Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Dokumentaryong Pampelikula (Baitang 8)

"MANORO ” (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
“kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na
tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang
nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng
pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at
pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya
ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na
Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang
pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa
mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang
bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa
kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng
pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.
EKSENA 1 :
Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)
(Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo). (Medium Shot sa iba’t
ibang reaksiyon ng mga tao). Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary
School sa Angeles City. Ito’y napakahalagang araw para sa mga katutubong
Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi
magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:
Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?
Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang Sermonya
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-graduate
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to.
Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga
sanggol.
Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan:
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa
isang Intsik sa bayan.
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin
kaming magbasa ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship
na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng
eleksyon.
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid.
Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit
ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang
buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit
na batang naghaharutan at nag-aaway. (Medium close-up shot sa isang
mensaheng nakadikit sa dingding)
"Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”
Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:
Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?
Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.(Sabay ngumiti na ang
mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang
masayang graduation.)
EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga
katutubo
(Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement
area ng mga Aeta) malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at
nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga
kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang
mga ito.
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga
gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo Namalyari.
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang
linggong sumama ang tiyan ni Lolo.”
(sabay hagikhikan ang lahat)
(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon,
binabasa nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang
byahe, maalikabok ang daanan;
(Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng jeep.)
EKSENA 3:
Ang Pangangampanya at ang Komunidad
(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang
nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga
batang katutubo na nagsisipaglaro)
Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, magkakaparehas
lahat ang nakasulat sa papel! (Establishing/Panning Shot sa isang batang
Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay nila)
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang
kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang
mga ito… “ Maayong aga, mam.”)
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo
Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila
mabigat ang pasan-pasan sa likuran)
Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?
Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo) ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita, (Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng
paglalakad si Jonalyn patungo sa tindahan.)
Babaeng Aeta: Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.
(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahagi na bigas.)
Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.
Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa
namang ibahagi ang ani ko sa lahat.
EKSENA 4 :
Sa Tahanan nina Jonalyn
(Sa tahanan nina Jonalyn)
(Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin
ng tinapay ang kaniyang mga kapatid)
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina
Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng
tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na bumibilang ang
maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura)
Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,
tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo ang pagbigkas.
(Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng kaniyang ama si Jonalyn na
nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon)
Mang Edgar : Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV!
(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! (Bumaba sa
puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang
pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng
kaniyang tatay ay tila walang nangyari)
Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.
Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para
makaboto.
Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang
manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon.
Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!
EKSENA 5:
Simula ng isang malayong paglalakad
(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen
form for your job”...
(ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)
(Nagpasalamat ang mga ito.)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at
magsulat.
Jonalyn : O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras
yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng
aplikasyon.
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang
kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena,
ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw
ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang
sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na
tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang
pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung
saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang
ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)
Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!
(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay
nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng
plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang mag-
ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog.
Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang isang
napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon
(Malungkot ang mukha)
EKSENA 6:
Patungo na sa Kabundukan
(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga
tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila
sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig)
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig
ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang
ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang
siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa
isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig
mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri:
“Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit
rin):
“Ako’y nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, “Ako’y nagpaalam kay
nanay Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta”
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok,
nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng
pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta)
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga
dalawang araw na ang nakalilipas.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang
maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at
itinaas ang mga kamay)
Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang
nawawala Sana po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon
Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng
pananghalian!
EKSENA 7:
Ang Pananghalian
(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang
sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang
pananim...)
Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano
magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!”
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo. (Isang
eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang
babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba,
kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan):
Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...
Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna! (
Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng
kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena:
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at
halos magpambuno sila.
EKSENA 8
Araw ng Eleksyon
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin
ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)
Aling Carol : Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo
muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami.
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at
ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya
para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang
magbabantay sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto. (Umalis na ang
mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang
nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit
matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo
mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.)
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan,
kelangang hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga
magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo
dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong iba raw ang
hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang kaniyang ama)

(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa


isang matandang nakaupo.)

Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?

Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.

EKSENA 9

Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni

(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may bahid ng
kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong yaon.)

(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na
ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na sila nakaboto. Naroon ang
mga ilang sundalo at kapulisan na sa akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon.
Ang mga sanggol na katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila
kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak.

Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga
pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga
luha...malayo ang tingin.)

(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa
kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay
nagwika itong:

Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)

EKSENA 10:

Isang Natatanging Pagdiriwang

(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan
ang nahuling baboy-ramo.

Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao”.

(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang


isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang

“Babangon ang Pilipinas”) (Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)

Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.

WAKAS

You might also like