Professional Documents
Culture Documents
Paksa 7 at 8
Paksa 7 at 8
Teoryang Ekspresyunismo
Layunin ng teoryang ito na mas pinapalitaw ang damdamin kaysa sa pisikal na
kaanyuan ng mga karakter. Binibigyang pansin ang mga indibidwal na karakter sa
positibong paniniwala at makatotohanang paglalahad.
Teoryang Modernismo
Layunin ng teoryang ito na maging modernismo o makabagong pananaw na may
radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng
reyalidad ang sining kundi interpretasyon (Kung minsan ay hindi maunawaan, puno
ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan ng bisyon ng mundo.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo o (human existence)
Katangian ng Eksistensyalismo
1. Ang kalayaang pumili ay kasama ng konsistent at responsibilidad.
2. Pinakapromenenteng tema ay ang “pagpili”.
3. Ang kalayaan nitong pumili ay ang pinakakakaibang katangian ng
sangkatauhan.
4. Nauuna ang eksistens bago ang esens.
5. Ang pagpili ay kailangan sa eksistens ng bawat nilalang at hindi ito
matatakasan maging ang hindi pagpili ay isa ring pagpili.