Fil 315 Ang Paghahanda NG Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ANG PAGHAHANDA NG TALUMPATI”

Inihanda nina: Quilino, Audray


Carpentero, Christine Joy
Fullones, Christine Jade
Gacillos, Christine Joy
Delos Santos, Judy Ann

LAYUNIN:
1. Isa-isang natatalakay ang mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati.

ANG PAGPILI NG PAKSA

Katangiang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati:

1. Tumutugon sa layunin
2. Napapanahon

 TUMUTUGON SA LAYUNIN

Ang pagtatalumpati ay naisasagawa o naitatanghal dahil sa layunin ng pagtatalumpati gaya ng


mga sumusunod:

1.1 MAGTURO
 Layunin nito na ibigay ang wasto at nararapat na konsepto o kaisipan ukol sa isang paksa,
o pagbibigay ng wastong paraan upang makabuo ng isang bagay.

HALIMBAWA:

“Mga Dapat Gawin para Maiwasan ng Pag-atake sa Puso”

1.2 MAGPABATID
 Layunin nito na ibigay ang mga kaalaman o impormasyon ukol sa isang paksa.

HALIMBAWA:

“Ang may Kasalanan, Dapat Parusahan”

“Kahulugan at Kapakinabangan ng Panitikang Filipino”

1.3 MANGHIKAYAT
 Layuning umakit ng mga tagapakinig upang panigan o aniban sa kaniyang adhikain.
HALIMBAWA:

“Pagpapalaganap ng Pampaaralang Pamamahayag para sa Pambansang Pagkakaisa at Paggalang


sa Magkakaibang Kultura”

1.4 MANLIBANG
 Layunin nito na makapagbigay-aliw at maging kawili-wili sa mga tagapakinig.

HALIMBAWA:

“Paano Masasabing Programang Pilipino ang Pinapanood Mo?”

1.5 PUMURI
 Layunin nito na bigyan ng papuri o purihan tao/ahensyang nagbigay ng kaaya-ayang
karanasan sa tagapagsalita.

HALIMBAWA:

“Si Bonifacio: Ang Supremo ng Katipunan”

1.6 PUMUNA
 Layunin nito na ibigay ang mga maling kaganapan sa lipunang ginaganapan ng
tagapakinig.

HALIMBAWA:

“Ang Paglalakbay ni Maria, Ina ng Diyos...Ina ng Sambayanang Pilipino sa Mapaghamon at


Nagbabagong Lipunan”

1.7 BUMATIKOS
 Layunin nito na hikayatin ang madla na gumawa ng isang partikular na aksyon na pinili
ng mga nagsasalita.
 Binubuo nito ang tiwala ng madla.
 Sa pamamagitan ng pagtatag ng kredibilidad sa talumpati, mauunawaan ng madla na ang
tagapagsalita ay may integridad, may kakayahan, sensitibo sa relasyon at mahusay na
paghuhusga.

HALIMBAWA:

“Mensahe ng Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada mula sa Loob ng Piitan”


2. NAPAPANAHON
Ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang gaya
ng mga sumusunod:

A. Buwan ng Wika
B. Ang ika-100 Taon ng Kasarinlan

You might also like