Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pahimakas ni Dr.

Jose Rizal nangagtiis hirap na walang Kung magkagayon ma'y,


kapantay; alintanahin

mga ina naming walang kapalaran na ako sa limot iyong ihabilin


Pinipintuho kong Bayan ay
paalam, na inihihibik ay kapighatian. pagkat himpapawid at ang
panganorin
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mga lansangan mo'y aking
mutyang mahalaga sa dagat Ang mga balo't pinapangulila,
lilibutin.
Silangan,
ang mga bilanggong
Kaluwalhatiang sa ami'y nagsisipagdusa;
pumanaw. Matining na tunog ako sa dinig
dalanginin ko namang kanilang
mo,
makita
ilaw, mga kulay, masamyong
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang kalayaan mong ikagiginhawa.
pabango,
ang liwanag niyang lamlam at
ang ugong at awit, pag hibik ko sa
tahimik,
At kung ang madilim na gabing iyo,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid mapanglaw
pag-asang dalisay ng pananalig
magalaw na sinag at hanging ay lumaganap na doon sa libinga't ko.
hagibis.
tanging mga patay ang
nangaglalamay,
Bayang iniirog, sakit niya ring
Kung sakasakaling bumabang huwag bagabagin ang hirap,
humantong katahimikan.
Katagalugang kong pinakaliliyag,
sa krus ko'y dumapo kahit isang
dinggin mo ang aking
ibon
Ang kanyang hiwaga’y huwag pagpapahimakas;
doon ay bayaan humuning gambalain;
diya'y iwan ko sa ito ang lahat.
hinahon
kaipala'y marinig doon ang
at dalitin niya payapang panahon. taginting,
Ako'y patutungo sa walang
tunog ng gitara't salterio'y
busabos,
magsaliw,
Bayaan ang ningas ng sikat ng
walang umiinis at berdugong
araw ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
hayop;
Ula'y pasingawin noong kainitan,
pananalig doo'y di nakasasalot,
Magbalik sa langit ng buong Kung ang libingan ko'y limot na
si Bathala lamang doo’y haring
dalisay ng lahat
lubos.
Kalakip ng aking pagdaing na at wala ng kurus at batong
hiyaw. mabakas,
Paalam, magulang at mga kapatid
bayaang linangin ng taong
masipag, kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
Bayaang sino man sa katotong
giliw lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat. mga kaibigan bata pang maliit

tangisang maagang sa buhay sa aking tahanan di na masisilip.


pagkitil;
Ang mga buto ko ay bago
kung tungkol sa akin ay may matunaw,
Pag papasalamat at napahinga
manalangin
mauwi sa wala at kusang rin,
Idalangin, bayan, yaring maparam,
paalam estranherang kasuyo ko't
pagkahimbing
alabok na iyong latag ay bayaang aliw,

siya ang bahalang doo'y paalam sa inyo, mga ginigiliw;


Idalanging lahat yaong makipisan.
mamatay ay siyang
nangamatay,
pagkakagupiling!

Pahimakas ni Dr. Jose Rizal Kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.


Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
Lupang iniirog ng sikat ng araw, ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan, liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
Ula'y pasingawin noong kainitan,
Magbalik sa langit ng buong dalisay
Kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
Idalangin, bayan, yaring pagkahimbing
Idalanging lahat yaong nangamatay,
nangagtiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin ko namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang bahalang doo'y makipisan.
Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagkat himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niya ring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iwan ko sa ito ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

You might also like