Bulong NG Kahapon, Sigaw NG Bukas (Sanaysay)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Bulong ng Kahapon, Sigaw ng Bukas

ni: Glaydel A. Inahid

I AM AN ACHIEVER. Ito ang taguri sa akin ng High School teacher ko.

Sinabihan pa nga niya ako na hindi naman daw talaga ako matalino, masipag

lang ako. At kahit man ako, nasosorpresa sa lahat ng nangyari sa tanang

buhay ko.

Hindi ako sociable na tao. Sa katunayan, kaunti lang ang kaibigan ko simula

ng magka-isip ako. Hindi ito nagbigay ng pangamba at takot sa akin. Kontento

lang kasi akong mag-isa. Kontentong alam kong may kalaro ako. May

kakwentuhan. May kaharutan.

Hanggang sa may pangyayari na nagbigay baluktot sa aking buhay. Those

painful walks and chapters na ewan ko ba kung paano ko nakayanan.

Napunta pa nga ako sa isang pagamutan. Nagkasakit. Isang sakit na may

kakambal na kahihiyan. Kung paano ko nalagpasan, hanggang ngayon,

napag-iisip ako. Sabi nga ng isa kong kaibigan, malakas daw kasi ang loob

ko.

Binago ng kolehiyo ang lahat sa akin. Iyong pagpihit bigla ng aking

kinagisnang buhay, iyong sakit na 'yon, iyon ang nagdala sa akin sa dalawang

mundo ni sa hinagap ay di ko aakalaing matutuntungan ko. At dalawang salita

ang nakuha ko—respeto at paghanga. Subalit, ang dalawang salitang iyon ay

hindi sa lahat ko nakuha.

Oo, mayroon tayong nag-iisang kapangyarihang buuin ang ating sarili. Kung

anong silbi natin sa lipunan. Sa komunidad na ating kinagagalawan. May mga


bagay na sa tingin ko ay makakatulong sa iba subalit nakakasakit naman pala

sa iba pa. May mga konsiderasyon akong naisasambulat, na maraya naman

sa iba. May mga pagkakamali akong nagagawa, na sa iba'y napaparausan

nilang tama.

Hindi ako perpekto. May madilim ding nakatago sa aking katauhan. Ngunit

ang respetong nakuha ko at paghanga sa ilan ay bunga ng lakas ng loob ko.

Pagtitiwala sa iba. At ang pagbali sa mga iyon ay bunga naman ng mga

paniniwala ko at masasakit na salitang naibato ko sa kanila. Para kaming

nagbabatuhan ng literal na bato. Walang panalo. Parehas talo. Parehas

nasaktan. Parehas agrabyado.

May paborito akong linya. Sinabi ko na 'to noong minsang nagkainitan kami

ng nanay ko. Para akong nasa soap opera: "PAGOD NA AKO..."

Kung mamamatay ako ngayon, pasasalamatan ko pa ang Panginoon

sapagkat hindi naman talaga malakas ang loob ko, mahina rin ako. Tao lang

din naman ako. At siguro sa pagkamatay ko, saka nila makikita ang lahat ng

punto de bista ko. Gayun pa man, marami akong dapat ihingi ng tawad.

Ipagpatawad sa mga panahong nadadala ako ng galit at pagkabulag ng puso.

Hindi man direkta (kasi hindi ako madamdamin na tao), naidadaan ko iyon sa

ibang paraan.

Ngayon, gusto kong makatulog ng mahimbing. Bukas, pagkadilat, iba na ang

laman ng puso at utak ko. At makabalik ako sa panahong, wala silang mga

nasaktan ko. Gusto ko ibalik iyong panahong nagdidirek ako ng isang dula.

Na kahit anong masasamang salita ang sabihin ko, alam nilang sa ikabubuti

nila iyon, sa ikakabuti ng palabas, hindi sa personal na aspeto. Gusto kong


ibalik ung pagkakataong, tapos na ang palabas, maganda ang resulta at lahat

kami ay nakangiti. May luha sa mata. At mas mahalaga ang sayang naipinta

namin sa lahat ng manonood.

At gusto kong bumalik sa siimpleng ako. Na kahit kailan, hindi namamalimos

ng respeto at paghanga. Hindi ako lumaking ganun. Ni hindi tumanim sa

pagkatao ko. Ang alam ko lang, gusto kong mapag-isa. Ayoko ng gulo.

Ako iyon. Ako iyong batang madalas pumapasok ng maaga sa elementarya,

didiretso sa library para basahin ang mga librong, Ang Batang si Rizal at

pabula ni Aesop. Saka ako lalabas ng may ngiti Iagi sa labi. Walang pakialam

kahit kupas na puti kong t-shirt at naninilaw-nilaw pa. Kahit doble ang Iaki ng

sapatos kaysa sa Iaki ng aking paa. At kahit dalawang piso lang ang laman

ng aking bulsa. Ako iyon. Ako iyon. Tama, sana natapos na lamang ang lahat

noong pagkabata ko. Sana.

Namuhay ako kasama ng mga kapatid ko ng kami lang sa bahay. Ang nanay

koy kinakailangan mangamuhan masustehan lang ang aming

pangangailangan. Ang inay ang naging ilaw at haligi ng tahanan. Ang

pagiging magulang ay dapat ituring na sagradong obligasyon. May

namamayani sa kaibuturan ng kaluluwa ng tao na naghihimagsik laban sa

pabayang magulang. Itinanim ng Diyos sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga

magulang ang katotohanan na hindi nila matatakasan ang parusa sa

pagpapabaya sa kanilang responsibilidad na protektahan ang mga bata at

kabataan.

Mahirap.

Ang hirap maging mahirap.


Ngunit ipinahayag ng Banal na Aklat: Siyang bumubukid ng kaniyang lupain

ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga

walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam (Kawikaan 28:19).

Nauunawaan kong nalalayo ang inay sa aming piling, mapatuka lang. Masakit

sa murang edad ang ganitong mga eksena. Uuwi. Paglipas ng ilang oras,

aalis. Paulit-ulit. Puso ko'y laging umiiyak. Luha'y tahimik na umaagos. Pighati

ang laging nararamdaman sa tuwing tanaw ko na lamang ang likod ni inay.

Anong magagawa? Sa murang edad namulat na ang aking musmos na pang-

unawa sa aming kalagayan. Ang kislap ng bituin sa gabi ay sumasalamin sa

aking nararamdaman. Panandilan lang ang aking pagkinang, natatabunan rin

ng sikat ng araw sa umaga at ulap.

Pasan ko man ang problema ng pamilya, 'di ko naman pinabayaan ang

magiging kinabukasan ko. Nagsumikap sa pag-aaral kahit na baon ay

mabilang lang sa daliri. Kahirapan namin damang-dama ko. Dilaw na kanin,

pares ang tuyo na may suka. Hindi naman nito nahahadlangan ang aking

pag-aaral. Kasama sa laging napaparangalan sa skwelahan tuwing

magtatapos ang taon. Naging inspirasyon ang baong nasa dahon ng saging.

Hindi katalinuhan, dala ng sipag lang 'yan.

Sa pag-uwi, bubungad agad ang tambak na hugasin at labahin. Sa musmos

kong edad, natuto ko ng gawin ang lahat ng gawaing pambahay. Nahihirapan

ako, sa maliliit ko ba namang braso bitbit ang tag-isang palangganang

labahin. Napapaisip na lang ako,' sana nandito ang inay'. At manunumbalik

na naman ang sakit na dulot ng aking ama sa pag-iwan niya sa amin. Bakit

may mga lalaking walang takot sa sinumpaan sa altar sa harap ng Diyos.


Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang lalake na ihiwalay ang

kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa

kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinumang mag-

asawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya

(Mateo 5:32).

Hindi man lang inisip ang magiging dulot nito. Namuhay sa dilim. Sinag sa

karimlam kay hirap makamtan. Lalo na ng napariwara ang landas ni kuya.

Napabarkada. Magandang kinabukasan pinigilan. Umuuwing parang wala sa

sarili. Bumubulong-bulong. Sa gabi ay parang isang buwan na dilat na dilat.

Isang alog, katawan mo'y siguradong magiging katulad ng salaming basag.

Hindi lang pala ako ang napinsala sa pagkabuwag ng aming pamilya.

Mundo ko'y papel na gusot. Paano pa maitutuwid kung unti-unting na akong

nauupos na kandila. Hahayaan ko na lamang bang patuloy akong

panghihinaan ng loob? Paano si inay na umaasa sa aking ipagpapatuloy ko

aking pag-aaral?

Naalimpungatan ako isang gabi. Tila may gumagalaw sa aking gilid.

Nadatnan ko ang kamay ng aking kapatid na humahaplos na sa aking braso.

Ako'y nahabag sa nasaksihan. Nandiri bigla. Kinamuhian ang gumawa. Wala

siyang pinagkaiba sa ama kong nagtanggal sa karapatan naming

magkakaroon ng kompletong pamilya. Kung ganito lang din naman, mas

mabuti pang mamatay na lang ako.

Nadepres ako. Dahil sa hindi mapaliwanag na pakiramdam sa nangyari sa

akin,umabot ako sa puntong hindi na mawalay sa aking isip ang ginawa ng

aking kapatid. Nais kong makawala sa kalungkutan at kasakiman ng tao dulot


ng panahong 'di umaayon sa kanila. "Mindful Way Through Depression",

pagpalaya sa iyong sarili mula sa malalang kalungkutan. Nagbigay ang aklat

na ito ng pagpapalagim sa aking nararanasan at mga payo upang makaahon

sa pagkakalunod sa sariling kalumbayan. Ang mga may-akda ng "Mindful

Way through Depression" ay nagpapaliwanag kung paano gumagana ang

pag-iisip upang labanan ang isang negatibong proseso ng pag-iisip at paano

mo ito magamit upang makatulong sa depresyon.

Hanggang ngayon sa kasalukuyan, 'di ko pa rin mawaglit sa isipan ang mga

masasakit na aking pinagdaanan. Tila naging bahagi na ng kalahating buhay

ang madilim na nakaraan sa kasaluyang pagngiti ng panahon sa aking

hinaharap. Alam kong nagiging hadlang ang aking nakaraan sa pagpapatuloy

kong paglaban sa karahasang sinapit mula sa aking ama at kapatid. Waring

isa akong tubig na nakalagay sa buslo. Kailan pa kaya maghihilom ang sakit

na dulot ng kahapon? Gusto ko na ulit makalipad ng walang sugat sa pakpak

na dala.

Isa na ba akong magiting ngayon?

Ang patuloy kong paglaban sa buhay ay may patutunguhan kaya?

Namumuhay ako dito sa mundong walang kasiguraduhan. Ganito nga ata

talaga ang daloy ng buhay ng tao. Patuloy pa ring tatayo kahit na parang

salamin na itinatagpi-tagpi matapos mahulog at mabasag.

Depresyon ang idinulot ng maling desisyon na ginawa ng isa kong

inaasahang tagapagtanggol. Siya na lamang ang aking naging sandigan,


pumalit sa katayuan ni ama. Bakit niya nakayang idapo ang kanyang maugat

na kamay sa akin. Dahil sa druga. Nagbigay kaya ito ng kaginhawaan sa

kanyang pakiramdam? Anong sama ng tama nito sa pag-iisip at pag-uugali ng

tao. Ang dating mapagmahal, mapusok at matigas na ngayon. Sa kanyang

ginawang pagbabago, nagbago rin kaya ang pagmamahal na dati

ipinaramdam niya sa amin sa kabila ng pagkalulong sa ipinagbabawal na

gamot?

Ang mga katanungang ito ang mas lalong gumulo sa aking isip. Lalong

nagpababa sa mga emosyong kumakawala sa akin. Nakakapanghina.

Depresyon.

Ang depresyon ay nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan at mabuting

pangangatawan. Ang mga taong may kapansanan na mayroong depresyon

ay maaaring hindi alagaan ang kanilang sarili. Maaaring hindi sila umiinom ng

sapat na tubig, nangangalaga ng kanilang balat, o pinamamahalaan ang

kanilang diyeta.

Maaari nitong baguhin ang social world. Ang mga kaibigan at pamilya ay

walang kamalayan at maaaring hindi makilala ang mga palatandaan ng

depresyon. Ang mga taong nabubuhay na may depresyon ay nagpupumilit

makahanap ng kasiyahan, tagumpay, o kahulugan.

Ang mga saloobin ng pagpapakamatay ay madalas na nangyayari kapag ang

mga bagay ay nagmumukhang walang pag-asa. Ngunit ayaw ko naman

umabot sa puntong ito dahil takot ako sa hukom ng Diyos sa aking maling

paghawak sa hiniram ko lang na buhay.


Bilang isang indibidwal na kumakatawan sa tugatog ng pagharap sa ilang

problemang pampamilya, pag-aaral, buhay pag-ibig, kaibigan, pagdidiin sa

kakayanan at pagsikil sa kaalaman, ang mga kabataan daw ngayon ay

maihahantulad na rin sa mga taong nasa “asylum” noong taong 1920’s. May

mga ebidensiya rin na naghahayag sa pagpapakamatay ng mga estudyante

dahil na rin sa kapaguran at kawalan ng pag-asa.

Sa inyong palagay, makatarungan bang isipin ang pagkitil sa sarili mong

buhay sa harap lamang ng mga problema? Maituturing pa rin bang pag-asa

ang mga kabataan kung gayon rin lang naman ang ipinapakita nila?

Nagsapin-sapin na ang mga dupikal ng pagod sa kanilang utak at naantala na

rin ang kapasidad nilang tumingin sa lawak ng mga oportunidad o kaya’y

marinig ang batingaw ng pag-asa. Lahat naman ng tao sa mundo ay may

kaakibat na potensiyal ngunit hindi naman nila ito nakikita dahil sa epekto

minsan ng kawalang-loob, pag-iimpluwensiya ng mga katropa o pagdiin ng

mga nakakatanda sa kanila.

Ang aking utak ay punong-puno na ng boses ng kahinaan, pagiging talunan at

kahihiyan; ang anyo ng depresyon ay nagpapakita. Bilang estudyante,

masasabi kong minsan ay gusto ko nang umiyak na lamang sa kadahilanan

na pagod na ako sa sabay-sabay na mga gawain at mga takdang nakalaan

sa akin. Hindi naman kasi natin maitatangging ang tao ay talagang nahahapo

minsan sa kalungkutan at sa sobrang pag-iisip.

Kailangan ko talaga ng tiwala sa sarili.


Paano mo masasabing kaya mo kung sa una palang ay hindi ka na

naniniwala sa iyong kapasidad at kakayanan? Kailangan mong ihanda ang

sarili mo na ang buhay ay hindi laging nakatapat sa maliwanag na anino ng

mga bituin kung hindi minsan ay nakatuon din sa kawasakan ng mga

pagsubok at suliranin. Mahirap mang ituring na ang lahat ng dumadaan sa

ating buhay ay bagyo, aking maihahayag lamang ay dapat tayong matutong

sumabay sa agos ng buhay at tanawin ang mas maganda at matayog na

bukas. Lagi rin nating itatak sa puso’t isipan na lahat ng nangyayari ay may

dahilan.

Laban ko. Dangal ko. Sarili ko. Mamahalin ko.

Sa aking puring napaakan,

Magsisimula akong muli.

Dahil hinding hindi mo makikita ang liwanag kung wala ka namang ginagawa

para sa ikakabuti at ikakaunlad ng iyong buhay. H'wag mong igapos ang

iyong sarili sa mga bagay na wala namang patutunguhan. Buksan ang

bintana at patuluyin mo ang sikat ng araw.

Kasabay ng malakas na kulog at kidlat sa kalangitan ang pagkawasak ng

aking kumpyansa sa sarili na kayang kong lagpasan ang lahat ng pagsubok

na dumating sa aking buhay. Hindi ko lubos maisip na sa isang kulog at kidlat

pala ay biglang maglalahong muli ang aking mga pangarap.

Ang mga masasakit na kahapon ay pilit na gumugunita sa aking isipan na

dama kong sariwang-sariwa pa. "Hindi ba't ibinaon ko na sa limot ang lahat?"

Tanong ng aking damdaming hindi mapakali sa kakaisip kung ano mga


dahilan. "Bakit paulit-ulit nalang?" Pagpapatuloy ko pa, hanggang sa hindi ko

na namalayang unti-unti na palang nahuhulog ang luha sa aking mga mata.

Dahil ba sadyang may mga bagay talaga na hindi kayang limutin lalo na kung

ito ay napaka halaga sa ating buhay? Alam kong may mga panahong hindi ko

naiwasang madapa sa lubak-lubak na daan at naputikan ang ang buo kong

katawan.

Hindi ito ang buhay na pinapangarap ko, hindi ito ang buhay na para sa akin,

at lalong hindi ito ang nakatadhana, ang magdusa.

Kaya't minsan ayokong tingnan ang langit dahil sa makulimlim nitong mga

ulap na alam kong may nagbabadyang hindi magandang mangyayari. Ngunit

kahit anong pilit ang gawin kong pag-iwas ay sadyang nakikita ng aking mga

mata ang kalangitan na tila ba'y nagluluksa katulad ng aking pag-iisa. Hangad

ko lamang ang lumigaya ngunit tila ba kay hirap itong makita. Kailan ko kaya

matatamasa ang ligayang matagal na akong pinaasa?

Gayunpaman umaasa akong sa isang umaga ay liliwanag din ang kalangitan

kasabay ng pagsikat ng araw sa Hilagang Silangan. Dito muli ako magtanim

ng magagandang alaala hanggang sa aking huling hininga. Siguro naman sa

pagkakataong ito dito ko na masilayan ang walang humpay na kasiyahang

aking inaasam-asam, at mga ngiting minsan lang dumapo sa aking labi.

Binubulungan man ng masasakit na kahapon, ang hinaharap naman ay

patuloy akong hinihila upang ipagpatuloy at sikatan ang dilim ng kahapon.

You might also like