G7 Ap Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa


pagaangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista?

A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil

B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan

C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan

D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira.

2. Bakit itinatag ang League of Nations? Ito ay upang _

A. maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig

B. pigilan ang pagpasok ng mga kaaway

C. mapanatili ang mabuting relasyon sa mga Asyano

D. protektahan ang daigdig

Para sa aytem blg. 3, suriin ang larawan sa ibaba.

3. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop?

A. Ang pagsasaka ay kinokontrol ng mga mananakop.

B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.

C. May kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.

D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.

Para sa aytem na blg.4, suriin ang larawan sa ibaba.

4. Inihahalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng ekonomiyang Asyano sa

gansang lumilipad (flying geese). Ano ang mensaheng ipinahihiwatig nito?

A. Nagkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang Asyano.

B. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.

C. Magkakasabay ang tinatamasa ng pag-unlad ng mga bansang Asyano.

D. May malaking impluwensiya ng mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga bansang Asyano.

5. Ano ang dalawang paraan ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo na ginagamit ng mga Asyano

sa pagkamit ng kalayaan?

A. Imperyalismo at Kolonyalismo B. Civilizing Mission at Ethical Policy

C. Propaganda at Himagsikan D. Reporma at Propaganda

6. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila'y magbuklod at labanan ang mga
dayuhang mananakop.Ano ang tawag nito?

A. Imperyalismo B. Nasyonalismo

C. Komunismo D. Kolonyalismo

7. Napakalaki ng naging epekto ng kolonisasyon sa Asya maliban sa,

A. Pagpapatayo ng mga paaralan

B. Naging pamilihan ng mga hilaw na materyal

C. Pagbibigay ng kasarinlan sa mga bansang Asyano

D. Pagtatatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga mananakop

8. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila at

pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Kastila.

A. Budi Utomo B. Katipunan

C. Kuomintang D. Propaganda

9. Ang Katolisismo sa mga pulo ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay ipinalaganap ng mga;

A. Portuguese

B. Dutch

C. English

D. Hapon

10. Dahil nito naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na ayusin ang populasyon sa mga lungsod
nito;

A. reduccion

B. pueblo

C. barangay

D. siyudad

11. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno

o mga naninirahan sa isang lugar.

A. Divide and rule policy

B. Tributo

C. Monopolyo

D. Polo y Servicio
12. Ano ang naging daan upang magkabuklod-buklod ang mamamayang Asyano?

A. Arkitektura

B. Panitikan

C. Musika

D. Pampalakasan

13. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.

A. Taj Mahal

B. Borobudur

C. Angkor Wat

D. Mosque

14. Ito ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali o ng

ibang mga pisikal na istraktura.

A. arkitektura

B. panitikan

C. musika

D. pampalakasan

15. Ano ang tawag sa bagong paraan ng kolonyalismo na may iba’t ibang anyo at bawat isa ay may

pamamaraan ng pagkontrol sa mga di-maunlad na bansa?

A. Imperyalismo C. Nasyonalismo

B. Neo-kolonyalismo D. Kolonyalismo

16. Alin sa mga epekto ng neo-kolonyalismo na kung saan ang tao ay nag-iisip na lahat ng galing sa mga

dayuhan ay mabuti at magaling?

A. Labis na Pagdepende C. Patuloy na Pang-aalipin

B. Kawalan ng Karangalan D. Wala sa nabanggit

17. “Umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa”, anong epekto ng Neo-kolonyalismo ang

sinasalamin sa pahayag?

A. Independence C. Loss of Pride

B. Continued Enslavement D. Over Dependence

18. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo ng Brahmin,
Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang Caste?

A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin

B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian

C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay

D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura

19. Gaano kahalaga ang Torah sa mga Jew?

A. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito ang pinakasentro ng

pag-aaral ng Judaismo

B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos, kasabihan, at paniniwalang

Islam

C. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan

D. Ang Torah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang kasalanan ng tao at pinakasentro ng

pag- aaral ng Kristiyanismo

20. Naniniwala ang Katolisismo sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos

Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala:

A. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Hudyo at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.

B. Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay.

C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng isang ibon at huhusgahan

ang mga makasalanan

D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan ay mabibiyayaan ng

magandang buhay at karangyaan sa lupa

You might also like