Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LATHALAIN Maipagmamalaki ang Husay

ni Marissa M. Pascasio

Iba talaga ang husay ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pagsulat. Dahil sa
kahusayan sa pagsulat hindi lamang mga maiikling kuwento at tula ang kanilang isinusulat
kundi maging sa mga pahayagan ay mababakas natin ang kanilang kahusayan. Maraming
mga Pilipnong manunulat at editor ang nakilala nang dahil sa ambag nilang talino sa ating
pahayagan. Isa na rito si Teodoro M. Kalaw.

Si Teodoro M. Kalaw ay isinilang noong Marso 31, 1884 sa Lipa Batangas. Ang
kanyang mga magulang ay sina Valerio Kalaw at Maria Manguiat. Nag-aral s’ya sa Escuela
Pia Lipa, pagkaraan ay sa Maynila, at sa Lipa muli sa Instituto Rizal. Nagtapos siya ng
Batsilyer sa Arte na may mataas na karangalan sa Liceo De Manila. Nakuha niya ang
kanyang Batsilyer sa Abogasya noong 1905 sa Escuela de Derecho , ang pinakaunang
paaralan ng abogasya sa Filipinas. Nanguna s’ya sa bar exam na may grado na 100
porsiyento. Nagkaroon s’ya ngdalawang anak sa kanyang asawa na si Purificacion Garcia
Villanueva, ang unang Manila Carnival Queen noong 1908.

Siya ay isang nasyonalistang iskolar, mambabatas, mamamahayag, historyador at


mahusay na manunulat ng Pilipinas sa tatlong wika ( Espanyol, Ingles at Filipino).

Noong 1903, nagsimula s’yang magsulat para sa El Renaciemento, ang


nangungunang pahayagan na kritikal sa mga abusadong opisyal sa pamahalaang
Amerikano.

1907, naging pinakabatang patnugot si Kalaw sa pahayaang ito. Ngunit noong


1908, sinakdal siya sa kasong libelo ng kalihim Panloob na si Dean Worcester para sa
pagpapalimbag ng editorial na “Aves de Rapina”. Nagsilbi lamang itong dagdag sa
katanyagan ni Kalaw lalo sa hanay ng mga nasyonalisytang Pilipino.

Sa dami at husay ng kanyang mga isinulat mula 1900 hanggang 1940 binansagan
ang taong ito ng historyador na si Teodoro Agoncillo bilang “Panahon ni Kalaw”.

Bilang mambabatas, nahalal si Kalaw na assemblyman noong 1909 hanggnag


1912. Noong 1920 naman itinalaga s’yang Kalihim Panloob. Hinirang s’ya ng director ng
Pambansang Aklatan, ito ang katungkulang hinawakan n’ya hanggang sa kanyang
kamatayan.

Pumanaw s’ya noong Disyembre 5, 1940 sa edad na 56. Ipinangalan sa kanya ang
dating Calle San Luis na bumabaybay sa isang panig ng Liwasang Rizal ( Luneta Park ) at
kinatitirikan ngayon ng Pambansang Aklatan.

You might also like