Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSULAT NG EDITORYAL (PANGULONG TUDLING)

Ang editoryal ay isang akdang nagbibigay ng kuru-kuro o opinyon ng patnugutan sa napapanahong isyu. Maaari itong
magpabatid, magpakahulugan, bumatikos, tumuligsa o humikayat sa mambabasa na pumanig sa prinsipyo nito, Sa
madaling sabi, ito ay nakaiimpluwensya at humuhulma ng pampublikong opinyon.
Mga Bahagi ng Editoryal
1. Pamagat (Title/Headline)-Maikli ngunit dapat nakapupukaw sa atensiyon ng mambabasa at may kaugnayan sa
paksang tinatalakay sa akda.
2. Simula (Lead)-Nilalaman nito ang News peg--isang maikling pahayag tungkol sa isang balita na pinagbatayan ng
editoryal o napapanahong isyu na binigyang puna.
3. Katawan-Pinapalawig rito ang usaping napililing talakayin. Binubuo ng mga argumeto tungkol sa panig ng patnugot na
sinusuportahan ng mga ebidensya at iba pang impormasyon hinggil sa paksa.
4. Konklusyon/Wakas- Naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan, tagubilin, mungkahi o direksyon na maaaring payo,
hamon o simpleng buod ng akda. Ito ay dapat na may kaugnayan sa simula.
TANDAAN:
1. Gumamit ng matibay at makatarungang pangangatwiran. Gawing maikli lamang ang akda at kung kakayanin ay hindi
hihigit sa anim na talata.
2. Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon. Huwag itong susulatin sa unang panauhan gaya ng
panghalip na ako sa halip ay gumamit ng ikatlong panauhan gaya ng kami o tayo. Bagaman kadalasan iisa lang
sumusulat ng editoryal, kumakatawan ito sa buong patnugutan.
3. Magbigay ng mahahalaga at totoong detalye kaugnay sa paksa upang maging mas kapani-paniwala ang iyong
opinyon. Hangga’t maasri, magbigay ng mga estadistika.

PAGSULAT NG KOLUM
Ang kolum-editorial ay isang pitak na naglalaman ng kuru- kuro, ideya, opinion at paninindigan ng manunudling o
kolumnista tungkol sa isa o higit pang paksa. Ito ay sariling opinion lamang ng may-akda at hindi ng buong patnugutan o
pahayagan.
TANDAAN:
1. May sariling pamagat o headline.
2. Nagpapakita ng matibay at makatarungang katwiran o argumento.
3. Binubuo ng panimula (makatawag pansin), katawan (naglalaman ng mga katwiran o argumento na
sinusuportahan ng mahahalaga at totoong detalye) at wakas (konektado sa simula).
4. Hindi hihigit sa anim na talata.

PAKSA (editorial o kolum): PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA, MABUTI O MASAMA?

PAGSULAT NG BALITA
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa
lamang.Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin

Tandaan:
* Huwag maging paligoy-ligoy
* Huwag gumamit ng matatalinghangang salita
* Huwag na huwag maglalagay ng sariling opinion
* Isulat ang pawang katotohanan lamang
* Siguraduhing ang balitang isusulat ay walang kinikilingan ( No Bias )
*Isulat sa paraang inverted pyramid (mauna sa pinakamahalagang pangyayari patungo sa hindi gaanong mahalaga)

Gumawa ng balita gamit ang mga sumusunod na detalye:


-Nagsimula ang sunog dakong 6:25 ng umaga sa isang grocery stall sa Lower Bicutan Public Market. Sinasabing sa
stall na nabanggit ay may mga nakaimbak na paputok, ito ay ayon sa ulat.
-Nangyari ang sunog kahapon ng umaga.
-Apat katao ang nasugatab, kabilang na dito ang dalawang bumbero.
-Hindi binanggit sa ulat ang nagmamay-ari sa nasunod na stall.
-Aabot sa 15 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.
-Ang sunog ay naganap sa palengke ng Taguig City.
-Nakilala ang mga nasugatan. Sila ay sina Dennis Ajon,23 taong gulang; Ricky Mislang 26 naman; Nena Sagano, 58
taon at Cocoy Dimala 48 taong gulang.
-Sa teorya ng mga pulisya posibleng dumikit sa kawad ng kuryente ang tinitindang paputok. Ito raw ang dahilan ng
pagsabog at pagkalat ng sunog sa mga katabing stall.
-Si Ajon at Mislang ay kapwa fire volunteers at si Segano at Dimala naman ay kapwa vendor.
-8:35 ng umaga, idineklarang fire out ang sunog.
-Edgar Valencia-Market administrator. Ayon sa kanya, ay 230 stalls sa palengke ang naapektuhan ng sunog.
PAGSULAT NG SCIENCE WRITING:
Science Article - isang uri ng article na ang paksa ay patungkol sa agham.
1. Science News-katulad ng news writing, ang science news ay isang uri ng balita na karaniwang nagpapahayag ng
pagkakatuklas o mga pangyayari sa mga bagay na may kinalaman sa siyensiya.
2+-. Science Editorial-sulating editoryal na naglalaman ng opinyon/pahayag/kuro-kuro ng manunulat tungkol sa isang
isyung pang-agham o argumentong may kinalaman dito.
3. Science Interpretative-kalimitang naglalaman ng mga paglalarawan, pagbibigay-depinisyon, o paglalahad ng mga facts
o ideya ng paksa.
4. Science Feature-katulad ng science news, ito rin ay isang paraan ng pagpapahayag ngunit sa mas malikhaing paraan.
Inilalathala dito ang iba't-ibang mga pagkakatuklas o mga ideyang may kinalaman sa agham ngunit ginagamitan ang mga
ito ng mga mabubulaklak na salita.

PANUTO: Sumulat ng isang lathalain na may walo hanggang sampung talata gamit ang mgasumusunod na
datos.
Ilog Pasig, number one sa nagpaparumi sa karagatan
-Nangunguna ang Pasig River sa 19 na mga ilog sa bansa na nagpaparumi sa karagatan.Nagluluwa ito ng tone-
toneladang plastic na basura sa Manila Bay dahilan para magingpolluted ang dating malinis at hinahangaang lawa.
-Bukod sa Pasig River, nagluluwa rin nang maraming basurang plastic sa karagatan angmga ilog ng Tullahan,
Meycauayan, Pampanga at Libmanan.
-Ayon sa isang pag-aaral na nalathala sa Science Advance Journal, nasa 1,600 ilog sabuong mundo ang nagko-
contribute para ma-pollute ang karagatan. Ayon sa pag-aaral,80 percent ng mga ilog ay nagsusuka ng mga basurang
plastic na humahantong sa dagat. Kahit umano maliit ang ilog ay nakakapag-contribute ng mga basurang plastic.Walang
tigil sa paglalakbay ang mga basurang plastic na pawang humahantong sadagat..
-Ayon pa sa pag-aaral, ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000metriko tonelada ng plastic na
basura sa karagatan bawat taon. Ang Pasig River na may
habang 27 kilometro ay nakapaikot na parang ahas sa mataong Metro Manila.Maraming bayan at lungsod ang nasa
paligid ng Pasig River at ang mga ito ay nagko-contribute ng 63,000 tonelada ng basura bawat taon.
-Problema ang plastic na basura sa Metro Manila. Nararapat nang magkaroon nangpangmatagalang solusyon ang local
government units (LGUs) para mabawasan ang
paggamit ng plastic. Sa Quezon City, ipinatutupad ni Mayor Joy Belmonte ang pagbabawal sa paggamit ng single-used
plastic. Bawal ang plastic sa QC. Kamakailan,inilunsad ni Belmonte ang “trash to cashback” program kung saan lahat ng
recyclelablesna basura ay ipapalit ng pagkain at pera.

PAGSULAT NG LATHALAIN (FEATURE)


Ang LATHALAIN ay ay isang artikulong hindi lamang nagbibigay ng mga impormasyon kundi naglalahad ng kuwento
sa likod ng balita.
TIPS SA PAGSULAT NG LATHALAIN
1. Wag isulat ang pare-parehas na nating alam (nabasa, napanood, narinig )
2. Sa pare-parehas nating alam, paano mo nakikita ito sa bagong paraan para maging bago ang presentasyon
3. Iwasan ang big words (alaki, masarap, alaki etc.)
4. Paano makakapasok ang audience o readers sa sensibilities ng author o sa paningin ng sumulat.
5. Wag ng isulat ang napaglumaan na ng panahon: mga nanalo sa Int’l Beauty Contest, Pinoy
na nanalo sa mga contest sa abroad or lumikha ng pangalan sa ibang bansa dahil libo na ang article tungkol dito, unless may kinalaman ang
personality sa school, province, paper nyo orpersonal na nainterview
TANDAAN:
 Hindi ito balita, pero pwedeng hango sa balita
 Bumabagay sa hinihingi o katangian ng maglalathala
 Pagtatanghal ito ng isang kakaiba o pambihirang katangian ng paksa kung kaya itoIsusulat
 Makatotohanan at hindi gawa-gawa lamang.

PAKSA: GANITO SA BALAYANG HIGH SCHOOL…


EDITORIAL CARTOON

Editorial cartoon-ay isang cartoonist, batay sa kanyang opinion na nagbibigay mensahe at tumutukoy sa isang
particular na isyung panlipunano pampulitikal. Ito ay isang ilustrasyon na binubuo ng opinion ng isang tao ukol sa
isang isyu.
TANDAAN:
1. Gumamit ng simbolismo sa iyong larawang guhit.
2. Gumamit ng pagmamalabis o eksaherasyon sa iyong editorial cartoon.

PAKSA: PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA, MABUTI O MASAMA?

PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS


▪ Ang balitang palakasan (sport news) ay isang uri ng natatanging balita ukol sa iba’t
ibang uri ng laro na salig sa tuwirang balita subalit karaniwa’y nasusulat sa
pamaraang action story.
Katangian ng Balitang Pampalakasan
1. Sumasagot sa 5 W at sa H – Ano? (what), Sino? (who?), Saan? (where), Kailan?
(when?), Bakit? (why?), at Paano? (how?).
2. Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at
paglalaban.
3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na hindi kaagad
mauunawaan ng karaniwang mambabasa.
4. Gumagamit ng makulay na salita, maraming pang-uri, mahahabang pangungusap
na di ginagawa sa pagsulat ng tuwirang balita.
Pagsulat ng Balitang Pampalakasan / Isports

PANUTO
: Sumulat ng sports coverage batay sa mga tala sa ibaba:
Ano: UAAP Game
Saan:Araneta Coliseum
Kailan: Miyerkules
Sa pagitan ng: La Salle Green Archers at FEU Tamaraws
Iskor : 18-13, 39-35, 62-56, 75-73
Mga bayani ng laro:Nagpakitang gilas si Ricci Rivero ng La Salle na nagkaroon ng 20 puntos sa 9-of-15 shooting,idagdag pa ng apat na
assists at limang steals.Samantalang si Ben Mbala ay maryoong double-double na 18 puntos at 17 rebounds, si Jollo Go ang nagligtas sa
koponan sa pagshoot ng bola sahuling bahagi ng laro na nagbigay daan sa pakapanalo nila.
Interbyu kay Go:"Thankful lang ako sa mga teammates and coaches ko. Grabe ang confidence na binibigaynila. Every time, sinasabihan nila
ako na be confident lang."
Kondisyon ng panahon:mainit na hapon
Mga Manonood:Punumpuno ng mga naghihiyawang manonood ang court. Mayroon parehas na bilangna fans ang bawat koponan.
Mga kapana-panabik na bahagi ng laban:
First Half
– Dikit ang laban kung saan nagpapalitan ng lamang ang dalawang koponan. Natapos itosa 18-13 pabor sa Archers
Second Half
– Walang tulak kabigin sa pagitan ng Archers at Tamaraws.
Third Half
– Nagkaroon ang La Salle ng iskor na 60-49 sa natitirang oras na 1:51 dahil sa three-pointer na si Go. Pero nagtapos ang laro na naipakita ng
FEU ang kanilang lakas at gilas. Ang pinakatampok sa laro ay ang pagtatala ni Kenneth Tuffin ng limang magkasunod na puntos
upangmakapasok sa ika apat na quarter na maliit lamang ang nilamang na Archers sa 62-56 na puntos .
Huling dalawang minuto
– Dahil sa foul mula kay Tuffin, ginawa ni Rivero ang kanyang unang freethrow, ngunit nagulat ang isang paglabag sa free throw na may 2.2
segundo ang natitira, na nagbigaysa Tamaraws ng pagkakataong maitabla o kahit maipanalo ang laro.Sa kasamaang palad hindi talaga ito para
sa FEU, mh hindiito sinadya: Ang inbound pass ni RonDennison ay madaling nakita at naharang ni Andrei Caracut, na nag-dribbled out ng bola
habangnag-expire ang oras..
Mga Iskor
:DLSU 75 - Rivero R. 20, Mbala 18, Go 14, Rivero P. 8, Caracut 7, Santillan 3, Tratter 3, Montalbo 2,Gonzales 0, Paraiso 0.FEU 73 - Tuffin 14,
Cani 13, Dennison 10, Parker 9, Eboña 8. Escoto 7, Orizu 7, Iñigo 3, Ramirez 2,Stockton 0, Trinidad 0, Comboy 0.

You might also like