Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

(tunog pinoy rdio intro sound tract )

Casey: Magandang umaga Philippinas! Ito ang ….. ako nga pla si Casey James Dacanay
Renzcel: Ako naman si Renzcel Ann Fernandez
Rinoah: At akko naman si Rinoah Gemica Subibi
Casey,Renzcel,Rinoah: At ito ang Programang Historya
(tunog pinoy sound track)

Renzcel: Sa umagang ito ibabalita namin kung paano nga ba nagsimula ang pananaw tumgkol sa
mundo.

Noong unang panahon mayroong Dalawang theoryang pinaniniwalaan, ito ang Geocentric at
heliocentric theory. Alamin natin kung ano ito.

Casey: Noong gitnang panahon, ang karamihan sa mga iskolar ay naniniwala sa geocentric theory,
Pinaniniwalaan na ang mundo ang sentro ng solar system, ito ang kanilang paniniwala.

Ang buwan, araw, at mga planeta, sa mundo umiikot,

Ang araw, tila umiikot sa mundo, ito ay teorya na nag mula kay Aristotel, isang pilosopong Griyego.

Ngunit hindi naglaon, ang teoryang ito ay pinalawak ni Ptolemy,

Bukod dito, itinuro rin ng kristyanismo, ang espesyal na turo ng Diyos na malapit sa puso ng tao.

Inilagay ng Diyos ang mundo sa gitna ng kalawakan,

Isang espesyal na lugar na pinagmulan ng buhay.

Rinoah: Noong IsangLibot Limangdaan Apatnaput tatlo,


Hinamon ni Nicolaus Copernicus ang teorya ni Ptolemy na ito'y hindi totoo.

Sa aklat na "On The Revolution Of The Celestial Sphere" inilabas

ang heliocentric theory, mga planeta ang umiikot sa araw, ito ang teorya ni Copernicus.

Ginulat ni Copernicus ang sangkatauhan na hindi lahat ng kanilang kaalaman ay totoo.

Nagbukas ito ng kaisipan, maraming bagay na dapat matutunan,

Rebolusyong siyentipiko, ang pagsisimula ng mga bagong kaalaman.

Renzcel: Mga kabayan alam nyo ba na sa paglipas ng isa’t kalahating siglo, maraming siyentipiko ang
nagtuon sa ideya ni Copernicus. Isa sa kanila si Tycho Brahe, isang astronomo na masusi sa pagmamasid
ng mga planeta. Nagbigay siya ng tamang impormasyon, ngunit namatay bago matapos ang kanyang
gawain.
Tuloy naman ni Johannes Kepler ang trabaho ni Tycho. Si Kepler, isang astrologo at matematiko mula sa
Alemanya, natuklasan na ang mga planeta ay umaikot sa araw sa hugis elipse. Ito ang mahalagang
alituntunin na napatunayan ni Kepler. Sa pamamagitan ng kanyang pagsusuri, na-validate niya ang ideya
ni Copernicus.

Casey: Manga kaibigan, sa ngayon ay ailangan naming magpaalam sa inyo sa maikling sandal para sa
isang commercial break

Manatili sa pagtuklas sa mundo ng astronomiya at ang rebolusyong siyentipiko! Magbabalik tunog pinoy
radio

(Advertisement)

Casey: Muli kami ay nagbabalik, time check (time)

Karagdagang impormasyon mula sa ating mga field reporter

(karagdagang balita sound track)

Gabriel: Magandang Umaga mga kabayan, ako po si Gabriel Radeen Gensis ang inyong field repoter na
kasalukuyang nasa Museo Galileo, na matatagpuan sa Florence, Italy, sa Piazza dei Guidici. Ang museong
ito ay dedikado sa astronomo at siyentipikong si Galileo Galilei. Si Galileo Galilei ay isa ring tauhan sa
pagtuklas sa galaw ng Mundo, halina’t alamin natin ang kanyang kahanga-hangang kwento. isang
Italyanong mahilig sa mga bituin at matematika (sana all mahilig sa matematika). Noong isáng libó’t
anim na daán at siyám, gumawa siya ng sariling teleskopyo upang masuri ang kalangitan. Sinulat niya
ang aklat na "Starry Messenger" noongisáng libó’t anim na daán at siyám.

Sa aklat na ito, ibinahagi ni Galileo ang kanyang mga natuklasan. Sinabi niya na may apat na buwan ang
Jupiter at may madilim na bahagi ang araw. Nabanggit rin niya na ang buwan ay may mga hindi pantay-
pantay na bahagi. Ito ay sumuporta sa ideya ni Copernicus at nag-iba sa paniniwala ni Aristotle.

Dahil sa hindi pagsang-ayon ng Simbahang Katoliko at Protestante, pinagbawalan si Galileo na


suportahan ang ideya ni Copernicus.

(Karagdagang Balita Sound track)

Zyera: Magandang Umaga Mga kabayan, ako po si Zyera Mae Dionga at ako ay kasalukuyang nasa 7
Reece Mews London, England, United kingdom, kung saan matatagpuan ang Museo ni Francis Bacon.
Ngayon ami po ay may esspesyal na panauhin sa may malalim na kaalaman at karanasan sa ating
talakayan. Nais kong ipakilala sa inyo ang ating espesyal na panauhin, si Kian Daniel Herbieto. Siya ay
kilala bilang historian sa museong ito.

Kian: Magandang Umaga po sa inyong lahat, muli, ako po si Kian Daniel Herbieto. Si sir Francis Bacon at
Rene Descartes ay naging parte ng pagtuklas tungkol sa pag galaw ng mundo.
Si Sir Francis Bacon ay nag-udyok sa mga siyentipiko na gamitin ang experimental method o empiricism
sa kanilang pagsusuri. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng pag-aaral sa pamamagitan ng eksperimento
at obserbasyon. Ang kanyang kontribusyon ay nagbigay-daan sa mas sistematisadong paraan ng
pagsasaliksik.

Sa kabilang dako, si René Descartes ay nagdala ng malaking ambag sa pagsasama ng algebra at geometry
sa kanyang analytical geometry. Ipinakita niya ang kahalagahan ng masusing pangangatuwiran sa
pagsusuri. Ang pag-iisip at pag-aanalisa ay mahalagang sukatan ng ating pagkakaroon.

Ang mga ideya nina Bacon at Descartes ay naghatid ng malaking pagbabago sa paraan ng pagsasaliksik
ng mga siyentipiko. Naging mas sistematisado at epektibo ang paraan ng pagsasaliksik. Ang
eksperimento, obserbasyon, at lohika ay naging mga pundasyon ng modernong siyentipikong pagsusuri.

Zyera: Maraming salamat po sa impormasyong iyan, tlga namang naka mamangha ang ating sinaunang
siyentipiko. Muli ako po si Zyera Dionga, nag uulat mula sa London, England United kingdom.

(tunog Pinoy radio sound tarck)

Casey: Maraming salamat zyera Dionga at Gabriel Gensis. Ipagpatuloy natin kung ano nga ba ang tugon
ni Sir. Isaac Newton sa mga teoryang ito, syemre hindi mawawala si Sir. Isaac Newton pag dating sa
usapang siyentipiko.

Sa kalagitnaan ng isanglibot anim na daan , si Newton ay nag-merge ng mga ideya nina


Copernicus, Kepler, at Galileo sa kanyang theory about Motion. Ipinahayag ni Newton ang
konsepto ng "universal gravitation," kung saan lahat ng bagay sa mundo ay naaapektuhan ng
iisang puwersa.

Ito ay parang puwersang gumagalaw sa mga planeta at sa lahat ng bagay sa paligid natin. Noong
isáng libó’t anim na daán at walóng pû’t pitó , inilabas ni Newton ang aklat na "The
Mathematical Principles of Natural Philosophy." Ito ay isa sa mga pinakamahalagang aklat sa
siyensiya. Sa aklat na ito, ipinahayag ni Newton na ang maayos na kaayusan ng ating mundo ay
gawa ng Diyos.

Ipinakita niya ang kahalagahan ng pagsasaliksik at pag-unawa sa mga batas ng kalikasan. Ang
kontribusyon ni Newton ay nagdulot ng malaking pagbabago sa siyensya. Ito ang nagbigay-daan
sa mas malalim na pag-unawa sa mga batas ng kalikasan at nagtulak sa pag-unlad ng mga teorya
at pagsasaliksik sa pisika. Patuloy tayong mangarap, magtanong, at magpursigi sa ating pag-
unlad at pag-unawa sa mundo ng siyensya.

Renzcel: Sa pangkalahatan, ang pagtuklas ng paggalaw ng mundo ay isang kolektibong


pagsisikap ng maraming mga siyentipiko. Ang kanilang mga kontribusyon ay nagbigay-daan sa
mas malalim na pag-unawa sa ating mundo.
Mga kaibigan, . Magpatuloy tayong magsilbing tagapagturo at tagapagdala ng kaalaman sa ating
mga kapwa. Maraming salamat sa inyong pakikinig! Ito po ang inyong lingkod, nagbabahagi ng
kaalaman at inspirasyon sa inyong paglalakbay.Mabuhay tayong lahat!
(sound track)
Casey: Mula sa Tunog Pinoy Radyo iyan po ang mga balita para sa Progamang Histoya.
Renzcel: Ako si Renzcel Ann Fernandez
Rinoah: ako naman si RinoahnSubibi
Casey: at ako naman si Casey James Dacanay
Maraming salamat sa inyong pagsubaybay

Casey,Renzcel,Rinoah: Magandang umaga

You might also like