Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. PILIIN ANG LETRA NG TAMANG SAGOT.

1. Ano ang sistemang magkakabit ng mga dokumento na makukuha sa internet.


A. paggamit ng e-learning B. world wide web www C. Cybernetics D. Hypermedia

2. Ito ay isang uring pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan.


A. paggamit ng e-learning B. world wide web www C. Cybernetics D. Internet

3. Ito ay tumutukoy sa internasyunal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal na nasa iba’t ibang
panig ng mundo.
A. paggamit ng e-learning B. world wide web www C. Cybernetics D. Internet
4. Uri ng komonidad na nasasaklaw ang buong mundo.
A. global village B. hypermedia C. e-learning D. cybernetics

PARA SA AYTEM 5-8


5. Anong termino ng Radio Broadcasting ang tumutukoy sa lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento
na hindi kasama sa mismo ng programa na sunod-sunod na pinapatugtog?
A. Airwaves B. Band C. Clutter D. Queue

6. Anong termino ng radio Broadcasting ang tumutukoy sa midyum na dinadaanan ng signal ng radio o telebisyon na
kilala ring Spectrum?
A. Airwaves B. Band C. Clutter D. Queue

7. Termino ng Radio Broadcasting na isang uri ng wave form signal na deretso at tuwid.
A. analog B. Band C. Queue D. airwaves

8. Anong termino ng Broadcasting na kumakalkula ng oras bago marinig ang boses sa isang kanta upang dugtungan ito
ng kanta.
A. analog B. Band C. Backtiming D. airwaves

9. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na maiayos ang mga
problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa edukasyon. Karapat-dapat lamang na bigyang pugay ang klihim ng
kagawaran. Ano ang layon ng teksto.
A. nagbibigay ng pagkilala B. nagbibigay payo C. nagpapaalala D. nag-uuyam

10. Kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na ang internet ay may negatibong epekto
sa buhay ng kabataan. Ang teksto ay____.
A. nagsusuri B. nagbibigay ng babala C. nanangaral D. nagtatanong

11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang paggamit ng kolokyal na antas ng wika?
A. “Filipino wikang mapagbago, humahasa sa kaalaman mo ngunit bakit tinatalikuran ito?
B. “Oo nga tayo’y nakapaloob parin sa isang hawla, nabuksan na ang pinto ngunit hindi tayo
gumagawa ng paraan para makalaya.”
C. Wika natin ay binuo para magkaisa, ngunit bakit tinatalikuran, tuluyang kinakalimutan at buong pusong pinag-
aaralan ang wika nang dayuhan!
D. “Ikako ang mga bayani ang nagsilbing daan upang tayo’y makalaya sa mga banyaga, ngunit bakit sa
kasalukuyan banyaga ang sinasamba?”

12. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni ermat. Ang salitang may salungguhit ay isang uri ng
salitang___.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. Pambansa

13. Tumabo sa takilya ang Pelikula na I love you, Goodbye. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan na
______.
A. nalugi B. nilangaw C. kumita ng Malaki D. karampot ang kinita
14. Walwalan iyan ang buhay na mayroon si Jane simula ng tumuntong sa kolehiyo. Ano ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita?
A. paggala B. pagbabarkada C. walang Pakialam D. walang Kabuhayan

PARA SA AYTEM 15 -17- Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay positibo pananaw at B kung ito ay negatibo.

A- POSITIBO B - NEGATIBO
15. Kaisa mo ako sa layunin mong mapagbago ang sistemang umiiral sa ating bansa sa kasalukuyan.
16. Hindi totoo yan napakahirap mabuhay sa mundo hindi lahat nakukuha ng madalian kailangan mong kumayod
kalabaw at makipagsabayan para mabuhay hindi ganun kadali ang mabuhay sa ngayon.
17. Hindi ko matanggap ang pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura

1
PARA SA AYTEM 18-22. Anong ugnayang lohikal ang ipinakikita ng pangungusap? Piliin ang tamang LETRA ng sagot.
A. Dahilan at Bunga C. Paraan at Layunin
B. Paraan at Resulta D. Kondisyon at Bunga

18. Kung sila’y ginagabayan ng magulang, hindi sana malilihis ang kanilang landas
19. Dahil sa masamang epekto sa kabataan, bumuo ng mga gabay sa matalinong panonood ang MTRCB.
20. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
21.Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.
22. Nagsisikap siya ng mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay
***
23. Ano ang layunin ng pahayag na; “Baka masolusyunan pa ang kanyang problema.”
A. pag-aalinlangan B. pagbibigay babala C. Pagsalungat D. Pagtanggap

24. Ano ang nakapaloob na saloobin sa pahayag na; Sadyang kahanga-hanga ang kanyang sipag sa pag-aaral.
A. panghihinayang B. pag-aalinlangan C. pagtanggi D. pagsang-ayon

25. Ano ang nakapaloob na saloobin sa pahayag na; Ayaw na niyang magpatuloy sa pag-aaral dahil natanggal sa
trabaho ang kaniyang ina.
A. panghihinayang B. pag-aalinlangan C. pagtanggi D. pagsang-ayon

You might also like