Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Schools Division of Misamis Oriental
District of Manticao
MANTICAO NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ikaapat Markahan
Ikalawang Semestre, T.A. 2022-2023

Pangalan: _______________________________ Seksyon: ________________ Iskor: __________

I. Tama-Mali. Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa pagsulat.
1. Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
2. May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat.
3. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling
kaalaman.
4. Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan.
5. Isa sa mga dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay upang maidokumento ang kasaysayan,
kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
II. Pagpupuno sa Kaisipan. Kumpletuhin ang mga kaisipan o pahayag na mababasa sa ibaba at piliin mula
sa kahon ang mga sagot.
A. Lakbay at Larawang Sanaysay

manlalakbay punto magtala larawan layunin


pokus kasanayan realisasyon interes isipin

1. Sumulat sa unang panauhang _______________ de-bista.


2. Magkaroon ng kaisipang _______________ sa halip na isang turista.
3. Gamitin ang _______________ sa pagsulat ng sanaysay.
4. Tukuyin ang _______________ ng susulating lakbay-sanaysay.
5. Ilahad ang mga _______________ o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
6. _______________ ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon
habang naglalakbay.
7. Ang paglalagay ng _______________ ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuuan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.
8. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa _______________ ng magbabasa o
titingin ang mga katitikang isusulat dito.
9. Kailangang maipakita sa kabuuan ang _______________ ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay.
10. _______________ ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang
ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

III. Enyumerasyon
A. Mga Uri ng Talumpati (batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig (4)
B. Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin (6)
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati (3)

IV. Pagpapaliwanag
A. Ipaliwanag ang kahalagahan ng akademikong pagsulat. (10 puntos)

Address: Pagawan, Manticao, Misamis Oriental


Telephone: (088) 881-0587 (PLDT)
E-mail: manticaonhs@gmail.com

You might also like