Ang Panukalang Proyekto HO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Panukalang Proyekto

 Ang panukalang proyekto ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective,
isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO), ang panukala ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o
samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano
at pagdidisenyo ng panukalang proyekto, kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalman, kasanayan at maging sapat na pagsasanay.
 Layunin nitong makatulong at makalikha ng positibong pagbabago sa isang komunidad o
samahan.

Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa
ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalng Proyeto - Bago simulan ang pagsulat ng isang panulang proyekto
ay kailangan munang tiyakin ang pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan ng proyekto. Sa
pamamagitan ng pagmamasid o obserbasyon maraming suliranin ang maaaring Makita sa paaralan,
pamayanan o kompanya.

b. Pagsulat ng Panukalang Proyekto – Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang proyekto ay


binubuo ito ng tatlong bahagi:

LAYUNIN- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinakaadhikain ng panukala. Ayon kina
Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E. – Specific, nakasaad
ang mga bagay na nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto. Immediate, nakasaad ang tiyak na
petsa kung kalian ito matatapos. Measurable, may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing
proyekto. Practical, nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin. Logical, nagsasaad ng paraan kung
paano makakmit ang proyekto. At ang panghuli ay ang Evaluable, masusukat kung paano makatutulong
ang proyekto. PLANO NG DAPAT GAWIN - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang
talaan ng mga gawain o plan of action. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasuno-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
gawain, kailangan din maging makatotohanan o realistic ang proyekto. At ang panghuli ay ang Badyet –
Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Isa sa
pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng
kakailanganing sa pagsasakatuparan ng layunin.

c. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito – nakasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espisipiko sa
tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto maaaring gamitin ang mga sumusunod:
➢ Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismo sa inilahad na
pangangangailangan.

➢ Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.


➢ Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.

➢ Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay
ang pangangailangan.

➢ Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.

➢ Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunodsunod ng mga gawaing isasagawa
para maisakatuparan ang proyekto. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa
ng proyekto.

➢ Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan ito rin ang
nagsisilbing konklusyon na kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto.

Activity:
Halimbawa ng panukalang Proyekto

You might also like