Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wayu: Isang magandang araw sa ating mga nag

gagandahang guro at punungguro. At syempre sa


nag-iisang gwapo at macho nating guro..

SABAY: Bigyan natin sila ng masigabong


palakpapakan.

Thea: Ngayong araw ay ating ipagdiriwang ang


World Teachers Day sa ating paaralan. Ito ay
ginaganap tuwing October 5 ng taon.

Wayu: Upang bigyang pugay at pagkilala sa


kanilang husay, talino, kasipagan at dedikasyon sa
kanilang propesyon.

Thea: Naririto po, ang mga bata na


maghahandog ng kani-kanilang presentasyon sa
kanilang mga guro.

Wayu: Para simulan, atin pong tunghayan ang


surprise presentation ng mga mag-aaral mula Kinder
para kay Ma’am Rhoda. Palakpakan po natin sila.

(Kinder presentation and gift giving)

Thea: Maraming Salamat mga kinder students na


sobrang cute.
Wayu: Ngayon naman po ating panoorin ang
presentation na magmumula sa Grade 1. Palakpakan
po natin sila.

(Grade 1 Presentation and gift giving)

Thea: Maraming salamat Grade 1. Ang susunod


naman po ay mga bata sa ikalawang baitang sila ay
magpapakita ng presentation para kay Ma’am Ivy.

(Grade 2 presentation and gift giving)

Wayu: Ang susunod naman po ay ang presentation


mula sa Grade 3. Palakpakan po natin sila.

(Grade 3 Presentation and gift giving)

Thea: Atin po namang saksihan ang special


number mula sa baitang apat. Palakpakan po natin
sila..

(Grade 4 presentation and gift giving)

Wayu: Maraming salamat grade 4. Ngayon naman


po ay isang presentasyon mula sa Grade 5. Syempre
para sa kanilang gurong maganda na si Ma’am
Girlie. Palakpakan po natin sila.
(Grade 5 presentation and and gift giving)

Thea: At syempre syempre magpapadaig ba


kaming ikaanim na baitang? Go go go Grade 6!!!

Wayu: Narito na po ang mga estudyante ng Grade 6


para handugan ng sayaw ang aming gwapo at
machong guro…Palakpakan nyo po kami…

(Grade 6 Presentation and gift giving)

Thea: At di naman po naming makakalimutan


ang ating canteen manager Ma’am Cynthia Sacluti.

Wayu: Maraming salamat po sa paghahanda ng


masasarap na pagkain. Amin pong hinahangaan ang
dedikasyon nyo upang sa araw-araw ay magkaron
kami ng masarap at masustansiyang merienda.
Kasabay ng pagtuturo ng TLE. Palakpakan po nating
lahat si Ma’am Cynthia F. Sacluti.

(Gift giving to Ma’am Cynthia)


Thea: At ngayon po ay maghahandog din po
kaming mga Supreme Elementary Learner
Government (SELG) at YES-O ng isang maikling
sayaw para sa ating mahal na punungguro Ma’am
Angeline Krizette Valderama.
(SELG dance and gift giving)

Wayu: Kaming mga SELG kasama ang mga


estudyante ng JAGSES, kami po ay taos pusong
nagpapasalamat sa inyo aming mga guro at
punungguro. Maraming maraming salamat po.
Bigyan po natin silang lahat ng isang masigabong
palakpakan.

(Palakpakan)

Thea: At dito na po nagtatapos ang aming


maikling programa. Salamat po sa inyo.

SABAY: Happy World Teacher’s Day!

You might also like