Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

IKATLONG MARKAHAN

MAPPED COMPETENCIES
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIh-i-16)
 Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.

I-LAYUNIN

II. PAKSA
Wika: Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan
Kagamitan: Pantulong na biswal
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

III.PROSESO NG PAGKATUTO
1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
(MAG- BINGO TAYO!)
 Gagawa ang bawat pangkat ng mga pangungusap na nagpapakita ng wastong
pagpapahalaga sa mga magulang gamit ang mga panghalip na nasa sa Bingo Card. Isa
lamang ang hanay na naglalaman ng tamang mga panghalip. Ang unang makagagawa
ng mga pangungusap sa anyong bingo ay siyang mananalo.

Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba ang paggawa ng mga pangungusap gamit ang panghalip? Bakit?
(Multi-structural)
b. Paano ninyo ginamit ang mga panghalip na ito?(Multistructural)

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.


2 .Pokus na Tanong
 Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
 Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.
Paano ginagamit ang mga panandang anaporik at kataporik?

3. Presentasyon

(AWITIN MO!)

Aawitin ng mga mag-aaral ang awiting may kaugnayan sa pagmamahal ng magulang sa


anak na siyang mensahe ng maikling kuwentong tinalakay.
ANAK
(Freddie Aguilar)
https://www.youtube.com/watch?v=aXEiOyi071I

Basahin ang lirika ng awiting pinakinggan.

ANAK
( Freddie Aguilar)
1. Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo at ang kamay nila ang
iyong ilaw. At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin minamasdan pati
pagtulog mo. At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo. At sa
umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.

2. Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw ikaw ay nalulong sa masamang
bisyo. At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha at ang tanong, "anak, ba't
ka nagkaganyan".

ANALISIS
1. Pansinin ang pangungusap bilang isa. Alin ang mga panghalip na ginamit dito? Saan ito
matatagpuan? Ano ang tawag sa pagpapahayag na ang pagtukoy sa isang salita o parirala
ay sa hulihan ng pangungusap?
2. Tingnan naman ang pangungusap bilang dalawa. Alin ang mga panghalip na ginamit
dito? Saan naman ito matatagpuan?
3. Alin ang unang binanggit sa pangungusap bilang dalawa?
4. Ano ang tawag sa pagpapahayag na ang pagtukoy sa isang salita o parirala ay sa
unahan ng pangungusap?
5. Para sa iyo, alin ang higit na mainam gamitin sa pagpapahayag, ang anapora o
katapora? Bakit?
DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang
pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o reperensya.

DALAWANG URI NG PAGPAPATUNGKOL


a. ANAPORA- pagtukoy sa isang salita o parirala na ginagamit sa hulihan ng
pangungusap. Ang salita o pariralang pamalit ay maaaring ginagamit bilang panghalip o
pangngalan.

Halimbawa:
Itinuro ng guro ang aralin niya sa mga estudyante.
Ang mga magulang ang ating ilaw at gabay at sila ang ating karamay sa tuwina.
b. KATAPORA- paggamit ng isang salita o parirala na kadalasan ang panghalip na
binabanggit ay nasa unahan.

Halimbawa:
Ito ang aklat na gusto ko.
Sila ang ating karamay sa tuwina. Ang mga magulang ang ating ilaw at gabay.
Sanggunian: TUDLA I, Rodolfo Flores de Jesus et. al

ABSTRAKSYON
( VENN DIAGRAM!)
Ibibigay ng mga mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga panandang anapora at
katapora sa tulong ng Venn Diagram.

APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay
(SULAT KAY INAY at ITAY!)
Gagawa ang mga mag-aaral ng sulat para sa kanilang mga magulang gamit ang mga
panandang anapora at katapora. Bibigkasin ito sa klase.
EBALWASYON
Isulat ang A kung ang pagpapatungkol ay ANAPORA at B kung ang pagpapatungkol ay
KATAPORA.
1. Isa sa mga pangunahing pinagkikitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay
nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bayan. (Uni-structural)
2. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay ni Andres Bonifacio
hanggang kamatayan. (Uni-structural)
3. Makulay ang kasaysayan ng Pilipinas. Tulad ng ibang kasaysayan ito ay
tigib ng mga kwento ng pagpapakasakit at pakikibaka ng mga Pilipino. (Uni-structural)
4. Si Tanya ay responsible, mabait at masipag kaya gusto siya ng lahat. (Uni-structural)
5. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaninagan ang madilim na daan. Ito ang nagsilbing
gabay nila sa paglalakad. (Uni-structural)

Sagot: 1. A 2. B 3.A 4.A 5.B

IV. KASUNDUAN
Magsaliksik ng iba pang maikling kuwentong may kinalaman sa pagbibigay halaga sa mga
magulang. Basahin ito at ibuod ang mga pangyayari. (Extended Abstract)

INIHANDA NI :
MARY GRACE M. LICUDAN
TIII

NILAGDAAN NI: INAPROBAHAN NI:

EDRIA P. PACANA EDDIE K. VILLAFLORES,EdD


HTIV PII

You might also like