Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CASH INCENTIVE PROGRAM NG CSU, APROBADO NA NG BOARD OF REGENT

Isa nang ganap na polisiya ng Cagayan State University (CSU) ang cash incentive
program proposal ni Student Regent Julius Malamug Catulin matapos itong aprubahan
ng Board of Regents (BOR) nitong katatapos na pagpupulong sa CSU_Andrews
Conference Hall noong ika-dalawamput dalawa ng Pebrero taong kasalukuyan.

Pinalitan ng nasabing programa ang dati’y schorlarship na ibinibigay ng unibersidad sa


mga pliling estudyante na nangunguna sa iba’t-ibang larangan o mas kilala bilang University-
Based Scholarship Discount na dulot narin ng R.A 10931 o Universal Access to Free Higher
Education Law sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Sa ilalim ng polisiyang ito, ang mga estudyante ng CSU ay makatatanggap ng iba`t


ibang insentibo. Ang mga nagtapos sa senior high school na nakakuha ng pinakamataas na
marka o with highest honor ay makakatanggap 2,000 pesos, 1,000 pesos para sa with high
honors at 500 pesos naman para sa with honors bilang entrance incentive sa unang semestre
lamang.

Kaugnay nito, ang mga nangunguna sa iba`t ibang kurso o ang mga tinatawag na
president's listers na may general weighted average na 94.01% pataas ay makakatanggap ng
2,000 pesos bilang academic excellence incentive at 1,000 pesos naman para sa mga dean's
listers na may general average na 90-94%.

Kabilang rin dito ang mga medalists sa National SCUAA na may 2,000 pesos bilang
athletics incentives,1,500 pesos para sa mga participants sa National SCUAA, 1,000 pesos
para sa mga medalists sa Regional SCUAA at 500 pesos naman para sa mga participants sa
Regional SCUAA. Kasali rin dito ang mga student journalists kung saan 2,000 pesos para sa
Editor-in-Chief at 1,500 pesos naman para sa mga aktibong miyembro ng editorial board.

Sakop din ng programa ang pagbibigay insentibo sa mga student leaders kung saan
2,000 pesos ay nagsisislbing Student Government officer’s Incentive para sa USG President,
Vice President, Senators at CSG Governors. 1,000 pesos naman nag matatanggap ng mga
CSG Vice Governors, Congressmen & College SG Mayors. At hindi rin mahuhuli sa listahan
ang mga estudyanteng PWD o may kapansanan na makatatanggap naman ng 1,000 pesos
kada semestre. Ang mga nasabing insentibo ay makukuha sa Office of the Student Welfare and
Development (OSDW).

Layunin nitong matulungan at bigyan ng insentibo ang mga estudyanteng nagsisikap sa


kanilang pag-aaral at para makapagbigay inspirasyon sa lahat ng CSUans.

You might also like