Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Bourgeoise

- unang itinawag sa mga nanirahan sa napapaderang bayan sa Medieval France


- umuokupa sa sosyo-ekonomikong posisyon
- Middle class
- Naging kilala sa kasaysayan dahil sa panahong medyebal na naging sentro ng
kalakalan at komersiyo sa gitna at kalakaran
Merkantilismo
- isang pambasang patakarang pang-ekonomiya na idinisensyo upang mapakinabangan
ang kalakalan ng isang bansa
Monarkiya sa England at France
- Nakontrol ng mga Capetian ang halos lahat ng Duchies (fiefs) sa France, sa
pamamagitan ng paglulunsad ng mga digmaan at pagwawagi laban sa England sa
sandaang taong digmaan (hundred years’ war)
- Itinatag ang monakiya France na tumagal ng 800 years.
- Ang England ay napagod sa pag laban sa monarkiya sa France
- Ang monarkiyang tudor ay bumuo ng isang dinastiya matapos mag wagi sa Digmaan ng
mga Rosas (War of Roses)
- War of Roses – paglalabanan ng dalawang pamilya para sa trono ng England.
- Tudor – ang naghahari sa panahon ng renaissance sa England.
- Matapos ang ika-10 siglo, si Hugh Capet ang namumuno sa France at ang matatag na
sistema noong panahon na ito ay ang piyudalismo.
- Si William II (isang duke) ang pinakamakapangyarihang Hari ng Capetian at ninais
niyang masakop ang England.
- Si Haring William I ng England (William the Conqueror, siya ang nagpakilala sa wika at
kultura ng french)
Mga pagbabagong nilikha ni William The Conqueror
- Si William the Conqueror ay ipinanganak noong 1028 sa Falaise Normandy [France] at
namatay noong setyembre 9, 1087 sa Rouen.
a. Duke ng Normandy - William II 1035
b. Hari ng England - William I 1066
c. Isa sa mga pinakadakilang sundalo at pinuno ng Middle Ages
d. Naging pinakamakapangyarihang maharlika sa France
e. Binago niya ang takbo ng kasaysayan ng England sa pamamagitan ng kaniyang
pagsakop sa bansang iyon.
- Kinilala siya sa isa sa makasaysayang digmaan (Battle of Hasting) 1066. Pagbago ni
William sa Sistema ng England.
- ¾ ng teritoryo ang ibinahagi sa mga speculator.
- Speculator – 5000 na taga sunod na nag mula sa Britanny at Flander.
- Maraming hindi sumaang ayon sa kanyang pamamahala. Kabilaang gulo ang
nangyayare sa mga nasasakupan.
- Magtayo ng panibagong kastillo upang maprotektahan ang kaniyang nanunungkulan.
Itinayo ang gusali na iyon sa pagitan ng Tower of London.
- Batas ng Saxon
- Nagkaroon ng seremonyas na pinangungunahan ng mga Obispo.
- Hustisya ng Hari
- Burukrasya (Bureaucracy) / Hierarchy
Mga kaganapan sa pagkamatay ni Haring William I
- Si William I ay inilibing sa Abbeye-aux-Hommes. Tulad ng ipinangako, ang Normandy ay
ipinagkaloob sa pinakamatanda niyang anak na si Robert habang ang pangangalaga sa
England ay ibinigay naman sa kaniyang pangalawang anak na si William.
- William Rufus – Pulang muka at buhok William II
- William II – ang nag balik ng kapayapaan sa England.
Henry I
- Si Henry I (1068-131; Disyembre 1, 1135), na kilalá rin bilang Henry Beauclerc, ay
naging Hari ng England mula 1100 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang ikaapat
na anak na lalaki ni William the Conqueror. Bilang Hari ng England (1100-1135),
pinalakas niya ang kapangyarihang ehekutibo ng korona o monarkiya at tulad ng
kaniyang ama, namuno rin siya sa Normandy (mula 1106).
- Napapatatag niya ang England
- Pinili niya ang sentralisadong pamahalaan.
- Pinalakas lalo ni Henry II ang monarkiya.
Henry II
- Ang ama niya ay isang konde at ag kaniyang ina ay si Matilda.
- Si Matilda ay anak ni Henry I.
- Si Matilda dapat ang mamumuno sa England ngunit inigaw ni Stephen.
- Taong 1152 si Henry II ay ipinakasal kay Eleanor ng Aquitaine(Ang tagapagmana ng
Kanlurang Europa).
- May kasunduan na naganap na kapag namatay na si Stephen si Henry II na ang hahalili
sa pamumuno sa England.
- Tinulungan siya ng kaniyang chancellor na si Thoman Becket upang mapaayos ang
kanilang sistemag panghukuman.
- ASSIZE ng CLARENDO (1166) – naglagay ng kasong pang kriminal at korte.
- Sa patuloy na pagbago ni Henry II sa England at patuloy na hindi pagkakantindihan nila
ng simbahan at maging ang mga anak niya ay hindi nagugustuhan ang kaniyang
panunukulan na nagging dahilan ng panibagong obligasyon muna sakanya.
Richard the Lionheart
- Ninais niyang labanan ang France na nagging resulta ng kaniyang pagkamatay.
- Unang hari sa anak ni Henry II.
- Pinayaman ang kanilang nasasakupan.
John Lackland
- Nakakabatang kapatid ni Richard the Lionheart
- Naging duke ng Normandy at nagging Hari ng England.
- Nagkaroon ng digmaan laban sa France sa Hari nato nasi Phillip II.
- Naisuko niya ang karamihan ng ari-arian kasama ang Normandy.
- MAGNA CARTA (1215) - Kasunduang pangkapayapaan).
- Taong 1214 ng Oktubre ay tinutulan ng mga taga Hilagang-Silangan Anglian at home
counties ang kaniyang panunungkulan.
- Sumiklab ang digmaang sibil noong Mayo 1215.
- Nakipagayos siya ang tinanggap ang kondiyon ng Mga Artikulo ng mga Baron.
- Ipapatupad ang batas ng ingles at piyudal.
Articles of the Baron
- Ipagbabawal ang pagkukuha ng espesyal na buwis hanggat walang permisyo ng mataas
na konseho at alagad ng simbahan natagapayo ng Hari.
- Hindi maaring ikulong ang mga taong hindi pa napapatunayan sa korte ang kanilang
kasalanan.
- Ang Mataas na Konseho ang sumusuri sa desisyon ng hari lalo sa buwis.
- Parlamento na binubuo ng house of lords at house common.
- House of Lords – Maharlika at Pari na maskilala sa tawag na mataas na kapulungan.
- House of Commons – Mangangalakal at kabalyero na kumatawan sa mababang
kapulungan.
Louis VIII ng France
- Sinakop ang England at ang batas ng baron ay pinaglaban si John na nagging resulta
ng kaniyang pagkapatay ngunit ang mga isyung ito ay naiwan.
- Sapagkakapaslang kay John ay nagging resulta ng pagkakaroon ng kapayapaan sa
England dahil pumasok sa trono ang kaniyang anak nasi Henry III at pag atras ni Louis
VIII.

Humanismo
- sila ang mga kilusang intelektuwal.
- ang humanismo ay pinasimulan ng sekular na iskolar o awator sa halip na mga klerikong
iskolar.
- malaking tulong ng mga humanismo sa mga constantinople, dahil sa mga dala nitong
manuskrito at tradisyon ng kaalamang greek.
- nagpapahayag ng pagbibigay ng lubos na pagpapahalaga sa tao sa halip na sa diyos.
- ngunit sa ibang kontemporaryong manunulat, hindi nagugustuhan ang pagiging
humanismo dahil ito ay lubos na naka sentro sa kanilang sarili at nawawala na ang
holistikongkalikasan ng indibidwal.
Francesco Petrarca (1304-1374)
- italian iskolar, makata, at humanista na ang mga tula na pinatutungkola laura. (si laura
ang kaniyang minamahal).
- canzoniere o song book (nagsasabi nakilala niya si laura sa simbahan ng sainte claire
sa avignon noong abril 6, 1327.
Giovanni Boccaccio
- italian at iskolar. (kilalang akda lalo na sa kwento ng decameron)
- ang decameron at kwento ng pitong batang babae at tatlong kabataang lalake na
nanuluyan sa villa sa labas ng florence upang makatakas sa black death na sumasalot
sa lungsod.
- ang mga kwento ay maaring erotika hanngang trahediya, may praktikal na jokes din at
aral ng buhay.
Coluccio Salutati (1331 – 1406)
- kilalang iskolar at humanista.
- siya ang timiyak na matatag ang kilusang humanimo sa sinisimulan ng petrarca.
- siya ang chancellor ng florence sinumulan niya ang humanismo sa aktibong buhay
pampolitika. (upang masigurado ang epekto nito sa henerasyon.
Gian Francesco Poggio Braciolini
- kilalang poggio bracciolini (1380 – 1459) , italian at calligrapher noong unang
renaissance.
- isa siya ng mga iskolar o humanismo na nakatulong na maibalik ang mga nakalimutang
kultura ng kalasikong latin.
- siya din ang nakaimbento ng (humanist script) or batay sa carolin minuscule. Bagong
sining ng paglilibag bilang parisan ng tipo ng pagsulat ng roman.
Baldassare Castiglione (1478 – 1529)
- italian courtier, diplomat at manunulat (the book of the courtier.)
- nakalagay dito ang papaging ideyal na courtier
- isa sa mga tema nito ay effortlessness o walang kahiraphirap (sprezzatura).

Larangan ng politika
a. Niccolò Machiavelli (1469-1527)
- isang politikong italian, pilosopo, at statesman, kalihim ng florentine republic
noong renaissance, na ang pinakasikat na likha ay ang The Prince.
- may pangkalahatang tema na upang matamo ng mga prinsipe ang kanilang mga
hinahangad tulad ng kadakilaan at pananatili sa kapangyarihan ay dapat na
ituring na makatuwiran kahit na ang paggamit ng pamamaraang imoral.
- pananaw niyang ito ay humihikayat sa mga lider na kontrolin ang kanilang
kapalaran, sukdulang sa ilang sitwasyon ay mangailangan ng pagbuo (o muling
pabubuo) ng mga ipatutupad na patakaran at kaayusan, kahit na ang desisyon at
proyekto ay kapalooban pa ng mga panganib, kinakailangang kasamaan
(necessary evil), at kawalan ng batas (lawlessness).
b. Francesco Guicciardini
- miyembro ng isa sa mga nangungunang pamilya ng florence.
- kasaysayan ng italya (history of italy), ay nagbigay sa kaniya ng reputasyon
bilang pinakadakilang historyador ng renaissance.
- gawa niya ukol sa kasaysayan at politika bago ang “kasaysayan ng italya” ay
isang hindi natapos na kasaysayan ng florence at isang komentaryo sa
pamahalaan ng lungsod. Sa mga gawang ito, ipinalalagay niya na ang
pinakamagandang anyo ng pamahalaan ay isang republika na pinamunuan ng
isang piling grupo ng marurunong na mamamayan.
Larangan ng literatura
a. Desiderius Erasmus (1466-1536)
- humanistang dutch noong renaissance.
- paring katoliko, kritiko ng lipunan, guro, at teologo.
- Prince of the humanists, at tinawag na the crowning glory of the christian
humanists.
- Gamit ang mga pamamaraang humanista sa pagbuo ng mga teksto, naghanda
siya ng mahahalagang bagong edisyong latin at greek ng bagong tipan na
nagpausbong sa katanungang naging maimpluwensiya sa repormasyong
protestante at counter-reformation ng katoliko.
b. François Rabelais,
- sagisag-panulat na alcofribas nasier (1494-1553) ay isang manunulat at paring
french.
- isang tanyag na manggagamot at humanista at may-akda ng komikong
gargantua and pantagruel.
- apat na nobelang bumubuo sa obrang ito ay nagpapakita ng komiko at satirikong
kuwento ng higanteng si gargantua at ng kaniyang anak na lalaking si
pantagruel, at iba’t ibang kasamahan na ang mga paglalakbay at
pakikipagsapalaran ay naging behikulo para sa panlilibak sa mga kabuktutan at
kakatwang paniniwala ng mga panahong iyon.
c. Thomas More
- isang abogadong ingles, pilosopo, awtor, statesman, at kilalang humanista ng
renaissance.
- isang tagapayo kay Henry VIII at lord high chancellor ng england mula oktubre
1529 hanggang mayo 16, 1532.
- Noong 1516 isinulat niya ang utopia, na patungkol sa sistemang pampolitika ng
isang kathang-isip na perpektong islang bansa.
- naging bantog sa paggamit ng salitang “utopia” sa pagtukoy sa isang perpektong
sistemang pampolitika kung saan namamayani ang katuwiran sa mga
patakarang ipinatutupad dito.
d. William Shakespeare (abril 26, 1564 [nabinyagan]-abril 23, 1616)
- isang makatang ingles, manunulat ng dula, at artista.
- itinuturing na pinakadakilang manunulat sa wikang ingles at ang
pinakamahalagang dramatista sa mundo.
- madalas na tinatawag na pambansang makata ng england,”ama ng english
drama”, at ang “bard ng avon” ang kaniyang mga gawa, kabilang ang mga
kolaborasyon niya sa ibang may- akda, ay binubuo ng humigit-kumulang sa 39
na dula, 154 na soneto, dalawang mahahabang pasalaysay na tula, at ilan pang
mga talata. Ang kaniyang mga dula ay isinalin sa bawat pangunahing wika at
itinatanghal nang mas madalas kaysa sa gawa ng ibang mga manunulat ng dula.
Larangan ng sining
a. Si Giotto di Bondone (1267-enero 8, 1337)
- karaniwang kilala bilang giotto, ay isang pintor at arkitektong mula sa florence.
- karaniwang ipinalalagay bilang una sa hanay ng mahuhusay na manlilikhang
sining ng italian renaissance.
- Iginuhit niya ang kaniyang mga likha mula sa buhay sa kaniyang kapaligiran, sa
halip na kopyahin ang estilo ng mga kilalang lumang larawan.
- fresco na kaniyang genre sa pagpipinta ay isang uri ng mural-isang pagpipinta na
ginagawa sa isang dingding.
- pinakadakilang ginawa niya ay ang dekorasyon ng scrovegni chapel sa padua,
na natapos noong 1305. Ang serye ng fresco na ito ay nagpapakita ng buhay ni
maria at ng buhay ni cristo.

b. Tiziano Vecellio (1488/1490-1576)


- kilala sa ingles bilang titian, ay isang pintor na italian at itinuturing na
pinakaimportanteng miyembro ng paaralang venetian noong ika- 16 na siglo.
- Kinikilala siya ng kaniyang mga kakontemporaryo bilang “the sun amidst small
stars.”
- Titian ay isa sa mga italian na maraming nalalaman pagdating sa pagpipinta.
- Sanay magpinta ng mga larawan ng mga tao, mga tanawin, at maging ng mga
paksang may kinalaman sa mitolohiya at relihiyon.
c. Leonardo da Vinci (1452-1519)
- sikat sa kaniyang mga obra maestra na Mona Lisa at ang huling hapunan (the
last supper).
- klasikong renaissance man, si da vinci ay hindi lamang isang pintor kundi isa ring
imbentor, siyentipiko, arkitekto, inhinyero, at iba pa.
d. Raphael (1483-1520)
- kilalá bilang ikatlo sa mga dakilang pintor ng italian renaissance.
- obra ay nakaimpluwensiya nang malaki kahit na sa kaniyang kapanahunan.

Larangan ng siyensiya at teknolohiya


a. Johannes Gutenberg (1400-1468)
- german na imbentor
- bumuo ng isang palimbagang movable type at ginamit ito upang mabuo ang isa
sa mga unang pangunahing aklat sa kanluran-ang forty-two-line bible.
- obra maestra ni Gutenberg na natapos nang hindi lalagpas noong 1455.

You might also like