Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino

1. GROUP 1: Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal


 Ayon kay Michael Canale at Merrill Swain, ito ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya(palatunugan), morpolohiya(Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral
ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan), sintaks (sangay
ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga
parirala at pangungusap.), semantika (Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan
ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.), gayundin ang mga tuntuning pang-
ortographiya. Ang elementong ito ay magbibigay kakayahang sa taong nagsasalita upang magamit ang
kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.

GROUP 2. Kakayahang Sosyolingguwistiko


 Ito ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng
isang wika. Iniisa-isa ni Dell Hymes sa kanyang acronym na SPEAKING para sa epektibong
komunikasyon. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso bilang serye ng
usapan sa isang kontesktong kultural.
 Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

S- (Setting) Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
P- (Participant) Ang mga taong nakikipagtalastasan.
E- (Ends) Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.
A- (Act Ang takbo ng usapan
sequence)
K- (Keys) Tono ng pakikipag-usap. Kung ito ay ay pormal o di pormal.
I- Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat.
(Instrumentalities)
N-(Norms) Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
G-(Genre) Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran.

3. GROUP 3 Kakayahang Pandiskurso


 Ito ang kakayahang pagsama-samahin ang mga pangungusap upang makabuo ng iba’t ibang uri ng teksto,
pasalita o pasulat, na may hustong kayarian. Dahil sa kakayahang ito, nagagawa ng tao na makabigkas o
makasulat ng iba’t ibang genre ng diskurso, gaya ng kuwento, tsismis, balita, talumpati, sanaysay, batas,
patalastas, at babala, tula, nobela, at dula.
 Tumutukoy sa kakayahang mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang
pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

4. GROUP 4. Kakayahang Istratedyik


 Ito ay ang natatanging kakayahang tugunan ang nararanasang suliraning pangkomunikasyon upang
maiparating nang malinaw ang talagang nais sabihin o upang kahit paano’y magkaintindihan ang nag-
uusap.
 Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal o di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps)
sa komunikasyon. Makatutulong ang paggamit ng mga di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay,
tindig, ekspresyon ng mukha, at marami pang iba upang maipaabot ang tamang mensahe.
 Pangunahing puhunan dito ang mabilis na pag-iisip at likas na pagiging sensitibo sa mga taong sangkot
sa komunikasyon.
 Ito ay ang kakayahan kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon.
HALIMBAWA:

Halimbawa ng kakayahang lingguwistiko


Dumalaw ang klase sa kamag-aral nilang namatayan ng tatay. Pumanaw ang lalaki dahil sa kanser sa baga
bunga ng talamak na paninigarilyo. Dahil nataong wala ang mismo nilang kaklase, sa nanay na lamang nito o sa
asawa ng yumao ipinaabot ng mga estudyante ang kanilang pakikiramay. Isa sa kanila ang lumapit sa ginang
upang kausapin ito.
ESTUDYANTE (sa masiglang boses): Tita, our condolences po. Alam po naming mahirap ang pinagdaraanan
ninyo ngayon kaya nandito po kami upang makiramay.
GINANG (halata ang lungkot pero sinusubukang ngumiti): Maraming salamat.
ESTUDYANTE: Ano po ba ang ikinamatay ni Tito?
GINANG: Lung Cancer. Medyo malala na nang malaman naming kaya hindi na naagapan.
ESTUDYANTE: Ayan, sigarilyo kasi nang sigarilyo. Alam na nga niyang makakasama sa kaniya, hindi pa
tumigil.
GINANG (Bahagyang natigilan): Oo nga. Hindi kasi siya nakikinig sa akin. Nanliligaw pa lang siya sa akin
dati, sinabi ko na iyan sa kaniya.
ESTUDYANTE: Ganiyan po talaga, sa huli ang pagsisisi. Bantayan ninyo iyong iba ninyong mga anak, ha?
Baka may sumunod pa.
GINANG: ( Hindi umimik)
ESTUDYANTE: Sige po, mauna na kami. Pakisabi na lang p okay Claire na napadaan kami. Ang labo kasi
niyang kausap, sinabi na naming ngayon kami pupunta, ngayon pa siya nag-asikaso ng mga death certificate.
Gudlak na lang po sa libing.

Halimbawa ng kakayahang Sosyolinguwistiko


Dumalaw ang klase sa kamag-aral nilang namatayan ng tatay. Pumanaw ang lalaki dahil sa kanser sa baga
bunga ng talamak na paninigarilyo. Dahil nataong wala ang mismo nilang kaklase, sa nanay na lamang nito o sa
asawa ng yumao ipinaabot ng mga estudyante ang kanilang pakikiramay. Isa sa kanila ang lumapit sa ginang
upang kausapin ito.
ESTUDYANTE (sa masiglang boses): Tita, our condolences po. Alam po naming mahirap ang pinagdaraanan
ninyo ngayon kaya nandito po kami upang makiramay.
GINANG (halata ang lungkot pero sinusubukang ngumiti): Maraming salamat.
ESTUDYANTE: Ano po ba ang ikinamatay ni Tito?
GINANG: Lung Cancer. Medyo malala na nang malaman naming kaya hindi na naagapan.
ESTUDYANTE: Ayan, sigarilyo kasi nang sigarilyo. Alam na nga niyang makakasama sa kaniya, hindi pa
tumigil.
GINANG (Bahagyang natigilan): Oo nga. Hindi kasi siya nakikinig sa akin. Nanliligaw pa lang siya sa akin dati,
sinabi ko na iyan sa kaniya.
ESTUDYANTE: Ganiyan po talaga, sa huli ang pagsisisi. Bantayan ninyo iyong iba ninyong mga anak, ha?
Baka may sumunod pa.
GINANG: ( Hindi umimik)
ESTUDYANTE: Sige po, mauna na kami. Pakisabi na lang p okay Claire na napadaan kami. Ang labo kasi
niyang kausap, sinabi na naming ngayon kami pupunta, ngayon pa siya nag-asikaso ng mga death certificate.
Gudlak na lang po sa libing.
Halimbawang kakayahang diskorsal
1. Ikaw ang host ng isang palatuntunan sa inyong paaralan. IKa-9 ng umaga pa lamang ay nakapagsimula
na kayo dapat pero dahil ang panauhing pandangal ay naipit sa trapiko, ika-10 nang umaga ay hindi pa
kayo nakapagsimula. Nakikita mong nainiip na ang mgatao. Ang iba ay nakasimangot na at nababasa mo
sa kanilang bibig na may sinasabi nasilang hindi maganda sa tagal nang paghihintay. Ano ang gagawin
mo upang mapayapa sila?

Halimbawa ng Kakayahang Istratedyik

Kailangang alam ng tagapagbalita kung paano niya itutuloy ang pagsasabi ng impormasyon tungkol sa ipinapakilala
niyang balita nang hindi nahahalata na bigla pala siyang nawalan ng dapat sabihin. Maaari din naman siyang
magsabi ng mga ligtas na pahayag, gaya ng “ Panoorin natin ang report”. sa halip na magsalita pa nang magsalita
ngunit nag-iimbento na lamang ng mga impormasyon o kung hindi niya kilala ang reporter na mag-uulat ng balita.

You might also like