Professional Documents
Culture Documents
Di Materyal
Di Materyal
Di Materyal
• PAG-AASAWA
Ang mga Pilipinong Muslim ay may kultura na kung saan ang mapapang-asawa ng isang Muslim ay
magiging sang-ayon sa desisyon ng kanilang mga magulang, at hindi sa sarili nilang desisyon. Makikita ito
sa tradisyon ng Maranao (Gutoc, 2005). Ang isang Muslim ay ipinapakasal sa isang Muslim na nais ng
kanyang na pakasalan niya, mahal man niya o hindi. (Religious Research Centre, n.d.; Al-Sheha, n.d.). Ang
tawag dito sa Ingles ay arranged marriage. Isa pang tradisyon sa kasalang Muslim ay ang pagkakaroon ng
higit sa isang asawa.
Ang pag-aasawa sa mga Muslim ay importante sapagkat pinaniniwalaan nilang ito ang gusto ni Allah.
Para kay Allah, ang tahanan ay isang institusyong gawa ng na makatutulong sa pag-unlad ng bawat
miyembro ng pamilya. Ang lalaki ang nagsisilbing tagapagdesisyon sa pamilya at ang babae naman ay taga-
alaga sa kanilang magiging anak. Ngunit ang isang pamilya ay hindi lamang binubuo ng nanay, tatay, at
mga anak. Kasama rin dito ang lolo, lola, mga tito at tita, atbp. Sila ay nakatira sa magkakalapit na bahay
upang ang mga bata ay magkaroon ng magandang kapaligirang kalalakihan (Jaafar-Mohammad &
Lehmann, 2011). Ang pagpili ng magiging asawa ay hindi ganoon kadali sapagkat ang mga magulang ang
nagtatakda kung sino ang magiging asawa ng kanilang anak. Kadasalang pinipili ng mga magulang ay ang
anak ng kanilang kaibigan upang maging tiyak silang magkakaroon ng magandang buhay ang kanilang anak
(Zuberi, 2011).
• PAGPAPAKASAL
Ayon sa mga ilang residente ng barangay Damablac, Talayan, Maguindanao ang pagpapakasal o pag-
aasawa ay nagsisimula sa tinatawag na ligawan o panliligaw ito ay batay sa kasalukuyang nangyayari sa
nasabing lugar. Sa pamamagitan nito nagiging magkasintahan ang mga taong nag-iibigan at habang
tumatagal ang kanilang relasyon ay lalo nilang nakikilala ang bawat isa, kaya naman ang iba ay
nagpapakasal na sa kanilang mga kasintahan. Ngunit ayon naman sa isang residente ay hindi lahat ng
ikinakasal ay dumadaan pa sa matagal na pag-ibigan. Ang ibang magkasintahan nagtatanan na at minsan
ang babae ay buntis na kahit na ito ay hindi nakakasal. Ngunit ayon naman sa isang residente ang tamang
proseso ng pagpapakasalo pag-aasawa na trasdiyunal at naaayon sa turo ng Islam na kasalukuyang
sinusunod ng mga Maguindanaon sa bayan ng Talayan ay narito.
A. Kabpangengedung
Ang unang proseso ay tinatawag nilang "kabpangengedung" na ang ibig sabihin ay pupuntahan ng
mga magulang ng lalaki (Kamaman) at ibang kamag- anak na siyang magiging tagapagsalita. At kapag
dumating na sila sa bahay ng dalaga ay maguusap-usap na sila at magsasalita ang kasama nilang
tagapagsalita, sasabihin niya sa mga magulang ng dalaga ang kanilang pakay, at dito na nagsisimula
kombersasyon o ang kanilang pag-uusap. Magtatanong sila kung wala bang nagkakagusto o nag-alok ng
kasal sa dalaga dahil kung wala pa ay sasabihin nilang gusto ng kanilang anak na pakasalan ang dalaga. At
pagkatapos nilang maihayag ang kanilang pakay ay magsasalita na naman ang mga magulang ng babae.
Sasabihin nila na kung papayag ba sila o hindi. Kung papayag naman sila sa alok ng mga magulang ng binata
ay pag-uusapan na nila kung kailan at saan nila ito pag-uusapan muli. Ngunit ang ibang magulang sa
kababaihan ay magtatanong pa sila kung ano ba ang natapos ng binata at kung ano ba ang itsura nito
gwapo bai to o pangit. Ang mga katagang iyon ay minsan ay nagiging basihan din at minsan naman hindi.
Ito ay naka-depende sa mga napagkakasunduan ng mga magulang.
B. Kapanalangguni
Naglalagay sila ng mga pandala o dekorasyon sa tabi ng daan at ang iba ay naglalagay ng larawan o
tarpaulin ng magkasintahang ikakasal upang ipaalam sa karamihan ang magaganap na Salangguni. Ang
pangalawang pag-uusap ay tinatawag naman nilang "Kapanalangguni o Salangguni" na ang ibig sabihin ay
dito na pag-uusapan ang "Wata na tamok o Sunggudan" na ang ibig sabihin ay Dowry. Ang Sunggudan o
dowry ay nagkakahalaga ng Tatlumpu't libong (30,000) piso na ibinibigay ng kamaman kasabay narin dito
ang tinatawag nilang "Kawa" na ang ibig sabihin ay magbibigay pa ng pera na nagkakahalaga ng
labindalawang libong (12,000) piso ang Kamaman ngunit ibinabalik rin ng Kababayan ang tatlong libong
(3000) piso. At ang siyam na libong (9,000) piso na natira ay mahahati ng mga tito, tita at iba pang mga
taong malalapit sa dalaga.
Ang dowry naman ay hindi pwedeng bawasan at mapupunta lamang ito sa babaeng pakakasalan.
Pinag-uusapan din ang tinatawag na lgan o higaan at kailan sila bibili, mga gastusin at kung saan gaganapin
ang kasal at pagkatapos ng Salangguni ay magkakaroon na ng preperasyon ang mga pamilya ng ikakasal.
Ang kamag-anak at mga kaibigan ng lalaki ay tutulong ganun din sa babae mayroon ding preperasyon para
sa kasalan ang iba ay mangangahoy upang gawing panggatong at magamit sa kanilang pagluluto, ang iba
naman ay gagawa ng parang bahay upang doon nila ilalagay ang mga pagkaing lulutuin pa at kung
nakahanda na ang pera na pambili ng lgan o higaan ay agad na nakikipag-ugnayan ang Kamaman sa
Kababayan. At kapag napag-usapan na nila ito ay isasama nila ang dalaga sa pagbili ng higaan upang siya
ang mismo pipili ng kanyang nagugustuhan. Pagkatapos nilang bumili ng higaan ay dadalhin muna ito sa
bahay ng lalaki, at pag-uusapan muna kung kailan ito dadalhino ihahatid sa bahay ng dalaga. Ang pagdala
ng higaan ng ikakasal galing sa bahay ng binata papunta sa bahay ng dalaga ay tinatawag na "Sigkil sa lgan".
Sa pag hahatid nito ay may kasamang nagpapatugtog ng agong na kung saan may sumasayaw na minsan
ay dalawa o tatlong tao na may kakaibang kasuotan. Tinatawag itong "Pedsagayan" na may hawak na
parang espada at may nakalagay na malilit na mga talukap ng mga kabibi upang magkaroon ito ng tunog
habang sumasayaw.
• PANINIWALA SA PANGANGANAK
• PANINIWALA SA KAMATAYAN
Ipinagbabawal ang alak at lahat ng mga gamot na nakalalasing at nakalalango o katulad nito, kahiman
ito ay kinakain, iniinom, sinisinghot o kaya iniiniksyon.
Bawal sa kanila ang baboy o "meat". Para sa kanila, ang laman ng baboy ay hindi malinis para sa
katawan. Una sa lahat, naniniwala sila na ang pagkain na gawa sa baboy ay walang magandang madudulot
sa kanila, kundi iniimbita lang nila lalo ang kasamaan at kasakitan. Ayon sa siyensya, mataas ang kolesterol
na makukuha ng isang tao kung siya ay kumakain ng baboy. At dahil dito may tendensiya na siya ay
makakakuha ng sakit tulad na lamang ng diabetes.
Pinapahintulutan din sila ng kanilang Qur’an na kumain ng ganitong pagkain. At dahil nakasaad sa
Qo'ran ito, mas tumibay at lumakas ang kanilang paniwala na hindi kumain nito. Bukod rito, ayaw ng
muslim ang maduming pamamaraan ng pamumuhay ng mga baboy. At dahil ang mga kasakitan na
pwedeng madulot nito sa taong kumain.
• PANGGAMOT
Admin. (2020, August 12). Tribal burial traditions in Mindanao. PIME PHILIPPINES.
https://pimephilippines.wordpress.com/2003/11/01/burial-traditions-in-mindanao/
Maguindanaon People of the Philippines: History, culture and arts, customs and traditions
plains
A Cure of the Sick “bpagipat” in Dulawan, Cotabato (Philippines) on JSTOR. (n.d.). www.jstor.org.
https://www.jstor.org/stable/932618
Paper-in-
Fil101?fbclid=IwAR1C1u3UwJrxg_DsphE81geat7R3MVkD3mhL8GJ_PYQujFpkzr5Z5PVjB8k
https://islammessage.org/ph/article/13303/-Ang-Mga-Iba't-Ibang-Gawain-(o-Bagay)-na-Ipinagbabawal-
ng-Islam
https://muslimyumyum.weebly.com/paniniwala.html