DULA Nako

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I.

A. Akda:
“ANG PULUBI”
Ni: Epifanio G. Matute

May-akda:

Epifanio G. Matute ay isang manunulat ng dulang itinatanghal sa wikang


Filipino. Siya ay isang reporter para sa Mabuhay sa ilalim ng DMHM (debate, Lunes
Mall, Herald, Mabuhay). Siya ay isang editor para sa Sampaguita, Mabuhay, at
Pagsilang. Siya rin ang mag-aambag sa Liwayway at Malaya. Ang kanyang dulang
Kuwentong Kutsero ay ang
kanyang pinaka-tanyag na trabaho, at siya ang naging pangunahing manunulat ng
dulang itinatanghal madula Pilipinas sa ilalim ng direksyon ni Narciso Pimentel, Jr.

B. Sanggunian o Aklat na Pinagkukunan


1.http://ischoollgrominez.wordpress.com/2010/01/10/kwentong-kutsero-ang-pulubi/
2.http://talambuhay
ng manunulat na si Efipanio Matute

II.
Dula: “ANG PULUBI” Ni: Epifanio G. Matute

Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng


magandang araw.

Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “Gandang araw po naman...


May kailangan ho ba kayo?

Pulubi: (Isasahod ang kaliwang kamay) Nagpapalimos po ako... Maawa na kayo sa


pobreng pulubi...

Cruz: Pur bida... Malakas man ang pulubing ito... bata pa...

Junior: Mukha nga namang kelakas-lakas ninyo, Mama...

Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy... Kelakas-lakas ko ngang kumain!

Cruz: Pur bida!... Kung malakas kayong gakaon... Bakit hindi may kayuga
trabahar? Wala man kayung sakit?

Pulubi: (Babaling kay Mr. Cruz).Wala nga po akong sakit.Kaya ako malakas kumain e!
Tony: O, e gano’n pala... bakit hindi kayo magtrabaho?.
Pulubi: E... alam ninyo... Masama po sa akin ang magtrabaho e.
Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?. Aba, bakit ho naman?

Pulubi: pag nagtrabaho po ako... Napapagod po ako e.

Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba namang trabahong hindi nakapapagod?

Pulubi: Alam ko, Totoy... Pero, pag napapagod ako... lalo akong lumalakas kumain!

Cruz: ay pu bida!... Mi katwiran man sya!

Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw... Tamad ka ninyo ang pulubing ito!

Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad... ang gusto ko lang
trabaho...e yong walang ginagawa!

Terya: Walang ginagawa? Aba naku... e meron ho ba namang trabahong.. walang


ginagawa?

Pulubi: Aba meron po, Aling ano... meron po

Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon?

Pulubi: Saan po ho!... sa Kongreso!

Tony: Sa Kongreso?... Aba... marami hong ginagawa ang mga Kongresista!

Pulubi: Wala po... pasyalan lamang sila nang pasyalan...

Cruz: Purbida!... ano naman ang ibig mong sabihin... gapasyal lamang sila?

Pulubi: E, hindi po ba... panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?.
Yon po ang ibig kong trabaho...

Junior: Ayoooon... E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso?

Pulubi: Hindi maaari, Totoy... Hindi ako pwede

Terya: At bakit naman hindi?

Pulubi: Maski naman po ako ganito... honest po ako!... Ayokong manloko!

Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko!


Terya: Aba naku... ano bayan?... Nanghihingi lang ng limos ang tao e... nagtatalo pa
Kayo?
Tony: O bweno Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang pagbabasa)
Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e... wala yata akong barya e...
(Babaling
sa pulubi) Este... tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama?
Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e... komporme ho sa bigas...
Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida... dilikado man sang pulubing itu!
Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko... Maski na ako ganito e... Hindi po
ako
basta-basta pulubi!
Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto
ninyo?
Pulubi: (Babaling kay Tony) Hindi naman ho ako delikado...Maski na...elon-elon na
lang!
Terya: (Pataka)Elon-elon?... Aba, naku... E, Naric! Lang ho ang bigas namin e...!
Pulubi: Naric?... Ay naku... Huwag na ho! Maraming salamat ho.
Junior: Bakit ho?... Anong diperensya ng Naric?
Pulubi: Ay naku, Totoy... Sa tanang buhay ko... hindi pa ako tumitikim ng Naric!
Tony: Bakit ho naman?... Masarap naman ang bigas-Naric... medyo nga lang malagkit...
Pulubi: Hindi ho malagkit... Ma-racket!
Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e... Bigyan na lang ng pera... nang
matapos na ang salitaan!
Terya: O sya hala... Pero... wala akong barya e... (Babalingan si Junior) Meron ka ba
riyan, Junior?
Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?... ay walang laman ang bulsa ko
kundi...
butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?... Abonohan mo muna...

Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e... Teka (Titindig sa pagkaupo at
lalapitan
si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz?
Cruz: Ha?... Ay pur bida... maski saan ga-umpisar... sa akon man ga tapos!

III.
Pagsusuri:

A.Uring Pampanitikan
Ang uring pampanitikan na ginamit ng may-akda sa si Epifanio G.
Matute noong Panahon ng Himagsikan 1896-1900 ay isang dula kung saan
tumutukoy sa isang taong pulubi na walang kaya sa buhay ngunit mayroong
maarteng personalidad.

B.Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng may-akda sa paglalahad ng kanyang akda ay gumamit
siya ng diyalogo sa pagpapalitan ng salita ng bawat tauhan. Hindi rin
masyadong gumamit ng matatalinhagang mga salita ang may-akda.
Samakatuwid, ipinakita rito ng may-akda kung anong uri ng tao ang mga
mananakop noong panahon ng himagsikan na bukod sa mga wala na nga
silang karapatan sa bayan ng mga Pilipino ay nag-iinarte pa. Sa karagdagan,
gumamit ang may-akda ng malalim na ibig pakahulugan sa bawat galaw sa
dula upang ipakita o ipabatid sa mga mambabasa ang klaseng ng tao ang
sumakop sa bansa.

C.Tayutay
* Bigyan po kayo ng magandang araw
Binabati ko po kayo ng magandang araw

*Walang laman ang bulsa ko kundi butas


Walang laman na pera ang bulsa

D.Sariling Reaksyon:

1) Mga Pansin at Puna sa:

a) Istilo ng awtor- Ang istilo ng awtor sa pagsusulat ay ginamitan niya ito


Teoryang Realismo

kung saan ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Sa
karagdagan, padiyalogo ang ginamit na istilo ng may-akda sa pagsulat ng
dulang ito kung saan ang bawat tauhan ay binigyan ng papel na makapagsalita
sa loob ng dula. Mayroon ilang salita na kung saan ang may-akda’y iniba ang
paggamit nito halimbawa; ang salitang “may” ay iniba ng may-akda ang
speling nito sa halip ay “Mi” ang ginamit.

b)Galaw ng Dula-Matapos basahin ang dulang ito’y madali kong naintindihan ang
bawat pahiwatig nito dahil makatotohanan ang galaw nito at hango sa totoong buhay
na kung saan gumamit ng simbolo ang may-akda upang maisaalang-alang ang
kasiningan ng akdang kanyang isinulat. Sa pagpapalawak, hindi masyadong
gumamit ng matatalinhagang salita ang may-akda at wala rin masyadong
ginamit na tayutay ngunit sa pamamagitan ng simbolo’y doon niya pinasining
ang ginawang panitikan. Sa karagdagan, madaling maintindihan ang bawat
diyalogo sa dula na ito sapagkat maayos ang paggamit nito ng bantas kaya
medaling malaman kung anong damdamin ang ipinapakita sa panitikan.

2)Bisang Pampanitikan-

Bisa sa Isip- Matapos na mabasa ang akdang ito’y aking nahinuha na


mayroon palang taong tamad na kung bibigyan mo’y mayroon pang ganang magmalaki
at mag-inarte imbis na magpasalamat sa kung anong ibinigay sa kanya. Sa
pamamagitan ng dulang ito’y aking nalaman na mayroon palang mga tao ang
IV. Kaugnayan sa Lipunan

Ang kaugnayan ng dulang ito sa kasalukuyang lipunan ay; mula rito’y mababasa ng
isang mambabasa na dahil sa sobrang katamaran ay hindi maiwasan ang makatamasa
ng sobrang paghihirap hanggang sa maging tunay na ngang ganap na pulubi ang tao.
Kay dami ng ganitong uri ng kaso na dahil sa ayaw magtrabaho dahil ayaw mapagod,
mas ginugusto pang inaalipusta basta lang mapakain ng tatlong beses sa isang araw
kahit puwedi rin naming magpundar ng sariling hanapbuhay uapng hindi na
mangangailangan ng tulong sa iba. Hindi naman sa hindi tayo hihingi ng tulong sa iba
ngunit nararapat lamang na mayroon itong limitasyon dahil. Sa kabilang dako, mula sa
dula na ito’y mahihinuha ng mga mambabasa na kahit na ang tao’y pulubi lamanng
subalit sa ilalim pala ng panghihingi mayroon siyang itinatagong galing subalit hindi lang
nito mailabas dahil saw ala siyang kakapangyarihan na gawin ito

You might also like