Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FIL316

ANG PAGLALAKBAY, SANGKAP AT PAMATNUBAY NG BALITA


Inihanda nina:
Nombrehermoso, Ma. Edralyn
Gacillos, Christine Joy
Trilles, Kyla
Jose, Kimberlyn Rose
LAYUNIN:
 Matatamo ang mga Kaalaman sa mga hakbangin sa paglilimbag ng pahayagan kabatiran
sa ‘paglalakbay ng balita” mula sa pook na pinanggalingan hanggang sa mambabasa.
 Matutukoy ang mga sangkap ng Balita (Elements of News)
 Maibibigay ang mga Pamatnubay (The Lead) at ang Mga Uri ng Pamatnubay.

A. ANG PAGLALAKBAY NG BALITA


 The Journey of the News Story sa Ingles sa pamamagitan ng letter Press.
1. Ang Pangyayari (Isang palatuntunan, Paligsahan, atb.)
A. Pagsulat ng balita tungkol sa sinubaybayang pangyayari.
B. Pagdala ng kopya o Sipi sa patnugot ng balita.
1. Pagsulat ng pananda at tagubilin (printer's direction) sa kahista tungkol sa uri ng ulong balita
na nais gamitin.
2. Pagwawasto ng kopya o sipi at pag-uulo ng balita (copyreading and headline writing)
3. Pagdadala ng kopya sa palimbangan ng tagapangasiwang patnugot.
2. Sa Silid-kamahan (At the Composing Room)
A. Paglinotipya ng balita
B. Pagwawasto ng mga mali sa gali (proofreading)
C. Pagbubuo ng pahina at ng ulo ng balita
D. Pagkuha ng larawan ng pahina sa isang karton sa pamamagitan ng pagtubog ng buong pahina
sa tingga.
1.Pagpapainit at pag-aakma sa bilog na dram
2. Pagbubuhos ng tunay na tingga sa puwang sa pagitan ng ibabaw ng kartun at ng dram.
3.Sa Silid Limbagan (At the Printing Room)
A. Paglilimbag
B. Pamamahagi ng mga pahayagan sa mga mambabasa.
Ang mga paraang nabanggit ay sa letterpress printing lamang ginagamit.Iba ang mga paraan sa
offset printing at sa computer printing.

B.MGA SANGKAP NG BALITA (ELEMENTS OF NEWS)


Dapat ding mabatid ng reporter na sa pagkalap ng balita ay may mga kahalagahang dapat
taglayin ng balita upang ito'y makatawag-pansin at makaakit sa mambabasa. Nararapat itong
isaalang-alang sapagkat magsisilbing gabay ang mga ito sa pangangalap at pagsulat ng balita.
1.Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness) Kailangan ang pangyayari'y
kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal
nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.
Halimbawa: Kapanahunan/Napapanahon: Ang balita tungkol sa pinakabagong pandemya o
kalamidad na nangyari sa bansa. Halimbawa, "Pinakabagong bagyong tumama sa Pilipinas,
nagdulot ng malaking pinsala."
2. Kalapitan (Nearness or Proximity) - Higit na kinagigiliwan ng karaniwang mambabasa ang
mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook.
Ang kalapitan ay maaaring tumukoy rin sa kalapitang heograpiya (geographical nearness),
kaangkan (kinship), kapakanan (interest) atb.
Halimbawa: Kalapitan: Ang balita tungkol sa isang aksidente o krimen na nangyari sa inyong
lokal na komunidad. Halimbawa, "Sunog sa Barangay 123, isang pamilya ang nawalan ng
tahanan."
3. Katanyagan (Prominence) - Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at
nakatatawag pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mga
taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.
Halimbawa: Katanyagan: Ang balita tungkol sa mga kilalang personalidad, tulad ng mga artista,
politiko, o atleta. Halimbawa, "Manny Pacquiao, nag balikring matapos ang dalawang taong
pamamahinga."
3.Katanyagan (Prominence)- Kung ang paksa ng balita ay bantog, nakaaakit at nakakatawag
pansin. Maaaring ito’y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mga taong kilala o
dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing puok.
Halimbawa: Katanyagan: Ang balita tungkol sa mga kilalang personalidad, tulad ng mga artista,
politiko, o atleta. Halimbawa, "Manny Pacquiao, nagbalik-ring matapos ang dalawang taong
pamamahinga."
4. Tunggalian (Conflict or struggle)- Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban,
pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito’y maaaring pagtutunggali ng
katawang pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan;
tao laban sa kanyang sarili.
Halimbawa: Tunggalian: Ang balita tungkol sa mga kontrobersiya o mga hidwaan sa politika.
Halimbawa, "Pagtutol ng mga magsasaka sa bagong batas sa agrikultura, nagdulot ng
malawakang protesta."
5.Kahulugan o kalalabasan (Significance or Consequence)- kung ang isang pangyayari o bagay
ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatawag pansin, ano ang kahulugan o
kalalabasan kung ang kumunismo ay ating tatangkilikin?
Halimbawa: Kahulugan o kalalabasan: Ang balita na may mahalagang implikasyon o epekto sa
lipunan. Halimbawa, "Bagong batas sa edukasyon, magbibigay ng libreng kolehiyo sa lahat ng
Pilipino."
6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)- mga bagay na pambihirang mangyari gaya
ng isang lalaking napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang Nakita
niyang nasa loob siya ng ataol, siya’y namatay uli dahil sa takot.
7. Pagbabago (Change)- Ano man pagbabago, maging sap ag-unlad o sa pagsama ay
nakakatawag-pansin.
Halimbawa: Pagbabago: Ang balita tungkol sa mga malalaking pagbabago sa ating lipunan o
mundo. Halimbawa, "Pinakabagong teknolohiya sa AI, magbabago sa paraan ng ating
pamumuhay."
8. Pamukaw-Damdamin o kawilihan (Human Interest)- ito’y umaantig ng damdamin at
kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya’y paiyakin, patawarin, pagalitan, pahangain atb.
Halimbawa: Pamukaw Damdamin o Kawilihan: Ang balita na may kakayahang maantig ang
damdamin ng mga tao o magdulot ng interes. Halimbawa, "Kwento ng isang batang lansangan
na nagtagumpay sa buhay, nagbigay inspirasyon sa marami."
9. Romansa at pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)- Ang romansa ay hindi nauukol
sap ag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romans ni Hemingway at ng karagatan; mga
astronauts at ng kalawakan.
Halimbawa: Romansa at Pakikipagsapalaran: Ang balita tungkol sa mga love story o mga
kakaibang adventure. Halimbawa, "Pag-ibig sa gitna ng pandemya: isang health worker at
pasyente, nagkatagpo at nagmahalan." o "Unang Pilipino na umakyat sa Mount Everest,
ibinahagi ang kanyang kuwento."
10.Hayop (Animals) - Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.
11. Pangalan(Names) - Kung marami ang mga pangalan nailathala na sangkot sa balita,
dumarami rin ang mga mambabasa.
12.Drama (Drama)- Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap sa
pamamagitan ng dula ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya
ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.
12.Kasarian (Sex) - Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa,
pag-aasawa, pahihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawan din ang kasarian, halimbawa kung ang
isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae
gaya ni Gloria M. Arroyo.
13. Pag-únlad o Pagsulong (Progress or Advancement) - Magandang paksa ang mga ito sa balita.
14. Mga Bilang (Numbers) - Marami ang mahilig mag- basa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa
pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweep-stakes, vital statistics ng
dalaga, atb.

C. ANG PAMATNUBAY (THE LEAD)


1.Katuturan - Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay. Ito ang pinakamahalagang
bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa
dahil ito ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang
panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.
2.Katangian ng Isang Mabisang Pamatnubay
A.Ipinahahayag sa maikling pangungusap lamang ang buod ng balita.
B.Sinasagot kaagad ang gustong malaman ng mambabasa: Ano ang nangyari?
C.Sino ang mga nasasangkot? Saan naganap? Kailan? Bakit? Paano naganap?
D.Hinihikayat ang mambabasa na ipagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa.
Mga Uri ng Pamatnubay
A. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay (Conventional or Summary Lead) - Ito'y sumasagot
sa mga tanong Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
1.Pamatnubay na Sino (Who Lead) Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao o mga taong
nasasangkot sa balita ay tanyag at higit na prominente kaysa aktibidad o gawaing naganap.
Si Joey Lina Jr., IV CP ang nahirang na punong patnugot ng The New Horizons at katulong ng
patnugot ng Ang Bulalakaw mga pampaaralang pahayagan ng Mataas na Paaralang Osmefña.
Kabilang sa pamatnubay na Sino ang mga g juridical persons (considered persons for legal
purposes) gaya ng PNU, UP, WH0, RP, atb.
2. Pamatnubay na Ano ( What Lead) - Ang pangyayari, aktibidad o gawain na naganap o
magaganap ang itinatampok sapagkat higit na prominente ito kaysa sa tao o mga taong
nasasangkot sa balita.
ex. ang NSAT ay ibibigay ng BED sa lahat ng magsisipagtapos sa ika -24 ng buwang
kasalukuyan
3. Pamatnubay na Kailan (When Lead) - Ginagamit kung ang mga pangyayari naganap o
magaganap sa di-kinaugaliang oras kung ang oras o panahon ng kaganapan ay ang lalong
mahalaga. Kapaki- pakinabang gamitin kung ang itatampok ay ang huling araw ng itinakda
(deadline): kapistahan o holidays.
ex. Abril 16 ang huling araw ng pag bayad ng buwis BIR.
4. Pamatnubay na Saan (Where Lead) - Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o
magaganap sa hindi karaniwang pook.
ex. Sa pilipinas gaganapin ang susunod na palarong Olimpiyada.
5. Pamatnubay na Bakit (Why Lead) - Sanhi o dahilan ang itinatampok.
ex. Sapagkat hindi pinayagan ng kanyang mga magulang upang dumalo sa disco party, isang
labing-apat na taong gulang na babaeng mag-aaral ang uminom ng tabletang pampatulog na
naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
6. Pamatnubay na Paano (How Lead) - Pamamaraan ang itinatampok. kapag sabay na
itinatampok Sino at ang Ano, ang isang mapatnubay at timbang ang kahalagahan ng mga ito,
unang tinatampok “sino” sapagkat mas mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay o pangyayari.
ex. Nag kunwaring mga pari, limang lalaking naka suot abito ang naka pasok sa isang bangko at
ito’y sapilitang ninakawan.
B.) Panimulang Pambalarilang Pamatnubay - (Grammatical Beginning Lead)
Kahit na nakagawian nang simulan ang pamatnubay sa pinakatampok na pangyayari ay maaari
paring simulan ito sa ibang paraan kung naaangkop. May iba’t ibang kayariang pambalarila na
maaaring mag bigay ng pagbabago at lalong maging mabisa ang panimula. Ito’y ang paggamit
ng iba’t ibang uri ng sugnay na makapag-isa ay ang nagtataglay ng Sino at ng Ano at ang parirala
ay ang ginagamit na pang-uri.
Sugnay na Pasubali (Conditional Clause) - binubuo ng isang sugnay na di-makapag-isa na
nagsisimula sa alin man sa mga pangatnig na panubali tulad ng: kung, kapag, kundi, pagka, disin,
sakali, sana, atb.
Sugnay na paninsay (Concessive Clause) - binubuo ng isang sugnay na di-makapag-isa na
nagsisimula sa pangatnig na paninsay tulad ng: kahit na, bagaman, gayong, atb.
Sugnay na Patakda (Temporal Clause) - nagsasaad ng takdang panahon, binubuo ng sugnay na
di-makapag-isa na nagsisimula sa salitang: nang, habang, bago, simula nang at samantala.
Sugnay na Pangngalan (Noun Clause) - binubuo ng sugnay na di-makapag-isa na ginagamitan ng
simuno o tuwirang layon.
Na dinagsaan ng mga manonood ang pagtatanghal ng "Malakas at Maganda" sa PNU
Auditorium ay pinatunayan ng maraming araw na pagpapalabas nito.
6) Pariralang Pawatas (Infinitive Phrase) - nagsisimula sa pawatas (nasa anyong pandiwa ngunit
walang panahunan) na banghay sa um at mag.
Ang tumulong sa mga batang mamamahayag ang pangunahing layunin ni G. Teodoro (Doroy)
Valencia, isang tanyag na mamamahayag at kolumnista, kayat ang Teodoro Valencia Foundation
ay nagbibigay ng iskolarship sa mga nagwawagi sa pambansang paligsahan sa pamamahayag
(NSPC).
7) Pariralang Pandiwari (Participial Phrase) - nagsisimula sa pandiwari (pandiwang ginagamit na
pang-uri).
Handang-handang agawin ang korona, kayat ang mga manlalarong basketball ng Paaralang
Osmeña ay araw-araw na nag-iinsayo para sa nalalapit na sagupaan.
8.Pariralang Pang-ukol (Prepositional Phrase) -nagsisimula sa pang-ukol tulad ng: sa, ukol
sa,hinggil sa, tungkol sa, para sa atb.
- Para sa kapakanan ng mamamayang Pili-pino, sinikap ng pangulo ng kapisanan na ma-paunlad
ang kalagayang pangkabuhayan ng pamayanan.
9) Pariralang Pangngalang Diwa (Gerundial Phrase) - nagsimula sa pangngalang diwa
(pandiwang may unlaping pag-)
- Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay ang tanging layunin ng Punong Guro.
Pamatnubay ng Di-kombensiyonal o Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead) - Ito ay
ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang
Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay ang tanging layunin ng Punong Guro.
Pamatnubay ng Di-kombensiyonal o Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead) - Ito ay
ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang
madaling makatawag o makapukaw ng pansin kawilihan at pananabik. Hindi ito nagsasaad ng
buod kundi nagsisilbing panimula lamang. Hindi ginagamit ito sa tuwirang balita (straight news)
kundi sa balitang lathalain (news features).

You might also like