaral.

“Magaling! Inaasahan kong isaisip at susundin ninyo ang


ating mga alituntunin.
“Opo ma”am”
Naintindihan ba?”
A. Pagbabalik – Aral

 Ano ang napag-usapan sa nakaraang aralin? “Ang paksa na napag-aralan ay


‘Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Wastong paggamit sa Naimpok”

 Bakit mahalagang isabuhay ang sumusunod:

1. Kasipagan “Ang kasipagan ang makakatulong sa


atin sap ag-abot ng magandang
kinabukasan.”
2. Pagpupunyagi “Ang pagpupunyagi ay ang pagtitiyaga at
determinado na makamit ang mithiin sa
buhay.”
3. Pagtitipid “Ang pagtitipid ay nakatutulong upang
mas mapaglaanan natin ang mga bagay
na mas mahalaga.”
4. Wastong paggamit sa Naimpok? “Ang wastong paggamit sa naimpok ay
nakakatulong upang maging manuri sa
paggasta ng perang pinaghirapan”
B. Pagganyak
Panuto: Mayroon ako sa inyong ipapakita na larawan, ang
gagawin niyo ay magbigay kayo ng opinion tungkol dito.

 Ano ang nakita ninyo sa larawan? “Orasan at may salitang ‘Time is gold”

 Ano kaya sa tingin niyo ang ibig sabihin ng ” Ang bawat oras na dumadating sa atin
katagang nakalagay sa larawan? ay mahalaga kaya mas mabuting gawin
ang mga bagay na gusto nating gawin sa
lalong madaling panahon.”
 Sa iyong palagay ano ang mangyayari kung hindi “Masasayang ang buhay na pinagkaloob
natin bigyaang halaga ang bawat araw, minuto at sa atin ng panginoon. Kaya mas maigi
segondo na dumadating sa ating buhay? gamitin natin ang oras sa mga at
importanteng mga bagay.”

Magaling! Kaya bigyan Ninyo ang inyong mga sarili ng


‘Aling Dionisia Clap’ ang inyong mga sarili.

Ngayon naman ay dumako tayo sa ating gagawing


pangkatang gawain.

C. Aktibiti/Pangkatang Gawain
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa sa lima. Pipili ng
sampong lalahok sa laro. Sa bawat sitwasyon na aking
ipapakita gamit ang powerpoint, mayroong tig isang
magrerepresenta sa bawat pangkat. Tukuyin lamang kung
ag ipapakita kong mga gawain angkop o hindi. Upang
lubos na magiging kaaya-ayang laruin ang ating gagawin
pangkatang gawain, ang bawat sasagot na mag-aaral ay
walang ibang sasambiting salita kundi ang tunog ng aso na
‘AW’. Kung sinong unang makaksambit ng salitang `AW`
siyang tatawagin at ang grupo na may malaking puntos
ang siyang panalo.

Naintindihan? “Opo ma’am”

1. Paggawa ng mga Aralin. 1. ANGKOP


2. Pagseselpon. 2. DI ANGKOP
3. Gumala ksama ang barkada. 3. DI ANGKOP
4. Magsimba. 4. ANGKOP
5. Pumasok araw-araw sa eskwela. 5. ANGKOP
6. Mag advance study para sa susunod na Aralin. 6. ANGKOP
7. ANGKOP
7. Maglaan ng sapat na oras para sa mga gawan.
8. DI ANGKOP
8. Maglaro ng Mobile Legends.
9. DI ANGKOP
9. Manuod ng TikTok. 10. DI ANGKOP
10. Mag Facebook mag-hapon.

Mahusay! Kaya bigyan natin ng ‘McDo Clap’ ang


nagwaging pangkat.

Pagsusuri

 Ano ang iyong napansin mula batay sa ating “Tungkol sa mga gawaing madalas
ginawang pangkatang gawain? naming ginagawa.”

 Ano ang napagtanto ninyo mula sa ating ginawang “Napagtanto naming ang kahalagahan sa
gawain? pagiging mapanuri sa paggamit ng oras.”

 Sa tingin niyo ba mahalagang pag-aralan ang “Opo ma’am”


tamang paggamit sa oras?

Magaling! Ngayon may ideya na ba kayo paksang tatalakin


natin ngayon? “Tungkol po sa pamamahala sa paggamit
ng oras”

D. Abstraksyon
Gamit ang powerpoint presentation, itatalakay ng guro ang
‘Pamamahala sa paggamit ng oras’.

Pamamahala sa paggamit ng oras ay tumutukoy sa


kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito
sa paggawa. Ito ay isang tahasang aksiyon ng pagkontrol
sa daming oras na gugugulin sa isang ispesipikong
gawain.

I. Pagtakda ng tunguhin sa paggawa, itinilakay dito


ang SMART.

 Tiyak (Specific) - tiyak ang iyong tunguhin kung


ikaw ay nakasisiguro na ito ang lyong nais na
mangyari sa iyong paggawa.
 Nasusukat (Measurable) - kailangan na ang
isusulat mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya
mong gawin at isakatuparan.
 Naaabot (Attainable) - ang tunguhin mo ay
makatotohanan, maaabot, at mapanghamon.
 Reyalistiko (Realistic) - mahalagang tingnan mo
ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon sa
pangangailangan ng yong kapuwa at timbangin mo
ang mga ito upang makita mo ang higit na
makabubuti.
 Nasusukat sa panahon (Time Bound) - kailangan
na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung
kailan mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin.

II. Pagsimula sa Tamang Oras

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na


pagbabago na walang iba kundi ang gawing, "On Time"
ang "Filipino Time!"

III. Pamamahala sa Pagpabukas-bukas

Ito ay tumutukoy na kung itinutuon mo ang iyong


atension sa paggawa ng ibang bagay sa halip na ituon ito
sa bagay na ayon sa yong prayoridad at sa prayoridad ng
iyong paaralan, organisasyon, o pinagtatrabahuan- ikaw ay
nagpabukas-bukas.

Ayon sa sikolohistang si Clarry Lay, ang pagpabukas-


bukas ay ang puwang (gap) mula sa oras na binabalak
mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng
iyong paggawa. Ang puwang ng oras na ito ay siya na
sanang kukumpleto o tatapos sa bagay na iniiwasan o
ipinagpapaliban mong gawin.
Narito ang mga paraan upang mapagtagumapayan ang
magpabukas-bukas:

1. Tukuyin kung anong mangyayari kung hindi mo


makumpleto ang gawain.
2. Paalalahanan ang iyong sarili na mahalaga ang
mararamdaman ng taong nakatataas sa iyo sa hindi
mo paggawa sa pinapagawa niya sa lyo.
3. Pagpasiyahan ang mga paraan ng pagbibigay mo
ng gantimpala sa iyong sarili kapag makumpleto mo
na ang gawain na ayaw mong gawin.
4. Hilingin sa kasama mo sa paggawa na ipaalaala sa
iyo kung ginagawa mo na ba ang bagay na sinabi
mong gawin. Ito ay isang positibong paggamit ng
"peer pressure."
5. Paalalahanan ang yong sarili na hindi mo
kailangang magustuhan ang gawain upang gawin
mo ito.
6. Planuhin ang yong araw ayon sa kung ano ang
pinakamahalagang mga bagay na kailangan mong
tapusin sa araw na iyon.
7. Unahin ang pinakamadali o pinakamabilis na
gawain upang maramdaman mo ang tuwa na may
natapos ka at magkaroon ng positibong disposisyon
sa kasunod na gawain.
8. 8. Huminging payo sa iba na may kasanayan lalo na
kung hindi mo pa naranasan ang paggawa ng
ganitong gawain.

Mahalagang tandaan mo na hindi lahat na


pagpapaliban sa iyong gawain ay isang pagpabukas-
bukas. Kung iniwan mo ang isang gawain para sa isang
mas importante pang gagawin, hindi ka nagpabukas-
bukas. Ang tawag dito ay pamamahala sa paggamit ng
oras at prayoritisasyon.

Naintindihan ba ang paksang aralin natin ngayong araw?

Ngayon naman ay dumako tayo sa ating pangalawang “Opo ma’am”


gawain.

E. Aplikasyon
Panuto: May ipapasa akong bula, kung sino ang huling
tao na makakahawak ng bola bago mahinto ang kanta ang
siyang tatayo at sasagot sa katanungan. Hangga’t hindi
mahuhulaan ang tamang kasagutan, ang mga mag-aaral
na natatapatan ng bola ay mananatiling nakatayo.

1. Ano ang paksang tinalakay natin ngayon?


2. Ibigay ang kahulugan sa akronym na SMART.
“Pamamahala sa paggamit ng oras”
S – Specific
M – Measurable
A – Attainable
R – Realistic
3. Sino ang sikolohistang nagsabi na ang pagpabukas- T – Time bound
bukas ay ang puwang (gap) mula sa oras na
binabalak mong gawin ang isang bagay at sa
aktuwal na oras ng iyong paggawa? “Clarry Lay”
4. Ilang mga paraan upang mapagtagumpayan ang
magpabukas bukas ang nabanggit kanina?
5. Magbigay ng isa. “Walo”

”Tukuyin kung anong mangyayari kung


E. Pagpapahalaga hindi mo makumpleto ang Gawain.”

a. Ano ang natutunan mo sa aralin natin ngayong


araw?
“Kahalagahan at mga wastong paraan ng
F. Paglalahat paggamit o pamamahala sa ating oras”

a. Paano ninyo pinapahalagahan ang inyong oras?

b. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan na “Ginagamit at nilalaan ito sa angkop at


naidudulot sa inyo sa pag-aral sa paksang tinalakay tamang paraan”
natin ngayon?
(Nakadepende sa sagot ng mag-aaral)

Mahusay! Batid kong marami kayong natutunan sa


paksang tinalakay natin ngayon. Kaya magtungo na tayo
sa ating gagawing ebalwasyon.

IV. Pagtataya ng Aralin


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.

1. "Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao." Ano ang kahulugan nito?
a. Masuwerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.
b. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang
gawin.
c. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkakaloob at ipinagkakatiwala ito
sa kaniya.
d. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya,
ng kaniyang kapuwa at ng bansa.
2. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras
sa anumang aspekto?
a. Pamamahala ng oras
b. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay
c. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
d. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
a. Mapabibilis ang paggawa
b. Magkakaroon ng sense of achievement
c. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa
d. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
4. Si Allen ay nagsisikap na gawing "On time" ang "Filipino time." Alin sa sumusunod
niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawing ito.
c. Hindi siya nahuhuli sa "Flag Ceremony" kahit malayo ang kanilang bahay.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
5. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?
a. Tutok sa prayoridad
b. May nabuo na tunguhin ng gawain
c. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan
d. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gawin ang talahayan sa ibaba.

Mga dapat gawin sa Pagrarango (Mula sa Dahilan ng pagraranggo.


maghapon pinakamahalaga RANK 1,
(Ilista ang bawat gawain hanggang sa huling
ayon sa kung ano ang mahalaga, RANK 4 o 5,
maisip.) ayon sa dami ng gagawin
sa maghapon.)

Inihanda ni:

Abigail P. Jao
Practice Teacher

Sinuri at pinagtibay:

Mrs. Evangeline Labong


Cooperating Teacher

You might also like