Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

A column article for National reading Program

Tulong-sulong

Simula ng mangyari ang pandemya, parang tila ay naurong din ang ating kaalaman sa realidad. Sa
panahon kasing iyon ang ating atensyon ay nasa teknolohiya at hindi na pinagtutuonan ng pansin
ang mga gawain sa paaralan kahit binigyan na tayo ng alternatibo upang makapagpatuloy sa pag-
aaral kahit may pandemyang kinakaharap.

Sa pagbalik klase ng mga mag-aaral sa taong 2022-2023, marami ang nahirapan at nanibago sa loob
ng silid-aralan dahil pagkatapos ng ilang taon sa pananatili sa loob ng bahay, sino ang mag aakalin na
makahalubilo mo muli ang iyong mga dating kaibigan harap-harapan.

Subalit, may mga mag-aaral na matitigas talaga ang ulo. Hindi sumasali sa mga programang
ipinapatupad ng DepEd dahil sobrang kampante na sila sa kanilang kakayahan kaya ang nagiging
resulta ay pati ang mga guro ay nahihirapan din sa kanila.

Ayon sa DepEd Order no. 13 ng 2023, ang “National Learning Recovery Program” ay isinagawa upang
makatulong sa mga mag-aaral na nakakaranas ng learning gap sa kanilang pag-aaral na dahilan ng
nagdaang pandemya. Ito ang magiging kaagapay natin upang mapabuti ang ating pagbasa at
pagbilang ng mga simpleng bagay.

Tayo ay naghahangad ng mabuting kalidad ng edukasyon ngunit paano natin ito makakamit kung
tayo mismong mga mag-aaral ay hindi makikipag-isa sa ginagawang solusyon ng ating gobyerno?
huwag tayong maging mayabang dahil kahit ang mga mas taas sa atin ay nangangailangan din ng
edukasyon. Marahil hindi pa ngayon lubos na maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng mga
simpleng bagay ngunit sa tamang panahon ay mapagtanto din ng bawat mag-aaral.

You might also like